Download App

Chapter 10: Walang-hiyang Baguhan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Anong nilaglag ng boss?" Habang naiingit, lumapit si Chen Guo para makita kung ano ang nalaglag sa Midnight Phantom Cat, "Limang Cat Fingernails, basura. Isang Cat Fur Breastplate, kung ako sayo susuotin ko nalang ito, hindi naman importante ang mga low-leveled na kagamitan. Dalawang Midnight Cat Nails, isang Midnight Cat Claw, at isang Midnight Opal. Okay, okay, hindi na masama. Siguradong malaki-laki rin ang halaga ng mga materyales na galing sa isang hidden BOSS. Isang skill book… P*ta, anong swerte'to?"

Kahit na isinigaw na ito ni Chen Guo, nabigla pa rin si Ye Xiu. Para maglaglag ng isang skill book ang isang low-level hidden BOSS, anong klaseng swerte ito?

Ano ang isang skill book? Hindi ito ginagamit para makakuha ng mga bagongskill. Nagbibigay ito ng skill points.

Makikita na kaagad ang halaga ng kagamitang iyon sa pangalan pa lamang nito na kulay orange, gamit ang mga skill book ay maari mong malagpasan ang hangganan sa skill points na 4000.

Dahil maaring matagpuan lamang ang mga skill books gamit ang swerte ay isa itong mahalagang bagay na hindi basta-basta mabibili sa pamilihan.

Naka-batay lang sa iyong swerte kung makukuha mo ba ito o hindi.

Ginamit din sa isang iglap ni Ye Xiu ang skill book na kakalaglag pa lamang. Sa mga materyales na nalaglag mula sa Midnight Phantom Cat, ang Dark Opal at ang Midnight Cat Nails ang mga kailangang materyales para makumpleto ang Myriad Manifestation Umbrella.

Naging maganda ang pakiramdam ni Ye Xiu, at hindi inaasahan ni Chen Guo na palalabasin ni Ye Xiu ang kaniyang Lord Grim sa dungeon.

"Hindi mo tatapusin?"

Nagugulantang na sabi ni Chen Guo. Kahit na si Lord Grim lang ang natitirang miyembro ng party, ang isang low-leveled dungeon na ito ay madali lamang na matapos kahit ikaw ay nag-iisa lamang.

Kahit na alam niya na baldado ang mga kamay ni Ye Xiu, hindi niya inisip na hindi ito magagawang tapusin ni Ye Xiu gamit ang sarili niyang husay at galing.

Para sa kay Ye Xiu na tinapos ang kaniyang kalaban na hindi niya nagawang talunin sa loob lamang ng halos apat-napung minuto ay malamang, hindi rin magiging mahirap sa kaniya na tapusin ang dungeon na ito.

"Lilipat lang ako ng kompyuter!" Handa na si Ye Xiu na umalis sa laro. Tinignan ni Chen Guo ang screen at agad hinarang ang kanyang kamay para pigilan siya: "Teka lang, anong nangyayari dito?"

Nakita niya ang napakaraming magkakatulad na mga mensahe sa chat window.

"Upang agawin at makuha ang hidden BOSS, hindi tinulungan ng walang-hiyang Lord Grim ang mga miyembro ng kanyang party at hinayaan silang mamatay. Mag-ingat ang lahat."

"Upang agawin at makuha ang hidden BOSS, hindi tinulungan ng walang-hiyang Lord Grim ang mga miyembro ng kanyang party at hinayaan silang mamatay. Mag-ingat ang lahat."

Kahit na hinaharangan ng laro ang mga salitang naglalahad ng galit at poot sa chat, ay hindi mo pa rin mapipigilan ang pagkamalikhain ng mga tao, dahil dito ay kumalat pa rin ang mga ganitong klase ng mensahe sa Chat.

Tinignan ito ni Ye Xiu at nakita na isa si Sleeping Moon sa mga taong nagkakalat sa mensaheng ito. Nakita niya rin ang iba pang miyembro ng party na sina Falling Sun at 'yung isang Mage. Dahil siya ang unang nakalabas, binaliktad niya kung ano ang tama at mali.

"Paano 'to nangyari?" Tanong ni Chen Guo kay Ye Xiu.

Wala ng nagawa si Ye Xiu kundi ipaliwanag ito sa kanya.

"P*ta! Mga walang-hiya! Napaka walang-hiya!" Galit na galit si Chen Guo nang marinig ang kwento.

"Oo, napakawalang-hiya talaga." Ang sabi ni Ye Xiu.

"Bakit hindi ka nagagalit?" Pagtataka ni Chen Guo.

"Galit na galit ako." Sabi ni Ye Xiu.

"Galit ka? Bakit parang hindi naman?" Nalito si Chen Guo. Hindi nagbago ang itsura ni Ye Xiu habang nakatitig sa screen at tinitignan ang napakaraming pamimintang at pagmumura sa kanya.

"Hindi porket galit ako ay kailangan ko na 'tong ipakita." Sa totoo lang ay hindi mukhang galit si Ye Xiu. Nakangiti pa nga siya. Habang sinasabi ito, umalis siya sa laro at pinatay ang kompyuter, para mapuntahan ang Smoking Area.

"Anong klaseng tao ka ba?Lumingon lang ako tapos ang dami nang nangyari. Nakahanap ka ng isang hidden BOSS, may napulot kang skill book, at nagkaroon ka na ng mga kaaway. Bukas ng umaga titignan ko kung buhay ka pa." Sabi ni Chen Guo.

"Bukas nalang ulit boss!"

Nagpahinga na si Chen Guo habang pumunta naman si Ye Xiu sa Smoking Area. Katulad ng inaasahan, isang makapal na usok ang sumalubong sa kanya.

Hindi kinaya ng sistemang nakapaligid sa loob ng kwarto na tanggalin ang mga usok na ito, ang tanging nagagawa na lamang nito ay pigilang makapasok ang usok sa mga lugar na bawal manigarilyo.

Walang paki ang mga naninigarilyo dito tungkol sa second-hand smoking. Sumindi rin si Ye Xiu ng isang sigarilyo at nakiisa sa dagat ng usok. Habang sinusuri ang lugar, nakita niyang mas maraming tao dito kaysa sa non-smoking area.

Sa pagpupuyat, kaunti lang ang nakakagawa nito kapang hindi sila tinutulungan ng paninigarilyo.

Buti nalang ay sumasapat ang lawak at laki ng Internet Cafe.

Tumalikod si Ye Xiu at nakakita ng isang bukas na kompyuter. Nang hindi pinag-iisipan, pinuntahan niya ito at saka umupo. Maituturing na medyo high-class ang Happy Internet Cafe.

Mayrong maliit na dingding sa pagitan ng bawat kompyuter para protektahan ang privacy ng bawat manlalaro. Pero kahit na wala iyon ay mayroong suot na headphones naman ang lahat at nakatuon ang kanilang atensyon sa Glory. Walang pumapansin sa mga nangyayari sa kanilang paligid.

Muling pumasok sa laro si Ye Xiu at isinuot ang kanyang headphones.

Nakaupo pa rin sa labas ng Green Forest si Lord Grim. Kahit na punong-punong ng tao ang lugar, hindi naman sumusobra ang ingay sa paligid na wala na siyang maririnig na iba pa. Ang lugar na ito ay walang pinagkaiba sa isang palengke.

Tinignan ni Ye Xiu ang chat box at nakita na wala na ang mga mensahe tungkol kay Lord Grim. Posible na malaman kung nag-offline na ang isang karakter sa pamamagitan ng isang game function.

Isang beterano si Sleeping Moon kaya pamilyar na siya sa ganitong mga pamamaraan. Pagkatapos mag-offline ni Lord Grim, tumigil na siya sa pagkakalat ng mensahe.

Tanging mga manlalaro lang na higit sa level 20 ang maaaring umalis sa beginner area. Sa oras na mangyari iyon, magbubukas na ang PK Function ng Glory. Bago mangyari iyon ay ang mga manlalarong hindi pa level 20 ay maaari lamang magturuan at magsigawan.

Pero talagang lubhang masama ang ginawa ni Sleeping Moon kay Ye Xiu.

Sa mga sandaling lumitaw ang pangalan ni Lord Grim sa First Hidden BOSS Kill announcement, nakilala na siya ng lahat. Naalala ng mga tao ang pagbibintang na ginawa ni Sleeping Moon kay Lord Grim. Pero kahit na alam nila na maaring hindi iyon totoo ay hindi pa rin nila tinanggap si Lord Grim sa kanilang grupo.

Napatawa nalang si Ye Xiu. Nang bumuo siya ng party, totoong ang hidden BOSS lang ang dahilan kung bakit papasok siya sa dungeon.

Iyong mga materyales ang mga kailangan niya, at ngayong wala na siyang nakakasama ay mas lalong bibilis ang kaniyang Leveling Speed.

Sa Glory ay kapag mas mababa ang dami ng mga manlalarong kasama mo ay mas lalong lalaki ang dami ng Experience na matatanggap mo.

Pero syempre, kailangan mo rin ng mga kasamahan para maging epektibo at hindi ganoon maging katagal ang pagtapos sa isang dungeon, at dahil dito ay mas mainam pa rin na magkaroon ng mga kasamahan.

Pero ibahin mo si Lord Grim na mayroong Silver Weapon, ang kaibahan ng Level 5 na Myriad Manifestation Umbrella kaysa sa mga armas ng mga manlalaro sa kasalukuyang estado ng bagong server ay umaabot sa apat na antas.

Ang ibig sabihin ay kung ikukumpara, ang kasalukuyang Myriad Manifestation Umbrella ay maituturing na isang Level 20 Blue o Level 25 na Green Equipment.

Dahil sa kalakasang ito na maituturing na madaya ay matatawag na mayroong pinagsamang lakas si Lord Grim ng halos tatlo o apat na tao, at idagdag pa na sa husay at lakas ni Lord Grim, sa totoo lang may maaring mas maging mabilis pa siya kaysa sa isang kumpletong grupo napapasok at tatapos sa isang dungeon.

Nagsimulang maglakad si Lord Grim, handa nang pumasok sa dungeon. Ngunit pagkatapos ng ilang hakbang lamang ay isang manlalaro ang biglang humarang sa kanyang daan. Nilingon ni Ye Xiu ang manlalarong iyon, at nakita si Sleeping Moon. Para mahanap siya ni Sleeping Moon sa kalagitnaan ng napakaraming tao sa paligid ay malamang, matalas at malinaw nga ang mga mata ng taong 'to.

"Hello, hello." Inangat ni Ye Xiu ang kanyang headphones upang subukan kung naririnig ba ng lahat ang kaniyanag mga sinasabi.

"Anong hello, hello?!!" Walang ipinakitang respeto si Sleeping Moon.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C10
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login