Download App

Chapter 119: Chapter 39

WALA mang tulog si Madison ay maaga siyang gumising. Pasado alas tres na nang umalis si Lerome sa condo niya at babalik na daw ito sa Cordillera pero nasulit naman ang ilang oras na magkasama sila.

"Mukhang maganda yata ang gising mo," puna ni Jeyrick sa kanya. "Dinalaw ka ba ni Lerome? Itinanong ang address mo."

"Wala. Nangumusta lang."

"Parang ikaw lang ang pinuntahan niya. Nang malamang di ka dadating, umalis din. Ano bang meron sa inyo ni Lerome."

"Wala. Friends lang. Saka sabi niya may gusto daw siyang babae. Jeyrick, may kasama ba kayo kagabi na pupunta ng abroad?"

"Oo. Si Paco, 'yung kaibigan namin na pupunta ng Saudi. Bakit?"

"Sira ulo talaga si Lerome. May diwa-diwata pang sinasabi."

"Baka pinagseselos ka lang no'n. Kaso parang malabo naman siyang magka-girlfriend. Wala nang inisip iyon kundi trabaho. May sasabihin nga daw sana siya sa akin na project pero umalis agad."

"Jeyrick, hindi sa nakikialam ako. Pero nakita ko kasi kung gaano kalaki ang impluwensiya mo sa mga tao. Sa palagay ko magiging magaling ka na ambassador ng tourism ng Barlig at ng Mountain Province. Kapag ikaw ang nag-promote ng tourism, sigurado ako na uunlad ang turismo sa inyo."

Kumunot ang noo ng binata. "Tama ka. Magandang idea nga iyon. Di ko alam kung naisip din iyan ni Lerome."

"Naisip niya pero nahihiya naman siya sa iyo."

"Bakit naman siya mahihiya?"

"Ayaw niyang isipin mo na ginagamit ka lang niya."

Umiling ang lalaki. "Sa akin pa ba siya mahihiya? Di ko iisipin iyon tungkol sa kanya kahit na kailan. Wala nga siyang hinihinging pabor sa akin. Kita mo, pati iyan para pa rin sa kapakanan ng iba. Huwag kang mag-alala. Ako mismo ang kakausap kay Lerome tungkol dito."

"Maraming salamat, Jeyrick. Malaking bagay talaga ito."

Di man siya isang diwata pero gusto niyang may magawa para kay Lerome at sa turismo ng probinsiya nito.

"LAKE TUFUB. Iyan ang pinakapaborito kong puntahan sa Barlig. The place is so serene at perfect kasama ang family o kaya ay makipag-date," kwento ni Madison habang bumibiyahe siya kasama ang grupo na nagha-handle ng shoot ni Jeyrick mula sa tourism office ng Mountain Province. "Maganda din sa Lias dahil sa waterfalls. At siyempre sa Kadaclan, makikita naman natin ang Letang Burial Cave."

 Iikutin nila ang buong Mountain Province bilang bahagi ng pagiging tourism ambassador ni Jeyrick. Kasama din nito si Paloma Esquivel. Nagboluntaryo ang dalawa at walang bayad sa pagiging tourism ambassador lalo na si Paloma dahil malapit daw sa puso nito ang Mountain Province. Ang kukuha naman ng picture para sa pictorial ay si Sunny Angeles, ang photographer na nagpakalat ng larawan ni Jeyrick sa internet.

Excited si Madison sa pagbabalik niya sa Barlig. Dalawang buwan na mula nang huli siyang manggaling doon. Naging malapit na rin ang bayan sa puso niya. Excited na rin siyang makita ulit si Lerome at ang katuparan ng tourism project nito.

"Okay pala si Miss Madison. Pwede ka nang magtrabaho sa amin," biro ng photographer na si Roña. "Alam na alam mo ang mga tourist spots dito sa Barlig."

"Ako ang guide niya nang mamasyal dito sa Barlig. At bumalik pa ulit siya para mamasyal dito," kwento ni Jeyrick.

"Effective ka kasing guide. Kaya perfect ka na maging tourism ambassador. Mae-encourage mo ang mga tao na bumalik-balik dito," sabi ni Jeyrick. Marami siyang suhestiyon dito na inilatag nito sa tourism head ng probinsiya. Ngayon pa lang ay dama na niya ang excitement ng mga fans dahil inaabangan na ng mga ito kung anu-anong lugar ang itatampok nina Jeyrick at Paloma sa tourism campaign na iyon.

"Saka guwapo ang tourism head nila dito," anang staff ng tourism na si Karen at bumungisngis. "Balita ko single pa siya."

Tiningnan niya ng matalim si Karen. Di na ito nasiyahan na magpa-cute kay Jeyrick, pati si Lerome ay pagbabalakan pa. Nasira bigla ang mood ni Madison.

Natigilan ang babae sa pagbungisngis. "Bakit, Miss Madison?"

"Wala. Makapal lang ang blush on mo. Ayaw ni Lerome sa ganyan."

Humagikgik ulit ang babae at inilabas ang compact mirror nito para tingnan ang sarili. "Thank you sa tip, Miss Madison."

Umikot ang mga mata ni Madison nang mapansing nakatitig si Jeyrick sa kanya. "Bakit?"

"Wala lang. Ngayon lang ulit kita nakitang masaya nang papunta tayo ng Barlig. Na parang di trabaho ang pupuntahan natin. May excited ka sigurong makita."

Pinanlakihan niya ito ng mata. "Huwag mo akong itutukso kay Lerome."

"Lake Tufub ang sasabihin ko. Masyado ka namang halata."

"Tufub pala. Di mo naman agad sinabi."

Pinalampas niya ang panunukso ni Jeyrick at ngumiti na lang. Maganda ang mood niya dahil makikita ulit niya si Lerome makalipas ang isang buwan. Alam niyang abala ito sa paghahanda sa promotion ng Mountain Province sa tulong ni Jeyrick dahil ito mismo ang nakipag-coordinate sa provincial government at tumulong sa pakikipag-usap kay Jeyrick. They were planning to launch it big. Ang ipakilala ang Mountain Province di lang sa Pilipinas kundi pati sa ibang bansa. Masaya siya na di man malaki ay nakatulong siya para masimulan ang proyekto na iyon.

Kuntodo ngiti siya nang i-welcome sila sa Lake Tufub. Sinalubong pa sila ng dalawang aso ni Edward at kahit ang mga bata ay nandoon din dahil gusto daw siyang makita. Sa pagtataka niya ay hindi siya pinapansin ni Lerome. Ni di tumitingin sa direksyon niya.

Di niya alam kung anong problema nito sa kanya. Nagtatampo ba ito sa kanya dahil di siya kasing dalas mag-message gaya nang dati? Ito ang laging busy. Ito ang di sumasagot sa tawag niya. Baka naman may nasabi siyang di maganda dito. Pilit niyang inaalala ang usapan nila. Wala siyang matandaan.

Nasolo lang niya ang lalaki nang breaktime sa pictorial. Nakikipaglaro ito sa dalawang usa at pinapakain ang mga ito.

"Nakaka-miss makipaglaro kina Bamboo at Bambi 'no?" usal nang dalaga.

"Sige. Maiwan ko na kayo," anang lalaki at tumuwid ng tayo.

"Lerome, bakit di ka namamansin? Kanina ka pa. May problema ba?"

Seryoso ang mukha ng lalaki at di tumitingin sa kanya. "Wala. Busy lang ako. Maiwan na muna kita..."

Napikon na si Madison dahil malinaw na ayaw siyang makausap ni Lerome. Hinarangan niya ito. "Huwag mo akong ganyanin. Kung may problema ka, sabihin mo sa akin. Di 'yung nagtataka ako bakit ka umiiwas. May nagawa ba akong mali?"

Humugot ito ng malalim na hininga, na parang ang paghaharap nilang iyon ay mahirap para dito. "Madison, ayoko sa lahat pinakikialaman ako."

Napanganga siya. "Anong nakikialam? Kailan naman ako nakialam?"

"Bakit mo sinabi kay Jeyrick ang tungkol sa pagiging tourism ambassador niya para matulungan ako? Alam mo naman na ayokong hihingan siya ng pabor. Ayokong maramdaman niya na sinasamantala ko siya."

Nasapo ng dala ang noo. Di naman niya alam na isyu iyon sa lalaki. "Lerome, di naman ito tungkol sa iyo. Tungkol ito sa tourism ng Mountain Province. Napag-usapan lang namin ni Jeyrick kung may maitutulong siya. Suggestion lang iyon. At nag-agree si Jeyrick na kailangan siya dito. He agreed to do the project. Walang kinalaman doon kung ako ang nagsabi o hindi. Dahil kahit di mo sabihin, alam ko na may iba din nakaisip ng idea na iyon. Hindi ito dapat big deal sa iyo, Lerome."

Naging matigas ang anyo ng lalaki. "Huwag mo na akong pangungunahan sa susunod."

"Akala ko magkaibigan tayo. Gusto ko lang tulungan ka dahil alam ko na magiging masaya ka kapag natupad ang mga project mo para sa Barlig at Mountain Province. Buong buhay mo inilaan mo na para pagsilbihan ang bayan na ito. Bakit hindi mo hayaan ang mga kaibigan mo na tulungan ka?"

"Ayoko nang gagawa ka pa ng magagandang bagay para sa akin. Ayoko nang humingi ng tulong sa iyo."

"Bakit? Di naman kita hihingan ng kahit anong pabor kahit tinulungan kita."

"Ang problema ko, habang nakikita kong gumagawa ka ng mga bagay na magpapasaya sa akin, lalo lang nahuhulog ang loob ko sa iyo."


CREATORS' THOUGHTS
Sofia_PHR Sofia_PHR

Please support me on Patreon and you can read some of my unprinted books, books that are already out of print and not on ebook, and to be released stories.

Be a patron here:

https://www.patreon.com/filipinonovelist

Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C119
    Fail to post. Please try again
    • Writing Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login