Download App
The Wedding Prophecy (Tagalog) The Wedding Prophecy (Tagalog) original

The Wedding Prophecy (Tagalog)

Author: ZigOBee

© WebNovel

Chapter 1: Kabanata 1 - A piece of cake

Pagsuot ni Marco ng kanyang leather jacket ay kasabay din iyon ng paghampas niya sa mukha ng isa sa kanyang mga kasamahan. Mag-aalas kuatro na pero hanggang ngayon ay ang sarap pa rin ng kanilang mga tulog. Kaya naman imbes na kulitin pa ang mga ito ay nagpasya nalang siyang magpatuloy na sa kanyang pupuntahan. Ayaw din naman niyang mahuli mamaya sa kanyang trabaho at baka kung ano na namang marinig niya sa kanyang manager.

Isang buntung-hininga ang kanyang pinawalan paglabas niya palang sa gusali ng kanilang apartment. Lalo na nang makita niya ang tatlong kalalakihan na agad na napatayo sa kanilang kinauupuan. Dali-daling lumapit ang mga ito sa kanya at kasabay niyon ay ang mas mabilis pa sa alas-kuatrong pagbukas niya ng kanyang bag. Agad na nirekisa ng isang lalaki ang laman niyon habang ang isa naman ay panay ang pagkapkap sa kanya. Nang masigurado na ng mga ito na wala siyang dalang kahina-hinala ay agad siyang binitawan ng mga ito. At mabilis pa sa alas-kuatrong inihagis pabalik sa kanya ang kanyang bag.

Napailing siya. Halos araw-araw na ang pangyayaring iyon sa kanyang buhay pero hindi niya matukoy kung bakit hindi pa rin maalis ang kanyang inis sa mga lalaking iyon. Kung maaari lang sana niyang paghahampasin ang mga ito tulad ng kanyang mga kasamahan ay ginawa niya na. Pero dahil sa ayaw niya ng madagdagan ang kanyang kaso ay hindi nalang niya pinapansin ang pagiging sanggano ng mga ito.

Matapos ang mahaba-habang paglalakad ay nakarating na rin sila sa Gogo's Cake and Pastry Shop. Agad siyang napangiti pagtapat niya palang doon lalo na nang mapukol ang kanyang tingin sa bagong cake na naka-display sa dessert display stand.

It was a caramel cake. Her favorite.

Dahil sa tuwa ay agad siyang naglakad patungo sa loob niyon ngunit bago pa man niya maibukas ang pinto ay bahagya siyang natigil. Muntik niya nang makalimutan na kailangan pa pala niya ng permiso ng kanyang mga bodyguards bago siya pumasok sa loob - bagay na sobra niyang kinaiinisan sa kanila.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka gagawa ng katarantaduhan dyan dahil kung hindi ay sisipain ka talaga namin pabalik sa matres na pinanggalingan mo," anas ng isang bodyguard na siyang nagngangalang TJ - ang lider ng mga iyon.

Nagsalita ang isa. "Wag na wag mong kakalimutan na nasa tamang edad ka na. Pwede ka ng makulong at hindi na makakagawa pa ng paraan ang iyong ama para hindi mangyari 'yun," anito at pagkuwan ay napamulsa. "Kung bakit ba kasi hindi nalang ikaw ang namatay? Iyan tuloy ay ginawan mo pa kami ng trabaho,"

Matapos sabihin iyon ay agad na nagtawanan ang tatlong kalalakihan. Habang siya naman ay napailing nalang sa sinabi nilang iyon. Sa katunayan ay sanay na sanay na siya. Bagamat ginagawa na siyang katawa-tawa ng mga ito sa pang-araw-araw na pagkikita nila pero nagmimistula nalang na balewala ang ginagawa ng mga ito para sa kanya.

If he needs to survive in this life, he must play by the rules.

Napatikhim siya bago nagsalita. "Kung sakali mang may patayin ako sa loob, sobrang katangahan niyo naman kung hindi niyo makikita ang gagawin ko," aniya na agad nilang ikinahinto. "Ibig sabihin lang no'n ay hindi niyo ginagawa ng tama ang mga trabaho niyo at kailangang kayo ang ibaon sa hukay," Nakangisi niyang sambit na bahagya nilang ikinalunok.

"Pwede bang wag kang magsalita ng ganyan?" Maya-maya'y kunot-noong sambit ng kanilang lider. "Hindi magandang biro 'yan. Saka mas mabuti pa siguro kung pumasok ka na bago ka pa namin pabalikin do'n sa apartment mo at hindi palabasin ng isang linggo," Pagalit nitong anas sabay tulak sa kanya.

Napailing siya. "Papayag din naman pala kayo, ang tagal niyo pang magdesisyon," Huli niyang sambit at pagkuwan ay tuluyan na ring pumasok sa loob.

Matapos ang eksenang iyon ay agad na napahagalpak si Marco sa kanyang kaloob-looban. Kung para sa tatlong kalalakihan na iyon ay hindi biro ang kanyang mga sinabi. Pero para sa kanya naman ay labis pa iyon sa nararamdaman niyang tuwa dahil kahit papano ay nakabawi siya sa kanila.

Pagpasok niya palang sa loob ng shop na iyon ay agad na napangiti sa kanya ang cashier. Hindi naglaon ay lumabas ito mula sa counter at pagkuwan ay tinungo ang dessert display stand kung saan ay doon nakapukol ang kanyang tingin mula pa nang pagdating niya. Kung tutuusin ay hindi naman niya paborito ang cake at hindi rin siya kumakain niyon. Pero nakasisigurado siya na kapag nandito lang si Yella ay tiyak na hindi lang isang kaputol ang titikman nito. Di bale na sigurong matamaan siya ng diabetes wag lang mawala sa kanyang panlasa ang tamis ng caramel cake.

"Binu-bully ka na naman ba 'nong tatlo mong kasamahan?" Maya-maya'y tanong ng cashier habang kumukuha ng isang slice ng cake sa dessert display stand. "Araw-araw nalang ba?"

Napailing siya. "Parang hindi ka na nasanay," aniya sabay baling sa tatlo na panay ang tawanan sa labas. "Kailan ba 'ko nakapasok dito na hindi man lang humihingi ng permiso sa kanila? At kailan ba 'ko bumili rito na hindi nila 'ko ginawang katawa-tawa?" He shook his head.

Bahagyang natawa cashier. Pero hindi na nito pinasegundahan pa ang kanyang mga sinabi. Sa isip-isip niya ay iisa lang naman ang tinatakbo ng utak nito. At sigurado siya na tungkol lang naman iyon sa ginawa niyang katarantaduhan labinlimang taon na ang nakakalipas - bagay na alam niyang hindi palalagpasin at hindi makakalimutan ng kahit sino man.

"Wag mo na ring kakalimutan 'yung kape at dalawang coffee flavored candies," aniya ng ilagay na nito ang kanyang order sa kahon. "Hindi mabubuo ang araw ko kapag kulang ang naibigay ko sa kanya,"

"Ano ka ba?" Kunot-noong anas nito. "Wag kang mag-alala dahil kabisado ko na ang order mo tuwing umaga. Kung pumayag ka lang kasi na ihanda ko na ang mga ito bago ka pa man dumating dito ng 4:00 ay tiyak na kanina ka pa nakaalis. Ikaw lang kasi ang may ayaw," sambit nito na hindi man lang tumitingin sa kanya.

He took a deep breath. "Maabala pa kita, di bale nalang," aniya. "Saka mas mabuti na 'yung ganito para maigalaw-galaw mo 'yang katawan mo kahit papano. At least, malayo-layo ka sa pagtaba," Maya-maya'y pagbibiro niya na bahagyang ikinatawa ng huli.

"O siya, bago ka magbiro, bayaran mo muna lahat ng mga inorder mo para hindi kita ipadampot," sambit nito sabay lapag ng resibo sa counter sa kanyang harapan. "That'll be 250 pesos,"

Matapos sabihin ng cashier ang presyo ng kanyang mga inorder ay agad niyang hinugot ang kanyang wallet at pagkuwan ay naglabas ng pera. Ngunit kasabay naman niyon ay ang panay na pag-ikot ng kanyang sikmura sa pagkakataong iyon. Tiyak kasi na sa paglabas niya ay sunod-sunod na mga nakakasakit na salita na naman ang kanyang pagtitiisang pakinggan mula sa tatlong unggoy sa labas.

Mahirap mang tanggapin ngunit wala naman siyang magawa.


CREATORS' THOUGHTS
ZigOBee ZigOBee

Hey! I am revising this chapter after a year. So, bear with me.

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C1
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login