Download App

Chapter 350: Si Si Ye Han kaya ang may pakana?

Translator: LiberReverieGroup Editor: LiberReverieGroup

Binalot ng katahimikan ang buong banquet hall nang mapunta ang mga mata nila kay Ye Wan Wan at lumayo ang tingin ng lahat kay Ye Yiyi at Gu Yue Ze.

Akala nilang lahat na si Ye Yiyi ang nag-imbita kay Mei Jing Zhou para makisaya sa kaarawan ni Ye Hong Wei ngunit ngayon, sinabi ni great master Mei Jing Zhou na walang kinalaman ang pagdalo niya sa imbitasyon ni Ye Yiyi.

Mabilis na nawala ang mga ngiti sa mukha nila Gu Yue Ze at Ye Yiyi dahil sa sinabi ni Mei Jing Zhou.

"Ang ibig sabihin ni great master Mei ay… inimbitahan ka raw ba talaga ni Ye Wan Wan?"

"Oo, inimbitahan ako dito ni Ye Wan Wan," sa-totoo-lang ang pagkakasabi ni Mei Jing Zhou.

"..." medyo nabilaukan si Gu Yue Ze.

Kahit mukhang kalmado at blangko ang itsura ni Ye Wan Wan, sa totoo lang, halos mabaliw na ang kanyang isipan dahil sa nangyayari.

Anong nangyayari?

Bakit sinabi ni Mei Jing Zhou na kakilala niya ako at sinabi rin niya na ako ang nag-imbita sa kanya sa kaarawan ni lolo?

Walang tao sa buong Imperial City ang may kakayanang mag-imbita kay Mei Jing Zhou sa kahit anong okasyon; paano ko naman maiimibatahan ang tulad niyang parang diyos?

Hindi maintindihan ni Ye Wan Wan ang nangyayari, hanggang sa… may random na pangalan ang sumagi sa kanyang isipan.

Si Si Ye Han?!

Madali lang sa kanyang imbitahin si great master kung siya nga ang nag-imbita sa kanya dito.

Pero… bakit niya gagawin iyon…?

Isang malaking pabor na kay Ye Wan Wan na hindi siya pinigilan ni Si Ye Han na pumunta sa salu-salo ng kaarawan ng lolo niya, pero bakit nagpakahirap si Si Ye Han na bigyan ng magarbong regalo ang kanyang lolo?

Bakit hindi dahilan ng pagpunta dito ni Mei Jing Zhou ang imbitasyon ng tatay ni Gu Yue Ze, pero dumalo siya dahil sa imbitasyon ko?

Hindi makapaniwala si Gu Ye Ze kahit gusto niya pang mag-imbestiga sa nangyayari, pero nakita niya na maliwanag ang intensyon ng pagdalo ni Mei Jing Zhou dito kaya walang kwenta kapag patuloy lang siyang nagtanong-tanong, magmu-mukha lang siyang t*nga.

Kaya, pinakita niya na lang na kalmado siya at sinabi, "Kung sino man ang nag-imbita sa iyo dito, masaya kami na nakadalo ka."

Masugid na sumingit si Ye Yiyi usapan, "Totoo po iyon, basta't masaya si lolo! Hindi ko lang inasahan na kakilala pala ni Ye Wan Wan ang taong tulad ni great master Mei Jing Zhou…"

Sa mga oras na iyon, binalot ng pagka manghanga ng tao ang buong hall.

"Mali pala tayong lahat--ang apo na galing sa Ye family, na sinabi nilang walang kwenta at walang utak, ay ang babae na may maraming tinatagong talento!"

"Tama ka sa sinabi mo! Kaibigan niya ang tulad ni Mei Jing Zhou kahit na magkaiba ang edad nila! Sinong kabataan na galing sa Imperial City ang may kakayanang gawin iyon?"

"Kahit matanda na si Ye Shao Ting, sabi nga sa isang kasabihan, hindi magkaka-anak ng babaeng aso ang isang tigreng tatay!"

Sa sandaling iyon, tiningnan ulit ni Ye Hong Wei ng puno ng ilaw at kaligayahan si Ye Wan Wan.

Tunay nga ba na ang pinagsukuan niyang babaeng apo ay naliwanagan na at inayos na ang pag-iisip nito?

Pagkatapos makipag-daldalan ng saglit ni Ye Wan Wan sa kanyang lolo at sa lahat ng tao, nagkaroon siya ng tsansa para makausap si Mei Jing Zhou ng silang dalawa lang.

"Kilala mo ba talaga ako Mr. Mei?" mausisa siyang tinignan ni Ye Wan Wan.

Nakakapagtaka ang sitwasyon na iyon kaya naisipan niyang kausapin, ng walang masamang intensyon, si great master Mei para maliwanagan lamang siya.

Seryosong sumagot si Mei Jing Zhou, "Oo naman, Ms. Wan Wan. Bakit mo natanong?"

Nang makita niya na matibay ang paninindigan ni Mei Jing Zhou, lalong umangat ang pagsususpetya ni Ye Wan Wan kaya sinabi niya, "Paano nangyari iyon? Wala akong natatandaan na nakilala na kita noon…"

"Nakalimutan mo na yata, munting kaibigan ko." Hindi nagbago ang itsura ni Mei Jing Zhou, nahaluan ng bakas ng bigo ang kanyang mukha.

Kumibot ang gilid ng mga labi ni Ye Wan Wan, "Bata pa ako…"

"Anong ibig sabihin mo?" naguguluhan si Mei Jing Zhou.

Medyo napangiti si Ye Wan Wan. "Ang ibig kong sabihin, imposible na magkaroon ako ng dementia sa edad kong ito. Hindi kita kilala, Mr. Mei!"

Biglang naubo si Mei Jing Zhou sa sinabi niya.

Hindi na nagdalawang-isip si Ye Wan Wan at diniretsa na niya si great master Mei, "Mr. Mei, pinadala ka ba dito ni Si Ye han?"


Load failed, please RETRY

Gifts

Gift -- Gift received

    Weekly Power Status

    Rank -- Power Ranking
    Stone -- Power stone

    Batch unlock chapters

    Table of Contents

    Display Options

    Background

    Font

    Size

    Chapter comments

    Write a review Reading Status: C350
    Fail to post. Please try again
    • Translation Quality
    • Stability of Updates
    • Story Development
    • Character Design
    • World Background

    The total score 0.0

    Review posted successfully! Read more reviews
    Vote with Power Stone
    Rank NO.-- Power Ranking
    Stone -- Power Stone
    Report inappropriate content
    error Tip

    Report abuse

    Paragraph comments

    Login