Download App

Chapter 5: 4. Wallet

"Manong dito na lang po." Utas ko kay manong driver at ihinto naman niya yung taxi sa harap ng bahay.

Kinapa ko yung pang-ibabang dress ko at naalala kong wala palang bulsa 'to. Kinapa ko rin yung upuan baka nakapatong lang yung pitaka ko at what the..nagagaya ko na tuloy yung linya ni halimaw. Wala akong nakita ni-isang piso manlang.

"Miss. Hindi pa po ba kayo bababa?"

"Eh paano po ako bababa, nawawala po yung pitaka ko." Gusto ko sanang sambitin 'yan kay manong driver kaso lang, baka hindi niya na ako pababain at baka ma-rape pa ako dito ng di-oras naku talaga! Kung kailan ang saya-saya ko dahil tanggap na ako sa bago kong trabaho, tsaka naman nakikisabay 'tong pitaka ko oh! Hays.

"A-ahh, bababa na po ako." Kinakabahan kong sabi.

Bago pa ako makalabas ng taxi, pinigilan ako ni manong.

"Yung bayad niyo po miss. Nakalimutan niyo po."

Naknang! Nane-nerbyos ang beauty ko kay manong eh.

Hindi ko muna sinagot si manong dahil nilibot ko muna ang mata ko sa labas baka nandyan lang si Dwayne at thank you God! Nakita ko siyang naglalakad patungo sa bahay at may kasama siyang lalaki. Nagtatawanan pa nga sila eh, kitang-kita ng maganda kong mata.

Binalingan ko muna si manong driver ng atensyon at mukhang naiinip na ata sa kahihintay ng bayad ko.

"Manong, pwedeng paki-hintay po ninyo ako saglit dito?"

"A-ahh. Okay lang po miss, maganda ka naman e."

Naknang! Si manong oh! Ang tanda-tanda na. Pero natuwa ako sa sinabi niya huh. Haha! Maganda daw ako? Whahaha!!

"Salamat po". Dali-dali akong lumabas sa loob ng taxi at tinungo ko kagad yung pwesto ni Dwayne na halatang hindi pa ako napansin kaagad. Kaya, nagulat naman siya ng makita niya ako.

"A-ateh Marsh.."

Nilayo ko muna si Dwayne dun sa lalaking kasama niya at sabay may binulong ako sa tenga niya. "May isang-daan ka ba?"

Napatingin muna sakin saglit si Dwayne at mukhang nagtataka. Pero, napansin kong kinakabahan siya ng hawakan ko siya sa braso. "W-wala akong isang-daan. B-ente nalang ang pera ko." Utal niyang sabi.

Hays. Paktay ako nito kay manong. Nauto ko na nga siya sa ganda ko, pero hindi sa pamasahe ko. Wala akong maipam-babayad sa kay manong.

Nag-isip muna ako saglit ng paraan kung paano ko ba matatakasan si manong. Joke lang 'yon syempre! At di-sinasadyang nahagip ng mata ko yung kasama ni Dwayne na lalaki. Mukhang galante siya, mayaman, at pansin kong gwapo pala ng titigan ko.

Nilapit ko yung mukha ko sa tenga ni Dwayne at bumulong ako sa kanya. "Baka may isang-daan yung lalaking kasama mo. Hingan mo nga. Bilis."

Mukhang nagulat pa si Dwayne ng ibulong ko sa kanya 'yon. "P-pero ate.."

Pinandilatan ko lang siya ng nakakatakot gamit ang magaganda kong mata pero, paraan ko lang 'yon kay Dwayne minsan para sumunod siya sakin. Haha! At sabay nakita kong nilapitan niya kagad yung gwapong kasama niya.

Teka nga..bakit pala may kasama siyang lalaki? Aba...malaman ko lang na may tinatago silang dalawa sakin, kakalbuhin ko silang dalawa. Joke lang. Hindi nga ako marunong mag-barber, mangalbo pa kaya?

"Oh,eto ate. Bayaran mo yan huh! Tsaka, kani--"

Hindi ko na pinakinggan yung sasabihin pa sana niya dahil kumaripas kagad ako ng lakad papunta kay manong driver.

"Manong. Pasensiya na po kung pinag-hintay ko kayo huh. Eto po yung bayad ko sa pamasahe ko." Sabay inabot ko kagad kay manong yung bayad.

"Okay lang. Maganda ka naman eh. Sige, ba-byahe pa ako." Nakangiting sambit ni manong at nakita kong saka niya pinaharurot kagad ng takbo yung taxi.

Naknang! manong 'yon oh. Kung gayon, ang ganda ko pala talaga? Oh, baka nauto lang ako kay manong? Hays. Basta alam ko maganda talaga ako. Hihi.

Nilapitan ko kagad si Dwayne at nakita kong kinakawayan niya ngayon yung lalaking iyon na naglalakad na paalis.

"Dwayne!"

"Ayy! Aswang ka!" Sambit niya at halos mapatalon siya sa gulat.

"Sinong aswang? Ako ba 'yon huh? Ang ganda ko kaya."

"Oo, este. Ate naman e. Ginulat mo ako."

"Huh? Ginulat ba kita?" Taka kong tanong.

"Oo kaya. Btw, bakit mo nga pala ako hinihingian ng isang daan? Eh, alam mo namang bente lang kaya ang binibigay mong baon sakin. Kaloka ka ate!". Sabay pulupot niya ng kamay niya sa braso ko.

Palusot lang niya yan e. Akala niya nakalimutan ng beauty kong 'to yung lalaking kasama niya? No way highway! Tatadtarin ko siya ng tanong mamaya.

"Nawala kasi yung pitaka ko eh. Nakita mo ba yung pitaka ko?"

Napatanggal siya ng pag-pulupot niya sa braso ko ng makita kong nag-cross arms siya at sabay humarap sakin.

"Hindi huh! San mo ba kasi nilagay? Tsaka, diba umalis ka kanina? so, dapat dala mo 'yon. Oh, baka naiwan mo dun sa pinag-applyan mo ng trabaho?"

Napaisip ako. Naiwan ko ba talaga dun? Inisip ko kung naiwan ko ba dun..dahil wala naman kasi dun sa taxi.

Pero, wala naman akong naalala. Dahil, pumasok sa isip ko na nagugutom na ako ng maramdaman kong kumukulo na ang tiyan ko.

"Tsss. Wag mo nalang alalahanin ate. Wala ka rin namang maaalala."

Sabagay. Tama rin si Dwayne. Pero, san ko nga ba naiwan 'yon?

"Ikain mo nalang yan muna ate para maalala mo."

Oh. Naiisip niya talaga yung naiisip ko.. May kapangyarihan ba 'tong si Dwayne? Sige nga, itatanong ko nga sa kanya kung saan ko naiwan yung pitaka ko mamaya. Baka sakaling mahulaan niya.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Hays. Tara na nga sa loob." Sabay hinaltak na niya ako papasok sa loob ng bahay. Napansin kong nasa labas pa pala kami at ilang oras na rin pala kami nandito.


CREATORS' THOUGHTS
Maiden_pinkish Maiden_pinkish

keep reading guys!! lovlutss!!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C5
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login