Download App

Chapter 68: Xiao Lan

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

"Sige, maghihintay ako hanggang magsimula ang pagtitipon at tuturuan ko ang basurang ito ng leksiyon!"

Huminga nang malalim si Li Qing, at ang kaniyang mga mata ay nagbibigay lamig sa kaloob-looban nito.

Basura?

Ang mga sulok ng bibig ni Duan Ling Tian ay naging ngisi.

Akala ba ng Li Qing na ito ay tinanggap niya na ang pagkatalo noon nakaraan dahil natatakot siya sa kaniya?

Dahil lamang iyon sa nakisali si Patriarch Li Ao.

Kung hindi, imposibleng tanggapin niya ang kaniyang pagkatalo.

Ngayong oras na ito, walang makakapigil sa kaniya!

"Tara umupo tayo roon."

Pagkatapos bigyan ng nandidiring tingin, tila ba may iniiwasang langaw si Li Fei nang hablutin niya ang kamay ni Duan Ling Tian para dalhin doon sa pergolang walang tao.

Umupo siya sa tabi ni Duan Ling Tian.

Dahil sa nakita niya, ang mga mata ni Li Qing ay tila mapupunit na sa sobrang galit.

Duan Ling Tian.

Ngayon, mamamatay ka na talaga!

Binigyan ni Li Qing si Duan Ling Tian ng parusa ng kamatayan sa kaniyang dibdib.

Sa pagkakaalam niya, ang isang disipulo ng Branch Family at ang isang disipulo na mayroong ibang apelyido at marangal niyang estado sa Li Clan, hindi magiging problema kahit pa patayin niya ito.

"Little Fei, ang Li Qi na iyon ay tila nangangarap na kainin ang aking laman at inumin ang aking dugo ngayon… Mukhang gusto niyang magkaroon ng banta sa aking buhay ang pagiging asawa mo…"

Kahit sila pa ay malayo sa isa't isa, nararamdaman ni Duan Ling Tian na gusto siyang patayin ni Li Qing.

"Natatakot ka?"

Mapaglarong kinurap ni Li Fei ang kaniyang mga mata.

"Takot?"

Nagbigay lamang ng normal na ngiti si Duan Ling Tian.

Bilang ang dating pinakamalakas na weapons specialist sa mundo, hindi talaga niya alam kung ano nga ba ang ibig sabihin ng 'takot'.

Maagang dumating sina Duan Linf Tian at Li Fei sa pagtitipon ng mga henyo na pinagunahan ng Xiao Clan.

Sa paglipas ng oras, mas maraming tao ang dumarating.

Sa mga taong ito ay may dalawang miyembro ng Li Clan.

Si Li An at Li Zhong.

Bukod sa pares ng Li Clan, nakilala ni Duan Ling Tian ang isa pang tao.

Lin Qi!

Nang makitang muli si Lin Qi, hindi napigilan ni Duan Ling Tian na bahagyang magulat, dahil napansin niyang nagbago ang disposisyon ni Lin Qi.------

Matapos mamana ang alaala ng Rebirth Martial Emperor, nakita ni Duan Ling Tian ang mga bagay sa kakaibang paraan.

Sa isang tingin lamang, napansin niyang nakatuntong na si Lin Qi sa Core Formation Stage.

Lumakad si Lin Qi kasabay ng isa pang bata.

Ang bata ay nasa edad labingwalo at may bahagyang pagkakapareho kay Lin Qi sa gitna ng kaniyang kilay.

Inalala ang isang bagay na narinig niya noon, malawak na hinulaan ni Duan Ling Tian ang pagkakakilanlan ng taong ito.

Si Lin Zhuo, kuya ni Lin Qi.

Ang pinakamataas na disipulo ng nakababatang henerasyon ng Lin Clan.

Nnag tumingin si Duan Ling Tian si Lin Qi, tumingin din si Lin Qi kay Duan Ling Tian. May sinabi siya sa batang nasa tabi niya bago silang dalawa ay lumapit.

Ang eksenang ito ay nakita ng mga batang henyong naroroon sa Star Observayion Platform.

"Duan Ling Tian!"

Binati ni Lin Qi si Duan Ling Tian.

"Matagal na tayong hindi nagkita."

Magaang tumango si Duan Ling Tian.

"Ito ang aking kuya, si Lin Zhou. Kuya, ito ay si Duan Ling Tian."

Pinakilala ni Lin Qi ang dalawa sa isa't-isa.

"Duan Ling Tian, matagal ka nang nabanggit ng aking nakababatang kapatid. Gamit lamang ang iyong ikawalong antas na Body Tempering cultivation upang talunin siya na nasa ikasiyam na antas ng Body Tempering Stage noong oras na iyon ay talagang nakagugulat!"

Magaang ngumiti si Lin Zhuo kay Duan Ling Tian.

"Matagal ko na rin na narinig ang iyong pangalan, ang nangunguna sa nakababatang henerasyon ng Lin Clan. Ikinagagalak kong makita ka."

Sagot ni Duan Ling Tian nang may ngiti.

"Duan Ling Tian, narinig kong noong Li Clan Martial Meet, kaya mong mailabas ang lakas ng tatlong ancient mammoths kahit na ang iyong cultivation ay nasa ikasiyam na antas ng Body Tempering Stage lamang.,,Totoo ba ito?"

Kumislap ang mga mata ni Lin Qi habang nakatitig sa mata ni Duan Ling Tian.

Tila sinusubukan niyang may makita sa mga mata ni Duan Ling Tian.

Ngunit nabigo lamang siya.

Misteryosong ngumiti lamang si Duan Ling Tian. Mula simula hanggang dulo, payapa ang kaniyang mga mata, walang pagbabago.

"Little Qi, kahit na totoo ito o hindi, malalaman mo rin kapag nagsimula na ang pagtitipon. Nag-aalala ka pa rin na hindi ito makita?"

Kumpara kay Lin Qi, mas kalmado si Lin Zhuo.

Ang dalawang magkapatid ay umalis din matapos ang ilang sandali at lumakad patungo sa isa pang walang taong pergola.

"Ang Duan Ling Tian na ito ay tila hindi talaga ordinaryo. Maaari kayang totoo ang mga sabi-sabi?"

"Si Lin Zhuo rin ang unang bumati sa kaniya, kaya't mataas ang kaniyang reputasyon."

"Oo, hindi man lamang pinansin ni Lin Zhuo ang kampeon ng nakababatang henerasyon ng Li Clan; agad siyang nagtungo upang batiin si Duan Ling Tian."

"Hindi ba't ang nakababatang kapatid ni Lin Zhuo na si Lin Qi ay tinalo ni Duan Ling Tian? Bakit walang galit sa pagitan nila noong nagkita sila?"

"Hindi mo ba naiintindihan ito? Totoo ang kasabihan: ang isang pagkakaibigan ay nabubuo mula sa pagpapalitan ng suntok. Baka magkaibigan na sila."

"May punto ka."

...

Ang mga kabataang henyo mula sa mga clans sa Aurora City ay nagsimulang magbulung-bulungan.

"Humph!"

Nang marinig ito ni Li Qing, ang kaniyang mukha ay mas lalong lumungkot.

"Li Qing, ito ang pinakamagandang oportunidad mo upang lumpuhin ang Duan Ling Tian na iyan."

Hindi alam kung kailan, dumating si Li An sa tabi ni Li Qing at inudyukan siya.

"Hindi ito ang lugar mo para magbigay opinyon sa mga gagawin ko, umalis ka!"

Nanlamig ang mga tingin ni Li Qing at malamig ang kaniyang boses.

Nanigas si Li An.

Huminga siya nang malalim bago tumalikod at umalis.

Lubhang hindi kaaya-aya ang mukha ni Li An. Bilang isang sa mga kilalang disipulo ng nakababatang henerasyon ng Li Clan, mayroon siyang dangal.

Mula nang magsimula siyang magcultivate, sa nakababatang henerasyon ng Li Clan, pinipigilan siya ni Li Qing sa lahat ng pagkakataon.

Matagal na siyang hindi nasisiyahan kay Li Qing.

Ngayon, ang pagpapahiya sa kaniya ni Li Qing ang naging dahilan upang walang pigil na lumitaw sa kaniyang puso ang layuning pumatay.

"Hmm?"

Ang sensitibong pakiramdam ni Duan Ling Tian ay napansin ang layuning pagpatay.

Nang itaas niya ang kaniyang ulo at tumingin.

"Li An?"

Nakita ni Duan Ling Tian si Li An na paalis mula sa kinauupuan ni Li Qing.

Ang layuning pumatay ay mula kay Li An at nakatuon kay Li Qing.

"Hindi ordinaryo ang Li An na ito."

Naging alerto ang puso ni Duan Ling Tian.

Bagaman pagdating sa lakas mas malakas si Li Qing kaysa kay Li An, pagdating sa antas ng pagiging delikado, imposible para kay Li Qing na mapantayan si Li An.

Halimbawa, kung si Li Qing ay isang ligaw na lobo at si Li An ay ang makamandag na ahas na nagtatago sa dilim…

Ang huli ay mas nakakatakot kaysa sa nauna.

Biglang nagkaroon ng pagbabago sa Star Observation Platform.

"Nandito si Xiao Lan!"

"Kasing kilala ni Li Fei at Lin Yu Huan, isa siya sa tatlong pinakamagaganda sa Aurora City. Ang kaniyang resputasyon ay nararapat lamang sa kaniya."

...

Ang tunog ng mga bulalas ay nagtaas-baba.

Ang mga nakapapasong tingin ng mga binatilyo ay bumagsak sa dalagitang naglalakad mula sa malayo.

Ang dalagita ay may malambot at mahabang buhok; tila isang pagbuhos ng talon na sumasabay sa hangin.

Ang kaniyang nakamamatay na kagandahan ay tila nagdaan sa alaga at kagalingan ng isang manglililok.

Sa ilalim ng mahamog na umaga, ang dalagita ay tila nagbagong-anyo at naging diwata na bumaba mula sa kalangitan.

"Hmm?"

Ang tingin ni Duan Ling Tian ay nakuha rin ng dalagita na naglalakad mula sa malayo.

Xiao Lan?

Narinig niya na ang pangalan na ito.

Isa sa tatlong pinakamagaganda ng Aurora City, kasing kilala ni Li Fei.

Noong una, hindi siya naniniwala rito.

Sa kaniyang opinyon, kahit na ito ay si Ke Er o Li Fei, silang dalawa ay parehong may nakamamatay na kagandahan.

Ang ibang kababaigan ay hindi maaaring ikumpara sa kanila.

Ngunit ang makita si Xiao Lan ngayong araw, napagtanto ni Duan Ling Tian ang kaniyang kamalian.

Ang itsura ni Duan Ling Tian ay totoong hindi mas mababa kay Li Fei.

Si Xiao Lan ay tila nasa edad labingwalo. Ang kaniyang kilos ay elegante at ang kaniyang ngiti ay parang isang bulaklak. Ang bawat ngiti o simangot ay naglalabas nang maluwalhati at pinong kagandahan.

Kung si Li Fei ay isang rosas, nakabibighani tulad ng apoy.

Si Xiao Lan ay purong snow lotus.

Bagaman ang kanilang kaanyuan ay magkapantay, ang kanilang disposisyon ay lubhang magkaiba, magkabaligtad.

Isanng kahanga-hangang babae mula sa kagalang-galang angkan!

Pasikretong pinuri siya ni Duan Ling Tian.

"Ah!"

Biglang napatalon sa sakit mula sa kaniyang hita si Duan Ling Tian, at hindi niya napigilan ang sarili na mapasigaw.

Ngayon lamang niya napagtanto na galit na nakatitig si Li Fei sa kaniya at ang kaniyang kamay ay walang-awang kinurot ang kaniyang hita.

"Hindi ba't sinabi mo na ang ibang babae ay hindi karapat-dapat?"

Bahagyang nasaktan si Li Fei.

"Magaling kong Fei, lahat ay mahal ang kagandahan. Bilis at tanggalin mo ang iyong kamay. Hindi na ako titingin kailanman."

Mapait na ngumiti si Duan Ling Tian.

Ngunit sa kaniyang puso, gayunpaman, sasabog na siya sa tuwa.

Ang ipinakita ni Li Fei ay walang-duda na nagpapahiwatig na siya ay nagseselos, sa madaling salita, bagaman hindi niya inaamin, sa kaniyang puso ay mayroon na siyang pagsang-ayon na maging kaniya si Duan Ling Tian.

Kung hindi man, bakit siya nagseselos?

"Humph!"

Matapos malayang kumilos sa mga damong may bulaklak sa kaniyang nakaraang buhay. Lubhang pamilyar si Duan Ling Tian tungkol sa kababaihan.

Madamdaming dumaing si Li Fei. Doon lamang siya bumitaw.

Nagtungo ang tingin ni Duan Ling Tian sa dalagitang nasa tabi ni Xiao Lan.

Kumpara kay Xiao Lan, hindi napapansin ang dalagita.

Hindi dahil sa pangit siya.

Pagdating sa itsura, ganap na magkapantay sila ni Li Shi Shi.

Ngunit kumpara kay Xiao Lan, mas mababa siya.

Pinanood ni Duan Ling Tian si Xiao Lan at dalagita na pumasok sa pinakaloob na pergola.

Sa oras na ito, binati sila ni Xiao Yu.

Iniabot niya ang kaniyang kamay at hinawakan ang kamay ni Xiao Lan, dinala niya ito sa pergola.

"Lumalabas na siya ay babae ni Xiao Yu… Ngunit ang mga lalaking ito ay nanganghas pa rin na walang tigil na tingnan siya. Hindi ba sila natatakot na balikan sila ni Xiao Yu?"

Napansin ni Duan Ling Tian na karamihan sa mga bata ay nakatitig pa rin kay Xiao Lan.

"Ikaw lang ang nag-iisip nang kumplikado. Si Xiao Yu at Xiao Lan ay magkapatid, kambal."

Binigyan ni Li Fei si Duan Ling Tian ng mapanghamak na tingin.

Twins?

Kambal?

Sa hindi malamang dahilan, matapos marinig ang sinabi ni Li Fei, bumuntong-hininga si Duan Ling Tian ng may kapanatagan sa kaniyang puso.

"Ang dalagita sa tabi ni Xiao Lan ay tila hindi ordinaryo…"

Bumagsak ang tingin ni Duan Ling Tian sa dalagitang nasa tabi ni Xiao Lan.

Sigurado siyang ang dalagitang ito na nasa edad labimpito ay hindi Body tempering martial artist bagkus ay nakatuntong na sa Core Formation Stage.

"Siyempre. Siya ang anak na babae ng Patriarch ng Xiao Clan, si Xiao Yun. Ang dating pinakamataas na disipulo ng Xiao Clan's outer court. Kasing kilala ni Li Kuang ng ating Li Clan at Lin Qi ng Li Clan," sabi ni Li Fei.

Naliwanagan si Duan Ling Tian.

Sa wakas ay naalala niya.

Nang kalabanin niya si Lin Qi noong araw na iyon, nabanggit ni Lin Qi si Xiao Yun.

Matapos ang matagal na sandali, lahat ay nakarating na.

Sa oras na ito, bilang nangunguna, lumabas si Xiao Yu at pumunta sa gitna ng Star Observation Platform.

"Lahat kayo, bago magsimula ang pagtitipon, mayroon akong magandang balita na sasabihin sa lahat. Ngayong taon, ang tatlong dakilang clan ng ating Aurora City ay nagbigay ng magagandang bagay bilang papremyo para sa mga batang henyo na mairaranggo sa Hidden Dragon List ngayong taon," mabagal na sinabi ni Xiao Yu.

Sa Star Observation Platform, ang tunog ng mabilis na paghihinga ang maririnig.

Lalong-lalo na sa kabataang hindi nagmula sa tatlong dakilang clan, ang kanilang mga mata ay nagningning at bahagyang nawala sa sarili.

Nnag makita ito, naintindihan ni Duan Ling Tian ang kanilang nararamdaman.

Ang tatlong dakilang clan ng Aurora City ay sinakop lahat ng uri ng negosyo.

Ibig sabihin ay ang ibang maliliit na clan ay tira-tira na lamang ang maaaring makuha.

Sa kabataang henyo ng maliliit na clans na ito, ang mga papremyo na makukuha kapag nairanggo sa Hidden Dragon List ay mga papremyong kahit ang kanilang mga clan ay hindi magpursigi upang makuha, hindi pa rin nila kayang mahawakan ang mga ito.

"Young Master Yu, ano ang mga papremyo? Sabihin mo sa amin."

"Oo, Young Master Yu, gusto naming malaman."

...

Suno-sunod na nagtanong ang mga batang henyo mula sa maliliit na clans.

"Humph! Isang grupo ng mga nakakahiyang tao."

Li Qing, who was standing alone at a corner, had a disdainful smile on the corners of his mouth.

Si Li Qing, na nakatayo nang mag-isa sa isang sulok ay mayroong mapanghamak na ngiti sa sulok ng kaniyang bibig.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C68
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login