Download App

Chapter 122: Hindi Maganda Ang Kanyang Mood

Sumakay na si Lin Che sa kotse at hindi nagtagal ay nakarating na siya sa lokasyon ng show. Nakita kaagad siya ng director at nilapitan siya nito para bumati. Sobrang galang nito sa kanila ni Yu Minmin.

May inasikaso muna si Yu Minmin samantalang sumama naman si Lin Che para tingnan ang script. Abala sila sa pag-uusap tungkol sa mga gagawin nila para sa araw na iyon nang may biglang tumawag sa kanya, "Lin Che, hindi ko inaasahan na magkikita tayong muli."

Lumingon siya at nakita na ang tumawag sa kanya ay isa sa mga nakalaban niya para sa Best Newcomer Award. Si Wang Qingchu.

Tumawa siya nang mahina at tiningnan lang ito habang naglalakad palapit sa kanila. Sa likod nito ay may kasama itong lima o anim na alalay, dahilan para magmukha itong isang mataas na personalidad.

"Nabanggit ko sa director na mayroon akong dating kaibigan dito at magandang ideya kung magkakasama kami sa iisang show. Kaya, hindi natin pwedeng hayaan na makuha ng iba ang screen time na para sa ating dalawa."

Ah, siya pala ang tinutukoy nitong dating kaibigan…

Napatawa si Lin Che dahil sa sinabi nito. "Hindi. Sa tingin ko ay nangingibabaw ang pagkakaibigan sa show na ito. Nandito tayong lahat para magsaya, at hindi para mang-agaw ng screen time ng iba o ano pa man diyan."

Napatingin sa kanya si Wang Qingchu, halatang peke lang ang ngiti nito.

Hindi madaling makasali sa ganito kasikat na show. Imposibleng nandito ang mga ito dahil gusto lang makisaya.

Plano sana ni Wang Qingchu na makipagpartner kay Lin Che, pero nang makita niya na umaastang inosente pa rin si Lin Che kaya nagpasya siya na huwag nalang. Mabuti na lang at hindi lang siya ang kasama nito ngayon.

Maya-maya lang ay may pumasok ding isa pang artista.

"Direktor, nandito na ako. Pasensya na, masiyadong trapik lang kasi. Hindi pa naman ako late, di ba?" Napalingon ang ilan nang magsalita ang taong dumating. Isa rin itong baguhang artista na nagngangalang Qin Wanwan. Nakilala ito dahil sa isang palabas tungkol sa modernong buhay-opisina at gumanap din ito ng iba't-ibang mga supporting roles. Nakilala agad ito ni Lin Che. Pero, ngayon palang sila nagkakaharap.

Nagkamayan sila at binati ang isa't-isa.

"Lin Che, napanood ko ang palabas mo; sobrang ganda talaga. Ilang beses ko ng inulit na panoorin iyon."

"Ganyan din ang masasabi ko sa'yo. Napakasikat mo pa," nagpalitan ng magagandang salita sina Lin Che at Qin Wanwan. Napahinto ang kanilang pag-uusap dahil sumali rin si Wang Qingchu at sinabi din kay Qin Wanwan ang mga sinabi ni Lin Che. Gusto nito na makuha ang loob ni Qin Wanwan pero bahagya lang itong ngumiti sa kanya at muling nakipag-usap kay Lin Che.

"Kinakabahan talaga ako; first time ko 'to."

"First time ko rin 'to," sagot ni Lin Che.

"Pero magpakatotoo ka lang. Kahit na hindi ka mangingibabaw sa show sa unang beses, gawin mo nalang itong inspirasyon."

"Oo."

Hindi nagtagal ay nagsimula na ang filming.

Nakahanda na ang buong crew. Magkakaiba ang personalidad ng tatlong bagong mga artista. Nagsimula ang show sa isang laro.

Hindi alam ni Lin Che kung ano ang gagawin at hindi din niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi siya makasabay sa mga ginagawa sa show, pero napakaganda ng performance ni Qin Wanwan kahit na sinasabi nito na kinakabahan ito. Nakuha agad nito ang loob ng mga main cast. Ito ang talagang nangingibabaw sa show samantalang parang anino lang si Lin Che.

Kapag natatapos na si Qin Wanwan sa mga tasks nito ay nilalapitan nito si Lin Che at tinutulungan. Kung kaya, lubos talaga ang pasasalamat ni Lin Che dito.

Sa kabilang banda naman, hindi na maipinta ang mukha ni Wang Qingchu. Titili ito bigla ngayon tapos maya-maya naman ay mapapalpak ang ginagawa. Puro mali ang ginagawa nito at lagi nalang itong napapadikit sa isa sa mga sikat na actor. Hindi makapaniwala ang mga nakakakita dito.

Oo nga't marami ang nagbibigay ng atensiyon dito pero puro inis ang nararamdaman ng mga nandoon.

Nang oras na ng break ay umupo si Lin Che sa kotse kasama ang isang Kuya ng show. Habang nasa unahan ito ay tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Mukhang kulang ka ng tulog. Nakikita na ang eyebags mo."

Sumagot siya nang mahina, "Nang malaman kong sasali ako sa isang reality show, sobra-sobra talaga ang kaba ko kaya hindi ako makatulog nang buong gabi. Kapag ako ang unang matanggal sa show, baka mapatay ako ng mga amo ko. Napakalaking halaga ang ginugol nila para dito."

"Hahaha, okay. Hindi ka namin pababayaan at hindi kami papayag na matanggal ka kaagad."

"Talaga? Maraming salamat. Kapag ako ang nanalo, ibibigay ko sa'yo lahat ng makukuha ko."

"Haha, tatandaan ko iyan."

"Totoo, hindi ako nagbibiro!"

Walang ekspresyon sa mukha ni Lin Che. Nakaupo lang siya doon at mamaya-maya ay hinahawakan ang damit. Hindi na niya pinansin ang hitsura; wala na siyang gana na mag-ayos ng sarili. Nakatulala lang siya habang nakaupo at hindi alintana kung okay pa ba ang kanyang makeup.

Napansin siya ni Qin Wanwan. Lumapit ito sa kanya.

"Bakit nandiyan ka lang? Bakit ayaw mong sumali sa amin doon?"

Sumagot si Lin Che, "Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Buti pa kayo eh alam niyo kung ano ang gagawin."

"Naku, ikaw talaga. Hindi naman pangit ang performance mo ah; hindi mo lang talaga alam kung paano makakuha ng magandang pagkakataon."

Nahihiyang sumagot si Lin Che, "Oo nga eh. Hindi ko talaga alam kung paano iyan gagawin."

"Tingnan mo si Wang Qingchu. Ginagawa niya talaga ang lahat."

Pinagmasdan ni Lin Che si Wang Qingchu na todo ang ginagawang pakikipagbonding sa mga naroroon at talagang pinipilit na makasali sa mga usapan. "Talento rin naman kasi itong maituturing. Sa tingin ko'y wala akong talent sa aspetong ito. Sa pag-arte lang talaga ako komportable."

May pag-unawang tiningnan nalang siya ni Qin Wanwan. "Sige na nga, ikaw bahala."

Dalawang araw silang nag-shoot para sa show. Nang matapos na si Lin Che sa kanyang unang oraw ng filming ay sumakay na siya sa eroplano at nagbyahe papunta sa susunod nilang lokasyon.

Sa loob ng eroplano ay nakasunod lang si Yu Minmin kay Lin Che. Ang ilan sa mga guest ay nakaupo sa first class at ang iba naman ay sa economy class. Lumapit si Yu Minmin kay Lin Che para magbigay ng maiinom. Napansin nito ang bagsak na ekspresyon sa mukha ni Lin Che at sinabing, "Huwag mo ng masiyadong isipin pa 'yon."

Napasandal sa upuan si Lin Che at kinausap si Yu Minmin. "Napakagaling nilang dalawa. Kaya malamang ay ako ang pinaka-kawawa sa aming tatlo."

Sumagot naman si Yu Minmin, "Ikumpara nalang natin ang iyong mga palabas sa mga palabas nila. Hindi naman masiyadong big deal ang mga reality shows kaya hindi ito gaanong makakaapekto sa career mo."

"Nahihiya lang talaga ako sa inyo dahil talagang pinaghirapan niyong makuha ang oportunidad na ito para sa akin."

"Huwag mong isipin iyon. Huwag kang mag-alala. Mas marami pang magagandang program ana darating sa'yo. Hangga't sikat ka pa, gagawin nila ang lahat para makuha ka bilang guest nila. At isa pa, okay naman ang performance mo ah."

"Okay…"

"Sige. Kapag hindi ka tumigil sa kasisimangot diyan, lolobo iyang mukha mo bukas pagkagising mo. Kailangan mong matulog dahil may filming ka pa bukas ng umaga. Huwag kang uminom ng maraming tubig ha."

Madali lang sabihin pero mahirap gawin. Hindi pa rin maayos ang pakiramdam ni Lin Che kaya naparami siya ng inom ng tubig nang makarating na siya sa hotel.

Nang gabi na ay tinawagan siya ni Gu Jingze. "Ilang araw ba iyang shooting niyo?"

Hindi pa rin maayos ang kanyang mood. "May isang araw pa ako bukas at pagkatapos ay nakadepende na iyon sa kung ano ang magiging takbo ng filming. Kung hindi maganda ang resulta, siguradong mag-extend kami ng isa pang araw."

Napansin ni Gu Jingze ang tono ng kanyang pagsagot. "Anong problema? Hindi ka ba masaya?"

Nagpakawala si Lin Che ng malalim na bunting-hininga, at naisip na wala naman sigurong masama kung sasabihin niya dito ang mga bagay na ito.

"Oo. Pakiramdam ko kasi ay hindi maganda ang performance ko. Diba lagi mong sinasabi sa akin na napakabobo ko? Sabihin mo nga sa akin ngayon. Ganoon ba talaga ako kahina? Iyan ba ang dahilan kung bakit hindi ako makakuha ng magandang screen time para sa akin?"

Nang marinig siya ni Gu Jingze, tumawa ito nang malakas. "Totoo iyan; Napakabobo mo nga."

"Hoy!"

Hindi ba ito marunong mag-comfort??


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C122
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login