Download App

Chapter 91: Ayaw Niyang Makita Ito Na Umiiyak

Sumagot si Gu Jingze, "At kapag nagkamali ka naman, parurusahan kita."

Pagkasabi niya nito ay mabilis niyang hinalikan sa labi si Lin Che.

"Parurusahan kita ng halik."

Mas lalong namula ang mukha ni Lin Che sa narinig. Nayayamot na tiningnan niya si Gu Jingze, "Aba'y ikaw lang yata ang gumagawa niyan, Gu Jingze!"

Lalo lang napangiti si Gu Jingze.

Habang nakangiti ay unti-unti namang lumambot ang kanyang mga pisngi.

Napatulala naman si Lin Che. Napakagwapo nitong tingnan kapag nakangiti.

Ang lalaking kahit kailan ay hindi nagpapakita ng kahit anong ekspresyon sa mukha ay nakangiti ngayon. Grabe. Napakasarap pagmasdan.

Nakatulala pa rin si Lin Che nang inilapit ni Gu Jingze ang mukha sa kanya, "Lin Che, ba't ganyan ka makatitig sa'kin?"

Noon di'y natauhan si Lin Che, "Sinong nakatitig sa'yo ha?"

"Weh di nga? Kitang-kita ko kanina. Bakit? Ganoon ba talaga ako kagwapo sa paningin mo?" Lalong inilapit ni Gu Jingze ang mukha habang pinipilit naman ni Lin Che na itago ang pamumula. Bago paman niya marealize ay nakalapit na si Gu Jingze sa tabi niya.

Masikip lang ang espasyo ng kotse. Ang isang kamay ni Gu Jingze ay nasa steering wheel samantalang ang isa naman ay nakahawak sa likod ng upuan ni Lin Che. Ang dibdib nito'y nakaharap kay Lin Che.

Inilapit pa ni Gu Jingze ang mukha at naisip na parang napakalambot hawakan ang mga pisngi ni Lin Che. Wala siyang nakikitang kahit isang pimple man lang. Sa totoo nga ay mas lalo itong gumaganda sa malapitan.

KApag wala siyang trabaho ay hindi niya ugaling maglagay ng makeup o kahit ano paman sa mukha. Napakalinis ng kanyang mukha at kaakit-akit.

Namamanghang nagtanong si Gu Jingze, "Sagutin mo nga ako, gwapo ba ako?"

"Ikaw… Gu Jingze, hindi ka ba nahihiya?"

"Wala namang dapat ikahiya sa isa't-isa ang mag-asawa, hindi ba?" Iniyuko ni Gu Jingze ang ulo at sinuri ang mukha ni Lin Che.

Noon lang napansin ni Lin Che na halos magkadikit na pala ang katawan nila.

Halos nakadikit na ang dibdib niya sa dibdib nito. Parang malalagutan siya ng hininga sa sobrang kaba.

Patuloy siyang kinukulit ni Gu Jingze, "Aamin ka ba na kaya ka nakatulala kanina ay dahil nagagwapuhan ka sa'kin o hindi?"

Pakiramdam ni Lin Che ay pinapatay na siya nito sa matinding pressure.

Natataranta man ay sumagot siya, "Oo na, gwapo ka nga. Ikaw ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo."

Mukhang hindi satisfied si Gu Jingze sa kanyang sagot. "Halata namang hindi ka sinsero sa sinasabi mo."

"Ano… Fine. Ikaw ang pinakagwapong lalaki, Gu Jingze. Ikaw ang pinakagwapong lalaki na nakilala ko. Walang makakapantay sa'yo kahit sino pa man ang ihambing sa'yo!" Nagmamadaling sabi ni Lin Che habang ang mga kamay ay nakahawak sa kanyang dibdib.

"Talaga? So ngayon, sabihin mo sa'kin. Sino ang mas gwapo sa amin ni Gu Jingyu?"

Hindi makapaniwala si Lin Che sa pagiging narcissistic nito na ayaw magpatalo kahit sa mismong kapatid nito.

"Mas gwapo ka kaysa kay Gu Jingyu. Masaya ka na?"

Iyon ang isinagot niya kahit ang totoo ay mas magandang pagmasdan ang mukha ni Gu Jingyu kaysa dito.

Marahil ay dahil wala si Gu Jingyu ng karisma na mayroon si Gu Jingze, kahit pa mas maaliwalas tingnan ang mukha ni GU Jingyu.

Si Gu Jingze kasi ang tipo ng gwapong lalaki na ang mga mata'y parang nanghihigop ng kaluluwa.

Nasisiyahang tumango si Gu Jingze; mabuti naman at may taste din itong si Lin Che, "So, paano kung si…"

Ibinaba ni Gu Jingze ang ulo at tinitigan nang malalim si Lin Che. Nag-aalangang nagtanong, "Ngayon naman, sabihin mo sa'kin. Sino ang mas gwapo, ako o si Qin Qing?"

Biglang napatigil si Lin Che.

Matalino si Gu Jingze kaya alam niyang iba na ang magiging sagot ngayon ni Lin Che. Nagdilim ang kanyang mga mata at matamlay na tumitig kay Lin Che, "Sabihin mo sa'kin."

Aminado si Lin Che na hindi gaanong kagwapuhan si Qin Qing kung ihahambing kay Gu Jingze. Maamo ang mukha ni Qin Qing. Sa mga mata ng tao ay para siyang isang prince charming. Samantalang si Gu Jingze, para siyang isang tagapagligtas. Kapag siya'y nasa madilim na lugar at kailangan niya ng tulong, tahimik itong dadating para iligtas siya. Siya'y isang bayani sa kanyang mga mata.

Pero, may kung anong bagay kay Gu Jingze na hindi maaaring makita sa liwanag. Ito ang dahilan kung bakit natatakot at nangangamba ang mga tao na titigan ito sa mga mata.

Gwapo, matipuno, pero kakaiba.

"Ano kasi…"

Tama nga si Gu Jingze…

Kaya hindi na napigilan ni Gu Jingze na hablutin ang kamay ni Lin Che, at hinila siya palapit dito.

Hindi sinasadyang napabulalas si Lin Che. Ramdam na ramdam niya ang malalim nitong titig na para bang kalaliman ng gabing sumasakop sa buo niyang katawan.

Nakayakap pa rin siya kay Lin Che. Halatang nahihiya ito habang nakakandong sa kanya. Ngunit lalo lang siyang nag-iinit dahil sa pagtangging ipinaparamdam nito sa kanya…init na naglalagablab sa kailaliman ng kanyang pagkatao. Iniyuko niya ang ulo, hinigpitan ang yakap, at buong lakas na inilapat ang labi sa labi ni Lin Che.

"Mm… Mmm…" Nagpupumiglas si Lin Che at pilit na itinutulak si Gu Jingze.

"Ano ba… Mm…"

Nang pakawalan niya ito'y sinabi niya, "Hindi ba't parang exciting kung gagawin natin ito sa loob ng sasakyan?"

". . ." Natatarantang sumagot si Lin Che, "Ayoko, Gu Jingze! Pakawalan mo na ako!"

Hindi niya namalayang nakabukas na pala ang suot niyang damit at kitang-kita na ni Gu Jingze ang kanyang katawan.

Inilibot niya ang tingin sa sasakyan. Nakita niya ang busina at pinindot iyon nang matagal, dahilan upang lumikha ito ng nakakabinging ingay.

Agad namang niluwagan ni Gu Jingze ang pagkakahawak sa kamay niya.

Bigla siyang napaiyak.

Parang mapupunit ang puso ni Gu Jingze nang makita ang namumula niyang mata.

Dahan-dahan siyang binitiwan ni Gu Jingze. Nang mapansin nitong nagusot ang kanyang damit ay inayos din nito.

Pakiramdam ni Lin Che ay isa itong halimaw nang mga oras iyon. Nakakatakot.

Inalis niya ang tingin dito at galit na tumalikod. Inayos niya ang kanyang suot habang pinapakalma ang paghinga.

Huminga rin nang malalim si Gu Jingze at tiningnan si Lin Che. Nabaling ang kanyang tingin sa naninigas na parte ng katawan at mapait na ngumiti.

Malalim ang boses na sinabi kay Lin Che, "Pwede mo namang aminin sa kanya kung talagang may gusto ka pa rin sa kanya. Sayang naman kung hindi mo sasabihin sa isang tao ang totoo mong nararamdaman."

Hindi alam ni Lin Che kung ano ang sasabihin.

Hindi siya makatingin nang diretso, "Wala akong planong sabihin sa kanya… Isa pa, kung iisiping mabuti, nakaraan ko nalang iyon. Wala na talaga akong nararamdaman sa kanya ngayon; sadyang kapag nagustuhan mo ang isang tao noon, hindi mo talaga maiiwasang hindi siya isipin minsan."

Napataas ang kilay ni Gu Jingze sa sinabi niya.

Lin Che: "Nakalimutan mo na bang ang puso natin ay gawa sa laman? Hindi porket walang pag-asa na magustuhan ka ng taong gusto mo at napagpasyahan mong itigil na rin ang pagkakagusto dito ay talagang makakalimutan mo na agad siya't hindi na papansinin pa."

Napailing na lang si Gu Jingze.

Medyo gumaan na ang mood sa loob ng sasakyan.

Wala pa ring improvement ang kanilang pagsasanay. Nangako si Gu Jingze na dahan-dahan siya nitong tuturuan pero ayaw na niyang maging guro pa ito. Nakakatakot siyang instructor.

Pagdating nila sa bahay ay nakatanggap si Lin Che ng tawag mula sa kanilang kompanya.

Excited na nagsalita si Yu Minmin sa kabilang linya, "Lin Che, isa ka sa mga na-nominate para sa Panda TV Festival's best newcomer award! Maghanda ka! Baka dumalo tayo sa award ceremony."

Tuwang-tuwa naman si Lin Che sa balitang iyon.


Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C91
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

Login