Download App

Chapter 123: Si Elise

Maaga silang nakarating sa resort.

Doon na sila nagkita kita.

Kasama ni Eunice ang Mommy nyang si Nicole at ang bunsong kaptid ni Kate na si Khim at pamangkin nitong si Karla.

Ang ipinagtataka ni Kate bakit wala ang Mommy nya.

"Tita Ninang, asan po si Mommy?"

Nagulat si Nicole ng madinig ang tawag sa kanya ni Kate. Naluha ito at inakap ang pamangkin.

Nung una silang magkita sa ospital, hindi sya kilala nito, ngayon madidinig nyang tinatawag na ulit syang 'Tita Ninang'.

"Bakit po Tita Ninang, bakit po kayo umiiyak?"

"Wala ito Kate, natutuwa lang ako at finally nadinig ko na namang tawagin mo ako ng ganyan."

Gustong magsalita at magpaliwanag ni Mel pero tiningnan sya ng matalim ni Eunice para pigilan ito.

Hindi kasi sinabi ni Eunice sa Mommy nya na nakakaalala na ng konti si Kate. Nakalimutan nya.

"Mommy Tita Pretty, musta po? Ako po nakikilala nyo?"

Biglang singit ng walong taong si Karla.

Hindi makapagsalita si Kate ngumiti lang ito at hinalikan ang bata.

Obviously, hindi nya ito nakikilala pero ayaw nyang ipahalata sa bata. Nagaalala syang baka masaktan nya ang bata.

"Ate Kate, ako, nakikilala mo? Kung hindi magpapakilala ako. Ako si ..."

"Khim!"

Sabay hampas ni Kate sa balikat ng kaptid.

"Aray naman Ate!"

Pero deep inside namiss nya ang hampas na iyon na laging ginagawa Ate nya sa kanya.

Mabait na Ate si Kate pero napaistrikto nito sa bunso nyang kapatid. Madalas nya ring itong inisin. Spoiled kasi si Khim kaya feeling nya kailangan nyang magpakananay dito.

"Nasaan si Mommy, bakit hindi ninyo kasama?"

May irita na sa boses nya ng walang sumasagot sa tanong nya.

Sa mga oras na ito gusto nyang makita ang Mommy nya. Hindi nya maintindihan pero may bigla syang nararamdaman na kakaiba kaya wala duon ang Mommy nya.

"Nasa ospital, sinamahan si Daddy! Check up kasi ni Daddy hindi sila pinauwi ng duktor kaya si Tita Nicole ang kasama namin!"

Yun ang alam ni Khim na dahilan pero tila hindi makatingin ng diretso si Nicole. Umiwas ito ng tingin pagkasabi ni Khim ng dahilan at hindi iyon nakaligtas sa matalas na obserbasyon ni Kate.

Kinabahan si Kate.

"Tita Ninang, ano pong nangyari bakit dinala sa ospital si Daddy?"

Ramdam nyang hindi lang simpleng check up yun.

"Sa ngayon, hindi ko pa alam. Hindi pa sumasagot ang Mommy mo?

Buti pa tara na sa loob at ng makakain na tayo. Mukhang gutom na si Karla."

Hinawakan nito si Karla sa kamay para pumasok na.

At naiwan si Kate na nagiisip.

"Oh, WifeyLabs, tara na! Bakit ano bang iniisip mo?"

"Something is wrong, Melabs! Something is wrong and I can feel it!"

Ramdam ni Mel ang pagaalala sa kilos at pananalita ni Kate pero hindi nya maiwasan na mangiti ang kalooban nya.

Tiningnan ni Mel ang asawa ng buong pagmamahal, nilapitan nya ito at saka inakap.

And for the first time simula ng bumalik si Kate, hinayaan lang sya na gawin ito. Madalas kasi ramdam ni Mel na medyo naiilang si Kate pag gusto nya itong akapin pero ngayon ...

Dahil sa mas maliit si Mel kay Kate, nasa dibdib nito ang tenga nya at dinig nya ang malakas at mabilis na pagkabog ng dibdib ng asawa nya.

'Bumabalik na nga si Kate MyWifeyLabs!'

*****

"Ate Kate..."

Tawag ni Khim sa Ate nya sabay tabi nito sa upuan.

"Bakit?"

"Pwede bang akin na lang yang boylet mo?"

Sabay nguso ni Khim kay Ethan na sinuklian naman sya ng ngiti ng huli.

Napataas ang isang kilay ni Kate.

"Anong boylet ang pinagsasabi mo dyan?"

"Ayun oh, si Kuya Ethan! May Melabs ka na naman kaya ibalato mo na sa 'kin yan!"

Kumunot ang noo ni Kate.

'Langyang batang 'to, anong tingin nya kay Ethan, laruan?'

Sa pikon ni Kate napingot nito ang tenga ni Khim.

"Lintek ka, anong palagay mo sa 'kin? Makaboylet ka dyan!"

"Aray! Ate naman! Tama na po, nakakahiya!"

At namumula ito hiyang hiya dahil nakatingin sa kanya si Ethan.

"Hiya ka dyan! Umayos ka nga! Tsinelasin kita dyan!"

"Shhh... tama na nga yan!"

Suway ni Nicole.

"Ethan iho, taga saan ka nga pala?"

"Taga Belgium po ako. Duon po ako ipinanganak at lumaki!"

"Pero matalas kang magsalita ng tagalog iho."

"Po? Ano pong mata..las?"

"Ang ibig sabihin ni Tita Mommy ni Beshy, magaling ka raw magsalita ng tagalog."

Paliwanag ni Mel.

"Ah, kasi po half filipino po ako. Filipino po ang mother ko at tagalog po ang usapan namin sa bahay."

"Talaga? Ibig sabihin nagtatagalog din ang father mo?"

"Uhm, dead na po ang father ko. Sundalo po sya like me!"

"So pinay pala ang Mommy mo kaya ka pala magaling magtagalog. Madalas ka rin sigurong dalhin dito ng Mommy mo kaya ka ganyan kagaling magsalita?"

"Hindi po first time ko lang po magvisit dito. Hindi ko rin nga po nasabi sa Mommy ko na magvivisit ako kaya di nya alam ang nangyari sa akin."

"Andito ba sa Pinas ang Mommy mo?"

"Yes po, she's here for vacation, may need daw syang asikasuhin, family matters daw. I'm trying to contact her na nga at worried ako baka mabalitaan nya ang nangyari sa akin, pero hindi ko sya makontak."

"Huwag kang magaalala, iho, hindi namin pinakalat sa news ang nangyari sa inyo ni Kate kaya malamang hindi pa iyon nakarating sa Mommy mo."

"Thanks po!"

"Welcome iho! Sige kumain ka na!"

"Mabait at magalang na bata itong si Ethan. Kaya Khim, aprub sya sa 'kin!"

"Talaga po Tita?! Yehey!"

"Tita Ninang!"

"What Kate? Kumalma ka lang dyan at hayaan mo na yang kapatid mo! Bata pa yan, puppy love lang yan! Lilipas yan!

Para kang di dumaan sa pagkateenager!"

Alang nagawa si Kate ng tumayo si Khim at umupo sa tabi ni Ethan.

Hindi masabi ni Nicole na kaya sya pumayag dahil naalala nya ang sarili nya kay Khim nung mga panahong crush na crush nya rin si Edmund.

*****

Pagkatapos nilang kumain, nagkanya kanya sila ng lakad.

Si Nicole ay isinama si Karla sa isang children playground, si Eunice ay nagtungo sa SPA. Sabado ngayon at walang pasok sa munisipyo kaya sya nakasama para magrelax.

Si Ethan ay sinubukan ulit kontakin ang mother nya at sinamahan naman sya ni Khim at si Mel ay sinamahan naman si Kate na balikan muli ang mga dinaaanan nya nung huli syang magtungo dito.

"Huwag pwersahin ang sarili mo WifeyLabs. Relax ka lang at isipin mo ang bawat hakbang na ginawa mo."

Huminga ng malalim si Kate at ipinikit ang mga mata.

"Nalala ko na bumaba ako ng chopper, doon!"

Itinuro ni Kate ang lugar kung saan nya ibinaba ang chopper.

"Tara punta tayo dun!"

Aya ni Mel.

"Marunong ba akong magpalipad ng chopper?"

"Oo bata ka pa marunong ka na. Kayong dalawa ni Beshy parehong marunong magpalipad.

May sariling helicopter sila Beshy sa Lolo nya yun at dun ata kayo nagpraktis. Si Grampy General ang nagturo sa inyo!"

"Grampy General..."

May nangilid na luha ng maalala nya ang mahal nyang si Lolo na si Gene.

"Okey ka lang? Gusto mo stop muna tayo?"

"Oo Melabs, okey lang ako. Salamat!"

Ngumiti na lang si Mel.

Gusto na nyang bumalik ang lahat ng alaala ng asawa pero kailangan habaan pa nya ang pasensya nya.

Nagpatuloy sila sa ginagawa hangggang sa makarating sila sa isang cafe.

Napatigil si Kate.

"Natatandaan ko, nagbreakfast ako dito pero parang may kulang."

Ewan nya pero feeling nya kailangan nyang pumasok sa loob ng cafe.

Welcome po Ms. Kate! Gusto nyo po bang mag coffee? Duon po tayo!"

Pero hindi pinakinggan ni Kate ang sinasabi ng waiter na sumalubong sa kanya. Bagkus ay dumiretso ito sa isang lamesa sa may sulok.

Inilabas ni Kate ang isang panyo. Ito ang panyo na nakita ni Ethan sa bulsa nya na may nakaburdang 'ELISE' na syang ipinangalan sa kanya ni Ethan.

"May nagabot sa akin ng panyong ito. Isang babae!"

"Bakit nya naman inabot sa'yo ang panyong yan?"

"Aksidente kasing nahulog nya yung kinakain nya s damit ko at ito ang inabot nyang pamunas tapos nakalimutan kong isoli s kanya!"

"Ang ibig mo bang sabihin Elise ang pangalan nung babae?"

"Ewan ko! Maging mukha nya hindi ko maalala!"

"Kate!"

Napalingon bigla si Kate ng may tumawag sa pangalan nya.

Isang babae.

Si Eleanor ang ex fiancé ng Daddy nya.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C123
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login