Download App
22.22% UNDERWATER

Chapter 2: PROLOGUE

"Keyna! Keyna! nasan ka anak?"

"Keyna!"

Sigaw ng mga magulang ni Keyna na hinahanap ito sa kalagitnaan ng malaki at malawak na dagat.

"Keyna! Si Mommy to, magpakita ka na naman oh!" May paghikbi sa kaniyang bawat sigaw.

"Keyna!"

"Sir, Ma'am, kailangan na po talaga naming pumailalim ng karagatan para masigurado nating mahahanap siya," ani ni Herome – head ng tinawagang rescue team ni Mr. Ferrer.

Umiiling si Mr. Ferrer. "Hindi, hindi! Walang papailalim, alam kong nandito lang siya! Hindi siya nalunod! nandito lang siya!" Hinawakan nito ang kwelyo ni Herome. "Ayusin niyo ang paghahanap!" At tinulak ito.

Kahit labag sa puso ang sinabi ng Mister, sinigaw na lamang niya sa kaniyang team na tripehin pa ang paghahanap.

Hindi na napigilan ni Mr. Ferrer ang mapaluhod sa kaniyang kinatatayuan at mapaluha. His hands are ball fisted, shaking at anger. Sinisi niya ang kaniyang sarili kung bakit nawawala ngayon ang kaniyang anak.

Flashback…

"Dad, can I swim there?" paalam ni Keyna sa ama nito na nakaturo sa asul na dagat.

Abala si Mr. Ferrer sa kaniyang pagluluto ng barbecue para sa kanilang hapunan. "Keyna, pwedeng mamaya na? Nagluluto pa kasi si Daddy e. Okay lang ba?" Nakatuon lang siya sa ginagawa nito. "Sasamahan kita."

Si Misis Ferrer naman ay nasa loob ng nirentahan nilang kwarto at inaayos ang kanilang gamit.

"Sige po!" sagot ni Keyna. But, curiosity really kills her. What does it feel like swimming in that vast amount of water? Iniisip niya.

Lagi lang kasi siyang sa swimming pool dahil sa kaniyang trainings. First time lang niyang makapunta at makakita ng ganitong ka-asul na dagat. So, why doesn't she give it a try diba? Yung natutunan niya sa swimming lessons, gagawin niya sa karagatan.

Dahil abala naman ang kaniyang Daddy sa pag-iihaw. Hindi na nag-aksaya pa ng oras si Keyna na tumakbo papuntang karagatan at magtampisaw.

Sa umpisa, nakakaya pa niya ang agos ng tubig. Natutuwa pa siya dahil sa malinaw na suot niyang goggles nakikita niya sa ilalim ng tubig ang mga corals, isda at mga starfish.

Sa kabilang banda naman, abala pa rin si Mr. Ferrer sa kaniyang ginagawa ng lumabas si Mrs. Ferrer na dala-dala ang tuwalya para sa anak na si Keyna.

"Keyna, tarang maligo sa pool!" aya nito ngunit wala namang sumagot. "Dad, nasan si Keyna?"

Ngayon lamang napagtanto ni Mr. Ferrer na nawala pa sa kaniyang tabi ang anak. "Nandito lang yun kanina e. Baka nanonood sa sala."

Pinuntahan nga ni Mrs. Ferrer ang sala nagbabaka-sakaling nanonood, ngunit wala ito doon. "Wala siya doon!" A sound of fear.

Sinubukan nilang halughugin ang buong room na kanilang nirentahan ngunit wala ang bata doon. Pinuntahan din ang karatig na mga kwarto ngunit wala daw silang nakitang batang gumala doon.

"Wala?" ani ni Mrs. Ferrer.

Sumagot ng iling si Mr. Ferrer.

Biglang nagkatinginan ang mag-asawa, sabay tuon sa karagatang nasa harapan nila.

"KEYNA!"

"Daddy, walang may kasalanan, wag mong sisihin ang sarili mo," pagpapakalma ni Mrs. Ferrer sa asawa. "Kilala ko ang anak natin, matapang siya. Matapang." Pinipilit niyang palakasin ang sarili ngunit, alam niya ang kapahamakan sa ilalim ng dagat.

Ilang oras na nilang hinahanap si Keyna, almost 10 hours, but there is no signs.

Napagdesisyunan rin ng rescue team na pumailalim na sadagat upang mahanap na ang bata. Noong una ayaw pa ni Mr. Ferrer dahil inaanunsiyo lamang nito na patay na ang bata. Ngunit, dahil ilang oras na silang walang nahahanap, nakapagdesisyon na silang pumalaot.

Niyakap ni Mr. Ferrer ang asawa at hindi mapigilan ang paghagulhol. "Sorry Mommy, Sorry! Hindi ko sinasadya. Sorry!"

Niyakap lamang ni Mrs. Ferrer ng mahigpit ang asawa. They have only each other in this time of circumstance.

Maya maya pa, nag-ring ang phone ni Mr. Ferrer, at mabilis din naman niyang sinagot.

"Hello?" His eyes widened. Tila biglang sumiklab ang kaniyang dibdib na nawalan na ng kumpyansa kanina.

Then he shouted, "Bumalik tayo sa pampang! Bumalik tayo sa pampang!"

~

Pagkarating na pagkarating nila, madaling bumaba ang mag-asawa sa kanilang sinakyang bangka at tumakbo sa mga pulis na nakaabang sa kanila.

"Where's my daughter?"

Mabilis silang dinaluhan ng mga pulis at dinala sa pinagdalhan sa batang si Keyna.

Nasapo ni Mrs. Ferrer ang kaniyang bibig at nanigas naman si Mr. Ferrer ng makita si Keyna na nakahiga sa higaan at may oxygen na nakakabit dito.

Mabilis na nilapitan ni Mrs. Ferrer ang anak at niyakap ito.

"Nakita po siya sa tabi ng shore at doon po ay nakadapa. We also found something in her hands." ani ng pulis.

Sumulyap si Mr. Ferrer sa pulis. "Ano yon?"

"We found this shell necklace sculptured with a letter K." inabot nito ang necklace kay Mr. Ferrer. "Kaniya po ba ito?"

Tiningnan ni Mr. Ferrer ang necklace. Keyna has no necklace like this. Allergic siya sa mga jewelries.

So, fear began to assemble in his chest.

He whispered, "Sirens."


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login