Download App

Chapter 1232: Nabibilang sa kanyang orihinal na pagkatao

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Malakas ang loob ni Ye Wan Wan at alam niya ang kanyang limitasyon. Saglit lang niya inaral ang taekwondo at hindi masyadong magaling ang pinakita niyang kalakasan...

At tsaka, isang bagay pa lamang ang potensyal ng isang tao sa martial arts at ibang usapan pa ang kaledad ng kanyang pangangatawan. Kahit na mataas ang potensyal niya sa martial arts, kung madali siyang matuto sa loob ng panandaliang mga pagsasanay lamang, kailangan pa rin magsanay ng katawan niya ng ilang taon upang mapantayan niya ang kailangan na fitness level.

Tulad na lamang ng sinasabi ni Ye Mu Fan at ng iba pa niyang kakilala – kayang sirain ng isang suntok niya ang isang kotse… kailangan sobrang lakas mo kung kaya mong gawin ang bagay na ito.

Si Ye Wan Wan lamang mismo ang nakakaalam kung ano siya at kung ano ang kaya niyang gawin. Hindi kayang baliin ng normal na tao na nagsanay ng ilang dekada ang metal kahit na isantabi niya ang pagsasanay niya noon.

Kung hindi talaga siya si Ye Wan Wan at ang lahat ng ala-ala niya ay sapilitan na pinasak lamang ni Si Ye Han, ang ibig sabihin nito ay ang abnormal niyang kapangyarihan at ang mala-diyos na pakikipaglaban niya ay nanggaling sa orihinal niyang sarili bago pa nawala ang mga memorya niya.

Kung hindi talaga siya si Ye Wan Wan, hindi kayang mapaliwanag kung saan nanggaling ang abilidad niya sa martial arts. Nanggaling ang lahat ng ito sa orihinal niyang pagkatao.

Nawala ang lahat ng ala-ala niya para maging si Ye Wan Wan na walang kinalaman sa kanya...

"Sino… sino pala ako…" natakot si Ye Wan Wan at ang mga mata niya ay napuno ng pangangamba.

"Anong sinasabi mo na sino ka?" Nagtataka si Ye Mu Fan habang nakatitig siya kay Ye Wan Wan.

Biglang nag-ring ang isang phone bago niya pa marinig ang sagot ni Ye Wan Wan.

Nakita ni Ye Wan Wan ang caller ID. Tinawagan siya ni Nameless Nie.

Sinagot ni Ye Wan Wan ang tawag.

"Hello…" maririnig sa phone ang boses ni Nameless Nie.

"Ano iyon?" Nagtanong si Ye Wan Wan.

"Hello? Anong sinabi mo? Mahina ang signal ko dito… pumunta ka sa Yong'an food stall… magkita tayo ng 30 minutos…"

Mabilis na binaba ni Nameless Nie ang tawag at hindi na niya hinintay ang sagot ni Ye Wan Wan.

Ang Yong'an food stall na binanggit ni Nameless Nie ay ang food stall kung saan unang nagkita si Nameless Nie at ang grupo ng lima.

"Sino 'yon?" Tanong ni Ye Mu Fan.

"Kaibigan ko…" tiningnan ni Ye Wan Wan si Ye Mu Fan at sinabi, "Hinahanap ako ng kaibigan ko. Mauna na akong umalis sayo."

Tumango si Ye Mu Fan. "Sige lang. May mga gagawin din ako kaya hindi na lita masasamahan."

Ye Wan Wan: "..." Hindi ko naman sinabi na sumama ka sa akin.

Yong'an food stall.

"Boss, bigyan mo ako ng pribadong kwarto!"

Naglakad patungo sa food stall ang Deboto at sinabi niya ito sa may-ari na parang pamilyar sa kanya.

"Sige." Tiningnan ng may-ari ang Deboto.

Nagulat ang may-ari ng stall nang makita niya ang mga ito.

Pamilyar sa kanya ang mga taong ito kahit mabulok pa ang mga katawan nila. Noon, nagkagulo sila sa store ng may-ari na ito dahil uminom at kumain sila nang hindi nagbabayad ng ni-singko.

"May pera ka?" Tinanong ng may-ari ng food stall ang Deboto.

"Anong sinasabi mo na may pera ba ako? Kailan ba ako nawalan ng pera?" Pagkatapos ay nilabas ng Deboto ang dalawang singkwenta sa kanyang bulsa. "Boss, bigyan mo kami ng pagkain na sasakto sa ganitong halaga."

"Ilang tao ba ang kasama mo?" Tinanggap ng may-ari ang pera nang magtanong siya.

"Anim na tao!" Sumagot ang Taoist devotee.

Pagkasabi niya nito, tumalikod siya at pumunta siya ng pribadong kwarto, iniwan niya ang nakatulala na may-ari ng food stall na nakatitig sa dalawang singkwenta.

Sa loob ng pribadong kwarto, nakaupo sila Taoist Devotee, Spray of Flowers, at ang iba pa nilang kasama.

"Saan si kapitan at yung bulol? Bakit wala pa sila dito?" Tinanong ni Spray of Flowers ang Taoist devotee at ang gwapo na taong yelo.


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C1232
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login