Download App

Chapter 13: Chapter 10: Foundation Week (1)

Nasa mall kami ngayon at kasama namin Julie. Nag-aya kasi siyang mamasyal. Nagkapalupot ang mga kamay niya sa braso ni Dice at parang okay lang rin naman sa kaniya. Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa. Gusto ko sanang magsalita at isigaw na ako ang asawa ni Dice at hindi si Julie pero hindi naman ako ganon kababa at kawarfreak kaya wag na lang.

Nagtitinginan ang mga tao kina Dice at Julie, kesyo bagay daw silang dalawa. May narinig pa ako na ang cute daw ng anak nila at napacringe na lang ako dahil narealize ko na ako pala ang tinutukoy nila. Yikes, nagmumukha na akong third wheeler, at hindi ko 'to gusto.

Huminto kami sa pinakasikat na resto sa loob ng mall na 'to. Magkatabi sila sa ako naman at nasa tapat ni Dice. Ang sweet nila, grabe. Kulang nalang magsubuan na sila. Nilalagyan ni Julie ng pagkain ang plato no Dice at pinupunasan pa niya ang labi nito. Para na naman akong hangin kaya nagpaalam ako na magccr muna. Dumiretso ako sa CR, hindi para umihi pero para makatakas sa dalawang iyon. Hindi ko na kaya.

Tumingin ako sa salamin, hindi ko mapigilang ikumpara ang sarili ko kay Julie. Malayong malayo, dahil siya yung tipo ng babae na gugustuhin ng lahat ng lalaki. Magaling siya makisama kahit na masungit siya sa akin samantalang ako naman ay boring at awkward. Inaamin ko na pinaghirapan ko kung ano man ang figure ko ngayon at kung ano man ang hitsura ko ngayon pero pakiramdam ko ay hindi ito papantay kay Julie.

Pagkabalik ko sa table namin ay tapos na silang kumain. Nawalan na ako ng gana kaya sinabi ko sa kanila na tapos na rin ako.

Habang naglalakad kami ay napagpasyahan ni Julie na magshopping daw muna kami. Namimili siya ng damit habang ako naman ay patingin tingin lang dahil ang mamahal ng prices.

"Shihandra! Look, bagay sa 'yo to." Sabi ni Julie sabay abot sa akin ng isang terno na A line na palda at top na parang brallet na lang. "Isukat mo kaya, ako din magsusukat." Aniya saka itinaas ang napili niya na katulad din ng pinapasukat niya sa akin pero iba lang ang kulang.

Sasabihin ko sana na ayaw ko dahil hindi naman ako nagsusuot ng mga ganoon at saka kung pareho kami ng isusukat ay baka magkaroon ng comparison. Siguradong magmumukha siyang sexy at maeemphasize ang figure samantalang ako naman ay magmumukhang patpat lang hahaha. Pero mapilit siya, at nagtitinginan na ang mga tao sa paligid dahil sa pangungulit niya kaya wala na akong nagawa. Sinamahan kami ng saleslady sa fitting room habang si Dice naman ay nag-aabang sa labas dahil gusto ni Julie na siya ang tumingin kung bagay ba ang mga pinili namin.

Sinuot ko na ang red na top at black na leader na miniskirt. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at namangha ako dahil mas better ang kinalabasan kaysa sa ineexpect ko. Pero... Lalabas ba talaga ako ng ganito? Nakakahiyaaa! Medyo nakikita kasi ang cleavage ko huhu kahit na di naman ganoon kalaki ang boobs ko. Tapos hindi rin ako komportable sa palda. Huminga ako ng malalalim. Kaya ko 'to. Hindi na ako matatakot tulad ng dati.

Dahan dahan akong sumilip sa labas. Nakaupo si Dice sa Sofa habang si Julie naman ay nakatayo sa harap niya. Ang sexy niya, at kitang kita ang hubog ng katawan niya. Pero parang may mali, dahil parang hindi bagay sa figure niya. Narealize ko na sa mga payat lang bumabagay ang ganitong outfit gaya ng mga nakikita ko sa mga korean na models. Masyado kasing curvy ang katawan niya. Magkaiba kami ng size kaya ewan ko lang kung ganoon din ang sa akin. Mas malaki yata ang size niya sa akin dahil matangkad siya saka masyadong malaki ang boobs niya pati yung likuran niya. Hindi katulad ko na diretsong diretso lang ata.

Unti unti akong lumabas at lumakad papunta sa kanilang dalawa. Sobrang uncomfortable ng pakiramdam ko kaya awkward akong naglakad at paulit ulit kong ibinababa ang skirt ko. Nakaramdam din ako ng lamig dahil medyo backless ang suot ko at manipis lang ang strap.

Sobrang naanxious ako dahil nasa akin ngayon ang atensiyon.

"Nako maaaaam! Bagay na bagay po sa inyo!" Sabi ng saleslady na naghatid sa amin kanina sa fitting room. "Model po kayo Maam?"

"Ay hindi po, hehe." Sabi ko.

"Oo nga bagay sayo Shihandra," ani Julie. Sa totoo lang, naramdaman ko na parang pilit lang ang pagkakasabi niya.

"Oo nga Maam, kung hindi niyo po naitatanong, designed po ang damit na iyan para sa mga katulad niyo na medyo petite. Yun bang payat pero may figure, ganyan po kasi ang uso ngayon." Paliwanag ng saleslady. Nagsilapitan naman ang iba pang mga saleslady para icomplement ako, at maging ang mga lalaking sales staff ay tumitingin na rin. Ewan ko pero naoOAyan ako sa kanila.

Sa totoo lang, ayoko nito. Nararamdaman ko kasi naiinis na sa akin si Julie, pero ayoko ng ganoon. Ayoko ng gulo.

"Why dont you buy this, ililibre na kita. Basta you'll wear this now habang naglilibot tayo." Sabi ni Julie.

"Nako wag na, this is too expensive." Sabi ko saka nagthank you na lang.

"Maam malas po ang tumatanggi sa grasya, tanggapin niyo na po, Sir, bagay naman po diba? Maganda po diba?" Tanong ng saleslady kay Dice na kanina pa walang kibo.

"Ah- ehem, y-yeah." Sagot naman niya. Muntik na akong maniwala kaya lang hindi naman siya nakatingin sa akin.

"Odiba Maam, sabi ko sayo maganda eh! Pumayag na po kayo." Sabi pa ng isang saleslady.

"Hindi po ba masyadong maikli?" Tanong ko.

"Hindi naman po maam tingnan niyo po." Itinuro niya sa akin yung iba pang mga customers, tama naman siya dahil mas maikli nga ang mga suot nila kaysa akin. "Hindi naman ganon karevealing ang suot niyo Maam, hindi lang po siguro kayo sanay magsuot ng mga ganiyan."

"Oo nga Shihandra, pumayag ka na, my treat. Wait lang ha, magpapalit lang ako." Bumalik na si Julie sa fitting room.

"Maam, kapag po nakita kayo ng mga iba pang customers na suot yan, tataas po ang sales namin, tiyak na bibili rin po sila, kaya thank you po ma'am! Balik po ulit kayo."

Ngumiti na lang ako.

Habang hinihintay namin si Julie ay napapansin ko na hindi pa rin tumitingin sa akin si Dice. Ano bang problema, akala ko ba maganda? Akala ko ba bagay?

"Let's go na." Sabi ni Julie. Tapos na pala siya. Muli siyang pumalupot kay Dice saka hinila ito palabas.

"Kuya niyo Ma'am?" Bulong sa akin ng saleslady kanina.

"H-hindi, he's my husband." Sagot ko naman. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi iyon, gayong ako mismo ang nagsabi kay Dice na walang ibang dapat makaalam.

"TALAGA MAAM? E mukhang ang bata niyo pa po saka sino naman po 'yung babae?"

"Kaibigan niya lang 'yon."

"Naku naku maam, parang hindi lang kaibigan e. Parang may something, kaya gwardyahan niyo po ang asawa niyo."

Nginitian ko na lang ulit siya. Saka nagpaalam na dahil baka maiwan ako ng dalawa. Nakasunod lang ako kay Dice at Julie na para bang alalay. At para ring hindi naman nila ako napapansin.

"Hi miss, mag-isa ka lang?" Bigla akong hinarang ng isang lalaki.

"Uy, ikaw ba si Shihandra? Famous ka sa fb ah." Sabi pa nung isa.

"Uhm, I'm in a hurry." Sabi ko habang patuloy na sumusulyap kina Dice.

"Paaccept naman, Shihandra." Sabi nila. Napalingon naman ako.

Yikes! Naiwan na pala ako. Yan na nga ba ang sinasabi ko. Iniwan ko na lang mga kumakausap sa akin kanina, sinabi ko naman na nagmamadali ako kaya okay na siguro 'yun. Tumingin ako sa paligid pero hindi ko na makita kung nasaan sina Dice.

Heto na naman yung kirot. I tried to look like an adult kagaya nila pero, I got lost. Yes that's true, its my second time na magpunta dito, at hindi ko na natatandaan kung saan ang exit. I look like a lost kid. Yung first time ko kasi dito ay noong bata pa ako, napagkatuwaan akong iligaw ng mga kaklase ko noong film viewing namin.

Isa lang ang sigurado ko ngayon, hindi na ako iiyak katulad ng dati.

Naglakad-lakad na lang ako para kahit papaano ay mafamiliarize ko sa utak ko ang mall na ito. Para sa susunod, kapag nawala ulit ako ay alam ko na kung saan ako pupunta.

Habang naglalakad ako ay napunta ako sa mga archades. Sobrang namangha ako dahul matagal na rin akong hindi nakakakita ng ganito. Buti na lang may dala akong pera. Hindi naman pala masama na naiwan ako nila Dice dahil sobrang saya ko ngayon.

Naglaro ako ng mga games and archades tapos nanalo ako ng maraming tickets. Pakiramdam ko nasa langit na ako dahil sa sobrang saya. Oops. Gabi na pala. Hindi ko na namalayan ang oras. Nang maramdaman ko na medyo marami na akong nagastos ay tumigil na ako sa paglalaro. Ipinalit ko na ang mga nakuha kong ticket.

Pagod na ako kaya naupo na muna ako sa tapat ng isang game na hindi ko alam kung ano ang tawag. Basta 'yung yung may mga coin na inihuhulog tapos kailangan mailaglag mo yung mga iba pang coins para manalo ka ng tickets. Nagkataon kasing walang naglalaro kaya nakiupo muna ako.

Bigla namang may nag-announce na magsasara na daw ang mall in 30 minutes kaya kailangan nang umuwi ng mga customers. Tumingin ako sa paligid, umuwi na siguro sina Dice. Napaisip tuloy ako kung paano ako makakauwi. Napansin ko na may mga paaalis na kaya sumunod na lang ako. Huminto muna ako sa tapat ng archade dahil sumasakit na ang paa ko dahil sa heels na pinasuot sa akin ni Julie.

"Sabi na nga ba dito lang kita makikita." Nagulat ako dahil nasa gilid ko na si Dice.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko.

"Saan ba lagi nagpupunta ang mga bata?" He asked.

"Hindi na ako bata noh!" Sabi ko naman.

"Hindi nga. Isip bata lang." Aba't ang lakas naman niyang mang-asar! "Uwi na tayo, magsasara na 'to."

Hinawakan niya ang kamay ko at naglakad na. Nagpahila na lang ako habang nakatingin sa likod niya. Nang makalabas na kami ay hindi ko maiwasang manibago dahil parang may kakaiba kay Dice. Di ko alam at di maintindihan kaya hinayaan ko na lang.

Habang naglalakad kami ay nakayuko lang ako dahil sa narinig ko kanina nagwhisle sa akin. Kahit saan talaga, nagkalat ang mga manyak sa paligid. Natatakot ako kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak kay Dice.

"Tsk."

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa kamay ko. Akala ko may nagawa na naman akong mali. Hinubad niya ang coat niya saka ibinalot sa akin. Muntik na nga akong masakal e hahaha.

Pagkarating namin sa parking ay kaagad kaming sumakay sa kotse niya. Pinagbuksan pa niya ako ng pinto. Inistart na niya yung kotse, sumandal na lang ako sa gilid then tumingin sa labas.

"Nasan si Julie?" Tanong ko.

"Umuwi na siya kanina pa." Sagot naman ni Dice. "Parang enjoy na enjoy ka mag-isa ah."

"Ikaw din parang enjoy na enjoy ka kasama si Julie." Sabi ko. Natahimik naman siya at di na sumagot. Ano bang nangyari? "May nangyari ba?"

"No, there's nothing." Sagot niya. Tumango na lang ako. "Is it your first time dito sa mall?"

"Nope, it's my second."

"Anong pinagkaiba non?" Medyo patawang tanong niya.

"Yung first time ko, puro bad memories. Pero yung second, sobrang nag enjoy ako." I answered. Di ko namalayan na nakangiti na pala ako.

"Halata nga e. Hindi mo man lang napansin na kanina pa kita pinapanood." Aniya.

Ibig sabihin, hinayaan niya muna akong maglaro?

"Uhm, Dice?" Tinawag ko siya.

"Hmm?"

"May free time ka ba sa foundation week?" I asked. Habang naglalaro kasi ako kanina, marami akong nakuhang credits na pwedeng ipapalit as items. Nang makita ko ang wallet na nakadisplay sa kasama ng iba pang prices ay naisip ko kaagad si Dice kaya hindi na ko nagdalawang isip na kuhanin 'yon.

"I think.." napaisip siya. "..i am free on thursday afternoon."

"Ahh... Sakto, gusto ko sanang maglibot libot sa school sa Thursday kaya lang may may ibang plano sina Erine kaya ako lang mag-isa." I said. Syempre dahilan ko lang 'yon. Gusto ko kasi siyang makasama. Oo na, tama ang iniisip niyo.

"Poor kid." Aniya.

What? Hindi pa ba obvious yung intentions ko?

"Yeah." Sabi ko. Tumahimik na lang ako, nakakainis.

...

Sa wakas, lunes naaaaa!

Para sa opening ng foundation week, nagkaroon ng program sa quad, may sumayaw, may kumanta, at kung ano ano pa. Pagkatapos naman ng opening program ay naglibot na kami sa mga booth na pwede naming puntahan. Sa cosplay cafe, natapunan ni Erine ng coffee si Ciro kaya umalis din kami kaagad, sayang gusto ko pa naman doon. Muntik naman akong iposas ng ilan sa mga estudyante na nakaassign sa chainbooth kaya tago kami ng tago. 'Yong mga nasa wedding booth naman ay si Ciro ang hinahabol dahil maraming babaeng gusto yatang magpakasal sa kaniya. Para kaming wanted dahil ang daming nanghahabol hahaha. Pero ang saya, ewan ko ba. Tawa lang sila ng tawa.

Dahil sa pagod ay napagdesisyunan namin na magpahinga muna. Naupo muna kami sa damuhan sa malaking open space kung saan laging tumatambay na estudyante. Nag-CR muna si Snow habang si Erine naman ay bumili ng pagkain namin kaya naiwan kami ni Ciro.

"Hoy Shihan, may sasabihin ako." Ani Ciro.

"Hmm?"

"Kasiiii- matagal ko nang gustong sabihin 'to kaya lang hindi ko kaya." Dagdag niya. "Pero sa tingin ko ngayon ang tamang panahon para sabihin 'to."

"Ano ba 'yon?"

"I think I have feelings for-"


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login