Download App
The Great Autumn's Fall The Great Autumn's Fall original

The Great Autumn's Fall

Author: dralexuz

© WebNovel

Chapter 1: Prologue

"Autumn, para sayo." Napataas naman ang kilay ko sa pagharang ng lalaking ito sa dinadaanan ko. Isang maliit na kahon ng mamahaling tsokolate ang nakita kong hawak-hawak ng isang hindi naman kagwapuhang lalaki na aming kaharap. Tumingin ako sa mga kasama ko.

"Summer, alam mo na ang gagawin mo." Tumango na lang si Summer tanda na alam niya kung ano ang pinag-uutos ko.

"Teka!! 'Wag niyo muna itapon o sunugin. Parang awa mo na Binibining Autumn, kumain ka kahit kaunti lang." Pagmamakaawa ng weirdong lalaki at hinawakan ang balikat ko.

Biglang lumamig ang paligid. Naging yelo ang iniinom na inumin ni Frost, ang nag-iisang lalaki sa grupo.

"Frost. Itigil mo yan. Baka makita ka ng ating mga professor." nag-aalalang pahayag ni Bloom.

"Sino ka para hawakan si Autumn?!" Galit na galit na sigaw ni Frost habang pinipigilan nila Bloom at Summer. Takot naman na pumunta ang weirdong lalaki sa likuran ko.

Tiningnan ko si Frost sa kanyang mga mata. Nagtitigan kami ng ilang segundo bago unti-unting kumakalma ang kanyang paghinga. Isa lang yan sa mga kaya kong gawin ang pakalmahin ang isip at paghinga ng isang tao.

"Anong pangalan mo?" Tiningnan ko ng maigi ang lalaki. Nakasuot siya ng uniporme ng eskwelahang ito pero wala siyang suot na I.D.

" Hindi na mahalaga kung sino ako. Ang mahalaga kainin mo na ito para makaalis na ako, Binibining Autumn. Ayaw mo naman sigurong makita na magalit ulit ang kasama mo." Tusong ngiti ng lalaking weirdo. Tila ba naging ibang tao ang nasa harap namin ngayon. Nasisiguro kong may tinatago ang lalaking ito na hindi ko maipaliwanag.

"Makaka-asa ba ako na hindi ka na namin makikita pa kahit kailan sa loob ng paaralang ito?" Kung tuso ka mas tuso ako...

Lumiwanag ang mukha ng lalaki habang walang tigil ang kanyang pagtango. Napangiti naman ako sa kinikilos ng lalaking ito. Nasisiguro kong may nilagay na lason ang lalaking ito sa mga tsokolate.

"Wag mong kainin, Autumn." mahinang pakiusap ni Bloom.

Inalis ko muna ang suot kong manipis na gloves sa mga kamay ko. Parang nawalan ng dugo ang weirdong lalaki sa mukha pagkakita sa mga kamay ko.

"Wait... Autumn. Aalis na pala ak-" Agad kong hinawakan ang kamay ng lalaki na may hawak ng tsokolate.

Unti-unting natutuyo ang balat ng weirdo. Mabilis na nagiging matanda ang kanyang katawan.

"A..A..Autu..Autum..n" mga huling salita bago naging abo ang kanyang katawan. Napangisi naman ako sa nangyayari sa katawan niya.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Ako si Autumn... kagaya ng kahulugan ng pangalan ko unti-unting nalalagas ang mga buhay ng mga bagay at taong mahahawakan ko.

"Autumn is my name,

Welcome to my Deathly Game,

You're just a pawn and I'm the Queen,

Dethrone me, if you can win."

-----------


CREATORS' THOUGHTS
dralexuz dralexuz

Hello! Please support my first story in webnovel. Sorry for my grammatical errors and spellings. And hindi ko po mother tongue ang filipino.. so sana po maintindihan niyo. Bukas po ako sa mga advice and suggestion para maging maayos ang kalalabasan ng story. Again, sana suportahan niyo. Advance Thank you!!

-dralexuz

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login