/ Eastern / Ang Kampilan na Humahati sa Hangin

Ang Kampilan na Humahati sa Hangin Original

Ang Kampilan na Humahati sa Hangin

Eastern 7 Chapters 44.6K Views
Author: makapatag

Not enough ratings

Read
About Table of Contents

Synopsis

Isang uri ng nobelang Bayaning-Mandirigma (War Hero), na ang mga pangunahing mga karakter ay marunong manlaban at nageensayo ng kanilang Sining Pandigma (Martial Arts). Sila ay mga Alagad ng Sining Pandigma (Martial Artists) na nagpapalakas ng kanilang Gahum (Spiritual Power) sa pamamaraan ng pagpatay ng ibang tao o hayop at pagkukuha ng kanilang Gahum o pagbibigay pugay o paghihingi ng kapangyarihan galing sa mga umalagad (ancestral spirits).

Sa Kapuluang Baha-Bahagi, sa mundo ng Ikinatha, tinatahak ng dalawang dakilang magkakapatid ang buhay ng alipin.

Si Mayumi at Bolan ay dalawang magkapatid na aliping horohan ni Datu Ranao. Mga dalaga't binata na, walumpung taon sila nagtataka kung sino ang kanilang mga magulang.

Si Mayumi ay isang mabuting bata, umbo ni Bolan, mainitin ang ulo, at walang takot na sumusulong sa buhay. Lahat noon ay mababaliktad nang napaginipan niya ang puting buhok na diwata. Nanay niya ba ito? Buhay pa kaya siya?

Si Bolan ay ang oyo ni Mayumi. Malumanay, matalino, pero marunong pumatay. Mahuhulog ang kaniyang damdamin para sa napakagandang Baylan sa kanilang lungsod... kaso lang, siya'y binayaan ng pagkikita sa mundong hindi makita. Maari siyang maging bayugin.

Sundan ang dalawang magkapatid na ito at ang kanilang kaibigan na sila Urduya at Galura, sa pagngayaw kay Datu Keraya, ang Datung nagnakaw sa makabuluhang Kampilan ng Humahati sa Hangin.

Kakayanin ba nila ang katotohanan? Gagampanan ba nila ang kanilang responsibilidad? Hanapin ang Kampilan ng Humahati sa Hangin.

***

Kapag nagustuhan ninyo, mag-vote at comment! Talagang pinapahalagaan ko ang inyong mga feedback!

*Ako gumawa ng cover, pero hindi ako ang may-ari ng imahe na ginamit. Credits sa owner.

Parental Guidance Suggested

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

You May Also Like

3Reviews

  • Translation Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

Share your thoughts with others

Write a review
lei_munar

Maganda sya... Sa ilang kabanata na aking nabasa nakuha nito ang aking interes... Yun nga lang... Medyo matagal na akong naghihintay ng panibagong kabanata pero hanggang ngayon wala pa din.... Sa may akda ng kwento kung maaari sana paki update ng kwento.... Naghihintay at umaasa bilang mambabasa here...😇😇

4yr
View 2 Replies
lei_munar

Maganda ang panimula ng kwento... May mga salita ng hindi ko nauunawaan at ngayon ko lamang nabasa ngunit hindi ito hadlang upang maunawaan ko ng lubos ang tinatakbo ng kwento.

4yr
View 0 Replies
Type_writer

Interesting characters, a detailed world, and a lot of hints to Ancient Filipino culture, can be expected when reading this. The characters have interesting backgrounds and relationships yet lack a bit in the character descriptions so I did not really remember their look. The world building is a lot detailed and is influenced by Ancient Philippines and also some other cultures from different countries but mainly Philippines. The writing really makes it all seem interesting and inviting all the while teaching me a fair share of my tagalog.

4yr
View 0 Replies

Author makapatag