Download App

Chapter 45: Out of Doors

Chapter 43: Out of Doors 

Reed's Point of View 

 

 Tanghalian, dumiretsyo kami ni Kei sa mansiyon ng Villanueva para roon na muna sana tumambay. Naabutan namin sila ni Mirriam na naglalagay ng whipped cream sa bawat paper plates kaya taka namin silang nilapitan. 

 May mahaba't pahabang lamesa na pwedeng maiyupi, kinuha siguro nila ito sa store room. 

 "Ano'ng mayro'n?" Bungad ni Kei sa dalawa nang makapasok kami rito sa living room. 

 Umangat ang tingin ni Jasper at labas ngipin kaming nginitian. "Yoh! Nandito na kayo!" Huminto na kami sa harapan nila kaya nagpameywang si Jasper. "Nakikita n'yo ba 'to?" Inilahad niya ang mga kamay sa ginagawa nila kanina. 

 "Oo, Whipped Cream na nasa paper--" Naputol ang sasabihin ko dahil sa pagtapat ni Jasper ng kamay sa mukha ko. 

 "Huwag kang mamilosopo-- Ito ay para sa OPERATION: Throw A Whipped Cream on a Plate to Haley Miles Rouge!" Proud pa niyang sabi dahilan para kumurap kami ni Kei bago nilingon si Mirriam na pilit na nakangiti. 

 "Ayoko talaga sa ideya niya dahil magkakalat lang tayo pero nakakalimutan na kasing magsaya ni Haley. Ewan ko kung dahil sa malapit na tayong grumaduate o dahil ba sa unti-unti lang tayong nagma-mature pero masyado na siyang seryso for the past few weeks," Ibinaba ulit niya ang tingin para kumuha ng Paper Plate na may whipped cream saka ito inangat-angat nang kaunti. "…kaya parang gusto ko siyang mapikon kahit ngayon lang. Pampawala ng stress." Pagkibit-balikat ni Mirriam at ngumisi. 

 "Hindi ba't mas mai-stress siya sa gagawin n'yo?" Taas-kilay kong sambit. 

 Humawak si Kei sa braso niya't natawa. "Parang may naalala ako." 

 Kinuha ni Jasper ang isang paper plate na may Whipped Cream. "Huwag lang talaga tayong magpapahabol." Ngisi ni Jasper 'tapos kinuha ang cellphone sa bulsa niya. "Nasa'n na ba si Harvey?" Hanap niya kaya napatingin ako sa loko. 

 "Ha? Kasama ba si Harvey sa sinasabi mo kamong operasyon?" Taka kong sabi kaya ibinaba niya ang cellphone para makita ako. 

 "Oo, kasama rin kayo ni Kei." Tugon niya at labas sa ilong na ipinasok muli ang phone sa bulsa. "Kaya nga ako gumawa ng bagong group chat na wala si Haley, eh." Simangot niyang sambit, "Pero pinapapunta ko rin dito si Haley. Sinabi ko sa mismo niyang personal message box." Pagkindat niya kaya napakamot ako sa aking ulo. 

 Napabuntong-hininga ako kaya nagtaka naman si Mirriam, nagbukas na ang pinto kaya pumusisyon na 'yung tatlo. Unang-unang pumasok si Haley kasunod si Harvey, kaya kinuha kaagad ni Jasper 'yung paper plate na may whipped cream para malakas na ihagis papunta kay Haley subalit mabilis din siyang yumuko dahilan para matamaan sa dibdib si Harvey. 

 Ibinaba sandali ni Harvey ang tingin sa nagkalat na cream sa dibdib niya. "Ho--" Noong tumingala siya. Sumunod ang pagbato ni Kei sa mismong mukha niya, pero 'di niya iyon sadya at kay Haley dapat niya itatama iyon. 

 Napaatras si Kei. "Ah! Eh, ano..." 

 Kumuha si Mirriam ng pambato niya. "Hindi kayo marunong mambato!" Pagpapatalbog ni Harvey sa pambato niya. Dumiretsyo naman ng tayo si Haley at sinimangutan kami. 

 "Wala akong oras para makipagbiruan sa in--" Naputol ang sasabihin ni Haley dahil sa muli nanaman niyang inilagan ang binato ni Mirriam. "Are you guys even listening?" Kunot-noo na wika ni Haley. 

Napapitik sa ere si Mirriam. "Sayang! Tatama na sana 'yon, eh!" 

 Lumingon ako kay Mirriam para bigyan siya nang mapang-asar na mukha. "Hindi ka naman pala marunong magbat--" Hindi ko rin naituloy ang sasabihin ko dahil binato ako sa mukha ni Kei. 

 Unti-unti pang bumaba ang iilan sa mga cream gayun din ang paper plate. Humakbang ako ng isa. "Hoy! Akala ko ba si Haley la--" Muli nanaman akong nabato, pero si Jasper naman ngayon. 

 "Ano nga sabi mo, Reed?" Pagbingi-bingihan ni Jasper na may kaunting pang pag gesture. May hawak na rin siyang pambato sa kaliwang kamay niya. Bumagsak na nga ang paper plate kaya nanggagalaiti na ako sa inis. Ang lagkit! 

 "Hoy, 'di na kayo bat--" Hindi nanaman naituloy ni Harvey 'yung sinasabi niya dahil sumapul sa mukha niya ang binato ni Mirriam. 

 "C'mon. Pa'no ka makakapagsaya kung wala kang child at heart? Ang lungkot naman ng buhay mo, Harvey." Pang-aasar ni Mirriam. Medyo nakita ko pa 'yung kaunting pag-awang ng bibig ni Haley pero hindi ko 'yon masyadong pinagtuunan ng pansin. 

 "Tama ka naman." Pagsang-ayon ni Harvey. "Pero hinahamon n'yo na ako masyado…" Paggamit ng malalim na boses ni Harvey kaya napangisi na kami, subalit si Haley na ang una naming naging target sa pagbato ng whipped cream pero ni isa ro'n, walang tumama sa kanya. 

 Labas sa ilong na pinagpagan ni Haley ang braso niya bago kami tiningnang lima. "Tapos na ba kayo?" Balewala niyang sabi dahilan para mapakagat-labi si Kei. 

 "Anong katawan mayro'n ka?!" Hindi makapaniwalang wika ni Kei kaya kumuha na nang marami si Mirriam. 

 "Walang susuko! Sugooooood!" Senyas ni Mirriam kaya pumunta kami kay Haley para ibato ang whipped cream. Kung hindi siya yuyuko, tatalon siya, o kaya'y kaunting galaw para hindi siya matamaan. Pero ang nangyayari, isa sa amin ang matatamaan ng mga binato namin. 

 'Yun nga na imbes na si Haley ang matamaan namin ni Harvey. Sa mga mukha pa namin sumapul 'yung mga ibinato namin. 

 Sa tuloy-tuloy naming pagbato, hiningal na kami kakahabol kay Haley. Napaupo na sa sahig si Kei habang hawak ang dibdib. "Time first, napapagod ako." 

 Lahat ng makikita sa silid ay puno na ng whipped cream. Lagot nanaman kami nito kila manang kapag naabutan niya 'to. 

 Nakatalikod naman sa amin si Haley noong lumingon siya nang kaunti at ngumi nang bahagyan. "Tired already?" 

 Namilog ang mata ni Jasper 'tapos ay natawa. Pinunasan ni Jasper ang pisngi niya gamit ang hinlalaking daliri 'tapos ay isinubo ito para kainin. "I didn't expect you to go with the flow," Kumuha siyang muli ng dalawang pambato 'tapos lumapad ang ngisi. "…kung may nabuo man sa'yo dahil sa'min, saluhin mo 'to!" 

 

 Sinundan namin si Jasper na ngayo'y papalapit sa nakatalikod at nakalingon na si Haley. Ewan ko, hindi masyadong maliwanag 'yung sinabi ni Jasper pero parang may pinapahayag siya sa salitang ibinigay niya kay Haley. 

 Anong "nabuo"? 

 Papunta na ang dalawang pambato ni Jasper sa mukha ni Haley. Inaakala nga naming matatamaan na siya subalit mabilis na pumaharap si Haley upang masalo 'yong dalawang paper plates with whipped cream na binato ni Jasper. "Not a chance." 

Ngiting tugon ni Haley, sa hindi namin malamang dahilan. Napatalon si Jasper sa tuwa. 

Nag "yes" gesture si Jasper matapos niyang makatalon. "Sinalo niya!" 

 Taas-kilay siyang tiningnan ni Harvey. "Ano'ng sinasabi mo?" 

 "Ano kamong nangyayari?" Segunda ni Mirriam. 

 Walang ganang tiningnan ni Haley si Jasper. "Yeah, sinalo ko pero dapat 'di ba? Matatamaan ng whipped cream?" 

 "Eh, basta! Considered na malambot ka na." Paghagikhik ni Jasper. 

 "Ano ngang sinasabi mo?" Sabay na tanong naming lahat kaya napahawak na si Jasper sa ulo niya. 

Haley's Point of View 

 Nagbabasa lang ako ng light novel na pinabili ko kay Roxas nang mag automatic na bumukas ang pinto. Inihinto ko ang ginagawa ko para makita si Roxas na nakaporma, nakasuot siya ng all black. 

 Black Leather Coat Jacket, Shirt, Ripped Jeans at boots. Mayro'n din siyang sports watch sa kaliwang pulso. 

 Taas-baba kong tiningnan ang suot niya nang tumingala na ako habang walang gana ang aking ekspresiyon na nakatingin sa kanya. "Na sa Pilipinas ka, ba't ka nakaganyan?" 

 Sumimangot siya. "Hindi mo ba alam ang fashion?" 

 "Fashion sa gitna ng kamatayan? Amazing." Sarkastiko kong sabi. 

May kausap kasi siya kagabi, binigyan siya ng panibagong misyon at hindi ko naman sinasadyang marinig dahil nandito siya sa bilangguan ko. 

 Bilang isang assassin sa secret organization tulad sa tinatawag nilang B.R.O at W.S.O. Walang ibang ginagawa rito kundi ang gawin ang tungkulin nila tulad ng pagpatay, paglinis. Depende sa kung ano ang objective ng bawat organisasyon. 

 Huminto sa gilid ng kama ko si Roxas. "And why are you here?" Pagmamaldita ko habang nakasunod ng tingin sa kanya. 

 "You are the one who asked me here, aren't you?" Taas-kilay niyang tanong at labas sa ilong na inilagay ang kanang kamay sa beywang. "Thanks to you, I wasted some valuable time" 

 "That's kind of annoying." Isinara ko na nga ang binabasa ko para makatayo. "Hindi ba ngayon 'yung araw na pwede kamo akong lumabas dito?" Paninigurado ko. Si Lara na rin ang nagsabi noong nakausap ko siya sa phone nung isang gabi. 

 Humalukipkip siya. "Oo, ngayon. Pero nagdadalawang-isip talaga akong sumunod sa kapatid mo. Kasi ako mahihirapan kapag tumakas ka." 

 Tumagilid ako sa kanya ng tayo. "Alam mong imposible 'yan, 'di ba? Kahit tumakas ako, mahuhuli n'yo rin 'agad ako. Alam din 'yon ni Lara, panigurado ako." Bumaba ang tingin ko. Kaya nga hinayaan niya akong lumabas ngayon. 

 "It pains me to say it pero tama ka, pero huwag mo rin masyadong I-down sarili mo. May potensiyal ka kung tutuusin." Pagkibit-balikat niya saka ko naramdaman ang malamig niyang tingin. "Hindi nga lang para sa'yo 'yung mundo na kinagagalawan ng kapatid mo." Pagharap niya sa akin kaya wala na akong imik. 

*** 

 NAKABIHIS NA ako't nakaayos. 

 Ginamit ko 'yung madalas na suotin ni Lara na leather suit clothes dahil hindi pwedeng malaman ng mga tao sa lugar na ito na mayro'ng kapatid si Lara Christine Rouge kahit pa na sabihin nating na sa iisang organisasyon sila, para raw ito sa privacy and security ng identidad niya. 

 Nadala lang ako ni Roxas dito ng walang kahirap-hirap dahil sa tulong kamo ng General nila. Hindi ko pa siya nakikita at wala rin akong ideya kung sino siya pero mukhang siya ang pinaka may mataas na posisyon sa organisasyon. 

 Nasabi rin sa akin ni Roxas na siya iyong tumatayong ama ni Lara, at nabanggit nga rin ni Lara na siya 'yung tumulong sa kanya upang mabuhay. 

 Subalit hindi ko pa rin maitatanggi na may duda ako sa mga tao sa organisasyon na 'to. 

 Inabot ni Roxas sa akin ang lalagyan ng contact lense. "Binili ko 'yan kani-kanina sa kilalang optical. Kaya huwag kang mag-alala." 

 Nakababa ang tingin ko sa lalagyan. "Hindi naman 'yan 'yung issue." Inangat ko ang tingin papunta kay Roxas. "Hindi lang ako marunong maglagay niyan." 

 Bumaba ang kamay niya kung sa'n niya hawak ang lalagyan ng contact lense. "Oh, iyon lang. Ako maglalagay sa 'yo--" Hinablot ko sa kanya ang lalagyan nung contact lense. 

 "Ako na." Naglakad ako papunta sa upuan para mailagay itong mga contacts sa mata ko. Malinis naman na 'yung kamay ko dahil kakahugas ko lang din ng kamay. 

 Inayos ko ang upo ko't kinuha ang laman sa aking daliri. Medyo nahirapan ako pero nagawa ko namang mailagay sa mata ko. 

 Kumurap-kurap ako 'tapos pinunasan ng panyo ang mata ko. Tumayo na ako't humarap kay Roxas. "Handa na ako." 

 

 Ipinagkrus ni Roxas ang mga braso niya, samantalang ang kanang kamay naman niya ay nakahawak sa baba (chin) niya. "Hmm, no doubt. Wala talagang makakaalam na impostor ka." 

 Pumikit ako't naglakad. "Humph. We're twins, that's why." 

 Tumigil ako sa harapan ng automatic door gayun din si Roxas. Pagkatapos ay idinikit niya ang hinlalaki sa security fingerprint lock upang magbukas ulit ang pinto. 

 Inilahad niya mga kamay sa labas ng pinto kaya napaseryoso ako't humakbang na palabas. 

***** 


CREATORS' THOUGHTS
Yulie_Shiori Yulie_Shiori

Tagal ko bang mag update? Haha! Sorry na.

Btw. (Belated) Merry Christmas and Happy New Year!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C45
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login