Download App

Chapter 4: Hindi Ako Magpapakasal Sayo!

Malamig na sinabi sa kanya ng lalaki, "Kailangan nating mag-usap."

Nag-aatubiling itinaas ni Lin Che ang kanyang ulo at nagtanong, "Paano mo ako nahanap?"

Nang lumulan na siya sa sasakyan nito, tiningnan niya ang napaka-perpekto nitong mukha. Hindi niya mapigilang hindi mamangha sa kakisigan nito. Sayang lang at hindi nagkatugma ang ugali nito at ang hitsura.

Pero hindi man lang ito lumingon sa kanya. Sa halip, nakatingin lang ito sa kabila at biglang sabi, "Magkano ba ang kailangan kong ibigay para pakasalan mo ako?"

"Ano?" Tama ba ang narinig niya?

Direkta niyang sinagot, "Tutal hindi na natin mababago pa ang mga nangyari, kailangang panagutan ko ito sa pamamagitan ng kasal."

"Hehe, sa tingin ko, hindi na iyan kailangan." Akala ni Lin Che na nagbibiro lang ito.

Parang nahulaan nito ang kanyang iniisip, nilingon siya nito at sinabing, "Hindi ako nagbibiro. Kailangan kitang pakasalan. Kung papayag ka, pwede na tayong pumirma sa marriage documents ngayon mismo. Kung ako sayo, susunggaban ko na ang pagkakataong ito."

Walang maisip na isasagot si Lin Che. Hindi niya mapigilang matawa. Makapagsalita ang lalaking 'to, akala niya siguro maganda ang ideyang pakasalan siya! Pero, kung magpapakasal siya sa lalaking ito, hindi niya na kailangang linisin pa ang kanyang pangalan.

"Ano naman ang mapapala ko sa pagpapakasal sayo?", tanong ni Lin Che.

Lalo lang nainis si Gu Jingze nang tingnan niya ito sa mga mata. "Kung magiging asawa kita, ako ang magbabayad ng lahat ng gastusin mo. Bibigyan din kita ng mga accommodations. Kung may boyfriend ka man o kung may nagugustuhan ka man, bibigyan kita ng perang nararapat para sayo kapag nagdivorce na tayo nang sa gayon ay walang sino mang lalaki ang manghahamak sa'yo. Kaya ko ring alisin ang ano mang balakid sa career mo. Trust me, ikaw ang higit na makikinabang dito. Hindi mo ito pagsisisihan."

Pagkatapos mapakinggan ang unang bahagi ng kanyang sinabi, pakiramdam niya ay sobra naman kung magbiro ang lalaking ito. Pero medyo natukso siya nang marinig ang huling kondisyon na ini-ooffer nito.

Sabagay, hindi niya na kailangan pang bumalik sa bahay ng mga Lin o di kaya'y magpakasal sa iyang Person with Disability (PWD).

Tutulungan ba talaga siya ng lalaking ito?

"So, ibig mong sabihin, hindi magtatagal at magdi-divorce din tayo?", tanong niya.

Iniisip niya agad ang divorce? Pero tama naman siya. Dahil hindi naman ito totoong kasal at for convenience lang, wala namang masama kung iisipin niya ang ganoong mga bagay.

Tumango si Gu Jingze. "Oo. Pag gusto ko ng makipag-divorce sa'yo, kailangan mong makipag-cooperate. Maghahanap ako ng resonableng dahilan at titiyakin kong hindi masisira ang ating reputasyon. Pero ipapaalala ko lang sayo, pipirma tayo ng isang kasunduan. Hindi ka pwedeng mag-demand ng iba pang benefits."

"Hoy, ang sama mo talaga. Hindi ko kailangan ng iba pang pakinabang mula sa'yo!", ang saad ni Lin Che nang hindi na nakapagtimpi.

Binuksan ni Gu Jingze ang pinto ng kanyang Porsche. "Hindi natin kailangang maging magalang sa bawat isa. Hindi naman tayo magkasamang tatanda."

"Pero sigurado ka ba talaga na magpapakasal tayo? Alam mo namang nagkikita palang tayo. HIndi nga nating magawang magkasundo eh." Hindi pa rin makapaniwala si Lin Che.

Tinitigan siya ni Jingze at sinabing, "Ano pa ba ang kailangan nating malaman? Nakita ko na ang bawat parte at sulok ng katawan mo."

"Hoy..." Mamula-mula ang pisngi ni Lin Che sa galit nang maalala niya na naman ang gabing iyon. "Hindi ko nga kasalanan 'yon. Ipinaliwanag ko na'to sa'yo diba!"

After all, babae pa rin siya.

Tinitigan niya nang masama si Gu Jingze pero nanatili itong walang kibo, dahilan upang lalo siyang manggalaiti sa galit.

Lumingon si Gu Jingze at sinabi, "Fine, hindi ko na ulit babanggitin 'yon. Isa pa, alam ko namang isang seryosong bagay ang pagpapakasal. Bilang asawa ko, nangangako akong rerespetuhin kita at mamumuhay nang mapayapa kung maaari. Hindi ko planong lokohin ka sa loob ng panahong kasal pa tayo; tutal, nakapagdeisyon na ako, gagawin ko talaga ito."

Walang kibo at mahinahon, talagang kamangha-mangha at napakasarap pagmasdan ang ganitong aura ni Gu Jingze.

Siguro, isa ito sa nakapagkumbinse kay Lin Che na hindi naman masyadong masama ang ideya ng pagpapakasal dito.

Tahimik na itinango niya na lang ang kanyang ulo.

Napabuntung-hininga naman si Gu Jingze at tahimik ding kumumpas sa driver para paandarin na ang sasakyan.

Napakabilis lamang ng proseso ng kanilang pagpapakasal; para sa isang kasal na walang pag-ibig, kasingsimple lang ng paglagda sa kontrata ang lahat.

Bumaba mula sa isang itim na Porsche ang driver. Lumapit siya kay Lin Che at buong galang na kinuha ang bag nito. Habang nakayuko ang ulo, masigla niyang sinabi, "Madam, sumakay na po kayo sa sasakyan."

Tumango lang si Lin Che. Hindi pa rin siya sanay na tawaging "Madam". Sa kabilang banda naman, ang kanina pa walang imik na kasama ay naglakad papunta sa kanya.

Walang halong duda, napakakisig ng kanyang asawa na kahit ang ibang kalalakihan ay maiinggit sa kanya. Talagang mamamangha ang sinuman sa kanyang mukha, na may matangos na ilong, malalim at may matiwasay na pares ng mga mata. Sa ilalim ng malago niyang buhok ay ang maputla ngunit makinis nitong mukha. Taglay rin ng matangkad niyang pigura ang kamandag na walang sinuman ang makakatiis.

Pumihit si Gu Jingze at sa parehong tono ng pagsasalita ay kanyang sinabi, "Sinabi ko na sa pamilya ko na walang magaganap na wedding ceremony."

"Mabuti naman kung ganoon. Sekreto lang naman dapat ang kasal na ito. Ayoko din namang palakihin pa ang isyu," saad ni Lin Che.

Nang marinig ito ni Gu Jingze, agad itong nangutya. "At saka, hindi naman maganda ang ginamit mong paraan. Pag nalaman 'to ng ibang tao, ikaw lang ang mapapahiya."

"Hoy, Gu Jingze! Diba sabi ko, hindi ko 'yun sinasadya?" Biglang tumingkad ang kanina'y mahinahong mukha ni Lin Che. Sa twing naaalala niya ang insidenteng iyon, nagi-guilty siya sa isiping nangyari ang lahat ng ito dahil sa kanyang kapabayaan. Pero sabagay, dalawa silang may kasalanan dito; hindi lang siya ang dapat sisihin.

Naglabas ng isang buntung-hininga si Gu Jingze. Na-realize niya na sumubra na siya, nang maalala na nangako siyang di na uungkatin pa ang bagay na iyon.

"Sorry." Tiningnan niya si Lin Che at nagpatuloy, "Pasensiya na. Pinirmahan na natin ang kasunduan at hindi ko na dapat binanggit pa 'yon. Nabigla lang ako. Pero ipapaalala ko lang sa'yo. Hindi ako nagpakasal sa'yo dahil gusto ko. Mayroon na akong ibang mahal."

Naramdaman naman ni Lin Che ang katapatan nito sa kanyang sinabi. Itinaas niya ang kanyang ulo para tingnan ito sa gilid ng kanyang mata.

Sa totoo lang, naaawa siya dito. Napilitan siyang pakasalan ang isang tulad niya na hindi niya man lang kilala dahil sa pagkakamali niya.

Dahil sa isiping iyon, medyo naging mahinahon na siya. "Okay lang. Naiintindihan ko naman. Kakakasal palang natin at kailangan pa nating magsama sa mga susunod na araw. Hindi talaga natin maiiwasang mag-adjust sa isa't-isa."

"Oo. Di magtatagal, masasanay din ako. Sana naman, gawin mo kung ano ang nakasaad sa ating kasunduan."

"Wag kang mag-alala. Isa akong propesyonal na artista. Susundin ko ang nakalagay sa kontrata; magpapanggap akong in-love sa'yo sa harap ng iyong pamilya at gagalingan ko ang pag-arte. Sana rin ay gawin mo ang nakasulat don. Hindi totoo ang kasal na ito. Bawal ang ano mang physical contact," litanya ni Lin Che.

"Of course. Pero kailangan nating magsama sa iisang bahay para hindi maghinala ang aking pamilya."

"Sige. Promise, makikipag-cooperate ako basta't hindi ka makikialam sa buhay ko."

"Wag kang mag-alala. Kahit kailan, hindi ako magiging interesado sa isang walang pinag-aralan, walang modo, at maingay na babae na katulad mo," saad ni Gu Jingze habang pinagmamasdan ang buo niyang mukha.

"Ha, mabuti kung ganoon. Wala rin naman akong interes sa mga lalaking kunwari ay isang tupa pero ang totoo ay lobo, na walang alam sa pakikipagtalik, at ang tanging alam lang ay ang gumamit ng lakas at manakit," buong tatag na tugon ni Lin Che.

"Ano..." Biglang naging maulap ang makisig na mukha ni Gu Jingze. Nag-aalab sa galit ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Lin Che. Parang hindi naman tama na basta nalang nitong hahamakin ang kanyang kaalaman sa pakikipagtalik.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C4
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login