Download App

Chapter 2: Moon

'Anong libro to? Napakaluma na at...hindi ko maintindihan.' Binuklat niya ito ng binuklat ang mga pahina. She trace every letters written in the page and something prick her index finger. Tiningnan niya ang nasugat na daliri, she hissed. Sinipsip nito ang dugo.

Tumingin ulit siya sa libro at napatakan pala nito ang libro. Nakakapagtaka lang dahil wala namang matulis na bagay dito. Isa lamang papel pero parang may karayom na nakasugat sa kanya.

Hinawakan niya ulit ito at biglang lumiwanag ang bawat letra. Walang nabago rito pero nagulat nalang siya nang naiintindihan na nito ang nilalaman pero sa salitang hindi maiintindihan ng nino man.

"The Triple Moon Symbol"

Ito ang simbolo ng tatlong uri ng buwan.

New moon o waxing moon

Full moon

And waning moon.

Magkakadikit ito at may nakasulat na chant. Binigkas niya ang salita ng dahan-dahan.

"Goddess my shield, my encircler.

Each day, each night, each dark, each light.

In my lying, in my standing,

In my watching in my sleeping.

Goddess in my strength everlasting."

And something white smoke enter her breathing. She gasp for air, hindi na ito nakahinga at napahawak sa lamesa, bumagsak ang katawan nito s semento and loose consciousness.

============

Nagising si Dianne sa isang kwarto hindi ito pamilyar. Naglakbay ang mga mata sa kabuoan ng kwarto. Malinis ito may lampara sa gilid na kama at nakapatong sa lamesa. Mukhang lumang gamit ang nasa loob at may pumasok na babae sa kwarto. Nagtaka siya sa kasuotan ng babae, makaluma kumpara.sa damit niang lace top at jeans.

Kumunot ang noo niyang nagtataka.

"Gising ka na pala Luna." She smiled at me.

Ano daw? Tinawag akong Luna? Nagkakamali ata siya. Hindi Luna ang pangalan ko. Gusto kong sabihin sa kanya.

Nakatingin lang siya sa babae at hindi siya makabigkas ng ano mang salita. Anong nangyayari sakin? Parang hindi ko maramdaman ang katawan ko. Pakiramdam ko'y nag iinit ang mukha ko at nagpapawis.

Biglang bumukas ang pintuan. Kumalabog ito sa pwersa ng taong pumasok, isang malaking lalaki at nanlilisik ang mga mata sa galit.

"Ama!" Nagulat ang babaeng pumasok kanina tinawag niya itong ama. Akmang susugod sa akin ang lalaki. At pumagitna ang babae para salubungin ito.

"Umalis ka sa harapan ko Maria!" Dumagundong ang boses nito sa buong kwarto dahilan upang mapatayo ako sa kama. It sent shivers into my nerves and it seems to kill everything.

"Huwag! Huwag ang anak ko!" Humagulgol na turan ni Maria.

Ano? Anak niya ako?

Hinablot ako ng lalaki at itinali ang mga kamay sa aking likod. Itinalukbong sa ulo ko ang itim na tela para itakip sa uli ko. Pilit kong pumiglas. Ngunit kulang ang lakas ko.

Sunod kong naramdaman ang malakas na palo sa aking tagiliran at inulit sa batok dahilan upang mawalan ng ulirat ngunit naririnig ko parin ang hagulgol ni Maria.

============

Napakainit.

Hindi ako makahinga.

Gusto kong igalaw ang mga kamay ko ngunit nakatali ito sa matigas na bagay.

Unti-unti akong nagmulat ng mata.

Nanlaki ang mga mata ko ano ito!

Apoy!

Nasa impyerno na ba ako?

Napapaligiran ako ng apoy. Ikinurap ko ang mga mata ngunit apoy parin ang nakikita ko. May naaninag akong nakatayo't hawak nila sa magkabilang braso si Maria na umiiyak at naka tingin sakin ang kanyang ama.

Humahagulgol ako at humihingi ng tulong.

Nagsisigaw ko.

"Ano bang kaylangan niyo sakin! Bakit niyo ako susunugin!" Sigaw ko sa pagitan ng mga hikbi.

"Ang anak mo. Hindi niya kaylangang mabuhay sa mundo!" Nagulat ako.Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Anak?

Hindi ko siya maintindihan bakit kaylangan niya akong patayin. Aning klase siyang lolo kung ina ko nga si Maria at ama niya ito. Bakit?

Bumaba ang tingin ko sa aking tiyan at nagulat sa nakita sa malaking umbok ng aking tiyan. Buntis ako? Pero papano?

At naramdaman kong umiinit ang na sa paanan ko. Nasusunog na ang laylayan ng damit ko at sunod kong nakita'y tumalikod na sila't iniwan ako. Sumigaw lang ako ng sumigaw hanggang mawalan na ako ng hangin at at nagdilim ang mga paningin.

"Dianne!"

May tumatawag sa akin.

"Dianne wake up!"

"Dianne!" At nagmulat na ako ng mata habol ang hiningang pawis na pawis.

"Are you alright?" Mark asked in worry eyes.

"Yeah" habol hiningang turan ko.

"That's a horrible nightmare."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login