30.76% Bipolar Series #1: The Beastly Couple (Tagalog Novel) / Chapter 12: Chapter 11-Date Raw

Chapter 12: Chapter 11-Date Raw

Isang buwan na ang nakalipas mula noong hinatid-sundo na siya ni Beast sa paaralang pinapasukan niya. Habang tumatagal feeling niya napaka-clingy na ni John. Sabagay sa ganda ba naman niya? Talagang dapat maging clingy ito dahil kung 'di e baka mawala ang isang nagngangalang si Khrystal sa tabi niya sa isang iglap.

Napahawak na lang siya sa kanyang ulo dahil naalala niyang September 20, 2018 na ngayon. Ibig sabihin ngayon ang ikaapat na buwan simula ng ikasal sila noong June 20, 2018 at naging Mrs. Montecillo siya. Sabagay hindi rin naman sila nagse-celebrate kaya ayos lang. Normal day lang kumbaga sa mga "single".

Tumayo na siya sa kanyang higaan para maligo. Balak niya sanang maglakad-lakad sila ng daddy niya ngayon sa garden. Kaya gumising talaga siya ng alas-singko para hindi pa tirik ang araw sa labas.

Natutuwa rin siya kasi kahit papaano ay binalita ni Doc. Gavin na may improvement daw sa health ng daddy. Kaya makakasama niya pa ito nang matagal-tagal. Tinupad siguro ng Diyos ang hiling niya na makasama niya pa nang matagal ang Daddy Drix niya.

Lumabas siya ng kanyang kuwarto para puntahan ang dadd niyay. Biglang nawala ang malapad na ngiti niya nang mapansin niya na parang hinihintay siya ni Beast habang nakasandal sa pinto ng kanyang kuwarto. De javu na naman, ilang beses niya ng nakita na gano'n ang ginagawa nito tuwing hinihintay siya.

Napakagat labi na lang siya dahil sa parang bigla atang naging hot ito sa kanyang paningin. Nakasuot ito ng puting t-shirt na hapit na hapit sa makisig na pangangatawan ni John.

Idagdag pa na nakasuot si John ng Urban Pipe Men short na kulay puti tapos ayos na ayos pa ang alon na alon nitong buhok na kahit halata mong 'di pa napapagupitan ay bumagay pa rin sa kanya.

Nakasuot din siya ng Sandugo sandals na bumagay sa suot nitong damit. Animo'y modelo ito na handang-handa sa photoshoot. Sabagay model nga naman talaga siya. Ipinilig niya na lang ang kanyang ulo para mawala ang atensyon niya kay John.

"Tsk. Ang tagal mo namang mag-ayos," kunot noong sabi ni John sa kanya habang nakapamulsa.

"Bakit ba? Ano bang kailangan mo? Hinihintay mo ba ako?" inis na tanong niya kay John.

"Oo kailangan kita," seryosong sagot ni John habang mariing nakatingin sa kanya na parang huhubaran siya.

Kaya napatakip agad siya ng kanyang dibdib. Aba mahirap na, kahit hindi gaanong kalakihan ang dibdib niya ay kailangan niya pa ring protektahan ang kanyang puri.

"Kailangan kitang isama dahil may pupuntahan tayong mahalaga," dagdag pa na sabi ni John. Pagkatapos ay akmang maglalakad na sana pababa ng hagdan pero biglang lumingon sa kanyang gawi kaya nakaramdam siya ng kaba. "Bilisan mo na dahil ayaw ko ng pinaghihintay ako. Saka nasabi ko na sa daddy mo kaya huwag ka nang mag-alangan pa na sumama sa akin ngayon. Sila na lang daw ni Nurse Monica ang sasama sa kanya maglibot sa garden niyo," seryosong dagdag pa niya sabay hawak sa kanyang siko.

"A-aahh! Okay sige, sabi mo e! May magagawa pa ba ako para 'di sumama sa 'yo?" nakataas ang kilay na sagot niya. Nagpatianod na lang siya kay John sa pagpunta sa parking lot ng bahay nila.

Mahigpit niya na lang na hinawakan ang... "Shocks, teka Beast wala akong dala kahit anong gamit! Wala rin akong pera at cellphone. Mamaya e iwan mo ako kung saan tapos kawawa naman ako magugu…" nagulat siya no'ng idinikit nito ang hintuturo niya na naging dahilan kaya ang dating singkit na mata niya ay bumilog at lumaki. Napalunok na lang siya ng kanyang laway at parang bumilis ang tibok ng kanyang puso sa ginawa ni John.

"Huwag mo ng alalahanin iyon dahil kasama mo naman ako. Kaya huwag kang magpapasaway sa akin dahil baka gawin ko 'yong iniisip mo. Pero siyempre may kapalit," sabi ni John sa kanya na parang may kung anong iniisip na kababalaghan.

Akmang maglalakad sana siya pabalik pero bigla siya nitong hinawakan sa kanyang kanang braso, pagkatapos ang isang kamay naman niya ay nakapulupot sa kanyang baywang. "Tsk. Wala na talaga akong kawala sa lalaking 'to," sabi niya sa kanyang isip habang napipilitan na lang siya sa pagsama kay John.

Habang nasa biyahe sila ay nakasimangot lang sya habang parang batang nakaupo sa tabi ng driver's seat. Ayaw ng isip niya na sumama pero 'yong puso niya ay parang natutuwang kasama ang lalaki. Nasanay na siguro siyang nasa tabi niya si John dahil isang buwan na rin ang lumipas simula noong hinatid-sundo siya nito sa school.

"Hmnn!" tikhim ni John na ikinatingin niya.

"Why?" mataray na tanong niya sa asawa.

"Alam mo talo mo pang tandang na hindi matae sa kinauupuan mo?" seryosong sabi ni John sa kanya na ikinakunot ng kanyang noo.

"Hoy! Ang sama mo ha? Ang ganda ko naman para maging tandang!" inis na sagot niya kay Beast.

Nagulat siya no'ng bigla itong tumawa nang malakas habang nakatutok pa rin ang mata nito sa kalsada habang nagmamaneho. Bigla siyang kinabahan kasi naalala niya na nagda-drive nga pala ito. "Aba! Multi-tasking ang peg niya," inis na sabi niya sa kanyang isip.

"Hoy! Ano ba? Nagmamaneho ka kaya! Saka ano ba 'yang tinatawa-tawa mo? Nakakatawa ba ang sinagot ko kanina sa 'yo?" sabi niya kay John sabay hampas sa braso nito nang malakas.

"Seryoso Khrystal? Hindi mo talaga alam ang ibig sabihin ng tandang?" seryosong tanong ni John habang nakakunot ang noo.

"Anong pakialam mo sa ibig sabihin ng tandang na 'yan? Puwede ba mag-drive ka na lang at baka mabangga pa tayo! Saka labinlimang minuto na tayo nasa kalsada wala pa rin tayo sa pupuntahan natin," napasimangot na lang siya pagkatapos niyang magsalita.

Nagulat na lang siya nang bigla may dumampi sa mga labi niya na malambot at mamasa-masa. Iyon pala ay labi ni Beast 'yon. Parang bigla tuloy uminit ang pakiramdam niya dahil sa ginawa ng lalaki.

"Hindi ba sinabi ko sa 'yo huwag kang sisimangot?" nakangiting sabi ni John na ikinainis niya.

"E, ba-bakit nanghahalik ka? Close ba tayo para halikan mo ako?" sagot niya habang hindi mapakali sa kanyang kinauupuan.

"Oo," matapang na sabi pa ni John sabay hapit sa kanyang baywang palapit sa katawan nito. "Mag-asawa nga tayo 'di ba?" dagdag na sabi pa nito sabay taas ng kanyang kanang kamay para ipakita ang wedding ring na suot nito. "Alam mo na ba ngayon kung ano ang tandang?"

Saglit siyang napaisip kung bakit ba nito pinapaulit-ulit kung alam niya ba kung ano ang ibig sabihin ng tandang. "Hay naku parang tandang lang itatanong pa sa akin ang ibig sabihin. If I know, gusto mo lang malaman sa akin kung ano 'yon. Siyempre 'yong tandang di ba manok 'yon? At babaeng manok iyon kung hindi ako nagkakamali." seryoso niyang sabi habang nakakunot ang kanyang noo at nag-iisip.

Nakita niya ang ekspresyon ng mukha nito na parang pilit pinapakalma ang kanyang sarili. Mayamaya ay nagulat siya na parang inaatake ito ng epilepsy dahil sa malimit na pagyugyog ng balikat nito. Nagulat na lang siya sa mga sumunod na pangyayari na ginawa nito dahil bigla itong umapak sa preno na dahilan kung bakit siya muntikan nang masubsob dahil sa ginawa nito.

"Ano ba? Gusto mo na bang magpakamatay? Sabihin mo lang, uuwi na ako. Ikaw na lang magpakamatay 'wag mo na akong idamay pa kung sawa ka na sa buhay mo," inis na sabi niya habang hawak ang kanyang dibdib at pilit na pinapaklma ang kanyang sarili sa ginawa nitong biglaang pagpreno.

Mula sa mahinang ingay ay palakas na ito nang palakas. Akala niya nga kung anong nangyayari. Iyon pala ay bumunghalit na siya ng tawa. Na naging dahilan ng pagkunot ng kanyang noo.

"Ano ba kasi ang nakakatawa? Oy baka nababaliw ka na ha?" natatakot na sabi niya habang tumitingin siya sa paligid at naghahanap ng maaaring pagtakbuhan kung saka-sakaling nababaliw na si Beast. Find authorized novels in Webnovel,faster updates, better experience,Please click www.webnovel.com <a href="https://www.webnovel.com">www.webnovel.com</a> for visiting.

Imbes na sumagot ay tumawa lang 'to nang tumawa na ikinabuwisit niya. Akma na sana siyang lalabas nang maalala niya na wala nga pala siyang pera o cp na dala para makabalik siya ulit sa bahay. Ang layo pa naman ng bahay nila mula sa kinaroonan nila kaya nakasimangot na bumalik siya ng pagkakaupo.

"Akala ko ba lalabas ka? Bakit ka bumalik ulit?" seryosong sabi ni John habang nakakunot ang noo.

Parang baliw 'tong si Beast kanina tumatawa tapos ngayon naman seryoso. Ano naman kaya sa susunod ang emosyon na ilalabas niya?

"Alam mo ba na ang tandang sa English ay rooster? At ang inahin ay…"

Pinutol niya na ang sasabihan nito dahil pakiramdam niya ay napahiya siya sa sinabi niya kanina rito. Ano nga ba ulit ang sinabi niyang 'yon?

"Hoy! Ang sama mo ha? Ang ganda ko naman para maging tandang!"

"Hoy! Ang sama mo ha? Ang ganda ko naman para maging tandang!"

"Hoy! Ang sama mo ha? Ang ganda ko naman para maging tandang!"

Paulit-ulit lang na parang sirang plaka ang sinabi niya kay John kanina sa isip niya. "Jusko nakakahiya! Proud na proud pa ako sa sagot ko sa kanya kanina 'yon pala mali. Kaya pala makatawa siya kanina sa sagot ko wagas," malakas na sigaw na sabi niya sa kanyang isip. Parang gusto niya tuloy sabunutan ang kanyang sarili o kaya mag-teleport na lang pabalik sa bahay nila dahil sa nararamdaman niyang hiya.

Umisip na lang siya ng paraan para hindi ipahalata sa kanya na ang tanga niya sa sinagot niya kanina. Malay niya bang 'yong tandang e rooster tapos 'yong inahin ay hen. Kung bakit kasi ang tanga niya sa tagalog e tapos tatanggalin pa 'yong Filipino Subject sa kolehiyo. Samantalang hindi naman lahat ng katulad niya ay alam 'yong mga tagalog ng ibang mga English Words. Kaya dapat siya na isang Pilipino ay dapat ipagtanggol ang Wikang Filipino.

"Ano na, asawa ko? Natigil ka na riyan?" nakangising sabi ni John na animo'y sinasabing talo siya at panalo 'to.

Itinaas niya muna ang kanyang kilay at hinawi ang mahaba niyang buhok papunta sa kanyang mukha. "Hay naku, maliit na bagay! Siyempre alam ko 'yan, ako pa ba asawa ko? Best in Filipino ata 'to noong Elementary at High School ako. Pinapatawa lang kaya kita. Masyado mo namang tinotoo."

Nakita niya muna itong kumindat bago nagsalita. "Hmmn…okay. Tara na dahil baka abutan pa tayo ng trapik kapag ipinagpatuloy pa natin 'tong pag-uusap natin."

Nagulat siya nang bigla itong lumapit sa kanya at akmang yayakapin siya. Susuntukin niya na sana ito kaso narinig niyang biglang may tumunog na parang nagsarado na kung ano. Pagtingin niya ay naka-seatbelt na siya at lumayo na mula sa pagkakalapit nila.

Napahawak na lang siya sa kanyang dibdib at napahinga nang malalim dahil inakala niya naging pervert naman ito ngayon. Ang hirap talaga kapag may kasama kang katulad niya. Nakita niyang saglit na kumurba ang labi nito ng isang ngiti. Tingin niya alam na nitong nagpapalusot lang siya tungkol sa kanyang sinabi kanina.

"Mabuti pa nga dahil nagugutom na ako. Malayo pa ba mula rito sa Eastwood ang pupuntahan natin?" tanong niya habang hindi na siya mapakali sa kanyang kinauupuan. Tatlumpong minuto na rin kasi silang nasa biyahe mula sa bahay ng Daddy Drix niya sa Pasig. Tapos ngayon nandito na sila sa Eastwood at nakapagdaldalan na sila't lahat-lahat ay wala pa rin sila sa pupuntahan nila.

"Malapit na tayo, asawa ko. Handa ka na ba sa unang date natin ngayon?" nakangiting tanong sa kanya ni Beast na naging dahilan kung bakit bumilis ang tibok ng kanyang puso.

"A-anong si-sinasabi mong da-date?" namumulang tanong niya rito. Baka mamaya mamali na naman siya ng sagot tapos pagtawanan na naman siya ni Beast.

Itutuloy…

Comment (1)

  • marivicdala

    marivicdala

    Nice one

Load failed, please RETRY

Table of Contents

Display Options

Report inappropriate content
error Tip

Report abuse
Write a review Reading Status: C12
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Spirit Stone to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Get More
Payment Method paypal

Please switch to the pop-up to complete the payment.

Earn Rewards

Earn Rewards

Earn rewards

by completing the missions

Complete the daily and EXP missions, as well as every week’s reading missions to obtain EXP and SS as rewards.

Learn more about the rules 1. You can obtain the corresponding EXP and Bonus SS as rewards by completing daily missions and EXP missions, as well as weekly reading missions. 2. The obtained EXP can raise your user level. 3. Bonus SS can be used to unlock chapters, gift authors, etc. They are effective for 30 days. 4. Daily Tasks and corresponding rewards renew daily at 00:00 UTC+8. Don't forget to claim your rewards in time. 5. Weekly Reading Missions refer to the time you spend reading novels and comics on Webnovel every week. 6. The weekly reading time is calculated while your device is connected to the Internet. This might result in a delay of several minutes.

Read longer, Earn bigger

Read on the app and claim your rewards!

Get the App

Read anywhere, anytime