Download App

Chapter 25: Chapter 21: Courage

Halos mag-iisang linggo na rin ako dito sa mansion. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko! Inaamin ko na namimiss ko na si Dice. Hindi pa rin kasi kami nagkikita at saka wala manlang siyang message sa 'kin. Hindi rin siya nagrereply. Mukhang kaya naman yata niya kahit wala ako.

Wala sila Mama at Papa ngayon, bumalik na sila sa Manila three days ago. Gusto ko nang tumakas kaya lang sure ako na lalo ko lang papaguluhin ang sitwasyon kung gagawin ko 'yon.

Medyo naging active na rin ako sa Social media dahil wala akong magawa sa bahay. I thought I will be able to spend time with my parents pero ganon pa rin, naiwan pa rin ako dito mag isa.

Nagpost na lang ako sa story ko. I typed "My tummy hurts" Medyo sumasakit kasi ang tiyan ko. Ewan ko kung bakit. Siguro nalipasan ng gutom, hindi na rin kasi ako makakain ng maayos dito. Kaagad namang nagreply si @imthekey sa ig story ko. He said "Uminom ka na ng gamot?" and i replied with "Nope, all the maids are sleeping and I'm too sluggish to get one + idk where it is"

Tinanong pa niya kung sobrang sakit daw ba, ang sabi ko naman kaya ko nang tiisin.

Mahigit kalahating oras na ang lumipas at wala na rin akong nararamdamang sakit sa tiyan ko. 10:30 pa lang ng gabi. Nasa tabi ako ng bintana habang nagmumuni-muni. Sobrang anxious ako, ano na kayang ginagawa ni Dice? I badly want to see him.

Maya maya pa ay may nakita akong anino na naglalakad sa garden sa tapat ng kwarto ko. Wait, magnanakaw?! Kaagad kong kinuha ang libro sa tabi ko para ibato sa magnanakaw nang bigla niyang itaas ang kamay niya.

"Don't tell me ibabato mo sa 'kin yan?" Kaagad kong nakilala ang boses na iyon. Si Dice!

"A-anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" Tanong ko.

"I bribed the guards."

Wow.

"Why? You should've texted or called me, pagbubukasan naman kita ng gate." Sumbat ko.

He laughed. "Right, I should have done that."

Hah? Parang may something sa kaniya ngayon, his behavior changed.

"Why are you here? Anytime pwedeng umuwi sina Papa, baka makita ka nila." I said.

Biglang lumiwanag ang paligid dahil sa paggalaw ng ulap na tumatakip sa buwan. Nasinagan nito si Dice, kaya kitang kita ko na siya ngayon. Nakatingala siya dahil nasa second floor ako. Now that I'm clearly seeing his face, I began to miss him even more. I want to touch him.

"I just want to see your face, that's all." Sagot niya sa tanong ko kanina.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko. Why is he being like this? Nananaginip ba ako?

"Catch." Mahinang sigaw niya saka hinagis ang isang maliit na kahon. Buti na lang ay nasapo ko naman.

Binasa ko agad ang nakasulat. "Pepto... bismol?"

"That's a great medicine for upset stomach." He said.

"oh, thanks. Teka, pano mo nalaman na...?" Tanong ko. May telepathy ba 'tong si Dice?

"Key told me. Pero mukang okay na naman na." He slightly looked sideward to avoid my eyes, napakamot pa siya sa batok.

Wait, does this mean pumunta siya dito to give me medicine because he's worried? Nag-init ang mukha ko dahil sa naisip ko. Bakit ka ba ganyan Dice! Lalo mo lang akong pinahihirapang magstay dito huhu.

"Teka, malamig na dyan sa labas, why don't you go inside?" Sabi ko. Wala na kong pake kung makita siya ni Papa, isa pa I don't want him to catch a cold.

"No, it's getting late, you should sleep. I have to go." Aniya at kaagad na tumalikod para at naglakad paalis. Kaagad naman akong tumakbo palabas ng kwarto ko para habulin siya. Fortunately, naabutan ko naman si Dice.

"Wait!" I shouted. Ang swerte ko dahil naubutan ko siya bago pa naman siya makalabas ng gate. Hinabol ko muna ang hininga ko bago magsalita ulit. "Dice!" Sigaw ko ulit. Lumingon siya matapos ko siyang tawagin, naghihintay anong sasabihin ko.

Lumakad ako papalapit sa kaniya. "Thank you." I said. Ngayong malapit na siya sakin, pigil na pigil ko ang sarili ko na hawakan siya.

"No, I just did what I should as your husband." Parang pinana na naman ni kupido ang puso ko nang sinabi niya 'yon. Ibig sabihin ba nito, I'm not a kid to him anymore? I'm... his wife? I just noticed na tagaktak na pala ang pawis ni Dice. Pero malamig naman ngayon, bakit ganon?

"Bakit pawis na pawis ka? May humabol ba sayo?" Tanong ko.

Naghesitate pa siya bago tuluyang sumagot. "Naflat ang gulong ng kotse ko kaya, tumakbo ako halfway papunta rito." Umiwas na naman siya ng tingin.

He did that for me? Hindi naman sa assuming ako pero parang ganon nga.

"Anyway, I have to go so bye—" bago pa man siya makatapos magsalita ay kaagad ko siyang niyakap. Waaaaaah! I miss him so much. Kahit pawisan siya, I don't care! "Hey k-kid, what are you doing? Seriously..." Saka ko lang narealize kung gaano kaembarrassing yung ginawa ko nang magsalita siya kaya kaagad akong lumayo.

"Sige, diba aalis ka na, bye!" I said saka tumakbo na papasok ng mansion. I think namumula na ang mukha ko! You're so stupid, Shihandra!

Hindi ko mapigilan ang bilis ng pagtibok ng puso ko kaya agad akong tumalon sa kama at nagtalukbong. Bakit ko ba ginawa yoooon? Itutulog ko na lang 'to!

---

Kinabukasan, umuwi sina Mama at Papa. Kahit ganoon wala pa rin akong magawa sa bahay. Parang nakalimutan ko na kung ano usually ang ginagawa ko dito noon, at kung nakakaramdam ba ako ng pagkabored gaya nito dati.

Habang kumakain, bigla na lang pumasok sa isip ko ang nangyari kagabi. Aaaaaaah! I'm so happy and embarrassed at the same time.

"My dear daughter, why are you smiling so suddenly?" Ani Mama. Binigyan niya ako ng nakakaintrigang tingin na para bang sinusubukang basahin ang isip ko. "Did something happen while we were away?" Dagdag pa niya.

"N-no, may naalala lang po ako." I answered.

"Hurry up, ihahatid ka na namin sa school." Papa said in a cold tone. Don't tell me... sinumbong kami ng mga guards?

Hindi na lang ako nagsalita. Binilisan ko na lang ang pagkain ng almusal.

On our way to school bigla akong nakaramdam ng kaba. Hindi ko alam kung bakit. Katabi ko si Mama at si Papa naman ay nasa passenger seat habang kausap si Manong Isho, family driver namin.

"Daughter, is there something wrong? May masakit ba sayo?" Tanong ni Mama.

"Wala po..." Sagot ko naman.

"Then what are you worried about?" She asked.

"Wala po talaga, bigla lang po akong kinabahan and idk why." Paliwanag ko. Hinawakan naman niya ako sa kamay at saka ngumiti. I suddenly felt calm after that.

Pagdating namin sa school ay kaagad akong bumaba sa kotse at nagpaalam kina Mama. Habang naglalakad ako ay nakita kong paparating ang kotse ni Dice at dahil doon ay binilisan ko ang lakad ko. Halos tumakbo na nga ako. Ayoko munang makita siya dahil sobrang nakakahiya yung ginawa ko kagabi! Another thing is... lalo ko siyang mamimiss!

Pagpasok ko sa classroom ay naramdaman ko na halos lahat ng classmates ko ay nakatingin sa akin. Sanay naman akong palaging tinitingnan pero this time, parang may kakaiba.

Naupo agad ako sa chair ko at nakiramdam sa mga tao sa paligid ko. I can't clearly hear because they're whispering pero I know na ako ang pinag uusapan nila dahil sa mga tinginan nila sa akin.

Sinubukan kong magconcentrate para marinig sila...

"She's such a slut!"

"Grabe hano boyfriend pa talaga ng best friend niya inahas niya."

"Akala ko tahimik lang siya pero now I know na she's a big bad bitch!"

H-huh? Is it really me? No right? Hindi ko magagawa 'yon! Siguro imahinasyon ko lang na ako ang pinag-uusapan nila.

Maya maya pa ay napatingin ang lahat sa pinto nang bigla na lang pumasok si Erine. Nakahawak siya sa tuhod niya habang hingal na hingal at pawis na pawis. Parang tumakbo siya papunta rito. Nasa tapat pa rin siya ng pinto at naghahabol ng hininga nang biglag dumapo ang paningin niya sa akin. Nanlaki ang mata niya saka nagmadaling lumapit sa akin. Hindi na nga niya naibaba ang bag niya sa upuan.

"K-kumusta, Shi..." She awkwardly said.

"Okay naman, bakit mo ba ako tinatanong ng ganiyan Erine, kachat lang kita kahapon ah?" I asked. Tumawa ako nang bahagya. Idk but she's acting weird.

"Okay ka lang ba?" Tanong niya.

"Oo naman..." Sagot ko. Siya nga ang dapat tanungin kung okay lang siya dahil sa ikinikilos niya ngayon. "Eh ikaw?"

"O-okay lang din." She answered. Naramdaman ko na medyo nagbuffer siya ng kaunti. May nangyari bang hindi ko nalalaman?

Naramdaman ko na halos lahat ng mga kaklase namin ay nakatingin samin at pinapanood kami. I can feel their glares.

"Wtf? Bakit sila nag uusap? Diba zhsnajakahdbshwja..." Isa sa mga narinig ko mula sa nakabibinging bulungan. Ano ba talagang meron?

"Hey Erine!" Sigaw ng ni Aina, isa sa mga kaklase ko na medyo masama ang ugali. Malakas at matinis ang boses niya at everytime na nag uusap sila ng mga friends niya ay halos sumakit na ng tainga ko.

Nakadalawang tawag si Aina kay Erine pero hindi niya ito pinansin. Dahil doon, lumapit si Aina sa amin at tiningnan ako ng masama.

"How can you still talk to her, Erine! Bakit ka nagtityaga na pakisamahan 'yang babae na 'yan!" Sigaw ulit ni Aina. Everyone is looking at us na para bang nanonood ng teleserye sa TV, nag-aabang lamang sila kung ano ang susunod na mangyayari. Habang ako naman ay gulong gulo sa mga nangyayari.

"Stop this, Aina. Misunderstanding lang lahat ng 'to." Sabi ni Erine saka hinarap si Aina. "Just please stop."

"Huh? Why don't you tell her to stop being a snake? Alam na ng buong campus na she stole yo—" Bago pa matapos sa pagsasalita si Aina ay hinila na ako ni Erine palabas. Hanggang sa hallway ay pinagtitinginan pa rin kami. May tagos ba ako? May nagawa ba akong hindi maganda? Ano bang nangyayari?

Hila hila pa rin ako ni Erine. Dinala niya ako sa rooftop ng school namin.

"Wait... Erine, bawal tayong pumunta dito diba?" Tanong ko.

"Wala namang nakakita na pumunta tayo rito..." She said then smiled at me, bitterly.

"May problema ba, Erine? Saka ano yung pinag-uusapan niyo kanina? Bakit parang galit si Aina?" I asked.

"N-no, it's just a misunderstanding. Wag kang mag-alala tungkol do'n, m-maaayos din 'yon." Ngumiti na naman siya ng mapait. Alam ko, alam ko na may mali.

"Oh, is that so..." Pero wala naman akong magagawa kung ayaw niyang sabihin. Hindi ko rin naman siya pwedeng pilitin na sabihin sakin ang problema niya. I'll just wait for her to open up, kapag handa na siyang magsabi.

"C-can we... ditch school today?" Tanong niya sa 'kin. Naghesitate pa ako pero kung ito yung makakapagpagaan sa loob niya... edi go. This is bad, I know, and this is the first time na gagawin ko ito.

"If that's what you want." Sagot ko naman. She suddenly hugged me tight.

"Kahit anong mangyari, I promise, I will never leave you. Best friends pa rin tayo..." She hugged me even tighter. "Hanggang mamatay."

"Hanggang mamatay." I answered.

---

We just talked about each other's life buong umaga kahit na lagi naman kaming magkasama. We left the school noong nagring ang bell na hudyat ng lunch. Hindi na ako nagpaalam pa kay Dice dahil sigurado akong magagalit 'yon.

Isang bagay lang ang napansin ko. Sa school, everyone was glaring and throwing weird glances at me. Hindi kay Erine, sa akin lang. Gusto ko sanang ipagwalang bahala na lang pero hindi ko kaya. It gave me chills at di ko alam kung bakit.

Now it's sunset. Nakaupo lang ako sa isang bench sa park habang si Erine naman ay nasa di kalayuan habang bumibili ng street foods. Sinenyasan niya ako na sasagutin niya lang phone at nagets ko naman agad. Tumalikod na siya at naglakad palayo habang may kausap sa phone.

"Oh look who's here." Parang nagcringe ang tenga ko dahil sa boses na narinig ko. Si Aina at ang mga alagad niya.

"Iniwan ka na rin ba ni Erine? Well, good for her. Walang gustong makisama sa malanding tulad mo!" She said saka dinuro duro ako.

"What do you mean?" I innocently asked.

"Why are acting so clueless? Are you an idiot? Pretending na wala kang alam? Hindi tatalab samin yan." She added.

"What are you talking about? Hindi kita maintindihan." Sabi ko.

"Haaa. That's what I hate about you! You act so reserved and quiet pero nasa loob pala ang kulo mo!" Sigaw niya. Lalo pa siyang lumapit sa akin saka hinaplos ang buhok ko. "I honestly don't understand kung bakit maraming nagkakandarapang guys sayo sa school, saying that you're the goddess of USJ. Like WTF!" Bigla niyang hinila ang buhok ko. Napaaray ako at saka ko hinawakan ang buhok ko para bawiin ito sa kamay niya.

"Stop this, ano bang ginawa ko sa inyo?" I said.

"Now na wala nang papanig sayo dahil pinakita mo na ang tunay na kulay mo, I can finally play with you!" She whispered then pulled my hair even harder.

"T-tama na! Ano bang ginawa ko sayo?" Sigaw ko.

"Blame your face! Nasa 'yo lahat ng gusto ko! Face, money, family, friends and popularity! Pero now that you betrayed your own precious friend, even though your popularity skyrocketed, at least sira ka na!" She explained.

"B-betrayed? Sino?!" Sigaw ko din.

"Ayan ka na naman! Umaarte na parang walang alam! O sige, kunwari di ko rin alam! Ask yourself! Ikaw gumawa niyan kaya dapat alam mo sa sarili mo." Sabi niya. "Pero alam mo, matagal ko nang balak gawin sayo 'to..."

She slapped me. Parang namanhid ang mukha ko. Ang sakit. Gusto ko umiyak pero di ko magawa.

"Ooooh, kawawa naman ang goddess ng USJ, mukang mamamaga ang mukha niya bukas." She said then slapped me again on the other side of my face. Napahawak ako sa mukha ko. Nablangko na ako at di ko na alam ang gagawin.

Tumingin ako sa paligid, nakatingin lang sa amin yung iilang tao sa paligid at mukhang walang balak na tulungan ako. Hindi ko rin makita si Erine sa paligid.

"Hoy mga bata, anong ginagawa niyo? Nananakit ba kayo?" Sabi ng nagtitinda ng fishball na binibilhan ni Erine kanina. Nagliwanag ang mukha ko dahil do'n. Magsasalita na sana ako pero—

"Hindi po, nagpapractice lang po kami ng role play namin para sa school. We will never hurt her! Where friends po kaya kuya. Saka siya nagsabi na gawin naming totohanan para mataas score namin." Paliwanag pa Aina sa kuyang nagtitinda ng fishball.

"Hija, Totoo ba 'yon?" Tanong pa ni kuya.

"H-hind—"

"Oo naman po." Inunahan ako ng dalawang alagad ni Aina. Inakbayan pa nila ako pareho kaya hindi na ako nakapagsalita. "Sige po kuya uuwi na po kami maggagabi na rin po e."

"Sige ingay kayo mga hija." Ani kuya.

"Wai—!"

"Shhh, wag kang maingay Shihandra kung ayaw mong idamay namin yung lalaking 'yon. Alam mong kaya kong sirain ang buhay niya, pera lang ang katapat, HAHAHAH." Aina laughed, at sinabayan pa ng dalawa.

Habang nakaakbay sila sa akin ay unti unti nila akong tinatangay palayo hanggang sa makarating kami sa isang tagong lugar, sa likod ng abandonadong bahay di malapit sa park. Hindi ako makaimik, takot na takot ako.

"Wala nang istorbo dito. I can finally continue our playtime!" Ani Aina. "Kawawa ka naman namumula na ang face mo."

"Bitawan niyo nga ako! Ano bang ginawa ko sa in—" He slapped me one more time.

Nangigil ako dahil ginawa niya. I mustered my courage and slapped her on the face as well. Tinodo ko talaga. I felt happy na nakaganti ako pero...

"YOU BITCH!" She shouted. Then they began to hurt me. Sampal, sabunot, kalmot. Napaupo na lang ako sa sahig saka sinubukang sanggahin ang mga pananakit nila. Gulo gulo na ng buhok ko, sobrang dumi ko na at may punit na rin ang damit ko.

Why...

This happened in the past...

Bakit parang nauulit na naman ang nangyari dati?

Nangyayari na naman ang pinakaayaw kong mangyari.


CREATORS' THOUGHTS
emi_san emi_san

Sorry ngayon lang ako nakapagUD, performance task weak kasi namin last week angld exam naman this weekkkk. I'll try harder to update my story as soon as possible. I am planning to post the next chapter on Sunday, stay stuned! I might do an upspree again. Thanks for reading!

Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C25
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login