Download App

Chapter 2: Loufnorths Academy

GAIA's POV

Another normal morning in unordinary Academy. Mga estudyanteng papasok pa lang, mga estudyanteng nag-uusap sa hallway, mga estudyanteng nag-aaway, at mga estudyanteng hindi ordinaryo.

Ang akademya ng Loufnorths ang may pinakamaraming estudyanteng malalakas. Ito ay ang akademya para lamang sa mga taong may abilidad.

Nahahati ang populasyon ng bansang Theós sa mga taong nakatira dito; ang mga ordinaryo at hindi ordinaryo. Ganoon na rin sa buong mundo.

Naniniwala silang isang regalo mula sa bathala ang kanilang abilidad, hindi nga lang lahat ang nakakakuha nito. Posibleng magkaroon ng abilidad ang isang bata kahit na ang mga magulang nito ay isang ordinaryo. At isa ako sa mga batang hindi pinalad na mabigyan ng abilidad, and I like it that way.

Pero heto ako ngayon papasok sa akademya kung saan naroon ang mga hindi ordinaryong tao.

Yakap yakap ko ang aking libro habang isinasawalang bahala ang mga tingin ng bawat estudyanteng nilalagpasan ko habang binabagtas ko ang hallway patungo sa magiging classroom ko.

"Is she new?"

"Oh a newbie! We should teach her a lesson!"

"Okay girls! You all know what to do."

Bumilis ang lakad ko dahil sa aking narinig, alam kong' ako ang pinag-uusapan ng mga ito. Dahil ramdam ko ang mga titig nila sa akin.

Ang plano kong' pag-iwas sa gulo ay napako dahil ilang saglit lamang ay nabalda na ako sa dingding, napadaing pa ako dahil sa lakas ng pwersa.

"Hey newbie! What tier are you in?"

Napakagat ako sa aking labi habang nakatingin sa babaeng nagsasalita sa harapan ko. Umiilaw ang mga mata nito ng kulay asul- ibig sabihin ay nasa Elite Tier ang babaeng ito.

"I-i don't have an ability..."

Nakayuko kong sagot dito, rinig ko pa ang singhapan ng mga estudyante sa paligid sa isinagot ko.

"Stop that bullshit newbie! Loufnorths Academy is for the unordinary people, kaya huwag ka nang magsinungaling diyan. Hmm maybe you're a freshman tier, c'mon show us your ability!"

Itinaas ko ang aking ulo at tiningnan ang babae. Nakangisi ito sa akin, ganoon na rin ang dalawang kasamahan pa nitong mga babae na nasa likuran nito.

"W-wala talaga akong abilidad..."

Nauutal ko pang sagot dito, tinaasan ako nito ng kilay at nahigit ko ang aking hininga ng maramdamang mas dumiin ako sa pader. So I conclude that her ability is a force.

"Di mo tala-"

"What's the commotion over there?!"

Nabaling ang atensiyon naming lahat sa babaeng may kulay abong buhok.

"Q-queen"

Sabay sabay na sambit nang mga estudyante na nakapaligid sa amin. At para bang may dadaang Diyos dahil nahawi ang nakapalibot na mga estudyante sa amin habang papunta ito sa direksiyon namin. At agad napunta ang paningin nito sa akin.

"Ikaw ba 'yung walang kwentang transferee?"

Naikuyom ko ang aking kamao sa sinabi nito. Hingang malalim Gaia...

"Uhm oo ako 'yung transferee."

Tinaasan ako nito ng kilay at tsaka naman nito binalingan ng tingin ang mga estudyanteng nakikiusyoso pa rin.

"Go back to your businesses!"

Isang sambit lang nito ay nagsialisan na ang mga estudyante, binalingan naman nito ang tatlong babaeng sumugod sa akin.

"Oh? Ano pang hinihintay niyo?"

Agad naman itong nagsi-alisan at ngayon ay kaming dalawa nalang ang magkaharap.

"Ikaw! Sumunod ka sa akin."

'Di na ako nito hinayaang makasagot kasi tumalikod na ito at nagsimulang maglakad, kaya wala akong nagawa at sumunod nalang.

Tahimik lang akong nakasunod sa kaniya, ganoon din naman ito. Hanggang sa huminto kami sa harap ng isang pintuan at may nakalagay sa gilid ng pader na 'Headmaster's Room'.

Pumasok ang babae sa loob at narinig kong may kinausap ito na kung sinong nasa loob. At ilang saglit lang ay pinapasok na ako 'nung babae.

Nakita ko roon ang isang lalaki na naka-upo sa swivel chair at seryosong nakatingin sa akin. Napatingin ako sa pangalan nito na nakaukit sa kahoy na nakapatong sa lamesa nito.

EZTOR KRAIG

HEADMASTER

"Take a seat Miss Moraitis, and Miss Lintor kindly accompany Miss Moraitis into her dorm room later."

Napakunot ang noo ko sa sinabi nito.

"D-dorm? S-sir pwede bang sa bahay ako uuwi? Malap-"

"No buts Miss Moraitis, that's one of the Academy's rule. Here's a handbook for you to familiarize the academy's rules and regulations."

Nanginginig kong inabot ang handbook mula sa kamay nito. Napalunok ako dahil sa klase ng tingin nito sa akin.

"That's for now, you two may go."

Dali dali ko namang inayos ang sarili ko at hinarap iyong babae na nakatayo lang malapit sa pintuan. Nauna na itong lumabas at nang papalabas na sana ako nang biglang magsalita si Headmaster.

"Aalahanin mo kung bakit ka narito Miss Moraitis. Huwag kang gagawa ng bagay na pagsisisihan mo na naman sa huli. You've done enough and you've ki-"

I shut the door before he can continue on what he's going to say. Not now.


CREATORS' THOUGHTS
Jennyoniichan Jennyoniichan

This story is inspired by 'UnOrdinary' which is a comic from Webtoon. But the plot of this story is rightfully mine.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login