Download App

Chapter 2: Chapter 1

Heaven Arcane Palace

Napakalawak ng lugar na sakop ng Heaven Arcane Kingdom. Sa lugar na ito ay pawang malalakas na Royal Blood lamang ang namumuno at nakaupo sa trono maging sa sangay ng nasabing mga sektor na sakop ng nasabing kaharian.

Kasalukuyang nakaupo sa pwesto ang nasabing hari na si Haring Eros Vermontt. Kilala ang haring si Haring Eros Vermontt sa pagiging istrikto ngunit butihing hari. Walang makakapantay sa kaniyang kasalukuyang lakas at lebel ng Cultivation ngunit hindi maipagkakailang hindi niya ipinapakita ang pagiging marahas at walang awa nitong pagpaslang sa mga nakalaban nito sa mga digmaan. Hindi maipagkakailang si Haring Eros Vermontt ay isang sikat na mandirigma noong kapanahunang hindi pa siya ang namumuno sa Heaven Arcane Kingdom. Isang malupit na hari ang kaniyang ama at napakadisiplinado kaya ang mga kaoatid niya ay ganoon na lamang kahigpit ang mga kompetisyong noon lalo na sa pag-aagawan ng korona at trono upang hiranging panibagong hari. Sa kabutihang palad ay siya pa rin ang nagwagi bilang hari.

Ang kaniyang naging asawa ay si Reyna Rebecca Vermontt na siyang masasabi niyang napakaswerte niya dahil hindi lamang napakaganda ang kaniyang sariling asawa kundi isa rin itong mabuting ina sa kaniyang mga anak. Dahil sa kultura ng kaharian ay napilitan siyang magkaroon ng sampong concubine. Hindi niya naman masisisi ang nasabing mga Elders ng Heaven Arcane Kingdom dahil ang kinabukasan ng kaharian ang kanilang unang prayoridad. Sino ba naman kasi ang gugustuhing bumagsak ang kaharian kung sakaling mamatay ang anak ng hari hindi ba? Isa pa ay mga kapwa Royal Blood din ng kaharian o ng ibang mga kaalyadong kaharian ang kinuhang maging concubine ng hari.

Masasabi ng Haring si Haring Eros Vermontt na napakasaya ng buhay niya ngayon at wala na siyang hihilingin pa.

...

Masayang naglalaro ang batang si Luciouss Luxx Vermontt sa isang malawak na lugar na napakaluntian ng paligid. Labindalawang taon na gulang na siya ngunit kahit kailan ay hindi siya maaaring umalis sa lugar na ito.

Flashback...

"Luciouss Luxx Vermontt, diba sinabi ko sa'yong wag kang aalis sa loob ng Mirror Dimension pero ang tigas-tigas ng ulo mo noh. Kabilin-bilinan ng ama mong wag kang lalabas sa loob ng Lugar na iyon pero heto ka, naglalakwatsa na naman dito." Panenermon naman ng matandang babaeng nagbabantay sa batang si Luciouss Luxx Vermontt na si Ersula. Mahihimigan sa boses nito na galit ito sa ginawa ng batang makulit na si Luciouss Luxx Vermontt. Alalang-alala o masasabing kabisado na niya ang sinasabi ng mag-asawang sina Haring Eros Vermontt at ng kagalang-galang na si Reyna Rebecca Vermontt. "Huwag na huwag mong palalabasin ng Mirror Dimension si Luciouss Luxx Vermontt kundi ay magkakaroon na naman ng sigalot sa pagitan namin at ng mga Elders. Siguradong magtataka at maaalarma naman ang mga ito kung bakit buhay pa si Luciouss Luxx, ang bunsong anak namin. Alalahanin mong buhay mo ang nakasalalay rito at bayad ka na." Ito ang laging sinasabi sa kaniya. Masasabi niyang totoo ang lahat ng sinabi ng hari at reyna. Hindi ito isang pagbabanta kundi isa itong paalala na maaaring magdulot sa kanila ng labis na kapahamakan lalo na siya bilang personal na tagabantay ng batang si Luciouss Luxx Vermontt.

"Ano ka ba naman Lola Ersula. Ang aga-aga pero grabe ang talak mo sakin. Bawal na ba kong tumapak dito sa kaharian na sa pag-aakala ko ay amin ang lugar na ito at pagmamay-ari namin ito pero parang hindi ako nabibilang rito. Ano bang problema sa akin ha?!" Inosenteng sambit ng batang si Luciouss Luxx Vermontt na patakbo pa ng patakbo sa iba't-ibang parte ng malaking silid na ito na walang anumang gamit.

"At ano naman ang mapapala mo rito kapag lumabas ka? Tsaka marami ka namang disc na panoorin doon sa loob ng tirahan mo. Ang lawak-lawak nun tapos pupunta ka pa rito. Napakapasaway mo talaga." Naiinis na sambit ng matandang babaeng si Ersula. Ang batang si Luciouss Luxx Vermontt ay alam niyang napakatigas ng ulo nito at hindi naman niya maaaring sabihin ang totoo rito at wala siyangmagawa kundi gunawa ng kwento na sa daming variations nito ay nagmumukha na lamang siyang tanga kaka-explain sa batang si Luciouss Luxx Vermontt.

"Edi magpahangin. Wala kasi akong kasama doon at wala man lang akong nagagawa buong araw kundi maglaro ng maglaro kahit napapanood ko ang nangyayari sa labas lalo na sa mga kalye ay wala man lang akong nakita kundi ang masasayang ngiti ng mga bata. Ang mga disc naman ay halatang mga luma na at nakakaumay panoorin ang mga ito. Liban na lamang sa mga orihinal na kapatid ko at kapatid ko sa amang hari ay walang kwenta na ang iba." Sambit ng batang si Luciouss Luxx Vermontt habang makikita ang labis na lungkot sa mukha nito. Kapansin-pansin na napakaganda ng kanang mata nito na kulay dilaw ngunit ang kaliwang mata ay masasabing parang mapusyaw na kulay puting mata.

Tila nakaramdam naman ng habag at lungkot ang matandang si Ersula habang makikitang sa loob ng labindalawang taon na ito ay tanging tatlong beses lamang dumalaw ang Amang Hari na si Eros Vermontt at Reyna na si Reyna Rebecca Vermontt. Tanging sa dalang ng mga ito ay hindi na maalala ng mga ito na may anak pa silang natitira sa loob ng malaking silid na ito lalo na sa loob ng Mirror Dimension. Hindi niya rin masisisi ang mga ito dahil malakas at grabe bumantay ang mga Elders at iba pang mga awtoridad sa loob ng Heaven Arcane Kingdom.

Napabusangot na lamang ang matanda lalo na ng bumalik sa kaniya ang mga sinabi ng amang hari at ng Inang reyna sa kaniya.

"Hay naku bata, wag mo kong konsensyahin diyan. Tagapagbantay mo ako rito sa ayaw at sa gusto mo ay ako lamang ang makikita mo dito. Busy ang mga magulang mo at dahil sa kapansanan mo kaya hindi ka pwdeng lumabas nakuha mo?!" Sambit ng matanda habang idinuduro pa nito ang daliri sa harap ng batang si Luciouss Luxx Vermontt. Kabilin-bilinan na wag siyang makakaramdam ng emosyon lalo na ng pagkaawa sa batang si Luciouss Luxx Vermontt dahil hindi lang siya ang maaapektuhan kundi lahat sila.

"Kapansanan?! Nakakakita naman ako ah, nakakalakad, nakakatakbo at hindi naman ako isang mangmang na bata. Kung sa pagiging noble o royal blood na etiquette lamang ang pagbabasehan ay mayroon ako nun." Sambit ng batang si Luciouss Luxx Vermontt habang tila nagmamayabang pa ito.

Napanguso naman ang matanda at mabilis na nagwika.

"Ang kulit. Sabi ngang hindi maaari ang iyong nais batang Luciouss Luxx Vermontt dahil ako ang mapapagalitan at napaaktigas ng ulo mo. Nakakakita ba ang kaliwang mata mo ha? Kailan lang naging Royal Blood ang may kapansanan ha? Alam mo bang iyan ang dahilan kung bakit di ka pwedeng magpakita at magpakilala bilang anak ng hari at reyna?!" Sambit ng matandang babaeng si Ersula. Kung alam lang ng batang si Luciouss Luxx Vermontt kung gaano kasaklap ang kapalaran nito noong bata pa lamang ito hanggang sa pagtanda nito. Dahil lahat ng may kapansanang Royal Blood ay pinapatay kung sakaling may anomalya ang katawan nito o sa ibang pisikal na aspeto nito, mga ipinanganak na kulang yung parte ng katawan, mayroong depekto ang mga ilong, bibig, tenga at iba pa lalong-lalo na ang mga bulag na itinadhana ng hindi maaaring magcultivate at makita ng literal ang mga enerhiya ng mundo. Talagang napakasaklap ng kapalaran nito at alam na ang kahihinatnan ng buhay nito.

Bumakas ang sakit at lungkot sa mukha ng batang si Luciouss Luxx Vermontt. Alam niya na ang sinasabing ito ng matandang babaeng si Ersula. Ipinagbawal na nga sa kaniya na magcultivate dahil wala rin naman siyang mapapala rito dahil mauuwi lamang sa basura ang lahat ng kaniyang sariling pinaghirapan.

Naikwento na sa kaniya noon na ipinatingin na ang kaniyang sariling kaliwang depektong mata sa mga Healers ng kaharian ngunit hindi rin ang mg ito nagtagumpay at kalaunay sinabing walang maaaring maging lunas sa kaniyang kaliwang matang depektibo na mula noong ipinanganak ito na siyang ikinanlumo ng kaniyang mga magulang. Masyado namang masaklap ang naging tadhana ng kaniyang sariling anak.

Sinubukang magcultivate ng batang si Luciouss Luxx Vermontt ng mga Cultivation Manuals ng kanilang kaharian lalo na ng kaniyang sariling mga magulang ngunit kahit kailanman ay hindi siya nagkaroon man ng pag-unlad dahil lahat ng pagsubok niya ay pawang kabiguan lamang ang resulta ng mga ito.

Hindi na naging makulit o nangulit pa ang batang si Luciouss Luxx Vermontt at mabilis itong pumasok sa loob ng Mirror Dimension habang wala itong sinabi pa sa kaniyang tagapagbantay na matandang babaeng si Ersula.

"Hay nakong batang ito talaga..." Iyon na lamang ang nasabi ng matandang babaeng si Ersula at napahinga na lamang ng maluwag.

"Hanggang kailan ko kaya mauuto ang batang ito. Lumalaki na ito at nagkakaroon na ng muwang ito, baka ilang palusot at kasinungalingan naman ang magawa ko para matakpan ko ang lahat ng gusto nitong malaman hayst." Ito na lamang ang nasabi ng matandang babaeng si Ersula sa kaniyang isipan habang makikitang nahihirapan ito sa kaniyang trabaho bilang tagapangalaga o tagabantay ng makulit na bubwit na si Luciouss Luxx Vermontt o mas magandang sabing Prince Luciouss ngunit maging siya ay hindi maaaring isatinig ito. Sampong taon na nakakulong sa loob ng pambihirang Mirror Dimension ang batang si Luciouss Luxx Vermontt dahil alangan namang hayaan lamang ng mga magulang nito na mapaslang ang munting prinsipe sa kamay ng mismong kahariang kanilang pinamumunuan. Wala naman kasi silang ibang solusyon upang hayaang mabuhay ang prinsipe ngunit nakakulong naman ito sa loob ng malaking espasyo ng kwartong ito. Isa pa ay wala naman siyang pakialam at walang karapatang makialam sa patakaran ng Royal Families na napakagulo at napakakomplikado ng mga taong sangkot dito. Isa lamang siyang hamak na mababang nilalang na may mababang estado sa loob ng kaharian.

Nasa ganong pag-iisip ang matandang babaeng si Ersula nang biglang pumasok ang isang pamilyar na pigura sa loob ng kwarto.

"Huh?!" Tila gulat na gulat na sambit ng matandang babaeng si Ersula nang makita nito ang hindi inaasahang tao sa loob ng malaking silid na ito.

...

Sa loob ng bulwagan na ngayon ay ang kasalukuyang pagpupulong ng mga Royal Families ng Heaven Arcane Kingdom. Masasabing patapos na ang naging diskusyon sa araw na ito ngunit lingid sa kaalaman ng mag-asawang hari at reyna ay mayroong malaking surpresa pala ang gigimbal sa kanila.

"Ang pagpupulong na ito ay opisyal ko ng tin------" sambit ng Haring Eros Vermontt ngunit mabilis itong naputol ng bigla niyang narinig ang pamilyar na boses na nagsalita.

"Hindi man lang naimbita sa pagpupulong na ito, tatapusin mo na kaagad Eros?!" Sambit ng magandang babaeng kararating pa lamang.

Masasabing ang bagong dating na babaeng ito ay may magarang kasuotan habang bakas ang karangyaan sa buong katawan nito dahilsa mamahaling mga batong kumikislap sa bawat parte ng kasuotan nito, kwentas maging ang kaniyang mga pulseras sa kaniyang palapulsuhan.

Nagkaroon ng komosyon lalo na sa pagitan ng mga iba't-ibang mga taong naririto na may katungkulan at miyembro ng Royal Family o may dugong bughaw. Tahimik lamang silang nag-uusap gamit ang kanilang divine sense na siyang magagamit nila upang mag-usap ang mgai to gamit ang kanilang isip lamang.

"Hahaha... dumating na pala ang babaeng si Princess Adreianna mula sa mahabang bakasyon nito sa labas ng kaharian."

"Sinabi mo pa. Mas lalo siyang gumanda. Hindi ko alam pero parang nagkaroon muli ng breakthrough si Prinsesa Adreianna sa kaniyang Cultivation."

"Sinabi mo pa. Kung sino man ang mapapangasawa nito ay talagang napakaswerte nito. Sana ako nalang yun."

"Mangarap ka ng gising. Sino ang papatol sa ugok na katulad mo!"

"Tama siya, masyadong mataas ang standards ni Princess Adreianna. Kung ikaw lang naman ay baka di na siya mag-aasawa hahaha!"

"You just eat more than you chew, mukha bang kapatol-patol ka. Tingnan mo ang deperensya ng talento mo sa Cultivation kumpara sa kaniya at kung ano na ang naabot nito."

"Nagpapatawa ka ata, kahit kailan ay hindi man lang tayo tiningnan ng prinsesa o may pinuri sa atin. Tanging ang malalakas lamang na martial artists ang maaaring maging kandidato para manligaw at mapasagot ang Prinsesa Adreianna!"

"Hep hep, tama na nga yan. Maiba ako, ano ba ang layunin ng dalaga kung bakit napaaga ang pagbalik nito sa kaharian?!"

"Ewan ko nga rin eh. Malamang ay nabored ang prinsesa sa mundo sa labas at masyadong magulo doon."

"May punto ka, baka dito na siya manatili at pumili ng kaniyang mapapangasawa. Sana ako ang mapili niya."

"Ungas, mukha ka bang kapili-pili. Magsama kayo ng mahanging nagsalita kanina. You think pipiliin kayo ng prinsesa eh mas malakas naman ako ng di hamak kumpara sa inyo!"

"Hmmp! Mas malakas daw, hampas kaya kita sa pader ng palasyo ng matauhan ka kung sino ang malakas!"

Tila hindi matapos-tapos na bangayan at pagyayabangan ng mga grupo ng tao sa kanilang isipan lamang. Ngunit napatigil ang mga ito nang hindi inaasahang magsalita ang nanahimik na reyna na si Reyna Rebecca Vermontt.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C2
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login