Download App

Chapter 2: Chapter CPH4-1028-01

Magkabilang busina ng mga sasakyan, nakasimangot na mga pawisang mukha ng mga pasahero…

Umagang-umaga ay ganito ang sitwasyon sa kalsada. Matindi ang traffic sa kahabaan ng Osmeña Boulevard at ang sikat ng araw ay nakakadagdag sa init ng ulo ng drayber at ng mga pasahero.

Isa sa mga pasahero ang isang estudyanteng kanina pa pabalik-balik ng tingin sa kaniyang relo. Nakasuot siya ng english-chestnut-colored slacks at honey-maple-colored polo bilang uniporme ng pinapasukang unibersidad.

"Hay! Ano ba 'yan?!" bulong niya sa sarili. "Mahuhuli na talaga ako nito," wika niya sa kaniyang isipan at halata sa kaniyang itsura ang hindi pagkagusto sa mga nangyayari.

Wala siyang magawa kundi ang maghintay na lamang na marating ng sinasakyang dyip ang kaniyang destinasyon. Sa unti-unting pag-usad ng sinasakyan ay nakarating na siya sa paaralan makalipas ang kalahating oras na malayo sa sampung minutos na biyahe kung hindi mabigat ang daloy ng trapiko.

Biglang may nanginig sa kaniyang bulsa pagkababa niya ng sinakyan—ang cell phone niya pala. May tumatawag at si Khalil iyon na agad naman niyang sinagot habang patuloy pa rin sa paglalakad nang mabilis.

"Magmadali ka nga diyan, Louie. Nandito na si Ms. Galon," sabi ni Khalil na nasa kabilang linya. Siya ang palaging nagpapaalala sa kaibigang madalas na lamang late sa unang period ng klase na ngayon ay tumatakbo mula sa gate ng unibersidad.

"Oo na. Malapit na ako. Oh siya, ibababa ko na 'to," sagot naman ni Louie na nagsisimula nang hingalin.

Sa loob ng Physics Lab, nakatayo si Ms. Galon sa harap ng klase habang binibilang ang mga estudyante nito.

"Sinong wala rito?" tanong niya.

"Si Louie po," sagot ni Khalil.

"Late na nama—"

Naputol siya sa kaniyang pagsasalita nang pumasok si Louie sa silid. "Good morning, miss."

"Good morning. Mabuti't nakaabot ka. Okay, let's start our discussion."

Habang nagsasalita si Ms. Galon sa harap, kinausap naman ni Khalil si Louie nang palihim.

"Louie, bakit ba palagi ka na lang late, ha?"

"Traffic kasi," sagot nito at napakamot pa sa kaniyang batok.

"Umalis ka kasi sa inyo nang maaga."

"Oo na, oo na." Napalakas nito ang kaniyang pagsagot kaya nakuha nila ang atensiyon ng guro.

"May problema ba, Louie?"

"Wala po."

"Manahimik ka na lang diyan, Khalil. Ayan tuloy, ako pa 'yung nahuli," pabulong nitong pagsaway.

Pagkatapos ng klase ay agad na lumabas sina Khalil at Louie kasama si Divine na kaibigan rin nila.

"Hoy, Louie, saan ba tayo pupunta?" tanong ni Divine habang nakasunod silang dalawa ni Khalil sa kaibigan nilang nagmamadali sa paglabas ng unibersidad.

"Pupunta ako sa computer café kasi maglalaro ako. Samahan niyo ako maglaro," sagot nito nang hindi nililingon ang mga kaibigan.

"Nahihibang ka na ba? May klase pa tayo after one hour."

"Kung ayaw mong sumama, Divine, kay Khalil na lang ako magpapasama." Huminto na si Louie sa paglalakad upang harapin ang mga kaibigan.

"Tama si Divine, Louie. Bakit ba palagi ka na lang nagmamadali kapag paglalaro ang pinag-uusapan? Sa klase nga, eh, palagi kang late."

"Traffic nga eh! Hindi ka ba nakakaintindi? Hindi ko naman kasalanan 'yung buhul-buhol na traffic, ah," pagalit na pagsasalita ni Louie. "Isa pa, ano bang pakialam mo kung palagi akong late sa klase? Ano ba kita? Kaibigan lang kita, kaibigan ko lang kayo."

"Kaya nga—"

"Kung ayaw niyo, ako na lang mag-isa." Tumalikod ito at umalis nang hindi lumilingon.

"Bahala nga siya sa buhay niya. Tara na, Divine." Hindi nagandahan sa mga sinabi ni Louie si Khalil kaya napagdesisyunan nito na hindi na siya makikisawsaw sa buhay ng kaibigan… o dating kaibigan.

"Khalil!"

"Uy, Bry, nandito pala kayo."

"Nagutom kasi kami, eh," sabi ni Bryan habang kumakagat sa burger na kaniyang binili dito sa canteen.

"Nag-message ako sa group chat natin na sa canteen lang kami tatambay," wika naman ni Bruce.

"Hindi kasi ako nagbukas ng Messenger." Napakamot na lang si Khalil.

Dumating si Athena na may dalang isang baso ng iced tea at dalawang burger. "Umusog ka nga nang kaunti, Bruce."

"Hindi ka na kakasya dito, Athena."

Pinanliitan ng mata ni Athena si Bruce habang natatawa ang kanilang mga kaklase.

"Ito naman hindi mabiro," sabi ng natatawang si Bruce.

"Baka si Bryan ang hindi magkasya."

"Hoy, Athena! Bakit napunta sa akin ang usapan?"

"Eh, sino ba pinakamalaki sa—"

"Itigil niyo na nga 'yan," pagsaway ni Ervin sa mga kaibigan. "Natapos niyo na ba 'tong assignment sa Inorganic Chemistry?"

"Ervin naman, eh, nagkakasiyahan kam—Ano? May assignment tayo?" natatarantang tanong ni Athena.

"Oh ayan, tingnan niyo na lang 'yan," sabi ni Ervin habang iniaabot sa mga kaibigan ang papel na sinulatan niya ng mga sagot sa takdang-aralin.

"Ang bait mo talaga, Ervin. Paano na lang kami kung wala ka?" Kinurut-kurot ni Athena ang pisngi ng kaibigan na pilit namang iniwawaksi nito.

"Hindi mo ako madadala sa ganiyan. Sa susunod, hindi ko na gagawin 'to." Namumula ang pisngi ni Ervin dahil sa ginawa ni Athena. Madali lang mamula ang balat ni Ervin lalo na sa mukha. Madiinan lang nang kaunti sa paghawak ay agad na itong namumula.

"Pang-ilang beses mo na bang sinabi 'yan?" Tumawa lang ang lahat dahil sa sinambit ni Athena.

"Siya nga pala, nasaan si Vincent?" tanong ni Ervin.

"Baka nandoon na naman kay Sheina," sagot naman ni Vince na kararating lang habang kumakain ng waffle.

"Ang dalawang 'yun talaga palagi magkasama. Sila na ba?" muling tanong ni Ervin sabay kagat ng sandwich na pinabaon sa kaniya ng ina.

"Aba, malay ko ba!" Natawa na lang si Vince.

"Guys, na-receive niyo ba 'yung invitation ni ate Lance para sa kaniyang birthday party?" tanong ni Athena habang ipinapakita sa kanila ang larawan ng invitation card.

Kinuha nila ang kani-kanilang mga cellphone at nakita ang mensaheng kagaya kay Athena.

"Pupunta ba kayo? Gabi 'to, eh. Hindi ko pa alam kung papayagan ako nina mama at papa." Kahit na lalaki si Ervin at nasa kolehiyo na siya, medyo mahigpit pa rin ang kaniyang mga magulang pagdating sa ganitong mga bagay.

"Huwag kang mag-alala, tutulungan ka namin," pagpapagaan ng loob ni Athena kay Ervin.

Wala namang ibang masabi si Ervin kundi, "Salamat."

"Punta kaya tayo sa Physics Lab. Baka nandoon sina Vincent at Sheina, pati 'yung iba pa nating mga kaklase," suhestiyon ni Bryan na sinang-ayunan naman ng lahat.


Load failed, please RETRY

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login