Download App

Chapter 2: Waited and Wasted

Sabi nila, masarap daw magmahal. Masarap daw 'yung pakiramdam na may taong nandyan para sa'yo. 'Yung tipong, lagi kang itetext mula sa paggising hanggang sa pagtulog mo. 'Yung taong magpaparamdam sa'yo na espesyal ka at hindi kung sinu-sino lang sa buhay niya. 'Yung may mag-aalala kapag may sakit ka o 'pag gabi ka nang nakauwi. Siya mismo ang tatawag sa'yo kung may problema ka at sasabihin sa'yo kung gaano ka ka-galing at malalagpasan mo rin 'yang problema mo. Siya 'yung taong magpapangiti sa'yo kahit gaano ka pa ka-badtrip o kahit gaano pa naging mahirap ang araw mo. Siya 'yon. Siya 'yung taong nagmamahal sa'yo.

Mayro'n akong mahal.. Siya 'yung taong nagparamdam sa'kin kung paano ang buhay ko kapag may nagmamahal sa'kin bukod sa pamilya at mga kaibigan ko. Siya 'yung dahilan kung ba't ako excited na gumising sa umaga dahil makakatanggap agad ako ng text o tawag mula sa kanya para lang batiin ako. Siya ang naging inspirasyon ko. Siya ang taong pinaka-minahal ko.

Kaya lang, siya rin pala ang taong magpaparamdam sa'kin ng mga kasalungat nito.

Ayokong tawagin ang sarili ko na tanga. Masyado lang siguro akong naging masaya na hindi ko man lang nalaman kung paano na ako kapag wala na siya.

"Hi, Ate Jane!"

Ngumiti ako sa mga kaklase ko. Ganito lagi ang eksena sa buhay ko tuwing umaga. Tinatawag nila akong ate dahil mas matanda naman talaga ako sa kanila. Dapat nga, college na ako kaso nag-stop ako ng two years. Ang dahilan? Money. It's always like that, right? Kahit gaano ko ka-ayaw na mag-stop sa studies ko noon, wala akong magagawa.

Pumasok ako sa classroom namin nang tahimik at hinintay na lang ang teacher namin. Maingay ang mga kaklase ko. Sino bang hindi? Lahat din naman yata ganito eh. Ako, minsan lang mag-ingay.. Kapag napagtritripan ako ng mga kaibigan ko. Apat kaming magkakaibigan. Sila lang nga ang mga ka-close ko eh.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Bigla akong napangiti. Baka si Ray! Kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang nag-text. Hindi nawala ang ngiti ko dahil siya nga.

"Good morning, babe. I love you! :)"

Napakagat-labi ako. Syet! Kinikilig ako! Ni-replyan ko agad siya bago pa man pumasok ang teacher namin.

Lutang ang isip ko, sa totoo lang. Iniisip ko kasi kung anong ginagawa niya ngayon. Natapos na kaya niya 'yung project niya? Sana naman nagawa na niya 'yon. Ah, itetext ko na lang siya para tanungin.

Ngumiti ako ng palihim. Siya ang boyfriend ko, si Ray. 3 years na kami. Oo, matagal na kami. Pero, ang nakakalungkot lang.. Hindi ko siya kasama. Nasa Manila siya habang ako, nandito sa Cotabato City. Ang layo ng pagitan namin. Kumbaga, long distance relationship.

Mahirap pala ang ganito. Ni hindi ko man lang siya nakikita. Hanggang sa text at tawagan lang kami nakakapag-usap. Pero kung meron mang maganda na idinulot nito, 'yun ay ang.. Masaya ako. Masaya ako dahil alam kong mahal niya ako. Masaya ako dahil meron akong isang taong tulad niya.

Akala ko magiging masaya na lang ako parati dahil sa kanya. Hindi pala..

Wala ako sa sarili nang pumasok ako sa school ngayon. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman. Mag-aalala ba ako o magagalit sa kanya? Ilang araw na siyang hindi nagpaparamdam. Ni hindi man lang ako sinabihan kung ano nang nangyayari sa kanya! Kahit ilang beses ko pa siyang tawagan, useless pa rin dahil nakapatay ang phone niya. Kinakabahan na ako. Hindi ko na alam kung bakit bigla na lang siyang naging ganito.

May mali ba akong ginawa? May kasalanan ba ako sa kanya? Galit ba siya sa'kin?

Dumaan ang ilang weeks.. Hindi pa rin siya nagtetext at tumatawag. Nagsimula na akong kutuban. May mali talaga. Hindi naman kami ganito dati eh. Lagi siyang nagtetext para magpaalam kung hindi muna siya makakapag-paramdam.

Gabi na at tapos na rin kaming kumain ng dinner. Naisipan kong tawagan siya. Baka sakaling sumagot na siya. Pumasok ako sa kwarto ko. Ayokong marinig nila Mama ang pag-uusapan namin. Ang totoo kasi niyan, hindi nila alam ang tungkol sa'min ni Ray. Ayaw pa nila akong mag-boyfriend dahil daw bata pa ako. Kaya heto, nilihim ko na lang sa kanila.

Umupo ako sa kama at dinial ang number niya. Nanginginig ang kamay ko habang hinihintay na sumagot siya. At nagulat ako dahil naka-on na ang phone niya. Lalo akong kinabahan. Naka-tatlong ring na nang sagutin niya ang tawag ko.

"H-Hello?"

"Babe... Sorry, hindi na kita natawagan. Namatay na si Lola."

Napalunok ako. Hindi ako nakapag-salita. Wala na ang lola niya.. Nalulungkot ako para sa kanya pero at the same time, nakaramdam ako ng inis.

Bakit hindi niya man lang ako tinext? Bakit hindi niya man lang ako sinubukang tawagan para malaman ko ang nangyayari sa kanya dun? Wala lang ba ako sa kanya? I'm his girlfriend for goodness' sake!

"Condolence, Ray. Sige, magpahinga ka na lang muna. Alam kong pagod ka. Good night." Hindi ko na siya hinintay na makapag-salita at in-end na ang tawag.

Itutulog ko na lang itong sama ng loob ko. Baka mawala rin.

Kaya lang, lalo lang palang lumala. Hindi niya ako tinawagan matapos no'n. Lalo akong nakaramdam ng inis. Bakit ba niya ako ginaganito? Hindi ba niya alam ang nararamdaman ko? Ang manhid niya!

Kinausap ako ng mga kaibigan ko. Sabi nila, baka daw kailangan pa niya ng panahon. Hindi naman daw ganun kadaling mawalan ng kapamilya. Dahil doon, naisip kong baka nga kailangan niya muna ng space. So I gave it to him.

Ilang araw akong nagtiis. Nang mag-text na ulit siya, wala akong nagawa kundi patawarin na lang siya. Inisip ko rin namang baka nga nahirapan siyang mag-moved on sa nangyari.

Naging okay ulit kami. Bumalik sa dati at parang walang nangyari.

Hindi ko naman alam na nagiging bingi at bulag na ako sa pag-ibig..

Sembreak na namin. Hindi ako katulad ng iba kong kaibigan na nagpapakasaya sa mga ganitong panahon. Wala kasi akong magawa sa bahay at hindi rin naman ako papayagang lumabas. Ang unfair ng buhay ko, 'no? Gusto kong mamasyal para mawala muna siya sa isip ko.

Hindi na naman kasi siya nagtetext sa'kin.

Baka busy lang siya. Wala rin naman 'yun klase pero baka may pinuntahan sila. Siguro nagbakasyon muna.

"Nak, bili ka ng ice." utos sa'kin ni Mama.

Kinuha ko sa kanya 'yung pera at lumabas na ng bahay. Pumunta ako sa tindahan at bumili ng ice. Nang iabot na 'yon sa'kin ay aalis na sana ako nang mapansin ko ang isang lalaki na panay ang tingin sa'kin. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin ako sa kanya.

Kamukha niya si Ray.

Pero hindi ako sigurado. Hindi ko pa siya nakikita sa personal eh. Sa facebook ko lang nakita ang mukha niya. Napailing ako. Hindi. Ayokong umasa na siya itong kaharap ko. Hindi siya si Ray. Imposibleng mangyari 'yun kasi hindi naman siya nagsabi na pupunta siya dito.

Nagmamadaling umalis ako at bumalik sa bahay habang pilit na tinatatak sa isip kong hindi siya 'yon.

Makalipas ang ilang minuto, may na-received akong text mula sa kanya.

"Nakasuot ka ba ng blue shirt at black shorts?"

Awtomatikong kumunot ang noo ko. Napamura ako bigla. Alam niya kung anong suot ko ngayon!

Siya nga 'yung lalaki kanina.

Hindi ako nakaramdam ng tuwa. Sumama ang loob ko sa ginawa niya.

"Bakit hindi ka nagpakilala sa'kin kanina?" ang ni-reply ko sa kanya.

Hinintay ko ng ilang minuto ang reply niya. At napapikit na lang ako ng mariin nang mabasa ko 'yon.

"Sorry. Nagmamadali rin kasi ako. Dumaan lang talaga ako sa inyo."

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng mga luha ko. Bullshit! Nagmamadali? Pagdating ba talaga sa'kin, wala siyang oras? Ano man lang 'yung magpakilala siya at sabihing, "Ako si Ray. Kamusta?" This is ridiculous!

"Sorry talaga."

Inis na binato ko sa kama ang phone ko. Ayoko muna siyang kausapin. Nagagalit ako sa ginawa niya. Ang g@go lang!

Pero kahit ganun ang nangyari.. Pinatawad ko pa rin siya. Nagbati kami. Inisip kong baka nagsasabi naman talaga siya ng totoo.

Classes resumed. Tapos na ang boring na sembreak. Kaya lang, may mangyayari palang hindi ko man lang pinaghandaan.

Nag-away kami ng mga kaibigan ko. Lumayo sila sa'kin. Nagalit ako sa inasta nila. Ano 'yon? Pag sawa na pala sila sa samahan namin, babalik sila sa mga dati nilang kaibigan? Gusto ko silang kamuhian. Pero pinili kong hindi na.

May mga bago na akong kaibigan. Si Jana, siya ang pinaka-close ko dahil alam kong naiintindihan niya ako. Halos pareho nga kami sa mga hilig eh. Alam niya rin ang tungkol kay Ray. Kinwento ko sa kanya lahat..

At hindi niya ito gusto para sa'kin. Madalas niya akong pagsabihan na nagiging martyr na daw ako. Gusto ko siyang sabihan na hindi niya ako gaano naiintindihan pagdating sa relasyon namin ni Ray.

Pero dumating nga ang araw na ako mismo ang nakaintindi ng pinaparating niya. Dumating na ang araw na mararanasan ko na ang mga kinatatakutan ko.

Isang buwan siyang hindi nag-text o tumawag. Ni isang "Hi" o "Hello", wala. Hindi ko na alam kung ano pang dapat kong unahin ngayon, ang makaramdam ba ng tampo o galit sa kanya. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.

At kahit na gustung-gusto ko na siyang i-contact, hindi ko na ginawa. Ang alam ko lang.. Hihintayin ko siya. Kahit gaano pa katagal. Maghihintay ako.

Dalawang buwan na ang nakalipas. Wala pa rin. Gabi-gabi na akong hindi nakakatulog ng maayos. Lagi ko siyang iniisip. Baka may nangyari nang masama sa kanya. Pero, dalawang buwan nang wala man lang ni isang missed call?

"Nagmumukha ka nang tanga." naalala kong sinabi sa'kin ni Jana noong isang araw.

Tanga na bang matatawag ang ginagawa ko? Mahal ko siya. 'Yun ang totoo. 'Yun ang dahilan kung bakit willing pa rin akong hintayin siya.

Hanggang sa isang araw, nakapag-desisyon na ako. Tatawagan ko siya. Tatanungin ko na siya. Ang bilis ng tibok ng puso ko habang hinihintay na sagutin ang tawag ko.

"Hello?"

Napahugot ako ng hininga. "K-Kamusta na?" nangangatal na tanong ko.

Ilang segundo ang dumaan at hindi pa rin siya nagsasalita. Narinig ko na lamang ang paghinga niya ng malalim at pagsabi sa mga salitang hindi ko alam na maririnig ko pala mula sa kanya.

"I'm sorry. Pagod na ako, Jane."

Para akong nabingi sa mga oras na 'yon. Anong pagod? May ginawa ba siya kaya siya napagod?

At parang hindi pa siya nakuntento sa sinabi niya, nagsalita ulit siya na nagpatulo na sa mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Ayoko na."

Umiyak na ako nang tuluyan. Hindi ko na kinaya. Tatlong taon.. Tatlong taon ang binalewala niya. Ganoon katagal na panahon ang sinayang niya.

Nagsimula akong tanungin ang sarili ko. May mali ba sa'kin? Pangit ba ako? Masyado ba akong mataray? Bakit ganun?

Mahirap ba akong mahalin?

Wala akong pinagsabihan ng nangyari. Kahit si Jana, hindi rin alam kung bakit kami nag-break. Ang alam lang nila, wala na kami. Hindi niya ako kinulit na sabihin sa kanya ang dahilan. Hinayaan niya akong manahimik. Ayoko rin namang sabihin dahil baka umiyak pa ako sa harapan niya.

Ang sabi niya kasi noon, wag lang talaga akong iiyak sa harapan niya kung si Ray lang din ang dahilan. Baka daw mabatukan niya ako 'pag nagkataon.

Mukha na raw akong ewan. Laging wala sa mood. Pero nasasakyan pa rin nila ang trip ko. Mga mataray din naman kasi ang mga lagi kong kasama sa klase. Tinago ko lahat ng sakit. May mga pagkakataong naiiyak ako pero hindi na gaano nagsalita pa si Jana. Minsan nga lang o baka madalas, minumura na niya si Ray.

Nasasaktan pa rin ako. Mahal ko pa eh. Gusto ko siyang kausapin. Kaso baka magalit na sa'kin ang mga kaibigan ko. Gusto ko lang talagang malaman kung may pag-asa pa. Ayokong sumuko. Kahit na sobra-sobra na akong nasasaktan, umaasa pa rin ako. Naghihintay pa rin ako.

Ilang linggo ang dumaan. Naisip kong tawagan siya. Gusto ko siyang tanungin.

"Hindi mo na ba talaga ako mahal?" pinilit kong hindi pumiyok ang boses ko nang itanong ko 'yun.

Narinig ko pa ang buntong hininga niya bago sumagot, "Mahal. Mahal kita, Jane."

Napangiti ako.. Pero naging isang mapait na ngiti na lamang 'yon nang mag-salita ulit siya.

"Kaya lang, mahal ko rin siya."

Sa pagkakataong 'yun, tuluyan na akong nawalan ng pag-asang maisalba pa ang relasyon namin.

Ang bilis niyang nakahanap ng pamalit sa'kin. Samantalang ako, araw-araw na lang na umiiyak at pinagdarasal na mawala na lang ang lahat ng sakit at galit na nararamdaman ko. Galit ako sa kanya pero mahal ko pa rin siya.

Mahal.. Ang salitang 'yan. Ang salitang nagpasaya sa'kin sa loob ng tatlong taon.

Pero 'yon din ang salitang nagparamdam sa'kin ng ganito. Ang salitang binitiwan niya noon. Na pinaniwalaan ko. Na pinanindigan ko.

Naghintay ako sa wala. Nasayang ang lahat. At hindi ko na alam kung paano ko pa maibabalik sa dati ang lahat ng wala siya.

Tinuruan niya akong magmahal pero hindi niya man lang itinuro sa'kin ang gagawin 'pag hindi na totoo ang lahat ng sinasabi niya.

Alam ko sa sarili ko.. Makakalimutan ko rin ang lahat ng ito. Lahat-lahat. At 'pag dumating ang araw na 'yon.. Sisiguraduhin kong magiging masaya ako kahit na maalala ko siya. Magiging masaya na ako kahit umalis siya buhay ko.

Magiging okay at masaya rin ako balang araw.

At sa mismong araw na 'yon, alam ko na sa sarili kong handa na ulit ako.

Handa na akong magmahal ulit. Kakayanin ko na muling maghintay para sa taong mahal ko. Pero sisiguraduhin kong hindi na masasayang ang paghihintay ko.

Paalam, Ray. Salamat sa lahat.

====================================================


Load failed, please RETRY

The End Write a review

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login