Download App

Chapter 2: Date! Date!

Chapter 2: Date! Date!

Harvey's Point of View

Tumahol at nag 'meow' ang alaga ng mga kaibigan ko.

Hinawakan ko si Sam sa ulo-- aso ni Jasper at si Chummy na Persian Cat ni Haley.

Tumambay sila sa Bermuda Grass para maglaro. "Bakit kasi sa 'kin pa kayo pinaiwan ng mga magulang n'yo?"

Tumayo na ako noong marinig ko ang boses ni Kei. "Harvey. Naiinggit ako sa apat. Sila na sa labas pero tayo. Nandito lang sa loob ng bahay." sambit niya at lumapit sa akin para hawakan ang kamay ko. "Date tayo." anyaya niya sa akin.

I blushed. Humarap ako sa kanya pero sinimangutan din siya. "Hindi na kailangan. Dito na lang tayo." Nauna akong pumasok sa loob.

Nag take ng summer practice sina Mirriam at Jasper para sa 4th year. Ayaw ni Jasper sumama sa Summer Practice para sa track and field pero dahil sa pinilit siya ni Mirriam. Wala na lang siyang nagawa. At isa pa, puro palakol 'yung grades niya, kailangan niya rin ng dagdag points.

Si Haley at Reed. Nandoon naman sa mall at namamasyal.

Kailangan din nila iyon, unwinding.

"Hehh... Date sa bahay, gano'n?" Tanong ni Kei habang sinusundan ako. Huminto naman ako at nilingon siya. Inaakit ba 'ko nito o ano?

"Tch, kung gusto mo ipagluluto na lang kita para matahimik ka lang diyan" sabay lingon ulit sa harap. Kung anu-ano sinasabi, eh.

Humagikhik siya. "Ipagluluto mo talaga ako? Ang sweet naman ng boyfriend ko."pambobola naman niya kaya mas lalo akong nahiya.

Hindi ako ganoon karunong magluto pero nag practice ako ng halos one week para ipakita ang pogi points ko kahit hindi ko ugali iyong ganoon. Kung may girlfriend kang matakaw. Alam mo dapat magluto.

'Di bale ng tumaba atleast ikaw ang nagpataba.

Sumabay siya sa paglalakad ko. Malapit na kaming makarating sa kusina.

"Sweet and Sour Chicken gusto ko, Chef Harvey!" At binigyan niya ako ng matamis na ngiti. Naglabas lang ako ng hangin sa ilong at tumigil para ipatong nag kamay ko sa ulo niya't marahan itong itinulak palayo sa akin.

"Ipagluluto kita no'n pero sa isang kondisyon." saad ko na ikinatabingi nang kaunti ng ulo niya. Samantalang tumitig naman ako sa kanya. Gusto ko ng kiss niya pero nakakahiya kung sasabihin ko bigla 'yon. Baka isipin niyang manyakis ako.

Pinagpawisan ako bigla kaya binawi ko na lang. "Nevermind. Doon ka na muna sa dining room. Hintayin mo 'ko ro'n." Tumalikod na 'ko bago pa man siya magkaroon ng sasabihin. Tinakpan ko ang bibig ko't dikit-kilay na tiningnan ang kung saan.

***

PUMUNTA AKO sa dining room habang hawak-hawak ang tray na may mangkok sa ibabaw.

Ang tanging magagawa ko lang para kay Key ngayon bilang isang boyfriend niya ay ibigay ang mga gusto niya. Dumaan ang tingin ko sa mga daliri kong puro band aid, may disenyo itong oso.

Kasi kung tutuusin, si Kei talaga ang may lagay niyan.

Nakarating na ako sa Dining room. Wala akong nadatnang Kei kaya luminga-linga ako.

"Nasaan na 'yon?" Tanong ko at naglakad papunta sa sala. Nandoon nga siya't nanonood ng movie.

Relax lang ang higa niya ro'n na akala mo siya lang ang tao rito.

Napatingin ako sa mga hita niya kaya umiling-iling ako't umiwas ng tingin na naglakad palapit sa kanya.

"Wow! Ang bango naman niyan!" Tuwang tuwa nitong sabi noong mailapag ko ang pagkain niya sa glass table. Umupo na siya sa pagkakahiga niya 'tapos titig na titig doon sa niluto ko.

Bumaling na ang tingin ko sa kanya. "E-enjoy the food" ngiti naman itong tumango at dali-daling tinikman ang niluto ko.

Naniningkit ang mata ko habang pinagmamasdan ang reaksiyon n'ya. Gusto kong malaman kung nagustuhan ba niya o hindi.

Ngumunguya-nguya siya nang iangat niya ang tingin sa akin at mapatakip sa kanyang bibig. "D-don't stare at me like that." She blushed.

Namilog ang mata ko at isa rin sa namula. "Huh? S-sorry! Gusto ko lang malaman kung okay 'yung ginawa ko."

Kumurap-kurap muna s'ya bago unti-unting lumapad ang ngiti sa labi n'ya. Binigyan din n'ya ako ng thumbs up. "Pasado ka na. Pwede na kitang maging asa--" hindi niya naituloy pero alam ko kung ano ang tinutukoy n'ya kaya mabilis kaming naglayo ng tingin.

Pilit s'yang natawa. "Ano ba 'tong sinasabi ko. Sorry." Hinging paumanhin niya na hindi ko lang inimikan kaagad.

Ngunit pumukaw sa atensiyon ko ang movie sa TV. Ano ba 'yung pinapanood ni Kei?

"Mark, please give me a chance to love you--" kaagad na hinalikan ng lalaki ang babae sa palabas. Nagulat na nga lang ako nung biglang bilaukan si Kei.

"H-hey, are you okay?" Tanong ko rito. Uminum na muna siya ng tubig. "I-ilipat mo nga 'yung channel" utos niya sa akin kaya kinuha ko ang remote at inilipat na iyon.

Pero sa paglipat kong iyon. Hindi ko naman inaasahan ang makikita namin.

"Ahh ~ Ahh! I'm gonna cum--"

Kaagad akong umupo sa tabi ni Kei at niyakap s'ya para hindi makita ang nasa TV. Tinakpan ko rin ang kanyang tainga. Not with my angel!

"W-wala kang narinig! Wala kang narinig!" Natataranta kong sabi habang hindi inaalis ang tingin sa TV. Argh! Kasalanan ito ni Dad, eh! Paano nagkaroon ng adult channel itong cable?!

Na-imagine ko naman ang mukha ni Dad na kinindatan ako bigla habang nakalagay ang peace sign sa may side ng mata niya sabay tongue out.

"H-Harvey, I could still hear it..." nagsi-akyat ang dugo ko sa mukha ng sabihin niya iyon. Isama mo pa na napakagat siya sa lower lip niya. "Harvey..." Pinagpapawisan naman ako dahil sa mood.

Tinignan ko ang kaliwa't kanan ko dahil baka mamaya. May maids and guards na makarinig nito. Nasa'n ba kasi 'yung remote?!

"Yoooohhhh Harbe-- Whoa! Shet!" Manghang sigaw ni Jasper na kararating lang mula sa kung saan. Pumunta siya sa harap ng TV. "Hindi mo sinabi sa akin na may ganito kayong channel!" Parang paninisi niya sa akin.

Sa inis ko, naibato ko sa kanya iyong tsinelas ko.

"Gag*! Patayin mo na 'yan ngayon!" utos ko at pinatay na ni Jasper ang TV mula sa pagkakasaksak.

"Tang*na mo! Ba't kasi hindi mo kaagad pinatay kanina?!" bulyaw n'ya sa akin.

Bumuga ako ng hangin at inilayo na si Kei sa akin na ngayon ay sobrang pula. "B-bakit may ganoon sa Cable? Ngayon ko lang nalaman yan" nahihiya niyang sabi.

"H-huwag kang mag-alala! Ipapatanggal ko kaagad 'yon!" Sabay tingin sa ibang direksyon.

"Sheet naman Harbe. Kailan ka pa naging swee--" I cut him off.

"Shut up, bro" Sabi ko pagkatayo.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang galit na galit na si Mirriam, "Nasaan na si Jasper?!" Galit na tanong niya habang lumilingon lingon. Pagkatapos nang makita niya si Jasper ay humarap na ang ulo niya sa side namin. Nakakatakot! "You...!" Nanggigigil na tukoy niya kay Jasper na biglang napaatras. Ano nanamang ginawa ng lalaking ito?

Mabilis na pumunta sa likod ko si Jasper para gawin akong shield n'ya. "Please spare me!"

Galit na nag martsa si Mirriam. At dahil sa hindi maganda ang pakiramdam ko rito. Mabilis akong umalis doon.

Kaya sa ngayon. Nagtatatakbo na si Jasper sa taas habang hinabol ni Mirriam. Bahala sila riyan.

Tinignan ko si Kei na natatawang pinapanood ang dalawa. "Siguro tayo naman ang lumabas. Maingay na rito, eh" yaya ko sa kanya.

Tiningnan naman n'ya ako't tinanguan. "Mmh! Sure, I'd like that"

***

BUMABA NA ako ng kotse at pumunta sa right side kung nasaan si Kei. Pinagbuksan ko siya ng pinto at inalalayan siyang lumabas.

"Ginagawa mo nanaman akong prinsesa." Nahihiyang sambit n'ya na binigyan ko ng kaunting pag ngisi. Hinalikan ko ang likuran ng palad n'ya nang hindi inaalis ang tingin sa mukha n'yang medyo na-surprised.

Inilayo ko nang kaunti ang mukha ko't nginitian siya. "But you are, Mademoiselle." Bumuka nang kaunti ang bibig n'ya at napakagat sa ibabang labi.

"Ang gwapo nung boy, oh?"

"Tara, ayain nating sumama sa 'tin?"

"Girlfriend niya yata 'yung kasama niya?"

Binitiwan ko na ang kamay ni Kei saka s'ya inakbayan. Muli nanaman s'yang nagulat kaya hindi napigilan ng labi ko ang lalo nitong pagngisi. Inilapit ko ang bibig ko sa tainga n'ya. "I don't want you to get all jelly. So, I'll make a reason to make them jealous instead."

Nang ilayo ko na ang labi ko sa tainga niya ay kitang kita ko kung paano mamula ang kanyang mukha.

Tiningnan ko ang mga babae kanina na pinag-uusapan ako't nginisihan sila.

Pumasok na nga kaming dalawa ni Kei.

Pumunta kami rito sa Lunar City kung sa'n puro rides ang pwedeng makita. Gusto kasi naming mamasyal at mag take ng rides.

Hanggang 9:00 PM lang kami at pagkatapos no'n ay uuwi rin. Kasama namin 'yung isang guwardiya ni Dad dahil malayo layo rin ito saka natatakot din sila na baka may mangyari nanamang hindi maganda.

Bale nando'n lang din si kuya guard sa loob ng kotse.

Nag bayad ako ng entrace saka kami nilagyan ng mahabang ticket sa may pulso. "Enjoy ma'am and sir" ngiting sabi nung babae kaya pumasok na kami. Sa pag lalakad namin. Biglang lumapit si Kei sa isang souvenir shop kung saan puro mga stuff toys ng dolphins ang meron.

"Harvey! Dolphins ~" pagpapa-cute niya. How can I resist that? Tss, Kei...

Binili ko 'yong gusto niya. "Oh ayan, ah? Ingatan mo para hindi mawal--" mabilis niyang hinalikan ang pisngi ko na nagpatigil sa akin sa paglalagay ng wallet ko sa bulsa.

"Thank you!" Dahan-dahan akong humawak sa pisnge kong hinalikan niya at sinundan siya ng tingin nang mauna nanaman itong maglakad.

"Damn" Gumaganti ang babae.

***

"Harvey, gusto ko munang kumain bago mag rides" Sabi ni Kei na mukhang nagugutom nanaman ang sawa. Tinignan ko 'yung mga fastfood na available dito tapos pumunta ro'n.

Nag order kami ng pagkain at kumain. "Harvey, selfie" sabay labas ng cellphone. "Hindi ko dala 'yung DSLR kaya ito na lang." Hindi mo maintindihan minsan 'yung babae. Kakain na nga lang. Magse-selfie pa.

Tumapat ako sa camera na nakahanda na. "Dapat nga lang na hindi mo yun dala dahil sagabal pa iyon" tugon ko saka n'ya pinindot ang click.

"Hindi iyon sagabal!" Sinimangutan ko lang s'ya at napairap sa kawalan.

***

"Harvey! Doon muna tayo!" Turo niya sa horror booth at mabilis na pumasok. Bumuntong-hininga na lang ako at sumunod sa kanya. Kakakain pa nga lang namin, eh.

Noong makapasok kami sa loob. May ilan kang makikitang decoy o kung ano pa man 'yung pwedeng panakot nila rito. Pero sana may mas nakakatakot pa rito. Para lang akong naglalakad sa dilim, eh. "Boo!" gulat ng kung ano sa gilid na binigyan ko lang ng walang ganang tingin.

"Harvey 'yung ngipin mo glowing in the dark" natatawa niyang sabi at hindi lang pinansin 'yung nang gulat sa side niya.

"Same to you" kahit na medyo madilim dito ay kita ko ang pag ngiti niya. Tapos nanlaki na lang ang mata ko nang mag cling siya sa braso ko kaya pati ang dibdib niya, nadidikit sa akin.

Inilayo ko kaagad ang tingin. Sh*t.

"Anong iniisip mo Harvey...?" Sabay dahan-dahang paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Mas iniiwas ko ang tingin. Naaamoy ko 'yung pabango n'ya.

"Nilalandi mo ba ako?" tanong ko sa kanya. Gumaganti talaga, eh.

"Bakit? Kanino mo gusto akong lumandi? Siyempre sa 'yo lang 'di ba?" Lumunok ako ng laway at hindi sinasadyang mapatingin sa baba ng skirt niya. Hindi, Harvey. Hindi muna. Hindi. Tumigil ka.

Kei's Point of View

Nakalabas na kami ng horror booth at kasalukuyan akong natatawa dahil pulang pula ang tainga niya. I was just teasing him a bit to take revenge but I didn't expect that he'll blushed like this.

"Don't do that again." Bigla nitong saad na ikinakunot-noo ko.

Sinilip ko ang mukha niya. "Are you mad?" Tanong ko.

"I'm not." Sagot niya at tiningnan ako. Hindi pa rin nawawala ang pagpula ng tainga niya. "Baka lang hindi ko mapigilan ang sarili ko." Wala akong ideya sa sinasabi niya.

Mas kumunot pa ang noo ko pero na-realized din kung ano ang ibig niyang sabihin.

Humawak ako sa pisnge ko dahil nararamdaman ko anh paunti-unti nitong pag-init. "Oh." Nasabi ko na lamang.

Now that I think about it.

Harvey is too careful not to offend me. But, I think kung may hihilingin man siya sa akin. Papayag ako-- but I'm not saying that I want to do "that" kind of thing.

K-kiss and hugs are enough, I guess.

"Kei." Tawag ni Harvey na nagpataas sa balahibo ko. "Sa'n kako 'yung next ride?"

Na-flustered ako. "Ah! S-sa ano na lang..." Sabay hanap ng pwedeng maging ride. Pumukaw sa atensiyon ko ang mga nagtatawanan sa kaliwa kong bahagi.

***

PUMUNTA KAMI SA bump car. Maraming tao kaya tinanong ko kay Harvey kung itutuloy pa ba namin o hindi. "Ikaw, gusto mo ba?" Tanong niya sa akin pabalik.

I hummed. Tumingin ako sa rami ng tao sa may mga bump car. "Gusto ko sana kaso maraming tao eh"

"Wait lang, para hindi ka mainip." May kinukuha siya sa bag niya 'tapos ibinigay sa akin ang chocolate

Halos mag spark naman ang mga mata ko dahil sa tuwa. Mabilis kong hinablot iyon sa kanya. "Thank you, Harvey"

Hindi siya nagsalita pero tinapat niya sa akin ang pisngi niya na para bang nanghihingi siya ng isang halik.

"Abuso ka, ah? Wala na" at naglakad na ako papunta sa may pilahan. Habang naghihintay kami ay kumakain ako ng Chocolate. Nakakawala ng stress.

Bigla siyang kumagat sa kinakain ko nung mapatingin ako sa lalaki na medyo kahawig ni Harvey. "Wahh!"

Tinignan muna niya ako bago lumayo sa chocolate ko. "Sa akin ka tumingin." at tinapunan niya ako ng masamang tingin bago ako akbayan.

Medyo nabangga ang pisngi ko sa matigas niyang dibdib. Nag indirect kiss kami.

Mga ilang minuto pa ang hinintay namin bago kami makasakay sa bump car. Kinuha ko ang number 7 at siya naman ay number 25. Birthday namin 'yung mga iyon.

Nang magsimula na'y hindi ko maiwasang hindi matawa dahil sa kakaikot ikot ni Harvey sa gitna. Even though nagda-drive naman siya.

"Argh! Ano ba naman yan, oh?!" Asar na sabi niya habang paikot ikot pa rin. Nang matapos ay pumunta naman kami sa labas. Nakikita ko na ang mga real rides! Tinuro ko ang rollercoaster thingy kahit naman hindi siya roller coaster, "Harvey! Doon tayo sa--" Hinila niya ako bigla palayo ro'n.

"H-huwag muna tayo riyan." Pagtanggi niya. Whyyy?

Kung anu-anong rides na ang nasasakyan namin kaya ginabi rin kami. Nang medyo umu-unti na ang tao ay pumunta kami sa Snow World.

Hindi naman gano'n karami ang tao roon kaya nakapasok kami kaagad. Binigyan nila kami ng coat tapos nilagay sa plastic 'yung cellphone namin bago kami pumasok.

"Whoo... Lamig" nilalamig kong sabi habang yakap ang sarili.

"Psh, bakit kasi naka dress ka pa?" Daing niya.

Ngumuso ako. "Of course date natin ito, alangan namang... Hindi ako mag paganda?" Kumamot siya sa batok niya. Nagulat na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko dahilan para mapatingin ako roon. "Nilalamig ka kamo? Ayan, kahit kaunting init man lang maibigay ko sa 'yo" He's doing that because it's necessary pero hindi ko maiwasang manginig sa kilig.

Ever since nung maging boyfriend ko s'ya. Hindi talaga namin ugaling mag holding hands. Kumportable lang kami sa usap-usap. Siguro dahil sa nasanay rin kami?

Pinag intertwine ko ang mga daliri namin saka siya nginitian. Medyo bumilog pa ang mata niya pero hinila ko na lamang siya sa loob.

Pumunta kami sa house display at nagtititingin noong may tumawag sa amin. "Hello ma'am and sir. Pwede po ba kayong maging model para sa calendar namin ngayong year sa snow world if okay lang po? Free na po ang picture ninyo mamaya. Nagtinginan muna kami ni Harvey tapos tinintnan 'yung photographer

"Sure." pagpayag ko.

***

"Thank you po ma'am and sir. Have a good day" Pagpapasalamat ni manong photographer nang matapos kaming makuhanan.

"Labas na muna tayo, hindi ko na kaya 'yung lamig" Yaya ko kay Harvey.

"Sige." Pagpayag niya kaya lumabas na kami ng snow world. Inalis namin ang coat na suot namin at nilagay sa dapat paglagyan. Dumiretsyo kami sa printing kung sa'n namin kukunin ang photo namin kanina ni Harvey.

"Ito po 'yung picture n'yo ma'am and sir" ngiting wika ng isang babae at inabot ang picture namin. Ang bilis din pala, 'no?

Tinignan ni Harvey ang oras sa phone niya. "Mag cu-curfew na, uwi na tayo?"

"Hehh... Sayang hindi tayo nakasakay sa Viking." Nanghihinayang kong sabi.

"May next time naman" Lumakad na siya habang mas napanguso lang ako. Binigyan ko ng huling sulyap ang Vikings at susundan sana si Harvey nung may makabangga sa akin.

"Sorry." Hinging paumanhin ng isang lalaki.

Nakasimpleng shirt at jeans lang siya pero may dating dahil sa piercing niya. Mayro'n ding eyeliner ang talukap n'ya kaya mukha siyang cool tingnan.

Iwinagayway ko lang ang dalawa kong kamay sa tapat ng aking dibdib. "I-it's fine." Sagot ko at napatingin kay Harvey na malayo na rin pala. Kaya mabilis akong sumunod sa kanya.

Hindi man lang ako hinintay!

Harvey's Point of View

"Thank you, kuya. Kain ka na sa loob." Sabi ni Kei sa guard na sumama sa amin bago siya tumango at pumasok sa likod ng bahay. Grabe, chaperon lang ang dating.

Lumakad na nga rin kami pareho. Binuksan ko ang pinto pero hinawakan ni Kei ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sa kanya. "I want to be alone with you. Just You and Me."

Tumaas ang dalawang kilay ko. "W-what are you saying? May problema ba?" tanong ko at humarap sa kanya.

Tumungo siya. "Hindi. Wala naman." Sagot niya kaya pasimple akong napangiti saka hinawakan ang pisngi niya para iangat ito.

Hindi pa rin umaalis sa labi ko ang ngiti when

I kissed her forehead.

Medyo matagal din ang paglapat ko niyon bago ko ialis. "Some other time." Wika ko habang nakatitig sa mata n'yang parang kumikinang na nakatitig din sa akin.

Biglang bumukas ang pinto. Bumungad si Reed at parang isang Tigre kung ilukot ang mukha sa galit. Kinuha niya si Kei at malakas na isinara ang pinto. "Hoy! Buksan mo 'to!"

T*ngina! Bahay namin 'to, 'di ba?!


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login