Download App

Chapter 1179: Hindi mo kayang ibigay ito

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Tumango si Ye Wan Wan sa kanya bilang pabati. "Miss Ye."

Elegante at maganda ang ngiti ni Ye Yiyim "Director Ye… parang ang galing ng kapalaran dahil ang apelyido ni Director Ye ay Ye rin. Baka magkamag-anak tayo?"

Ngumiti si Yw Wan Wan dahil sa ginamit na method ni Ye Yiyi para mapalapit sila. "Ganoon ba?"

"Pwede ko bang tanungin si Director Ye?"

Sumagot si Ye Wan Wan, "Syempre naman."

"Bakit matapat na sinusundan ni Director Ye si Ye Mu Fan? Director Ye, alam mo ba ang mga tsismis tungkol kay Mu Fan?"

"Importante ba ang katanungan na ito?"

Ngumiti si Ye Yiyi. "Nakakaawa lang kasi. Ang isang magandang ibon ay naghahanap ng magandang puno na titirahan niya. Karapat-dapat lang na nasa magandang kumpanya ang isang talentadong Director Ye."

Ininuman ni Ye Wan Wan ang hawak niyang baso at sumagot siya kay Ye Yiyi, "Gusto ba akong kunin ni Miss Ye?"

Hindi inasahan ni Ye Yiyi na prangka pala si Ye Wan Wan at hindi na ito nagpasikot-sikot pa, "Naniniwala ako na walang kumpanya ang hindi nagbabalak na kunin ang talentadong si Director Ye, tama ba? Pero, masasabi ko sayo na walang ibang kumpanya ang kayang magbigay ng presyo ng tulad ng sa Emperor Sky."

Tumango si Ye Wan Wan. "Maaari ko bang matanong… kung ano ang presyo na handang ibigay sa akin ni Miss Ye?"

Natuwa si Ye Yiyi nang makita niya ang oportunidad na ito kaya agd niyang sinabi, "Kaya kong ibigay ang presyo na pangalawa lamang kay Zhu Bo Yang!"

Isang chief golden manager si Zhou Bo Yang ng Emperor Sky Entertainment. 20 taon ang binigay niya para lang mapunta siya sa posisyon niya ngayon, pero handang ibigay ni Ye Yiyi ang presyo niya na pumapangalawa lamang kay Zhou Bo Yang. Binibigay talaga ni Ye Yiyi sa kanya ang kanyang kapital.

Malakas ang loob ni Ye Yiyi na nagpatuloy dahil sigurado siya na maaakit niya si Ye Wan Wan, "Oo naman, ang kondisyon lang ay dadalhin mo sila Luo Chen , Gong Xu at Jiang Yan Ran sa Emperor Sky. Kung madadala mo rin sila Han Xian Yu at Fei Yang, ikaw na bahalang magsabi kung magkano ang presyo mo!"

Biglang natawa si Ye Wan Wan. "Ako na ang bahala?"

"Tama."

Hinigop ni Ye Wan Wan ang kulay pula na strawberry juice, at mas lalong dumagdag ang kapulahan nito sa nakakaakit niyang mukga. "Pero, parang hindi mo kayang ibigay ang presyo ko."

Ngumiti si Ye Yiyi. "Subukan mo lang kami, Director Ye. Hindi rin ito kayang ibigay ng ibang kumpanya kung hindi ito kayang ibigay ng Emperor Sky Entertainment."

Tinitigan siya ni Ye Wan Wan at makikita na naging malamig ang mga mata niya. Binigyang diin niya ang bawat salita sa sinambit niya, "Paano kung… ang gusto ko ay… ang buong Ye Family?"

Biglang nanigas ang mayabang na mukha ni Ye Yiyi; nabasag ang maganda niyang mukha at binalot ito ng galit. "Ye Bai! Ang laki ng gusto mong makuha!"

Gusto niyang makuha ang buong Ye Family?

Nababaliw na ba siya?!

Ngumiti si Ye Wan Wan. "Pasensya na, Eldest Miss Ye. Kung gusto niyo akong makuha, ibigay niyo sa akin ang gusto ko. Kung hindi, huwag nating sayangin ang oras natin."

Kasing dilim ng pwet ng kawali ang naging itsura ni Ye Yiyi habang pinapanood niyang umalis si Ye Bai.

Hindi na nila pwedeng ipagpatuloy ang pag-uusap nila dahil napunta na ito sa ganitong punto. Mabilis na bumalik sa isang gilid si Ye Yiyi, kasama niya si Ye Shao An.

"Yiyi, kamusta?" Agad na tinanong ni Ye Shao An.

Mawawalan ng pangil ang tigre na si Ye Mu Fan kung makukuha nila si Ye Bai. Ang lahat ng problema nila ay mabilis na mawawala.

"Sabi ni Ye Bai…"

Agad na umentra si Ye Shao An, "Anong sinabi niya? Pwede nating ibigay ang mga requests niya! Kahit na gusto niya pa na mas mataas kay Zhu Bo Yang ang bayad natin sa kanya, okay lang!"

"Sabi niya… kung hindi daw natin ibibigay ang buong Ye family…"


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C1179
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login