Download App

Chapter 89: Secret Conversation

Naging abala si Yen sa mga sumunod na araw. Sa Villaflor at YMR na tinatauhan ni Miguel. Si Miguel ang inatasan niya sa YMR habang siya naman ay nasa Villaflor. Anupa't naging challenging ang bawat araw para sa kanya. Si Miguel naman ay masaya sa bago niyang invironment. Hindi niya akalain na ipagkakatiwala ni Yen sa kanya ang YMR. Gayunpaman ay masaya siya. Dahil hindi man natupad ang pangarap niya kay Jason ay nahigitan naman ito ng kanyang manugang. Talagang napakaswerte ni Jason sa babaeng napili nitong mahalin. Ngayon ay wala na siya halos maipintas dito. Simula sa pagiging ina nito at sa pagpapatakbo ng negosyo at pakikisama ay wala na siyang masabi pa. Ngayon ay hindi na siya nagtataka kung bakit ito amg napili ni Rico. Dahil talagang iba ang abilidad nito. Napapailing na lamang siya habang nagmamando ito sa kanya sa telepono ng mga dapat gawin at unahin. Sino bang mag aakala na magiging boss niya si Yen.

Si Jason naman ay masaya din sa kanyang kinalalagyan. Ilang buwan na siya sa business nila at talaga naman na sunod sunod ang oppurtunity nito. Ang pasok ng profit nila ay parang ulan simula nang mapwesto siya doon. Naging busy siya trabaho. Ngunit meron din itong pinagkaka-abalahang ibang bagay.

[ I'm on a graveyard shift and you can pick at 6:00 am.]

[ ok. Sunduin kita tapos breakfast tayo sa labas then hatid na kita sa condo mo. Doon nalang tayo tumambay.]

[ ok. see you soon.]

Kumunot ang noo ni Yen sa nabasa.

Kakauwi lang ni Yen. Naabutan niyang tulog si Jason. Ilang araw na siyang binabagabag ng kakaibang kaba na hindi niya maintindihan kung ano. Basta may nararamdaman siyang parang may mangyayaring hindi maganda.

Nagtungo siya sa banyo para maligo bago matulog. Pagpasok niya doon ay nakita niyang nakapatong doon ang cellphone ni Jason. Hindi niya ugaling mag check ng phone nito pero parang ngayong araw iba ang kabog ng kanyang dibdib.

Binuksan niya ang cellphone ni Jason na may password nanaman. Dahil lagi niya itong inoobserbahan ay nakuha na niya ang password nito.

Pagbukas niya ng messenger nito ay pangalan ni Angeline ang pinakauna. Si Angeline na araw araw nito katawagan at kachat?

[ medyo suplada yung asawa mo. ]

[ bakit? ]

[ the way siya magsalita saken.]

Sa tuwinang mag cha-chat sa kanya si Angeline ay nagsusungit sa kanya si Jason. Sinasabi nito na magaspang daw siya makitungo sa babae. Nagagalit ito sa kanya dahil inaaway niya daw. Pero sa pagkakatandan niya ay hindi naman niya ito pinagsalitaan ng masama. Pero sa mga chat nito kay Jason ay pinalalabas nito na hindi maganda ang trato nito sa kanya.

Nabasa niya din ang convo nito kung saan nagkukwento si Angeline tungkol sa pag iwan sa kanya ng asawa nito. Ipinagpalit siya nito sa mas maganda at sa mas bata sa kanya. Awang awa naman ang Jason at panay naman ang comfort sa babae.

[ dove! ]

[ good morning.]

[ anong ginagawa mo? ]

Araw araw ay may oras si Jason na kumustahin ito. Pero pag siya ay kibuin dili nito. Ang chats niya ay seen. Pag tinawagan naman niya ito ay nagpapaalam kaagad dahil busy siya pero si Angeline? Sa calls log nito ay halos maghapon nitong kausap. ??

Balak ba ni Jason maging ama ng dalawang anak ni Angeline??

Sumulak ang dugo ni Yen.

Muli siyang nagbalik sa messenger ni Jason.

Nakita niya ang mga pictures ng babae. Nag iinuman kasama ang mga lalaki? Hindi naman siya malisyosang tao. Pero hindi magandang tingnan ang babaeng may asawa sa gayong eksena. Kung mali siya doon ay wala siyang pakealam hindi talaga pasok ang gayong bagay sa kanyang panuntunan. Pati yung set up nila ni Jason na pagkikita. Silang dalawa? Anu yon date? Sige sabihin na natin na friendly date iyon. Walang malisya. Pero tama bang si Jason na may asawa at anak? Makikipagkita sa isang babae. Makikipag eyeball silang dalawa lang? Nasaan ang sinasabi nitong isasama siya pag nagkita sila? Walang malisya tanga ba siya?

Nagmadaling naligo si Yen at nag toothbrush habang nasa harap ng salamin at nagsisipilyo ay tumunog muli ang cellphone ni Jason.

Tiningnan niya ito. Wala siyang pakealam kung malaman ni Jason na nakealam siya. Asawa siya at karapatan niyang mahalin, erespeto, mag tanong at mag imbestiga.

Pagbukas niya ay kulay itim??

SECRET CONVERSATION??

Binuksan ito ni Yen.

[ ok lang ba kayo? ]

[ nag papalitan pa ba kayo ng i love you? ]

[ nga kikiss pa ba kayo? nagsi-sex??]

Napamaang si Yen sa sunod sunod na messages nito.

Binalikan niya ang convo.

[ si Yen kase.]

[ hindi ko alam.] chat ni Jason dito.

Anong problema niya? Walang natatandaan si Yen na ginawa niyang pagkakamali kay Jason. Maliban lang sa pagiging abala niya pero gumagawa siya ng paraan para magkaroon ng oras sa asawa. Oo. hindi sila kasal pero may anak sila at nagsasama sa iisang bubong. Mag asawa sila. Di ba? Priority niya si Jason at Jesrael. Hindi pwedeng lumipas ang araw na hindi niya chini-check ang mga ito? Anu ba amg ibig sabihin? Ano ba ang gusto nitong palabasin?

Ah basta. Hindi niya kayang dibdibin ang isiping ito sa sarili niya lang. Mamamatay siya sa kakaisip ng rason. Siguro naman ay karapatan niya magtanong atag usisa. Karapatan niya magselos dahil siya ang ima ng anak nito. At anu ba ang pakay ng babaeng ito? Magsasalo??

Sa inis ni Yen ay siya na mismo ang nagreply sa chats nito.

[ all this time hindi ko alam na ganon pala kayo ka-close. Mas madalas ka pang kumustahin ni Jason kesa saken? Sayo siya naglalabas ng mga bagay na hindi niya sinasabi sa akin?]

[ hala wala lang to, nagtry lang kame pero wala ito. Sana hindi mo ito lagyan ng malisya.]

[ hindi ka nga pala malisyosa, kaya ka na naaagawan ng asawa. Alam kong sira na pamilya mo, wag mo nang idamay yung saken. Kung gusto mo magkalat diyan lang sa bakuran mo, wag kang magkakalat sa bakuran ko.]

[ so lahat pala ng babaeng kaibigan ng asawa mo inaaway mo? ]

[ hindi. marami siyang babaeng friends and we are in good terms. Hindi kase sila nanghihimasok sa limits. ] sagot ni Yen.

[ gusto mo si Jason? sabihin mo lang ibibigay ko sayo. madali akong kausap.] dugtong ni Yen dito.

Bahala na ang dignidad. Bahala nang isipin ng babaeng ito na insecure siya. Ang gusto niya ay mawala ito sa landas nila. Dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam niya. So what kung ganun siya, at least alam niya kung papano ilaban ang pamilya niya.

[ lilinawin ko, wala kameng relasyon ni Jason.] huling chat nito na tiningnan niya nalang.

Sapat na ang kanyang sinabi para ipaabot dito na lagpas na siya sa kanyang limitasyon. At pag lumagpas pa iyon, hihilain niya ito hanggang tuluyan itong bumulusok kasama ni Jason. Mabait ako, pero pag nagalit ako demonyo.


CREATORS' THOUGHTS
nicolycah nicolycah

naha-highblood ako hahaha

pero tingin ko naman ay hindi talaga tama ang ginagawa ni Jason. Ke kasal sila o hindi kapal ng mukha nitong Jason na to. Tae to si Yen ayaw pa mag find another man

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C89
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login