Download App

Chapter 103: Naghahanap Ng Doktor Ang Katawan

Nagduda naman si Gu Jingze. Kinuha niya ang bills at nabigla siya sa nakita.

Karaniwan namang hindi iniisip ang pera. Hindi niya ugaling kwentahin ang mga perang winawaldas ni Mo Huiling.

Pero, talagang nakakagulat sa kanya ang bills na iyon.

Humigit-kumulang sa sampung milyon ang nagamit ni Mo Huiling sa paulit-ulit na pagpunta dito at wala siyang kalam-alam tungkol dito.

Tiningnan niya ang manager, "Kapag pumunta pa dito ulit si Miss Mo, huwag na kayong pumayag na ipangalan sa akin ang kanyang bills."

Tumango naman ang manager, "Opo, opo, Mr. Gu. So ang mga bills niya po dati…"

Muling tiningnan ni Gu Jingze ang hawak na bills. "Hayaan mo nalang sa pangalan ko iyon."

Medyo naiinis si Gu Jingze. Wagas kung makawaldas ng pera ang Huiling na 'yon!

At ang mahigit pa doon ay wala itong sinasabi sa kanya at basta nalang ipinapangalan sa kanya ang lahat.

Wala siyang pakialam kahit ginagamit nito ang pera niya; pakiramdam lang talaga niya ang labis-labis ang pagsasayang nito ng salapi. Mahal ang mga pagkain sa restaurant na ito. Ang karaniwang binabayaran nila dito ay mga sampung libo lang para sa isang order. Samantala, umaabot naman sa daan-daang libo ang inoorder nito.

Isa pa, ayaw na ayaw niya ang ginagamit siya nang ganito.

Naisip niya na mabuti ng gawin niya ito ngayon. Magsilbi sana itong parusa kay Mo Huiling para mabawasan na ang panggagamit nito sa kanya sa susunod.

Mula sa gilid ay nagtanong si Lin Che, "Ano'ng problema? Malaki ba ang ginastos niya?"

Nakatingin pa rin si Gu Jingze sa bills at dahan-dahang tumango, na para bang nagsasabing tama ito.

"Siya ang bida sa grupo nila… Malamang ay sanay na siya na gumastos nang malaki."

Nilingon siya ni Gu Jingze, "Tama ka. May ugali ngang ganyan si Mo Huiling."

"Tama. Iba kayong mga mayayaman sa mga katulad naming mahihirap lang. Kahit ang 10,000 yuan ay napakalaking halaga na sa amin. Marahil ay naghahabaang numero lang ang tingin ninyong mayayaman sa pera, kaya hindi siya nag-isip pa habang ginagamit ang pera mo."

Walang imik na nakatingin si Gu Jingze kay Lin Che at napailing.

Pero habang iniisip niya kung paanong ginawa nitong big deal ang 10,000 yuan, narealize na parang ang cute ng ideyang iyon.

"Alam ko. Pero sumusobra na rin siya. Kahit ano pa man iyon, hindi pa rin tama na gamitin niya ang pera ko nang ganoon lang. Wala akong pakialam kung gaano man kalaki ang gastusin niya, pero sana man lang ay nagpaalam siya sa akin. Dahil sa pagtatago niya nito sa'kin, hindi ko…"

"Baka iniisip niya na wala lang naman kahit sabihin man niya sa'yo o hindi, dahil may relasyon naman kayo. Ang kanya ay sa'yo at ang sa'yo ay kanya…" Hindi pansin ni Lin Che na parang naiinis na ang tono ng kanyang pagsasalita.

Tumiim ang titig sa kanya ni Gu Jingze , "Imposible. Kung ano ang mayroon ako ay sa iyo rin, so… wala lang sakin kahit gamitin mo ang mga ito."

Bahagyang bumilis ang tibok ng puso ni Lin Che. "Pero pansamantala lang naman 'to. Hindi ko na magagamit ang mga iyan kapag naghiwalay na tayo. Ah, hindi maaari ito. Kailangang mas gamitin ko pa ang pera mo habang may pagkakataon pa ako; dahil kung hindi, ibang babae lang ang gagastos ng lahat ng iyong pera."

"Fine… Kapag nakauwi na tayo, ibibigay ko sa'yo ang lahat ng pera ko. Sa susunod na panahon ay ikaw na ang mamamahala ng perang kikitain ko ha?"

"Talaga? Hmph. Hindi ka ba natatakot na baka ubusin ko iyon lahat?"

Napailing si Gu Jingze habang nakatingin sa kanya.

"Napakarami ng pera ko. Hindi mo iyon kayang ubusin lahat."

Sinenyasan na ni Gu Jingze ang driver para makaalis na sila sa lugar na iyon.

Pero, may naramdaman siyang makati sa kanyang kamay.

Napansin ni Lin Che na maya't-maya niyang kinukuskos iyon at para bang hindi mabuti ang pakiramdam niya. Nilapitan siya nito.

Huminga siya nang malalim at pagkatapos ay hinubad ang suot na damit. May nakita siyang rashes na kumakalat sa mukha niya.

Umaatake na naman ang kanyang sakit.

Naalala niya na sumandal sa kanya si Mo Huiling at nabasa ang kanyang damit ng luha nito. Marahil ay iyon ang dahilan.

"Naku, ano iyan?" Nagulat si Lin Che nang makita ang mga maliliit at mapupulang mga latay sa mukha ni Gu Jingze. Parang hindi ordinaryong mga pantal.

Unang beses niya itong nakita na sinumpong ng sakit. Takot na takot siya na halos mamula na rin ang kanyang mukha.

"Ano ito? Masakit ba? Ano'ng nararamdaman mo? Hindi ka ba komportable?"

Umiling si Gu Jingze at tinakpan ang mukha. "Huwag kang tumingin. Nakakadiring tingnan ang mukha mo."

Mabilis naman siyang pinigilan ni Lin Che. "Ano ka ba, bakit mo tinatakpan iyang mukha mo? Mas mainam kung nahahanginan iyan. Huwag mong takpan. Ano naman ngayon kung nakakadiri iyan? Rashes iyan, hindi mga bulaklak. Kaya ano ba'ng i-expect ko?"

Bagama't may pagkatalim ang mga sinabi niya, parang gustong matawa ni Gu Jingze.

Kasama si Lin Che ay dumating na sila sa bahay ni Chen Yucheng. Pagpasok nila ay nandoon sic hen Yucheng at naghihintay na sa kanila. Nasa daan palang sila ay tinawagan na nila ito at sinabing sumumpong na naman ang sakit ni Gu Jingze. Sinuri nito ang mga rashes at tahimik na tiningnan sina Gu Jingze at Lin Che. "Hindi naman ito siguro dahil kay Madam, ano?"

Natatarantang sumagot si Lin Che, "Hindi mangyayari iyan. Kahit kailan ay hindi pa nangyari sa amin 'to…"

Ngumiti si Chen Yucheng, "Bago mangyari ito… nagkadikit ba ang mga dibdib ninyo?"

". . ." Kakaiba din ang doctor na 'to ah!

Inirapan ni Lin Che ang doctor.

"Kung ganoon, sino ang humawak ng parteng ito ng katawan niya?" tanong ni Chen Yucheng.

Inirapan din ni Gu Jingze ang doctor, ang kanyang mga mata'y para bang nagbababala na huwag itong magkamali sa sasabihin.

Nang maramdaman ni Chen Yucheng ang talim ng titig ni Gu Jingze, agad niyang nakuha ang ibig nitong sabihin.

Pero, gabi na kasi kaya…

Nagsalita si Lin Che, "Hindi mo na kailangan pang magtanong. Kanina lang ay nakasalubong namin si Miss Mo."

Humarap siya kay Gu Jingze, "Gu Jingze, alam ko namang matagal-tagal na din mula nang huli kayong magsama ni Miss Mo kaya nauunawaan ko kung hindi na makontrol ang sarili mo. Pero ganoon pa man, huwag mo naman sanang kalimutan na hindi ka pa lubusang magaling."

Ngumiti lang si Chen Yucheng habang nakatingin kay Gu Jingze.

Agad namang ipinagtanggol ni Gu Jingze ang sarili, "Bigla nalang siyang yumakap sa akin at umiyak nang umiyak. Hindi naman tama na basta ko nalang siyang itulak."

Ang ibig niyang sabihin ay walang anumang senswal na nangyari sa kanila ni Mo Huiling at ayaw niyang pagtripan pa sila lalo ni Chen Yucheng.

Nakangiti pa rin si Chen Yucheng habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Kumuha ng ilang gamot si Gu Jingze at uminom. Maya-maya ay nagsimulang mag-init ang kanyang katawan at nagkaroon ng lagnat.

Walang magawa si Lin Che kundi ang manood lang sa gilid. Napansin niya na parang hindi komportable si Gu Jingze kaya lumapit siya dito, "Kumusta? Kumusta'ng pakiramdam mo?"

Hinawakan lang ni Gu Jingze ang ulo, tahimik na tumango at tumingin kay Lin Che.

Hindi alam ni Lin Che kung bakit parang tinutusok ang puso niya habang nakikita ito sa ganoong sitwasyon.

"Bakit ka biglang nilagnat pagkatapos mong uminom ng gamot?"

"Isa sa mga side effects ng gamot ay ang pagkakaroon ng lagnat. Iyan ang dahilan kung bakit ayaw kong uminom nito."

"Bakit ganito ka-grabe ang epekto sa'yo kapag nahahawakan ka ni Miss Mo?"

"Batay sa pag-aaral ni Chen Yucheng, nalaman niya na dahil ito sa mga enzymes na pinoprodyus ng aming mga katawan. Iba-iba ang ating blood types at hormones. Naaapektuhan ng mga ito ang mga enzymes na nabubuo sa ating katawan. Kaya kapag nahahawakan ako ng ibang tao, ganito ang nangyayari sa akin."

"Ah, kung ganoon, bakit walang nangyayari sa'yo kapag nahahawakan kita?"

Kumunot ang noo ni Gu Jingze habang nakatingin kay Lin Che. "Hindi ko alam. Baka ito talaga ang tadhana natin."

"Pero hindi pa naman tayo masiyadong nagkakadikit. Malay natin, bigla nalang itong lumala sa susunod," pagpapatuloy ni Lin Che.

Pero kung tutuusin, halos buong katawan nila ang nagalaw nang may nangyari sa kanila sa hotel noon.

"Mabilis ang mga pangyayari nang gabing iyon. At isa pa, biglaan ang nangyari noon kaya wala akong panahon na pansinin pa ang mga reaksiyon ng katawan ko."

Pagkatapos magsalita ay inilapit ni Gu Jingze ang mukha kay Lin Che. Sinuyod niya ang tingin dito, mula ulo hanggang paa. Animo'y isa siyang lampara na nagnanais na bigyang-liwanag ang kailalimang bahagi ng katawan ni Lin Che.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C103
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login