/ Teen / Beg for a chance (Tagalog)

Beg for a chance (Tagalog) Original

Beg for a chance (Tagalog)

Teen 11 Chapters 4.0K Views
Author: 88JoyCee

Not enough ratings

Read
About Table of Contents

Synopsis

She loss her father when she was eight kaya napilitang mangibang bansa ang kaniyang Ina para mabigyan siya ng magandang kinabukasan. Lumaki siya sa pangangalaga ng kaniyang Lolo at Lola. Isang huwarang anak at larawan ng responsableng kabataan si Arianne. Pangarap niyang maging isang pilot kaya nag-aral siya ng kursong BS Aeronautics sa Maynila. Nakapag-asawang muli ang kaniyang Ina at tumira na ito sa UAE kasama ang bago nitong pamilya. Inalok siya ng kaniyang step father na sumama at doon na lamang ipagpatuloy ang pag-aaral pero tumanggi siya. Pinili niyang huwag malayo sa kaniyang Lolo at Lola.
Nang nasa ikatlong taon sa kolehiyo ay nakilala niya si Justin, isang mayaman at guwapong binata. Niligawan siya nito at tinanggap naman niya. Minahal niya ng history si Justin to the point na isuko ang sarili sa binata.
Si Karina naman ang babaeng gagawin ang lahat mapasakaniya lamang ang lalaking minamahal, nag-aaral din sa paaralang pinapasukan ni Arianne. Siya ang pinili ng Ina ni Justin para sa anak ngunit taliwas ito sa damdamin ng binata. Si Karina na matagal nang nagmamahal kay Justin ngunit kaibigan at nakababatang kapatid lamang ang tingin sa kaniya nito. Hinadlangan niya ang pagmamahalan ni Justin at Arianne sa tulong ng Ina ni Justin.
Ipinahiya at tinapakan ang pagkatao ni Arianne sa harap mismo ng kanilang eskwelahan. Kasabay ng puwersahang pagpapadala kay Justin sa Amerika nang hindi man lamang nakakausap si Arianne.
Hindi alam ni Arianne na buntis siya nang mga panahong iyon, na-depress siya at naapektuhan rin ang kaniyang pag-aaral kaya pansamantalang tumigil siya. Kinuha siya ng kaniyang Ina sa UAE at doon ipinanganak ang kaniyang sanggol. Doon muling ipinagpatuloy ni Arianne ang kaniyang mga pangarap.
Naging ganap na piloto si Arianne sa tulong na rin ng kaniyang Ina at asawa nito.
Nagtatrabaho si Arianne sa isang sikat na Airline nang hindi sinasadyang maging pasahero sa kaniyang flight ang dating nobyo na si Justin kasama ang babaeng buntis. Muli ay gustong bumalik ni Justin sa buhay ni Arianne dahil nalaman nitong single at malaya pa ang dalaga.
Galit at pagkamuhi na lamang ang nararamdaman ni Arianne kay Justin lalo na at kitang kita ng dalawa niyang mata ang pagiging sweet nito sa babaeng kasama pero may gana pa itong humingi ng isa pang pagkakataon para sa kanila.
Muli siyang niligawan at sinuyo ni Justin lalo na nang malamang siya ang ama ng anak ni Arianne. Hindi siya tumigil kahit na nagbanta ang kaniyang mga magulang na aalisan siya ng mana kapag pinili niya si Arianne over Karina.
Naging bingo si Justin sa dikta ng magulang. Ipinaglaban niya si Arianne.
Muli namang nasagi at nagising ni Justin ang natutulog lamang na damdamin ni Arianne para sa kaniya nang malaman nitong mas pinili siya ni Justin kaysa sa ano mang mamanahin nito mula sa mga magulang. Binigyan niya ito ng isa pang pagkakataon. Hindi naglaon ay nagpakasal sila.
Natunaw naman ang mala-batong puso ng mga magulang ni Justin lalo na ang kaniyang Ina nang makilala nito ang sariling Apo mula kay Arianne. Napagtanto nito na hindi matatawaran ng ano mang halaga ang kaligayahan ng anak na si Justin. Natutunan din niyang tanggapin at ipagmalaki ang manugang na si Arianne sa bandang huli.

Parental Guidance Suggested

Fans

  1. 88JoyCee
    88JoyCee Contributed 11
  2. Avatar
    (Vacant)
  3. Avatar
    (Vacant)

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power stone

You May Also Like

Share your thoughts with others

Write a review

Author 88JoyCee