Download App

Chapter 69: Masaganang Papremyo

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Ang boses ni Li Qing ay masyadong malakas.

Agad na ang lahat ng mga kabataang henyo mula sa maliliit na clans ay tumingin sa kanya.

"Ano, hindi mo gusto ang sinabi ko? Kung hindi, kapag nagsimula ang pagtitipon, tinatanggap ko kayong lahat na hamunin ako! "

Ganap na nagbulag-bulagan si Li Qing sa tingin nilang puno ng galit.

Nang makita ito, walang masabi si Duan Ling Tian.

Talagang iniisip ng Li Qing na ito na walang siyang kapantay sa ilalim ng langit.

Nakita ito ni Li An mula sa malayo at may isang ekspresyon ng paghamak.

"Boorish!"

Bulong ni Li An sa sarili niya gamit ang isang boses na maririnig niya.

"Dahil gusto ng lahat na malaman, sasabihin ko ..."

Nang matapos ang pagsasalita ni Xiao Yu, ang mga tingin ng lahat ng mga kabataang henyo ay napunta sa kanya.

Kahit na si Duan Ling Tian.

Ang dahilan kung bakit siya dumalo upang makilahok sa ganitong pagtitipon ng mga henyo ay hindi para sa pagraranggo, ang Hidden Dragon List, o anuman; hindi siya nagkaroon ng isang kaunting ng interes sa mga iyon.

Ang bagay lang na mahalaga sa kaniya ay ang materyal na papremyo!

"Matapos ang deliberasyon ng aming Patriarchs mula sa tatlong dakilang clans, napagpasyahan na ang taong mairaranggo bilang una sa sa Hidden Dragon List ng taong ito ay tatanggap ng tatlong high grade Profound Rank martial skills, sampung Origin Increasing Pills, sampung Grade Eight Gold Injury Pills, tatlong 300-taong-gulang na Blood Lingzhis, at 300,000 pilak. "

Sa Star Observation Platform, taas baba ang mga tunog mula sa malamig na paghinga ng mga tao.

Ang mga papremyo ngayong taon ay mas mainam kaysa nakaraang taon…

"Hindi na masama."

Ang mga itim ng mata ni Duan Ling Tian ay kumitid at isang sakim na liwanag ang nagningning bago mabilis na naglaho.

Ang tatlong high grade Profound Rank martial skills, saan man ay itinuturing na mga bagay na may malaking halaga.

Ang Origin Increasing Pill ay ang medicinal pill na ginagamit ng mga Core Formation martial artists upang pataasin ang kanilang antas sa cultivation, kaya't lubhang napakahalaga nito.

Ang Grade Eight Gold Injury Pills, kahit na sa Fresh Breeze Town Li Branch Family, dalawa lamang ang mayroon noon. Matapos gamitin ang isa kay Duan Ling Tian, ​​mayroon na lamang isang natitira, ipinapakita kung gaano ito kabihira at kahalaga.

Ang tatlong 300-taong-gulang na Blood Lingzhis ay sobra pa upang makapagbigay ng malaking pagtaas sa antas ng cultivation ng isang defensive martial skill.

Ang 300,000 pilak ay mas praktikal.

"Hindi masama, ngunit kailangan mo munang makuha."

Paghamon ni Li Fei.

"Little Fei, kung makukuha ko ang unang ranggo sa Hidden Dragon List na ito, ikaw ay magiging aking asawa. Paano iyon? "

Palihim na tumawa si Duan Ling Tian.

"Pag-usapan natin iyan kapag ikaw talaga ang naging una."

Hindi ito sineryoso ni Li Fei.

Kahit na ang lakas ni Duan Ling Tian ay lubhang kakaiba, nakikita ni Li Fei na ang kanyang lakas ay bahagya lamang mas malakas kaysa kay Li Qing, at marahil ay bahagyang mas mababa pa kay Lin Zhuo ng Lin Clan, hindi na kasama si Xiao Yu ng Xiao Clan.

Siyempre, naniniwala siya na sa hinaharap, si Duan Ling Tian ay walang alinlangan na malalampasan sina Lin Zhuo at Xiao Yu.

Pagkatapos ng lahat, labing-anim na taong gulang pa lang si Duan Ling Tian ngayong taon.

Sa kabilang banda, sina Lin Zhuo at Xiao Yu ay dalawang taong mas matanda kaysa sa kaniya.

Kung ito ay Hidden Dragon List ng susunod na taon, naniniwala siya na maaaring maging una si Duan Ling Tian.

Sa taong ito, gayunpaman, hindi siya pabor kay Duan Ling Tian.

"Tatanggin ko iyan bilang iyong pagsang-ayon."

Ngumiti si Duan Ling Tian.

Ang kanyang mainit na tingin ay muling nagtungo sa mainit at kaakit-akit na katawan ni Li Fei. Ang kanyang mas mababang rehiyon ay nag-iinit habang muli itong nagkaroon ng reaksyon.

Tunay na isang kaakit-akit at nakakatuksong dalagita.

"Kung ganito ito, hindi ba ito ay medyo hindi patas?"

Ang malinaw na mga mata ni Li Fei ay naglalabas ng isang palihim na eskpresyon.

"Kung ganoon ay bakit hindi mo sabihin sa akin kung ano ang patas?"

Tanong ni Duan Ling Tian.

"Kung hindi mo makuha ang unang ranggo sa Hidden Dragon List, anuman ang ranggo na iyong makuha, ang iyong mga premyo ay dapat ibigay sa akin."

Ikinurap ni Li Fei ang kanyang magagandang mata na may isang ekspresyon na nagsabing "tingnan natin kung mangahas kang sumang-ayon o hindi."

"Little Fei, ikaw talaga ay sakim. Kapag pinakasalan kita, hindi ko na kailangang mag-alala sa pagkatalo kailanman ... Sige, sumasang-ayon ako. "

Umiling si Duan Ling Tian.

Nang marinig ang pagsang-ayon ni Duan Ling Tian, ang ngiti sa sulok ng bibig ni Li Fei ay natigil.

Ang mukhang pera na ito ay talagang sumang-ayon?

Maaari kayang talagang tiwala siya?

O hindi kaya…

Tinago niya ang kanyang lakas?

Sa sandaling ito, ang mga iniisip ni Li Fei ay walang nagawa kundi ang magdulot ng pagsisisi sa kanyang puso.

Napansin ni Duan Ling Tian ang patuloy na pagbabago ng ekspresyon ni Li Fei, kaya agad siyang nagtanong, "Little Fei, hindi mo na babawiin ang iyong mga salita, tama?"

"Humph! Pag-uusapan natin ito kapag talagang nakuha mo ang unang pwesto sa Hidden Dragon List, " daing ni Li Fei.

Sa sandaling ito, ang mga kabataang henyo sa Star Observation Platform ay bahagyang naikalma ang kanilang mga pakiramdam.

"Young Master Yu, ang dalawang taong mairaranggo sa top three, ano ang kanilang papremyo?" Isa pang bata ang nagtanong.

"Ang ikalawa at pangatlong ranggo ng Hidden Dragon List sa taong ito ay tatanggap ng dalawang high grade Profound Rank martial skills, limang Origin Increasing Pills, limang Grade Eight Gold Injury Pills, dalawang 300-taon gulang na Blood Lingzhis, at 200,000 silver," sagot ni Xiao Yu .

Kahit na ang mga premyo ng pangalawa at pangatlong ranggo ay mas kaunti kaysa sa una, para sa karamihan ng mga tao na naroroon, napupuno pa rin sila ng tukso ...

"Para naman sa pito pang kabataang henyo na niraranggo sa Hidden Dragon List, tatanggap sila ng isang high grade Profound Rank martial skill, tatlong Origin Increasing Pills, tatlong Grade Eight Gold Injury Pills, isang 300 taong gulang na Blood Lingzhi, at 100,000 pilak, "pagpapatuloy ni Xiao Yu.

Napuno ang Star Observation Platform ng mataas na determinasyon.

Basta mairanggo sila sa Hidden Dragon List, bukod pa sa pagiging kilala sa Aurora City, makakakuha rin sila ng mga napakaraming papremyo ...

Ang bawat isa ay pinagkikiskis ang kanilang mga kamay at sabik na magsimula.

"Ang pagtitipon ay magsisimula na ngayon."

Matapos ang pag-anunsyo, bumalik si Xiao Yu sa pinakaloob na pergola sa Star Observation Platform upang tumayo at tumabi sa kanyang kapatid na si Xiao Lan, at maghanda para sa labanan.

"Kapatid, maliban lang kung may hindi inaasahang mangyari, ang unang ranggo para sa Hidden Dragon List ng taong ito ay tiyak na magiging iyo."

Ngumiti nang mahinahon si Xiao Lan, mukhang marangal at elegante.

"Kung ito ay isang buwan na ang nakakaraan, nakatitiyak ako na walang hindi inaasahang mangyayari ... Ngunit ngayon may isang hindi kilala at hindi malaman na elemento."

Umiling si Xiao Yu.

Ang kaniyang tingin ay direktang nagtungo sa batang nakalilang kasuotan sa malayo.

"Siya ay si?"

Tumingin din si Xiao Lan.

"Duan Ling Tian!"

Ang mga itim ng mata ni Xiao Yu ay kumitid habang isang kagustuhang lumaban ang nangibabaw sa kanyang katawan.

"Duan Ling Tian? Ang isang ika-siyam na antas Body Tempering martial artist na nakuha ang pangalawang pwesto sa Martial Meet ng Li Clan? Ayon sa sabi-sabi, sinabi na maaari niyang mailabas ang lakas ng tatlong ancient mammoth na may cultivation na ika-siyam na antas ng Body Tempering Stage ... Kapatid, hindi mo ba naramdaman na isa itong pagmamalabis? "pagsusuri ni Xiao Lan.

"Lan, dahil may mga sabi-sabi, kung gayon ito ay may basehan ... Bukod dito, maraming mga miyembro ng Li Clan ang nakakita mismo gamit ang kanilang dalawang mata sa araw na iyon, paano ito hindi naging totoo? Gayundin, dapat mong malaman ng mabuti ang aking hula; hindi ito nagkamali kailanman... "dahan-dahang sinabi ni Xiao Yu.

"Kapatid, huwag mong sabihin sakin…"

Lumitaw ang isang gulat na ekspresyon sa magandang mukha ni Xiao Lan.

Ang hula ng kanyang kambal ay isang napakalinaw na bagay para sa kaniya. Ito ay maaaring ituring na isang kahanga-hangang kakayahan na naging natural.

Simula noong mga bata sila, ang kaniyang hula ng kaniyang kapatid ay hindi kailanman nagkamali.

"Tama ka, ang aking hula ay nagsasabi sa akin na siya ay lubhang mapanganib. Kahit ang ikumpara siya kay Lin Zhuo ay mahirap."

Tumango si Xiao Yu.

"Ngunit, mukhang labing-anim na taong gulang lamang siya."

Bahagyang mapula ang mukha ni Xiao Lan at ang kaniyan paghinga ay bumilis.

"Ano kung labing-anim na taong gulang lamang siya? Sa kasaysayan ng ating Crimson Sky Kingdom, maraming kabataang henyo ang tumuntong sa Core Formation Stage sa edad na labing anim. Ang hitsura ng isang taong abnormal tulad ni Duan Ling Tian ay hindi bihira, "sabi ni Xiao Yu.

Sa sandaling ito, si Xiao Yun na nakatayo sa tabi ni Xiao Lan, ay hindi mapigilan ang sarili at nagsalita. "Kapatid na Yu, sa Martial Meet ng Li Clan, hindi ba itong Duan Ling Tian ay natalo ni Li Qing?"

"Narinig ko rin iyon."

Tumango si Xiao Lan.

"Ntalo kay Li Qing? Sino nagsabi sa iyo? Siya ang tumanggap ng pagkatalo."

Umiling si Xiao Yu na parang lubos siyang pamilyar sa mga pangyayari sa Martial Meet ng Li Clan.

"Kung kaya niyang talunin si Li Qing, bakit siya tumanggap ng pagkatalo?"

Nag-aatubiling magsabi si Xiao Yun.

"Little Yun, hayaan mo akong tanungin ka ... Kung ang kampeon ng Martial Meet ng Xiao Clan ay makuha ng isang disipulo ng Branch family na isang disipulo na mayroong ibang apelyido, ano ang mangyayari?"

Hindi direktang sinagot ni Xiao Lan si Xiao Yun bagkus ay binigyan ito ng katanungan.

"Kapatid, ibig mong sabihin… may nag-utos kay Duan Ling Tian na tanggapin ang pagkatalo?"

Nagbigay reaksyon agad si Xiao Lan sa unang sandali.

"Ito ang aking hula."

Tumango si Xiao Yu.

"Kapatid na Yu, lahat ng sinabi mo ay iyo lamang hula."

Si Xiao Yun ay bahagyang ayaw pa ring umamin.

Sa buong buhay niya, isang tao lamang ang hinangaan niya pagdating sa Martial Dao, ang taong iyon ay si Xiao Yu.

Dahil kay Xiao Yun naramdaman niyang hindi sila magkapantay.

Ngunit ngayon ay sinabi ni Xiao Yu na may isang taong may lakas upang talunin siya. Bukod pa rito, ito ay isang labing-anim na taong gulang na bata, kaya mahirap para sa kanya na tanggapin ito.

"Little Yun, kahit na tama o mali ang hula ko, malalaman mo rin sa madaling panahon."

Umiling si Xiao Yu. Hindi na siya nakipagsagutan kay Xiao Yun.

Sa kasalukuyan, sa Star Observation Platform, mayroong isang batang henyo mula sa isang maliit na clan na nanalo ng tatlong magkakasunod na tagumpay. Ang kanyang kahanga-hangang paraan ay patungo sa kalangitan.

Ang bata ay tumingin patungo sa kapaligiran habang dahan-dahan niyang sinabi, "May iba bang gustong makipaglaban sa akin?"

"Ako!"

Isang batang mula sa Xiao Clan ang lumabas at hinarap ang bata.

Pagkatapos ng ilang sandali, naglaban ang dalawa.

Isang galaw lamang.

Ang batang mula sa Xiao Clan ay tinalo ang bata.

"Magandang laban."

Kinamayan siya ng batang mula sa Xiao Clan.

"Ang Xiao Yong na ito ay kinuha ang ikalimang puwesto sa Martial Meet ng Xiao Clan noong nakaraang buwan ... Sa madaling salita, sa limang mga batang henyo ng Xiao Clan ngayon, siya ang pinakamahina."

"Kagaya ng inaasahan sa isang disipulo mula sa isang malaking clan; ang pinakamahina ay may nakatatakot na lakas!"

"Mukhag hindi ko kapalaran na mairanggo sa Hidden Dragon List."

"Ang makita ang mga henyong kabataan mula sa tatlong dakilang pamilya na nagpupursigi para sa unang ranngo ay maituturing ng magandang panalo."

...

Ilan sa mga henyong kabataan mula sa malilit na clan ay bahagyang humina ang loob.

Siyempre, may mga batang henyo mula sa maliliit na clan ang may layunin na makipaglaban nang walang takot at umangat upang hamunin si Xiao Yong.

Matapos ang ilang sandali, tatlong kalaban pa ang natalo ni Xiao Yong.

Ngumiti si Li Fei nang sinabi niya ito, "Ang lakas ng Xiao Yong na ito ay maganda, hindi mas mababa kaysa kay Li Zhong."

"Hindi na masama."

Humikab si Duan Ling Tian.

"Hindi ka ba nakatulog nang sapat kagabi?"

Bahagyang natulala si Li Fei.

"Hindi ako nakakatulong ng sapat dahil wala akong asawa na mayayakap."

Mapaglarong ngumiti si Duan Ling Tian.

"Pilyo!"

Tumingin nang masama si Li Fei kay Duan Ling Tian.

Sa maikling oras, natalo ni Xiao Yong ang isa pang kalaban.

"May gusto bang lumaban sa Xiao na ito?" magalang na tanong ni Xiao Yong.

"Ako!

Isang boses ang narinig mula sa isa sa mga pergola ng Star Observation Platform.

Isang batang nakaberdeng kasuotan na nasa edad labingwalo ang lumapit.

May matikas na pangangatawan ang bata at may seryosong itsura. Kung titingnan lamang ang kaniyang panlabas na itsura, iisipin na siya ay isang matapat na tao.

Ngunit kapag tiningnang mabuti, mapapansin na ang mata ng bata ay puno ng katalinuhan, at paminsan-minsan ay kumiskilap na may tusong kinang.

Magaang ngumiti si Xiao Yong at nagtaong,"Ano ang iyong pangalan, kapatid?"

Kinurap ng bata ang kaniyang mata nang sinabi, "Meng Quan."

"Kapatid na Meng Quan, nagsusumamo ako sa sa iyong gabay."

Tumindig si Xiao Long.

"Eh."

Inaantok talaga si Duan Ling Tian, ngunit ang kaniyang diwa ay muling nabuhay nang makita niya si Meng Quan.

"Anong kakaiba sa Meng Quan na ito?" napansin niya ang pagbabago ni Duan Ling Tian, makuryusidad na tanong ni Li Fei.

"Interesante, interesante… Matatalo si Xiao Yong."

Magaang ngumiti si Duan Ling Tian.

"Anong napansin mo?"

Pagpapatuloy ni Li Fei.

"Tawagin mo akong kapatid at sasabihin ko sa iyo."

"Pei! Walang-hiya! Pilyo!"

...


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C69
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login