Download App

Chapter 5: CHAPTER 5: MISSING YOU

MABIBIGAT ang bawat hakbang ni Celina patungo sa loob ng kanilang silid. Alam niyang naroon si Ashton, at kailangan niya itong harapin. Hindi siya makakapayag na basta na lang nitong putulin ang medical support ng kanyang ina. At kung muli siyang mabubogbog sa pagmamakaawa sa asawa'y titiisin niya, masuportahan lang ang may sakit na ina.

Madilim sa loob ng kanilang silid nang pumasok siya. Tanging ang table lamp sa tabi ng kanilang kama ang pinanggagalingan ng mumunting liwanag, na sapat na upang makita niya ang asawang nagpapakalango sa alak.

Dahan-dahan siyang naglakad palapit dito. Ang katahimikan nito'y lubos na nakakapagpakaba sa kanya, dahil hindi niya mabasa kung ano ang tumatakbo sa isipan nito ng mga sandaling iyon. Wala pa siyang nakukuhang maliwanag na sagot mula rito, tungkol sa pasya o bantang pagputol nito ng suporta sa pagpapagamot ng kanyang ina.

"Ehemmm..." Mahina siyang tumikhim para ipaalam dito ang kanyang prisensya. Ngunit nanatili lamang itong nakaupo sa couch at nakatanaw sa labas. Nakaharap ito sa glass wall ng kanilang silid at matamang pinagmamasdan ang madilim na hardin ng kanilang bahay. Nakatalikod ito sa gawi niya kaya hindi niya makita ang ekspirsyong naglalaro sa mukha nito.

"Ashton..." sambit niya sa pangalan nito nang tuluyan na siyang makalapit dito. Ngunit, muli ay wala pa rin itong binibitawang anumang salita.

Matapos punuin ng hangin ang dibdib ay agad siyang lumuhod sa harapan nito. Wala na rin naman siyang pride-matagal na niyang kinalimutan, alang-alang sa mga magulang.

"Ashton, pinapangako kong gagawin ko ang lahat ng gusto mo... huwag mo lang putulin ang financial support ng mommy ko sa ospital. Parang awa mo na... Nagmamakaawa ako sa 'yo... Please, Ashton?" 'Di na rin niya napigilan ang mga luha.

Hanggat maaari ay pinipigil niya ang mga iyon upang hindi isipin ng asawa niyang lalo siyang nagpapaawa. Ngunit hindi na niya kaya pang kimkimin ang lahat ng sama ng loob na tanging sa pag-iyak na lamang niya nagagawang ilabas.

"Hubad."

"A-ano?" nagtataka niyang tanong. Hindi niya mabatid kung tama ba ang narinig niyang sinabi nito, dahil ni hindi man lang nag-abala si Ashton na sulyapan siya nang magsalita ito.

"Ang sabi ko... hubad. Maghubad ka!" mariin nitong sagot. "Sabi mo, willing kang gawin ang lahat nang sasabihin ko, hindi ba?"

"A-ashton..."

"Naghihintay ako... and so your mom!" Muli nitong sinimsim ang lamang alak sa hawak na baso. And then he faced her blankly.

Ilang ulit na napakurap si Celina. Wala rin siyang karapatang mag-inarte sa mga oras na ito dahil dito nakasalalay ang buhay ng kanyang ina. Isa pa, hindi naman ito ang unang pagkakataon na makikita ni Ashton ang hubad niyang katawan. At hindi na rin naman ito ang unang pagkakataong gagamitin siya nito. Kaya naman, sinimulan na niyang maghubad.

Nanginginig ang kanyang mga kamay habang isa-isang tinatanggal ang bawat botones ng suot na blouse. Maya't maya rin ang ginagawa niyang pagsulyap sa asawa. Nagbabaka-sakaling magbabago ang isip nito sa pinapagawa sa kanya. Ngunit, mukhang wala itong balak.

Surrender means letting go. Sa pagkakataong ito'y kailangan niyang i-let go ang mga magulang. Kailangan niyang kalimutan ang lahat para sa kapakanan ng mga ito. Kailangan na muna niyang sukuan ang pagnanais na makita't makausap ang mga ito. Kahit pa para na rin niyang pinatay ang kanyang sarili sa gagawin.

Pikit-mata niyang tinanggal ang kahuli-hulihang saplot sa katawan. At pilit na pinipigilan ang mga luha na huwag nang pumatak.

"Good..." Ito lamang ang narinig niyang sinabi ni Ashton, bago siya nito sinunggaban ng halik sa mga labi.

Mapusok ang mga halik nito. Puno nang pagpaparusa. Maging ang mga kamay nito'y walang pag-iingat na humahagod sa kanyang balat. At hinahayaan lang niya ang asawa. Wala siyang ginagawang anumang pagpalag.

Marahas nitong nilaro-laro ang kanyang dibdib gamit ang isang kamay... pababa sa pagitan ng kanyang mga hita, habang abala sa paghalik sa kanyang mga labi. Naramdaman niya ang mainit nitong palad na humahagod sa kanyang hiyas. Kasunod ang mga daliri nitong naglulumikot doon na tila may hinahanap sa loob. Sa kabilang banda'y nasasarapan siya sa ginagawa nito. Ngunit mas nangingibabaw ang sakit at puot na nararamdaman niya, dahil sa isiping hindi niya gusto ang ginagawa nito.

Hindi na maitago ang tumitinding pagnanais ng lalaki na tuluyan siyang angkinin. Ngunit pakiramdam niya'y pinipigilan nito ang sarili.

Mayamaya pa'y marahas siya nitong itinulak palayo't mabilis na tumayo. Naiwan siyang nanginginig na nakahiga sa malamig na sahig, habang yakap ang sariling hubad na katawan.

"Aw! May masakit sa paa ko." Bahagya itong napangiwi at nasapo ang paa. Ngunit hindi maitatago ang sarkastiko nitong ngiti sa mga labi. "Parang... natapakan ko yata ang pride mo. Sorry, ah?" nakakalokong turan nito't bahagya pang ini-angat ang paa at iniharap sa kanya. "Tingnan mo nga kung durog na durog na. Ano? Kaya pa bang buuin?"

Muli itong tumawa nang malakas bago siya tuluyang tinalikuran.

Mariin na lang niyang naipikit ang mga mata at hindi na napigilan ang mapaiyak. Matindi ang paninikip ng kanyang dibdib na para bang sasabog na kung hindi siya iiyak. Tinakpan na lang din niya ng palad ang bibig upang hindi na makaabot pa sa pandinig ni Ashton ang kanyang paghikbi. Mas lalo lamang itong matutuwa na makita siya sa ganitong kalagayan.

Mommy, I'm so... so sorry. Miss na miss na po kita. Sobra... Impit na usal ni Celina. Parang dinudurog ang kanyang puso sa tuwing maiisip ang kanyang ina. Pakiramdam niya'y malapit na siyang mabaliw sa pag-aasam na makita ito't madamayan man lang sa pakikipaglaban nito sa sakit. Ngunit wala siyang pagpipilian sa ngayon. Kailangan niyang magsakripisyo para mailigtas ito. Wala siyang hindi gagawin para sa pinakamamahal na ina.

Mommy, I love you... I love you so much... I love you with all my heart... I love you more than anything else. I...I love you. Gustong-gusto na kitang makita. Mommy..."

Ang malalim na gabi na lang ang tanging saksi ng kanyang pagtangis.

"C-CELINA... Celina..." mahihinang bulong ni Clara. Hirap na hirap man ay pilit pa rin nitong tinatawag ang pangalan ng kanyang anak. Na para bang sa paulit-ulit na pagtawag nito'y lalabas sa kanyang harapan ang kaisa-isang anak.

"Honey, busy pa si Celina. Madalas siyang isama ng kanyang asawa sa ibang bansa kaya hindi ka pa niya madalaw dito. Pero araw-araw ka naman niyang kinukumusta..." pagtatahi ng dahilan ni Ronald.

"A-ang tagal na... Gustong-gusto ko na siyang makita..." At nagsimula na naman itong maiyak. Palagi na lang itong umiiyak sa tuwing maaalala ang anak. Ang tagal na rin kasi nang huli niya itong makita. Ilang buwan na ang lumipas. Maging sa kasal nito'y hindi niya nagawang makadalo.

"Clara... I'm sorry. I'm so sorry... Magpahinga ka na. Dadalawin ka rin niya pagbalik niya ng bansa. Nangako siya sa'kin. Hintayin mo lang, ha? Magpakatatag ka, Honey..." Maging si Ronald ay hindi na rin napigilan ang sariling mapaluha. Awang-awa na siya sa kalagayan ng asawa, at ganoon din sa kanyang anak na nagdurusa sa piling ng asawa.

Lihim niyang kinakastigo ang sarili dahil wala man lang siyang magawa para sa mga ito.

TWO MONTHS LATER

NAGING sunod-sunuran si Celina kay Ashton. Pinilit niyang huwag makagagawa ng anumang bagay na ikagagalit nito. Hindi naging madali ang dalawang buwan na iyon para sa kanya, ngunit hindi naman naging ganoon kahirap. Lalo pa't alam niyang ibinalik muli ni Ashton ang suporta sa pagpapagamot ng kanyang ina.

Gayunpaman, hindi pa rin maalis ang kanyang pag-aalala. Dahil ni hindi niya ito makumusta man lang. At lalong wala siyang balita kung nakaka-recover na nga ba ito sa sakit. Araw-araw, pinapatay siya ng mga isiping iyon dahil hindi siya pinapatahimik nang pagkabalisa. Kahit papaano man lang sana'y may kaunti siyang alam sa kalagayan nito at ng kanyang ama.

"Haaay..." Napabuntong-hininga na lamang siya bago tinungo ang hagdan pababa.

Nagpasya siyang tulungan ang matandang si Aling Martha sa pagdidilig nito ng mga halaman sa harden dahil bagot na bagot na talaga siya. Ilang buwan na nga ba siyang nakakulong sa mansyon na ito? At tila kay tagal ng bawat araw sa tuwing hihintayin niya itong lumipas nang walang ginagawa sa buong maghapon.

Maganda ang sikat ng araw ng umagang iyon. At gusto niyang makagawa man lang ng may kabuluhan.

"Nanay Martha, ako na po riyan..." Nginitian niya ang matanda at agad na kinuha ang hawak nitong hose.

"Naku, Hija! Huwag ka nang kumilos dito sa harden. Baka masugatan ka. Matinik ang mga rosas." Muling inagaw ng matanda ang hose sa kanya.

"Nanay Martha naman... Magdidilig lang po ako. Hindi ko naman sila hahawakan," natatawa niyang katwiran. Minsan talaga, ang matandang ito na lang ang nagbibigay ngiti sa kanyang mga labi. Kaya naman gustong-gusto niya itong kinukulit.

"E, baka mapagalitan ako ni Sir Ashton kapag nakitang pinagtatrabaho kita." Noon ay malaya nitong tinatawag ang alaga sa pangalan nito nang walang nakakabit na 'sir.' Kaya naman labis nitong ikinalungkot ang biglaang pagbabago ng ugali ni Ashton.

"Naku, Nanay Martha! Ni hindi nga po iyon nag-aalala sa tuwing binubugbog ako. Itong pagdidilig pa kaya ng mga halaman? O ang masugatan ako?" natatawa niyang pabiro sa matanda. Pero totoo naman. Kahit nga may sakit siya, hindi man lang niya nakitang nag-alala ang asawa para sa kanya. Ang mapagod pa kaya sa pagdidilig?

"Celina, anak..." Sandaling iniwan ng matanda ang ginagawa at seryoso siyang hinarap. Palagi rin nitong sinasabing anak na ang turing nito sa kanya. "Pagpasensyahan mo na lang si Ashton. Hindi naman siya ganyan noon. Napakabait na bata ng alaga ko na 'yan. Natatandaan ko pa nga noong bata pa siya... sa tuwing hindi siya makatulog sa gabi, lumilipat siya sa kuwarto ko't mahimbing ang tulog kapag nasa tabi ko. Kahit sa pagliligpit ng mga pinggan nakiki-agaw pa siya sa'kin."

Bigla siyang natigilan sa pagkukuwento ng matanda. Kitang-kita niya ang kislap sa mga mata nito habang sinasariwa ang mga alaalang iyon. Pansin niyang naging masaya nga ang bawat araw nito sa pag-aalaga kay Ashton noon, dahil sa mga ngiti sa labi nito.

"Hindi ko man maintindihan ang dahilan kung bakit naging ganito katigas ang puso niya. O kung bakit niya ginagawa ang mga bagay na ito sa 'yo. Pero, anak, nakikiusap ako... intindihin mo na lang si Ashton, ha? Tatagan mo lang ang loob mo. Malakas ang pakiramdam kong pakitang-tao lang ang mga ginagawa niya. Marahil may pinagdadaanan lamang siya na hindi niya magawang ibahagi sa iba. Ako na lamang ang humihingi ng pasensya sa lahat nang ginagawa niya sa 'yo, Celina," mahabang paliwanag nito. "Naniniwala akong magbabago din siya."

"Naniniwala rin po ako, Nanay Martha." Sinuklian niya ito nang ngiti. At ginagap ang mga kamay ng matanda. Wala siyang ni katiting na alam tungkol sa totoong pagkatao ni Ashton, ngunit pinaniniwalaan niya ang mga sinasabi ng matanda. At nais talaga niyang paniwalaang magbabago pa nga ang asawa, dahil hindi rin niya gustong habambuhay na lang sa ganitong sitwasyon.

"Maraming salamat kung gano'n..." Biglang naging maaliwalas ang mukha ng matanda.

"Ma'am Celina!"

Agaw pansin ng isang tinig mula sa kanilang likuran.

"Ma'am Celina, may delivery po para sa inyo," saad ng katulong na si Monica. Nagkukumahog itong lumapit sa kinaroroonan nila't ini-abot ang hawak na isang malaking kahon.

"Kanino raw galing?" Labis-labis ang pagtataka niya kung kanino ito galing dahil ngayon lamang ito nangyari.

Nagkibit lang ng balikat ang dalagang si Monica. Kaya naman agad niyang tinungo ang garden table upang doon buksan ang kahon.

Tumambad sa kanya ang isang maliit na note nang tanggalin niya ang takip niyon.

There's a business party that we need to attend to... Ready yourself. I'll fetch you by 7:00pm.

--Ashton

Matapos iyon ay sinipat niya ang laman ng kahon. Naroon ang isang pares ng black high heels, navy blue mini-dress, at maging ang maliit na purse na terno ng mga ito.

...to be continued


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login