Download App

Chapter 7: Midnight Phantom Cat

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Sinusuportahan ng Glory ang pagsasalita ng mga manlalaro sa laro. Sa kasalukuyan ay isang manlalaro lamang ang nagsasalita.

At dahil sa walang kahit na anong maririnig sa paligid bukod na lamang sa dahan-dahang pag wawagayway ng mga dahon sa hangin ay para bang nakapasok nga sa loob ng laro si Ye Xiu sa mga sandaling naisuot niya ang kaniyang headphones.

Hinulaan ni Ye Xiu na si Sleeping Moon ang sumisigaw. Natagpuan niya na ang lokasyon ng hidden BOSS Midnight Phantom Cat. Nagsulat si Ye Xiu ng "ha ha" at narinig niya ang boses ni Sleeping Moon: "Magsalita ka, bakit isinusulat mo pa?"

"Mayroon kasing natutulog kaya hindi pwede." Pagkatapos maisulat ni Ye Xiu ang mga katagang ito ay,naglabas siya ng isang sigarilyo mula sa kanyang bulsa. Inipit niya ito sa gilid ng kanyang labi at sabay na sinindihan

"Oh." Ipinahiwatig ni Sleeping Moon na naintindihan niya ito at sunod na sinabi: "Paano na ang iba?"

Nagsalita ang tatlong iba pang manlalaro at hindi mapigilang sabihin ni Sleeping Moon: "Ah, wala palang magandang babae sa ating lahat!"

Sa kalagitnaan ng pagtatawanan, nagsimulang lumakad ang grupo.

Ang Green Forest ay isang low-level eddungeon para magamay ng mga manlalaro ang laro. Gaano ba kahirap 'to?

Malinaw na hindi isang baguhan si Sleeping Moon. Siya ang nagbibigay ng utos sa buong paglalakbay at ang kanilang pagpatay sa mga halimaw sa paligid ay mainam at walang naging kahit na anong problema o sablay.

Pagkatapos utusan ni Ye Xiu si Lord Grim na magcast ng dalawang Heal, agad siyang ginamit ni Sleeping Moon bilang isang Priest at ginawa siyang purong taga-suporta ng team.

Sa katunayan, ang ganitong low-level dungeon ay hindi kailangan ng ganitong klase ng stratehiya, ngunit nasanay na dito si Sleeping Moon at makikita mo ang kaniyang husay sa stratehiyang ito sapamamagita ng pagbigay niya ng mga utos.

Walang humpay na maririnig mo ang sigawan at iyakan ng mga halimaw na namatay. Ang mga mahuhusay na galawan ni Ye Xiu ay nakatanggap ng walang humpay na papuri mula sa kaniyang mga kasamahan.Napatunganga si Ye Xiu. Kailan ang huling beses na nagpunta siya sa isang dungeon na may kasamang ibang manlalaro? Gaano katagal na ang mga sandaling huling naramdaman niya ang nararamdaman niya ngayon?

Habang nakikita niyang isa-isang namamatay ang mga halimaw, nagsimulang lumipad ang isipan ni Ye Xiu. Naaalala niya ito nang mabuti, ang paglalakbay sa Green Forest ay naging sanhi ng pag-alala niya sa mga nangyari sa nakaraang sampung taon na ang nakakalipas.

Sa mga panahong iyon ay kasa-kasama niya sa paglalaro ng Glory ang butihin niyang kaibigan. Naging marami ang plano mo, naging marami ang pangarap mo, at naging malaki rin ang ambisyon mo.

Pero sa isang hindi inaasahang aksidente lamang ay naglaho ang lahat ng iyon na para bang isang bula, at tanging ang sirang Myriad Manifestation Umbrella na ito na lamang ang natitira mong alaala.

"Talentado ka pa naman sa Glory, at isang pang matagumpay na talento…" Marahang pinindot ng mga kamay ni Ye Xiu ang keyboard at sa isang pindot lang ay nakapaglapat siya ng Heal sa katawan ni Sleeping Moon. Sa mga sandaling pinuri siya ni Sleeping Moon dahil dito ay matagal nang wala sa paglalaro ang isipan ni Ye Xiu.

"Okay, heto na ang Midnight Phantom Cat." Pagkatapos pumatay ng isang halimaw ni Sleeping Moon, narinig ni Ye Xiu ang tatlong salita na Midnight Phantom Cat at agad bumalik ang kanyang pag-iisip sa laro.

Hindi kailangang lumabas ang hidden Boss pag natapos ang dungeon.

Alinsunod sa payo ng system, isang pangyayari ang maaaring lumabas sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad. Sa pagkakataong iyon, doon lalabas ang Midnight Phantom Cat.

"Ang mga atake ng Midnight Phantom Cat ay maaring makapaglapat ng Cursed Debuff. Pero debuff na iyon ay hindi dapat katakutan."

"Ngunit mabilis ang hayop na iyon, kaya maaring matagalan ako para makuha ang aggro nito. Kayong lahat, suportahan niyo ako kaagad, magsama-sama lang kayo at huwag kayong mataranta." Agad na nakabuo ng isang taktika si Sleeping Moon.

Tinango ng lahat ang kanilang mga ulo at hindi nagsalita pa si Ye Xiu. Walang mali sa sinabi ng kanilang Party Leader.

"Wala pang inaanunsyo ang System. Mga kasama, maaaring tayo ang maging unang mga manlalaro sa ika-sampung server na makakapatay ng isang hidden BOSS!" Sabik na sinabi ni Sleeping Moon na nagpasigla sa lahat.

"Abante." Inutos ni Sleeping Moon at ang lima ay nagpatuloy sag pagabante. Tinakpan ng mga maitim na ulap ang araw na nagbalot ng kalungkutan sa Green Forest. Naririnig ang bawat hakbang ng lahat sa kagubatan. Walang nagsalita, at nilagay ng lahat ang lahat ng kanilang atensyon sa kanilang kapaligiran.

"Fallen Sun. Hindi mo kailangan tumingin sa langit. Hindi malalaglag mula diyan ang Midnight Phantom Cat." Biglang sabi ni Sleeping Moon. Ang Glory ay nasa first-person perspective.

Pinapakita ng screen ang pananaw ng isang tunay na tao. Sa sobrang detalyado nito ay kapag tumitingin sa langit, kailangan tumingala rin ng iyong karakter. Palaging nakikita ni Sleeping Moon na tumitingala ang lahat kaya hindi niya napigilan na sabihin ito.

"Ha ha ha." Tumawa ang lahat. Nakarinig bigla si Ye Xiu ng mabilis na kumakaluskos na ingay sa loob ng kagubatan. Ang ganitong uri ng ingay ay hindi mula sa paghakbang. Mula ito sa pagkaluskos sa pagitan ng isang katawan at mga dahon.

"Nandito na." Napansin ni Ye Xiu na matatagalan siya kung isusulat pa niya ang kaniyang babala, kaya marahan siyang sumigaw, kahit na mayroon pa ring nakaipit na sigarilyo sa kanyang bibig!

Samantala, marahang pinindot ng dalawang beses ang kanyang mga daliri at tumalon pabalik si Lord Grim at tumalikod sa loob lamang ng ilang sandali. Nahinuha na niya ang direksyon kung nasaan ang Midnight Phantom Cat.

Nakita ng lahat ang kilos ni Lord Grim at nalaman na itong kasama nila ang agad na nagbabala sa kanila sa napakahalagang sandaling ito.

"Umatras muna ang lahat." Sigaw ni Sleeping Moon ngunit siya ay hindi umatras. Gusto niya na siya ang unang maging target ng pag-atake ng Midnight Phantom Cat.

Pagkatapos umatras ng tatlo at tumayo sa tabi ni Lord Grim, nanatili silang malayo mula kay Sleeping Moon. Pinigilan nila ang kanilang hininga at tumitig, ngunit ang pagkaluskos na ingay ng Midnight Phantom Cat ay biglang huminto.

"Ano…" Nang sabihin ang miyembro na si Fallen Sun ang dalawang salitang ito, isang itim na anino ang lumabas ng may kasamang matinig na sigaw ng pusa. Ang unang atake ay talagang napunta kay Sleeping Moon.

"Ganda ng tayming!" Tumayo si Sleeping Moon ng walang bahid ng takot at inihanda ang kanyang espada. Ang Midnight Phantom Cat ay may maliit na katawan at mabilis itong gumalaw. Ang ganitong uri ng halimaw ay sinusubukan ang husay ng isang manlalaro.

Matagal ng natuklasan ni Ye Xiu ang galing ng apat na manlalaro. Hula niya na matatagalan sila sa pagkuha sa aggro ng Midnight Phantom Cat. Bahagyang nag-aalinlangan pa siya na maaring maagaw ng kanyang pagsuporta sa kanila ang kalaban. P

ero hindi ito magiging problema kung mangyari man ito.

Si Ye Xiu lang ay sapat na para harapin ang Midnight Phantom Cat.

Sa huli, lumabas ang kakayahan ni Sleeping Moon. Eksaktong-eksakto ang tayming ng kanyang espada at sumaksak siya habang papatalon ang Midnight Phantom Cat.

Idagdag pa na mabilis niyang nailagan ang atake ng Midnight Phantom Cat na naging sanhi kung bakit natipid ang Heal ng nakahandang si Lord Grim.

Kahit na hindi tumama ang atake ng Midnight Phantom Cat ay kaagad rin naman nitong sinundan ang kaniyang atake.

Tinalikod nito ang kanyang katawan at ginamit ang mga kuko nito. Agad tinayo ni Sleeping Moon ang kanyang espada upang harangan ito. "Dong!" Tumama ang espada sa kuko ng Pusa at napaatras ng kalahating hakbang si Sleeping Moon. Agad niyang itinaas ang kanyang espada at naghanda para muling umatake.

Napakaganda! Hindi napigilan ni Ye Xiu na puriin siya. Ginamit ni Sleeping Moon ang Blade Master na skill na Block na perpekto ang tayming. Maayos din ang kanyang pagsauli ng atake.

Kahit na mahusay siyang mamuno ay hindi niya inaasahang mahusay rin pala siya sa pakikipaglaban! Nagkamali nga ba siya sa kaniyang paghuhukom, at talaga nga bang mas magaling si Sleeping Moon kaysa sa kaniyang inaasahan?

Napatumba ni Sleeping Moon ang Midnight Phantom Cat at sinundan niya ang kaniyang atake ng isang saksak.

Pagkatapos, tinalunan niya ito at hiniwa ito pababa kasama ang isang maitim na lilang liwanag ng kaniyang espada.

Ang ginawa niyang ito ay nagdulot ng malakas na hiyawan sa lahat niyang mga kasamahan.

Hindi binigyan ni Sleeping Moon ang halimaw ng oras para makabawi at hiniwa niya ng dalawang beses ang kalaban. Matapos nito'y napasigaw siya: "Oras na para katayin natin 'to!"

Nakahanda na ang tatlong miyembro ng grupo. Kaagad nilang ginamit ang lahat nilang makakaya at pinakawalan ang mga skills na kanilang natutunan, dahil sa walang humpay na paglapat ng Heal ni Ye Xiu sa kanila ay madali nilang naipit ang Midnight Phantom Cat.

Tila napakaganda ng sitwasyon. Sunod-sunod na naririnig ng lahat ang iyak ng Midnight Phantom Cat. Dahil dito ay naging masaya ang lahat.

Dahil alam na ng tatlong baguhan mula sa pagpapaliwanag ni Sleeping Moon ang kahalagahan ng isang hidden BOSS. Sabik na sabik silang makita kung ano ang mahuhulog sa Midnight Phantom Cat. Ngunit iba ang iniisip ni Ye Xiu.

"Red Blood. Panatilihin ang paglalapat ng Heal." Mabilis na bumaba ang buhay ng Midnight Phantom Cat hanggang sa 10%. Tinawag itong Red Blood ng lahat ng manlalaro.

Maraming mga BOSS ang magkakaroon ng bagong pamamaraan sa pagaatake kapag ang kanilang Health ay bumaba sa Red Blood.

Isang dungeon lamang para sa mga baguhan ang Green Forest. Ang mga BOSS ay walang espesyal na abilidad, ngunit iba ang Midnight Phantom Cat dahil isa itong hidden BOSS. Hindi ito magiging isang hidden BOSS kung wala itong espesyal na mga abilidad.

Ngunit ang pagbabago ng Midnight Phantom Cat ay simple lamang. Ito ay magkakaroon ng Berserk Beff na nagpapataas sa Attack Speed at Damage na nailalapat nito. Dahil dito ay lumaki rin ang sakit sa ulo na inilalapat ng halimaw na ito sa mga taga-suporta ng isang team.

Sa tingin ni Ye Xiu. Hindi naman siguro mahihirapan si Sleeping Moon na patayin ang Midnight Phantom Cat. Pero sinong nag-akala na ipagpapatuloy pala ng taong iyon ang kaniyang pag-atake?

Idagdag pa na para bang hindi na niya ginagamit ang buo niyang lakas sa pagaatake sa Midnight Phantom Cat.

"Walang mana?" Tinignan ni Ye Xiu ang party panel. Malinaw na hindi ito ang problema. Kung ganoon ay ang biglang pagbabagong ito ay nagkukumpirma sa mga nauna niyang nahinuha. Sa mga sandaling magbibigay na sana ng babala si Ye Xiu, narinig niya na sumigaw si Sleeping Moon: "T*ngina! OT[1]!

--------

1 Off Tank – ang aggro ay nawawala sa Main Tank at napupunta sa ibang miyembro ng party.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C7
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login