Download App
10.71% Unveiled Love

Chapter 3: Chapter 2

Pagkagising ko ay iyong cellphone ko agad ang binuksan ko. Mabilis na tinignan ko ang facebook app at maraming notification ang lumabas pero nadismaya lang ako nang makitang wala ang pangalan niya doon.

Sa ginawa ko ba namang pangungulit kagabi, talagang hindi ako eh aacept nun sa facebook. But who cares anyway! Pasalamat nga siya at ako pa ang nagadd!

Pagkalabas ko ay naabutan ko agad si mama nagluluto nang napakaraming lulutuin. Ganito lagi ang ginagawa namin ni mama sa umaga, ang maghanda ng lulutuin para maibenta sa umaga at hapon. Mabuti nalang talaga at kilala na si mama dito. Kaya lahat ng niluluto niya ay nauubos, minsan nga kulang pa iyon.

Lagi kong pinapangako sa sarili na pagnakapag-ipon na ako, talagang magtatayo ako ng restaurant para kay mama.

Simula noong bata ako, iniwan na kami ni papa. Ang sabi ni mama, simula noong lumuwas ito ng ibang bansa ay hindi na siya tumawag o nagparamdam. Baka nga siguro, totoo ang sabi ni mama na nakahanap na iyon ng bago. Kami nalang ni karius ang kapatid kong bunso at si mama ang natitira sa bahay na ito. Hindi man kalakihan pero lagi naman kaming masaya.

Lumapit ako kay mama at agad tinulungan siya sa pag hihiwa.

"O, maligo kana at may pasok kapa. Kaya naman to, anak." Si mama.

"Alas singko pa naman sa madaling araw, ma. Tsaka, alas otso pa ng umaga ang pasok ko." Paliwanag ko.

"O, sige. Maya-maya gisingin mo narin ang kapatid mo at may pasok pa iyon nang alas syete. Ihahatid ko pa iyon."

"Opo, mama. Ako nalang kukuha kay karius mamaya." Sabi ko.

Nasa anim na taong gulang na si karius. At hindi hinayaan ni mama na siya lagi ang umuuwi o pumupunta sa school at baka ano pa mangyari. Matigas pa naman ang ulo nito at kung-saan saan lang sinusuyod ang shudad.

Tumango si mama at tumalikod na para ilagay na ang ibang putahe. Iba't-ibang putahi ang mga niluluto niya. May afritada, adobo, pancit at marami pang iba.

Mga ilang minuto rin, ginising ko na si karius. Ako na rin mismo ang nagpaligo. Pagkalabas ko ay nakahanda narin ang iba't-ibang putahi na natapos ng iniluto ni mama. Ang iba'y hindi pa natapos sa paghihiwa at saing. Agad niya naman itong nilagay sa labas na maliit namin na karenderya.

Pagkalagay palang ni mama ay agad may bumili na.

"Ate, Eva! Pabili nga po. Ang sarap talaga ng mga niluluto mo, ate. Sana naman maexpand pa itong karenderya niyo at mukhang nakukulangan na kayo sa upuan at mesa." Sabi ni ate berna na naging suki narin ni mama.

Totoo naman talaga, minsan wala ng mauupuan ang ibang customer ni mama dahil sa rami ng kumakain dito. Mga trabahante, kargador o dikaya studyante. Kaya sa huli, tini-takeout nalang nila ito.

Malapit ko narin matapos itong  pag-aaral ko sa kolehiyo. At hindi na ako makapaghintay na bigyan ng magandang buhay si mama at si karius.

"Mama, tapos na si karius. Ako nalang ang maghahatid sakanya. Aalis narin naman ako ngayon."

Napansin kong naparami-rami na ang bumibili kay mama. Gusto ko nga na kumuha siya ng mauutos niya dito at baka hindi niya makayanan pero ayaw niya naman. At sigurado akong hindi niya na maiihatid si karius, kaya ako nalang ang gagawa.

"Hindi na, ana—"

"Mama, madami ng bumibili, o!" Ngumiti ako at tinanaw amg mga tao. "Alas otso pa naman ang pasok ko. Maaga pa, kaya ako na ang maghahatid."

Tumango si mama at binigyan na kami ni kairus ng pera. Humalik narin siya sa magkabilang pisngi namin bago ito tumalikod at inasikaso ang namimili.

"O, mamaya, ako kukuha sa'yo, ha?"

"Opo, ate."

"O, sha, aalis na si ate."

Humalik ako sa pisngi nito bago maihatid siya sa loob ng klase. Nagpaalam narin ako at umalis na kaagad.

Pagkarating ko sa university ay may iilan ng studyante ang nakikita ko. Tinawagan ko rin si stefan at ipinaalam ang maaga kong pagapasok.

"I'll be there. Hintayon mo'ko, ha?"

"Bilisan mo lang!"

Sabi ko bago binaba ang tawag. Parehas lang kami ng kursong kinuha ni stefan, Flight attendant. Kaya halos lahat ng klase o subject ay magkasama kami.

Bago pa ako makaupo ng bench ay nanlaki ang mga mata ko nang namataan ko siya sa malayo. Tama nga si stefan! Taga rito nga ang antipatiko na ito!

Mabilis na tumakbo ako at nilapitan siya. Napansin ko naman ang gulat sakanya. Tumawa ako ng bahagya.

"Hi, ares-totle." Tumawa ako.

Tumikhim lang ito at inirapan ako bago pinagpatuloy ang paglalakad. Suplado talaga. Mabilis na hinarangan ko siya.

"I said, hello ares-totle." Ngumisi ako pero hindi na napigilang tumawa.

"Does it sounds funny to you?"

Tinikom ko ang bibig ko at umiling-iling.

"Ito naman, ang suplado. By the way, dito ka pala nag-aaral? Grabe! Tinadhana ata tayo, no?"

"Tss." Umirap ito at walang kahirap-hirap na tinabi ako para makadaan siya sa dinaanan niya.

Amoy na amoy ko ang bagong ligo niya. Hindi ko naman mapigilang mamangha sakanya. Inaamin ko naman talagang gwapo siya. Hindi ko lang akalain na sobrang iba sa itsura niya ang pagsusuot ng uniform. Sa sobrang fit ng slacks niya ay parang nagmukhang pantalon na ito. Hindi nga made-deny na pinaghihirapan niya talaga ang pagpapaganda sa katawan. Marami naman akong nakilalang mas maganda at mas malaki pa ang braso sakanya. Pero saknya it was so balance. Hindi malaki, sakto lang talaga.

Pero I wont deny na halos lahat ata sakanya ay walang kapintasan. Pero kung sa ugali naman ang pag-uusapan, ay aba, marami!

"Hoy, Ivanna!" Nabaling ang atensyon ko kay stefan na ngayon ay patakbo na rito.

Ngayon ko lang din napansin na kanina pa ako nakatitig sa antipatiko na iyon, at nakalayo na pala siya mula saakin! Ni hindi ko tuloy napigilan!

Sumimangot ako.

"Kaaga-aga ginugulo mo naman iyon! I told you, he's not interested with you. Kita mo naman, inirapan kapa." Tinawanan ako.

"Hindi ko naman iyon ginugulo, a! I'm just trying to being friendly here." Paliwanag ko.

Tinaasan niya naman ako ng kilay.

"Wow. Kailan ka pa naging friendly sa mga lalaki, aber?"

"Basta! Halika na nga!" Agad na hinila ko ito at hindi pinansin ang pang-iinis at tanong saakin.

Naging mabilis ang oras para saamin. Wala namang bago at puro discussion lang sa paparating na event sa school. Hindi rin naman ako interesado doon.

Nasa cafeteria kami ngayon ni stefan. Konti lang din inorder ko dahil hindi naman ako gutom.

"Grabe! Alam mo kagabi, napaginipan ko iyong nakausap ko sa bar! Sayang lang hindi ko nahingi iyong number."

"Talaga?" Walang gana na sagot ko.

Iniripan niya lang ako dahil sa naging reaksyon ko.

"Whats wrong with your face? Haynaku!Huwag ka na kasing umasa dahil hindi ka mapapansin nun!"

Umikot ang mata ko sa sinabi niya.

"Tignan lang natin. Sa ganda kong ito?" Pagmamayabang ko sakanya.

"Ang sabi pa nga nila, huwag ka raw magmahal sa taong hindi pa tapos sa past."

"Sino bang nagsabi mamahalin ko iyon? Kailan ba ako nagmahal, stefan?" Nakataas ang kilay na tanong ko.

"Wait, si ares, o!"

Mabilis na tumingin ako sa likod at pinagmasdan ang mga tao sa counter pero wala naman akong makita.

Nang marinig ko ang tawa ni stefan ay doon ko lang napagtanto na niloloko niya lang pala ako. Sumimangot ako sakanya.

Bwisit talaga ang bakla na ito!

"Wow ang bilis ah!" Humalakhak ito.

"Eh kasi siya lang ang lalaking hindi ako pinapansin! Tsaka..parang I find him so interesting. Challenge 'to para saakin, ano sa tingin mo?"

"Ewan ko sa'yo at kung ano-ano yang mga palaro mo. Baka sa huli, mahuhulog ka diyan."

Impossible. Tsaka alam ko sa sarili kong uunahin ko pa si mama kesa magseryoso ng lalaki. Ang dami ko pang gustong gawin sa buhay.

Tsaka ano naman ngayon..na aaliw rin ako sa pagiging suplado at antipatiko niya.

"Si ares.."

"Hindi mo na ako mauuto.."

"Si ares nga kasi. He's alone." Pabulong na sabi niya saakin.

Walang gana ay tumingin ako sa direksyon na tinitignan niya. Nabuhayan naman ako nang makitang andoon nga si ares sa pinakadulo. Maraming nakatingin na mata sakanya pero wala man lang siyang pakialam at seryoso lang ang pagsubo ng pagkain.

Nakatagilid ito kaya mas lalong dumepina ang mahahabang pilik mata nito.

"Grabe, hindi ko alam bakit hiniwalayan ni lianna 'yan." Si stefan.

"Umiiyak din kaya 'yan?" Tanong ko habang hindi parin inalis ang paninitig sakanya.

"Ewan ko..siguro?" Kibit balikat ni stefan.

Pabalik-balik ang tiim bagang niya at hindi maalis ang tingin ko doon.

Bakit kaya siya iniwan? Pakiramdam ko gusto ko iyon hanapin. I want to find out what's really wrong about him.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C3
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login