Download App

Chapter 21: Ako si Duan Ling Tian!

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Young Master, tapos na ako kumain."

Sinabi ni Ke Er, sa isang pino at mahinahon na tinig. Pagkatapos kainin ang huling piraso ng dim sum, ang dalagita ay ininom ng huling patak ng gatas ng soy-bean, at pagtapos ay tiningnan niya ang bata ng may malambot at makabagbag-pusong ekspresyon.

"Sige, tayo na't pumunta sa pamilihan upang kumuha ng ilang mga bagay bago bumalik sa bahay."

Ang bata ay mahagyang ngumiti habang pinupulot niya ang kanyang nasa lalagyan na espada sa ibabaw ng mesa.

Ang dalagita ay dahan-dahang tumango, at sumunod sa likuran ng bata. Sa ilalim ng titig ng lahat na naroroon, dahan-dahan silang bumaba mula sa ikalawang palapag ng Agarwood Restaurant.

"Napakawalang takot niya sa kamatayan."

Nang kaniyang mapansin si Duan Ling Tian na paalis, ​​isinama ni Chen Mei Er ang kanyang tagapaglingkod at sumunod sa kanya, ang kanyang mga tira-tira ay kanyang iniwan.

Ang natitirang mga bisita sa ikalawang palapag ay tumayo rin at sumunod sa likod ni Chen Mei Er.

Ang pagnanais na panoorin ang ganitong pangyayari ay likas sa tao.

Sa harap ng pintuan ng Agarwood Restaurant ay nakatayo si Fang Quan at ang tatlong bata ng Fang Family na mabangis na tumititig sa kainan. Sila ay tila naghihintay ng kung anuman.

"Anong oras na at hindi pa rin siya lumabas. Hindi naman siya nagpaplano na maging isang duwag, tama?"

"Cheh! 'Di ba kanina ay nagtatapang-tapangan pa sita? Subalit siya ay naduduwag sa sandaling dumating dito si Brother Fang Quan. Napakaduwag!"

"Ayan na siya!"

Bago mabuksan ng ikatlong bata ang kanyang bibig at ipagpatuloy ang pang-iinsulto kay Duan Ling Tian, ​​napansin nila ang mag-asawa na mabagal na lumalakad palabas sa kainan.

Kahit na sila ay magkaaway, hindi nila mapigilan ang kanilang sarili na mapabuntong-hininga kanilang mga puso. Isang tugma na gawa mula sa langit!

Siyempre, ang kanilang pagtingin sa bata ay puno ng inggit...

"Hindi ko inaasahan na ikaw ay may lakas ng loob upang lumabas."

Tiningnan ni Fang Quan ang bata habang siya ay nangungutya, nagsasalita sa isang mapanghimasok na paraan.

"Bakit hindi ako maglalakas-loob na lumabas? Isa lamang baliw na aso at tatlong may kapansanan na mas maliliit na aso ang humaharang sa aking daanan."

Ang bata ay nang-aasar na ngumiti at may isang walang inaalalang ekspresyon, na parang binababaan ng tingin si Fang Quan.

"Ang lalaking ito ay may lakas pa ng loob na galitin si Fang Quan kahit na ganito ang sitwasyon. Ay hindi ba siya natatakot nab aka patayin siya ni Fang Quan?"

Si Chen Mei Er ay nakatayo sa harap ng maraming tao na sumunod kay Duan Ling Tian. Pinapanood siyang pikunin si Fang Quan na nagdulot sa kanyang ekspresyon na hindi sinasadyang manigas.

Ang ibang mga tao ay may parehong iniisip tulad ni Chen Mei Er, ngunit ang kanilang mga titig ay puno ng awa.

"Napakabobong bata naman! Ako, si Fang Quan, ay magsasabi sa iyo na dito mismo ngayon: ay tiyak kang mamamatay!"

Matapos mainsulto ng lubusan ng bata, ang mga mata ni Fang Quan ay may malamig na tingin habang kinukuyom nito ang kanyang kamay at mga kalamnan sa kanyang katawan ay lumaki.

Bilang isang ika-anim na antas na martial artist ng Body Tempering, siya ay may kakayahang maglabas ng isang libong libra ng lakas!

"Maraming mga tao na gusto akong mamatay, ngunit natatakot ako na hindi mo ako kayang patayin."

Si Duan Ling Tian ay nang-aasar na ngumiti habang hinahawakan ang kanyang espada sa isa ninyang kamay at hinawakan naman ang kamay ni Ke Er sa kabilang kamay. Dahan-dahan siyang lumabas na parang walang nangyayari.

"Anong ginagawa niya?"

Nang mapansin na dinadala ni Duan Ling Tian ang dalagita sa gitna ng laban, ang lahat ng tao ay hindi makapagsalita at may nalilitong ekspresyon.

Huwag mong sabihin sa akin na sa palagay niya ay magpapakita ng awa si Fang Quan dahil sa presensya ng dalagita?

Sa harap ng bintana sa ikatlong palapag ng Agarwood Restaurant.

"Isang nakakaintrigang bata. Saan kaya siya galing?. Kung iwawalang-bahala ang iba, ang kanyang lakas ng loob at pasensya ay higit na mas mataas sa mga taong may kaparehong edad."

Tinignan ni Manager Ma ang bata ng may naiintrigang ekspresyon.

Mas naglamig na pagtitig ni Fang Quan at ang mga sulok ng kanyang bibig ay nababaluktot.

Ang kanyang nasa isip ay eksaktong katulad ng iba. Akala niya ay sadyang dinala ni Duan Ling Tian ang dalagita sa labanan, siya'y mag-alinlangan sa kanya at bigyan siya ng awa.

Ngunit gusto ba niya?

Ang sagot ay hindi...

"Mamatay ka na!"

Biglang sumigaw si Fang Quan habang mabigat na iniyapak niya ang kanyang paa sa lupa.

Sumabog ang kanyang lakas bilang isang ika-anim na antas na martial artist ng Body Tempering sa tulong ng isang libong libra ng lakas, siya lumipad na tulad ng isang bola ng kanyon patungo kay Duan Ling Tian...

Ang kanyang mga kamao ay sumabog patungo kay Duan Ling Tian, ​​direkta sa dibdib ni Duan Ling Tian.

Middle Grade Yellow Rank Martial Skill, Raging Bull Fist!

Nang marinig ang hangin na sumisipol sa kanyang mga tainga, mas lumwak ang ngisi sa mukha ni Fang Quan. Na para bang nakikita niya na si Duan Ling Tian na tumalsik at namatay mula sa matinding pinsala.

Sa sandaling sumalakay si Fang Quan, lahat ng nasa puso ng karamihan ay nasa kanilang mga bibig na!

Ang tatlong mga bata ng Fang Family ay may mga ekspresyon na puno ng kasiyahan at kuntento.

Naglakas-loob kang kalabanin kami, kaya't mamatay ka!

"Ang lalaking 'to…"

Kumunot ang noo ni Chen Mei Er.

Kahit na ang bata ay bastos sa kanya mula noong una hanggang kanina.

Kahit ganoon, sa kanyang puso, hindi siya nagalit ditto kahit kaunti. Sa halip, siya ay interesado sa kanya at nais na makilala siya.

"Tigil!"

Nang maglaon, naglakd si Chen Mei Er, nais subukang pigilin si Fang Quan.

Ngunit masyado siyang mabagal.

Ang mga kamao ni Fang Quan, na parang mga bala ng kanyon, ay malapit nang hampasin si Duan Ling Tian...

Sa sandaling ito, kahit na gusto ni Fang Quan na huminto, huli na! At kahit ganoon ay wala siyang intensyon na huminto.

"Ke Er, ikalma mo ang iyong katawan!"

Ang bibig ni Duan Ling Tian ay bahagyang gumalaw habang binabalaan niya ang dalagita, at pagkatapos ay hinawakan ng kanyang kaliwang kamay ang kanyang payat na baywang at siya'y gumalaw.

Buong loob na ipinakita ang kanyang kakayahan na kanyang natamo sa pagcultivate ng Nine Dragons War Sovereign Technique's Spirit Serpent Form, binuhat niya ang dalagita habang iniwasan niya ang suntok ni Fang Quan!

Ang mga kamao ni Fang Quan ay dumulas sa damit ni Duan Ling Tian...

Whoosh.

Clang!

Halos sa iisang sandali, ang tunog ng isang espada na gumuguhit at bumabalik sa lalagyan nito ay tumunog!

Sa susunod na sandal.

Nakita itong malinaw ng lahat ng tao.

Ang mga mata ni Fang Quan, na ang katawan ay dinadala ng isang puwersa, ay biglang nagdilim. Kanyang mga kamay ay mahigpit na hinawakan ang kanyang lalamunan, ngunit hindi niya kayang itigil ang pag-agos ng dugo...

At sa huli, ay hindi na niya kinaya, kaya ang kanyang katawan ay bumagsak sa lupa, walang kabuhay-buhay.

Katahimikan.

Ang lugar sa labas ng pinto ng Agarwood Restaurant ay nakakabinging tahimik.

Ang tingin ng lahat ng tao ay nasa walang buhay na si Fang Quan...

Ang marangal na Manager ng marangal na Fang Family Medicine Store, isang ika-anim na antas na martial artist ng Body Tempering militar, ay namatay nang ganun-ganun lang?

Bukod pa rito, ang gumawa nito ay malinaw na hindi pa labing-anim na taong gulang!

Hiss! Hiss! Hiss! Hiss! Hiss!

...

Sa isang sandali, ang tunog ng mga tao na humihugop ng malamig na hangin ay maririnig sa buong lugar sa paligid ng pinto ng Agarwood Restaurant.

Ang mga tingin ng lahat ay lumipat mula sa walang buhay na katawan ni Fang Quan patungo sa mga bata na unti-unting naglalakad palayo.

Ang bata ay yumakap sa dalagita habang hawak-hawak ang nasa lalagyan na espada, tahimik na lumalakad paalis...

Pumatay ng isang lalaki sa sampung hakbang, ay hindi mapipigilan ng isang libong milya.

Biglang narinig ng lahat ang tinig ng paalis na bata.

"Tatlong bata ng Fang Family, kung kayo ay nagagalit parin, maaari niyo akong hanapin sa lugar ng Li Family. Tama, tandaan niyo ang pangalan ko para hindi mo mahanap ang maling tao. Ako si Duan Ling Tian!"

Ang boses ay kalmada, na parang pagpatay ng isang tao ay wala lang sa kanya.

"Ako si Duan Ling Tian!"

Ang boses ng bata ay pumasok sa tainga ng lahat.

Hindi ito ang unang pagkakataon na narinig nila ang pangalang ito.

Kalahating buwan na ang nakalilipas, ang pangalan na ito ay kumalat sa buong Fresh Breeze Town.

Na ang isang disipulo na may ibang apelyido ng Li Family ay tinatawag na Duan Ling Tian!

"Siya pala si Duan Ling Tian? Ang Duan Ling Tian na kalahating buwan na ang nakalipas ay nagpahayag na ay kanyang bibisitahin ang Fang Family at papatayin ang Manager ng Fang family na si Fang Qiang?"

"Siya nga siguro iyon... Hindi ko inaasahan na siya pala ay ganito kalakas!"

"Hindi man lang nakita kung paano siya sumalakay nang ang lalamunan ni Fang Quan ay agad nang hiwa sa isang guhit lamang. Ang bilis niya ay kahanga-hanga!"

"Napansin ko na ang kanyang cultivation ay nasa ikaapat na antas pa lamang ng Body Tempering Stage, ngunit ang pagpatay ng ika-anim na antas na martial artist ng Body Tempering ay kasing kadali ng pagputol ng damo para sa kanya."

...

Hindi mapigilan ng mga tao ang kanilang sarili mula sa pag-uusap. Ang tono ng kanilang mga tinig ay puno ng takot.

Lumabas na ang deklarasyon na ang disipulo na ito na may ibang apelyido ng Li Family kalahating buwan na ang nakalilipas ay hindi mapagmataas at mayabang, ngunit talaga siyang kumpiyansa!

"Duan Ling Tian!"

"Dalhin niyo si Brother Quan pabalik sa Manager!"

"Kailangan na'tin makaisip ng paliwanag tungkol dito para sa Li Family!"

Nagkikiskis ang kanilang mga ngipin habang sinasabi nila ito. Ang takot sa mga mata ng tatlong bata ay matagal na hindi nawala. Dala-dala ang bangkay ni Fang Quan, nagtungo sila sa pamilihan ng Fang Family.

"Duan Ling Tian? Siya pala si Duan Ling Tian?"

Matapos makabalik ni Chen Mei Er mula sa pagkabigla, isang pilyo na ngiti ang lumitaw sa kanyang mukha.

Hangga't siya ay interesado, hangga't si Duan Ling Tian ay isang miyembro ng Li Family, sa kalaunan ay makikita niyang muli si Duan Ling Tian, ​​at dahan-dahan niya iyong babawian.

"Halika, umuwi na tayo!"

Sinabi ni Chen Mei Er sa babaeng tagapaglingkod bago ito lumakad kasama siya patungo sa pamilihan ng Chen Family.

Ang karamihan sa tao na nakapalibot sa pinto ng Agarwood Restaurant ay unti-unti na umaalis, ngunit hindi nila pinigilan ang kanilang pag-uusap.

Ang paksa ng kanilang mga usapan ay tunkol sa ibang apelyido na Junior ng Li Family, si Duan Ling Tian.

Dati, narinig nila ang kanyang pangalan ngunit hindi pa nila nakikita ang bata.

Ngunit mula sa sandaling ito, nakita nila siya ng personal, at nakita pa nila ang kanyang mga kakayahan!

Gamit ang ika-apat na antas ng Body Tempering na cultivation, gamit ang isang guhit ng espada, pinatay niya ang ika-anim na antas na martial artist ng Body Tempering, si Fang Quan; isang kahanga-hangang gawa!

Kung ito ay isa lamang tsismis, maaaring hindi sila maniniwala rito. Ngunit matapos na makita nila ito gamit ang kanilang sariling mga mata, wala silang ibang magawa ngunit ang naniniwala.

"Siya ba ang usap-usapan na Duan Ling Tian ng Li Family?"

Sa ikatlong palapag ng Agarwood Restaurant, maliwanag ang mga mata ni Manager Ma.

"Ang bilis ng pagguhit ng espada na iyon ay hindi kapani-paniwala... Sa pamamagitan lamang ng paggamit sa kanyang ika-apat na antas ng Body Tempering, ay nakamit na niya ang ganoong bilis. Kung makakapasok siya sa ika-pitong antas ng Body Tempering Stage sa susunod na dalawang buwan, ang pagpatay sa Manager ng Fang Family, si Fang Qiang, ay hindi na imposible!

"Ngunit ang pag-unlad mula sa ika-apat na antas ng Body Tempering Stage patungo ikapitong antas sa loob ng dalawang buwan lamang ay halos imposibleng gawin. Bagaman ngayon ko lamang siya nakilala, masasabi ko na hindi siya ang uri ng tao na naghahanap ng kanyang sariling kamatayan. Dahil nagawaa niyang hamunin ang Manager ng Fang Family, marahil dahil ito sa tiwala niya sa kanyang sarili! Ngayon ako ay interesado sa mga susunod na mangyayari...

Sa pamilihan ng Li Family.

Si Duan Ling ay gumastos ng ilang mga pilak na barya upang bumili ng mga materyales mula sa Li Family Weapon Store at Medicine Store bago bumalik sa lugar ng Li Family kasama si Ke Er.

Matapos makakuha ng mga materyales, nakadama siya ng kaginhawahan.

"Fang Qiang, sa tatlong buwan, tiyak na mamamatay ka!"

Isang mabagsik na apoy ang lumundag sa loob ng mga mata ni Duan Ling Tian habang ang mga sulok ng kanyang bibig ay bumuo ng isang malamig na ngiti.

"Young Master, ayos ka lang ba?"

Nang napansin ang kanyang seryoso na ekspresyon, si Ke Er ay nag-aalalang tumingin.

"Ayos lang ako. Ke Er, hindi ka natakot sa kung ano ang nangyari sa harap ng Agarwood Restaurant, 'di ba?"

Si Duan Ling Tian ay bahagyang umiling at hinimas ang palad ng dalagita habang malumanay niyang tinanong ito.

"Hindi pinahihintulutan ng Young Master si Ke Er na tungin sa likuran, kaya hindi natakot si Ke Er."

Ang dalagita ay iniling ang kanyang ulo.

"Mabuti naman."

Tumango si Duan Ling Tian.

Bagama't nais niyang tuksuin si Ke Er, hindi niya plano ang ipakita agad sa kanya ang ganoon kadugong pangyayari.

Ang lahat ay nangangailan ng pagkakasunod-sunod upang unti-unting magpatuloy.

Kung sinubukan niyang itong tuksuin sa isang subok, maaari itong magsanhi ng ilang komplikasyon.

At maaaring umabot kung saan si Ke Er ay magdusa mula sa trauma na mahirap tratuhin.

Ito ay isang bagay na hindi hahayang mangyari ni Duan Ling Tian.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C21
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login