Download App

Chapter 648: Hindi ka makatulog kapag wala ako?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Nag damit si Ye Wan Wan na parang isang girl-next-door. Siya ay nakaupo sa sofa habang nakatungkod ang kanyang paa at mayroong nakasalansan na dokumento sa kanyang kamay. Ang kanyang itsura ay masigla at mahinhin, kaagad , naglaho ang kanyang malamig at uhaw sa dugo na awra.

Tila parang naghahabol sa liwanag ang lalaki ng gabi na ito - yumuko si Si Ye Han na para bang gusto niyang yakapin si Ye Wan Wan.

Gayon pa man, siya ay kaagad na tumayo, pinigilan ang kanyang sarili ng sabihing, "Maliligo na ako."

Ito ay marahil siya ay natatakot na baka matakot niya si Ye Wan Wan sa kanyang malamig at nakamamatay na awra.

Ngunit sa sandaling siya ay tumayo, ang kanyang katawan ay niyakap ng isang tao na kanyang hinahangad na makasama.

Nagulat si Si Ye Han noong una saka niya niyakap pabalik si Ye Wan Wan. "hindi ka pa ba inaantok?"

Wan Wan. "Sa tingin ko nahawa na ako sayo…"

Hindi siya makatulog kapag wala si Si Ye Han.

Hindi naintindihan ni Si Ye Han at siya ay tumingin kay Ye Wan Wan. "Anong ibig mong sabihin?"

Tinaas ni Ye Wan Wan ang kanyang kilay at binigyan siya ng isang mapanlinlang na tingin. "Ang literal na kahulugan - alamin mo sa iyong sarili!"

Lagi mo na lang ako pinapaikot, kaya sa pagkakataong ito ipaparanas ko sayo ang ginagawa mo!

Sandaling sumunggab si Si Ye Han. Saka siya tumitig sa kanya ng malalim at sinabing, "hindi ka ba makatulog kapag wala ako?"

Namangha si Ye Wan Wan. "hindi kapanipaniwala.."

Nakuha niya rin ng tama!

Sa mapagmataas na tono, sinabi ni Si Ye Han, "isang madaling katuwiran; hindi ba sinabi mo na nahahawa kana sakin?"

Nang marinig iyon, pakiramdam ni Ye Wan Wan na kumabog ang kanyang puso.

"Oh tama, nasaan si Xu Yi? Hindi siya sumama sayo umuwi?" lumingon si Ye Wan Wan kay Si Ye Han.

Si Ye Han: "Mayroon pa siyang kailangang gagawing trabaho."

"Oh, oh…" tumango si Ye Wan Wan. kaya pala hindi siya sumasagot sa mga mensahe ko.

Hindi na sinuri pa ni Ye Wan Wan ang tungkol sa trabaho ni Si Ye Han sa Shen City. hinuhusgahan ang nakamamatay na awra na nakapaligid sa kanya, hindi niya mahulaan kung anong nangyari na dito.

"Sige, maligo kana ngayon. Huwag ka magbabad. Bumili ako ng bagong shirt para sa iyo - sukatin mo pagkatapos mo maligo," sabik na pinakiusapan ni Ye Wan Wan.

Si Ye Han: "Sige."

Sa taas, sa may kwarto:

Matapos maligo ni Si Ye Han, nagmadaling dinala ni Ye Wan Wan ang suit na binili niya para sukatin ni Si Ye Han.

Nang nagpalit na si Si Ye Han, tumango si Ye Wan Wan, nasiyahan sa kanyang sarili. "Tama lang, maganda pa din tignan ang aking boyfriend sa kahit ano! Hindi ako pinaniniwalaan ng kapatid ko!"

"Kapatid mo?" isang pino, kakaibang tingin ang dumaan sa mukha ni Si Ye Han.

"Oo, dumating ang kapatid ko para sa isang interview bilang isang stylist. Matapos niyang malaman na si Ye Wan Wan ang nakababatang kapatid ni Ye Bai, makikita mo naman ito sa kanyang mukha!" ngumiti si Ye Wan Wan at sinabi kay Si Ye Han kung anong nangyari ng araw na iyo."

"Habang namimili kasama siya, nakita ko ang suit na ito at sa tingin ko na bagay sayo ito, kaya binili ko! Nagustuhan mo ba ito?"

"En," saka nakita ni Si Ye Han ang business plan sa gilid ng kanyang kama at kinuha ito. "Ano ito?"

"Ito… hindi ba sinabi ko na sayo ito dati? Naghahanda ako na mag shoot ng isang series at ito ay business plan. Tulad ng kasabihan, " ang matalinong maybahay ay hindi nakakapagluto ng walang kanin' [1] - bago ako magsimula ng shooting, malinaw na kailangan kong kumuha ng ilang sponsors!" paliwanag ni Ye Wan Wan.

Kamakailan, siya ay abala sa script para sa series.

Sa dati niyang buhay, nakakita na siya ng maraming classical drama series at palabas. Sa kanyang kahanga-hangang memorya, kaya niyang ulitin ang isang script na siguradong sisikat sa hinaharap at pinaplano niya na samantalahin ng maaga ang shooting.

Ang paggawa nito ay hindi maaaring makuha ang oportunidad mula sa iba at palitan ang daan sa hinaharap. Ang paggamit sa paraan na ito upang umani ng pakinabang ay hindi talaga ang 'yon ang gusto niyang gawin.

Gayon pa man, mayroong isang script na katangi-tangi.

Sa dati niyang buhay, ang Emperor Sky Entertainment ng Ye Group ay kumuha ng isang kabataang idol drama series na talagang sikat sa buong China.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C648
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login