53.84% Bipolar Series #1: The Beastly Couple (Tagalog Novel) / Chapter 21: Chapter 20-His Secret Reveal

Chapter 21: Chapter 20-His Secret Reveal

[Edited-02/20/2019]

---

Tumagal din ng ilang buwan ang mga nararanasan niyang pagbabago sa kanyang katawan. Medyo lumaki na ang umbok sa kanyang tiyan ko. Lumalapad na rin ang kanyang balakang.

Palagi na rin siyang nagagalit kay Beast sa hindi malamang dahilan pero mabuti na lang ay iniintindi na lang siya nito. Kaya habang tumatagal ay napapalapit na ang loob niya sa asawa. Dahil sa pagbabagong ipinapakita ni John sa kanya.

Habang nasa hardin siya at nakaupong nagpapahangin ay inalala niya ang mga nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Una na roon ang tungkol sa kanyang pagbubuntis at ang sinabi sa kanya ng daddy niya.

Anim na buwan na rin kasi ang nakalipas simula noong magbuntis siya. Malikot at sumisipa-sipa na rin ang baby sa tiyan niya kahit na hindi pa 'to gaanong buo. Sabi nila baka nga nagmana kay Beast na sobrang likot din daw sa tiyan ng Mama Lizzeth niya.

Buwan-buwan ay sinasamahan siya ni Beast na magpa-check sa OB-Gyn niya para samahan siyang alamin ang kalagayan ng baby nila bago siya pumasok sa kanyang opisina. Noong huling nagpa-check-up sila ay nalaman nitong babae ang anak nila kaya minsan ay bumibili na si Beast ng mga gamit ng baby nila.

Napag-alaman niyang kaya pala siya nagsusuka ay dahil sa bawang na naaamoy niya. Kaya hanggang ngayon tuwing magluluto ang kusinera nila ay laging walang bawang. Tatlong buwan din siyang hindi nakakain ng mga solid foods dahil sa tuwing susubukan niyang kumain ay nasusuka siya.

Pero noong mga apat na buwan naman ang tiyan niya ay mahilig na siyang kumain. Pagkatapos kumain ay wala na siyang ginawa kung hindi ang matulog na lang buong araw.

Mabuti na nga lang daw ay hindi siya tumataba at hindi siya minamanas pero dapat daw ay huwag siya palaging matulog nang matulog dahil baka mahirapan daw siyang manganak. Pero anong magagawa niya kung talagang hinihila siya nang malambot na kama niya para matulog? Idagdag pang sa tuwing papasok at uuwi sa trabaho si Beast ay hindi siya nito nakakalimutang dalhan ng mga prutas at paborito niyang milk tea.

Hinihimas-himas niya lang ang kanyang tiyan habang nakatingin sa langit at sinasamyo ang sariwang hangin na nanggagaling sa mga puno sa kanilang hardin. Tuwing umaga ay nagpapaaraw siya para maging malusog ang sanggol sa kanyang sinapupunan pagkatapos ay babalik ulit siya sa kama para matulog pagkatapos niyang mag-almusal. Find authorized novels in Webnovel,faster updates, better experience,Please click www.webnovel.com <a href="https://www.webnovel.com">www.webnovel.com</a> for visiting.

Pagkatapos noong isang araw na nasa sala siya ng kanyang daddy ay nagkuwento siya tungkol sa dahilan nia kung bakit si John ang napili nitong ipakasal sa kanya.

"Natatandaan mo pa ba anak noong bata ka pa na pumunta tayo kay Doctor Crystelle Dormis?" nakangiting tanong ng dad niya habang nakaupo sa kabilang sofa at masiglang nakatingin sa kanya.

Nagulat siya sa biglang pagkukuwento nito ng tungkol doon kaya hindi niya maiwasang magtaka.

"Opo naman, kaso nakalimutan ko na kung bakit tayo pumunta roon," kunot-noong sabi niya sa kanyang daddy habang pilit na inaaalala ang nangyari noon.

"Noong walong taon ka pa at nasa labingwalong taon na si John ay aksidenteng nagkasabay kami nina Lizzeth at Garreth na pumunta sa ospital kung saan bumisita rin sila sa doktor ng anak nila. Nalaman kong pareho kayo ng sakit na BPD o Borderline Personality Disorder. At ayon ang naging dahilan kung bakit napili kong ipagkasundo kayo sa tamang panahon. Kaso dahil nga sa nagkasakit ako ay napaaga lang ang pagpapakasal namin sa inyo," paliwanag ng daddy niya na kanyang ikinagulat.

"So kaya pala napapansin kong may kakaiba rin sa kanya? Pero dad bakit sa kanya pa? Bakit hindi kay Alec? Alam niyo naman pong simula bata pa ay siya na ang gusto ko!" nag-uusisang tanong niya sa kanyang ama. Gustuhin niya mang maghinanakit ay wala na rin naman siyang magagawa dahil kasal na siya at magkakaanak na sila ni Beast kaya useless lang din naman.

"Patawarin mo ako anak! Alam ko kasing mas maiintindihan ka ng kagaya mong may sakit din ng kagaya niya ang kaibahan lang sa 'yo ay mas kontrol mo ang sarili mo. Saka anak alam kong hindi ka niya iiwan at pababayaan kahit mawala man ako sa mundo," malungkot na sabi nito habang unti-unting may luhang bumabagsak sa mata nito.

"Nagtapat si Alec noon sa akin na nahuhulog na siya sa 'yo at humingi siya ng permiso para ligawan ka pero hindi ako pumayag. Kaya lumayo siya sa 'yo ay dahil sa ipinaliwanag ko sa kanya ang sitwasyon mo," dagdag pa niya na kanyang ikinagimbal.

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon niya. Basta na lang naramdaman niyang namuo ang luha sa kanyang mga mata dahil sa sakit. Pati sarili niyang ama ay hindi siya binigyan ng pagkakataon para magdesisyon sa kanyang sarili buhay. Hindi na siya sumagot sa daddy niya. Basta na lang siyang naglakad sa kanyang kuwarto habang may luhang lumalandas sa kanyang pisngi.

Ilang araw niya ring hindi kinausap ang daddy niya at si Beast dahil sa nalaman niya. Pero isang araw paggising niya ay wala na siyang sama ng loob na naramdaman. Tinanggap niya na rin ang kanyang tadhana. Ayaw niya na ring isipin pa ang nakaraan at ang mahalaga na lang sa kanya ngayon ay ang kasalukuyan.

Wala na rin siyang makapang pagkagusto kay Alec na dati niyang mahal. Nagising na rin siya sa katotohanang baka kaya ito lumayo noon ay dahil sa nalaman nito ang kanyang sakit at duwag 'tong harapin ang kanilang kinabukasan na kasama siya.

"Ma'am Kyenn, may bisita po kayong babae sa labas. Schoolmate niyo raw po siya noon sa New World University," magalang na sabi ni Aling Charito na naging dahilan kaya napabalik siya sa kanyang wisyo.

"Ahhh sige po! Nasa sala ba siya?" tanong niya pagkatapos ay tumayo habang himas ang kanyang tiyan.

"Naku ayaw po niyang pumasok. Dumaan lang daw siya para kumustahin po kayo."

Tumango na lang siya bilang tugon. Pagkatapos ay naglakad na papunta sa kanilang gate.

"Sino naman kaya ang pupunta rito bukod kina Danella at Shaira?" nagtatakang tanong niya sa sarili habang naglalakad.

Pagbukas niya ng gate ay may nakita siyang pamilyar na bulto ng katawan ng isang babae. Mayamaya ay lumingon ito sa kanya at nakita niya nang tuluyan kung sino ang bumisita sa kanya.

Tumingin muna ito sa kanya mula ulo hanggang paa bago nagsalita. "Hi Kyenn! How are you? Oh! I think you look aweful."

"Hello Joan, ano naman ang masamang hangin na nagdala sa 'yo rito papunta sa amin? May kailangan ka ba? Kung nangangaroling ka pasensya na ubos na ang cash namin dito," nakangising sagot niya kay Joan.

Mukha naman siyang naasar base sa matalim na tingin nito sa kanya. Pero mayamaya lang ay napalitan ng pagngisi na biglang nagpakabog sa kanyang dibdib.

"Alam mo ba na 'yong asawa mong si John ay matagal ko ng hinahangaan dahil napakaguwapo at napakakisig niyang modelo?" nakataas kilay na kuwento pa nito sa kanya.

"So? Ano ngayon?" inis na tanong ko niya rito.

"Wala naman! Gusto ko lang malaman mo na gagawa ako ng paraan para mapunta sa akin ang asawa mo! At ano ba 'yang itsura mo? Nagsusuklay ka ba? Kasi mukha ka ng losyang sa itsura! Sige ka baka maghanap ng iba ang asawa mo, ikaw rin!" nakangising sabi ni Joan pagkatapos ay kumaway na animo'y nang-aasar habang naglalakad papunta sa kanyang kotse.

Napatiim-bagang na lang siya habang nakatingin sa papalayong higad. Huminga na lang siya nang malalim at inisip na ang bumisita sa kanya ay isa sa mga pulubing namamalimos lang sa bahay nila. Hangga't maaari ay ayaw niyang mai-stress dahil ayaw niyang mapaanak ng wala sa oras. Sa May 20, 2019 pa kasi ang kabuwanan niya at ayaw niyang maghirap ang kanyang anak ng dahil lang sa pulubing 'yon.

Kinagabihan bago dumating si Beast ay nag-ayos siya ng kanyang sarili. Hindi naman sa takot siyang iwan nito pero may pamilya siya na kailangang protektahan. At ayaw niyang lumaki ang anak niya na walang ama kaya bago pa magawa ng higad na 'yon ang sinasabi nito kanina ay umisip na siya ng plano.

Narinig niyang dumating na ang sasakyan ni John kaya agad siyang sumalubong rito.

"Hi Beast!" nakangiting bati niya sabay halik sa mga labi nito. Nagtataka man ay gumanti rin si Beast ng halik sa kanya. Mayamaya ay yumuko ito para humalik sa kanyang tiyan.

"Hello, my wife! Mukhang nakakapanibago ka ngayon ah! At parang nag-ayos ka pa bago mo ako salubungin," nakangiting sabi nito habang hinihimas ang kanyang tiyan. "Kung hindi ka lang buntis, iisipin kong inaakit mo ako," dagdag na sabi pa ni John.

"Masama bang mag-ayos, asawa ko? Saka nasa mood akong maglambing kaya huwag ka ng magtaka pa. Tara na kumain na tayo kasi nagugutom na ako," nakangiting sabi niya pagkatapos ay kumapit siya sa matipunong braso nito.

Naramdaman niyang humawak din ito sa kanyang baywang pagkatapos ay umakbay sa kanya. Ramdam niya ang init ng katawan nito habang naglalakad sila papuntang kusina.

"Beast, may tanong ako sa 'yo," tanong niya na nagpatigil sa paglalakad nito.

"Ano 'yon, my wife?" kunot noong tanong ni Beast pagkatapos ay humarap sa kanya.

"Ahh…Ehh… Kasi…" utal-utal na sabi niya na nagpakunot pang lalo sa noo ni John.

"Hmmn… I'm patiently waiting, my wife!" nagtitimping sabi pa ni Beast sa kanya.

Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. "Ahh wala! Gusto ko lang malaman mo na nagugutom na ako kaya tara na!"  Nauna na siyang naglakad kay Beast habang naiwan 'tong nakatulala sa labas ng kusina. Hindi sana 'yon ang sasabihin niya pero naunahan na siya ng hiya.

"Mahal na ata kita, Beast!" malakas na sigaw ng kanyang isip. Pagpasok niya sa kusina ay umupo agad siya sa upuang malapit sa kanyang daddy. Kita niya ang seryosong mukha ni Beast habang nakatingin sa kanya. Parang gusto siya nitong kainin sa mga oras na 'to.

Pero nginitian niya na lang 'to at nag-umpisa nang maglagay ng pagkain sa kanyang plato dahil naglalaway na siya sa pagkaing nakahain na nakikita niya sa lamesa. Sa ngayon wala na muna siyang ibang mahal kung di ang pagkain.

"Sa pag-ibig kasi kailangan ng tiwala, hindi yung hinala nang hinala tapos mapupunta lang din pala sa wala."

Itutuloy...

Comments (11)

  • MsHanuelkim

    MsHanuelkim

    Salamat po sa pagbabasa!

  • MsHanuelkim

    MsHanuelkim

    Updated na po siya at edited na every chapters.

  • Blackripper634

    Blackripper634

    ok lang poh

Load failed, please RETRY

Table of Contents

Display Options

Report inappropriate content
error Tip

Report abuse
Write a review Reading Status: C21
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Spirit Stone to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Get More
Payment Method paypal

Please switch to the pop-up to complete the payment.

Earn Rewards

Earn Rewards

Earn rewards

by completing the missions

Complete the daily and EXP missions, as well as every week’s reading missions to obtain EXP and SS as rewards.

Learn more about the rules 1. You can obtain the corresponding EXP and Bonus SS as rewards by completing daily missions and EXP missions, as well as weekly reading missions. 2. The obtained EXP can raise your user level. 3. Bonus SS can be used to unlock chapters, gift authors, etc. They are effective for 30 days. 4. Daily Tasks and corresponding rewards renew daily at 00:00 UTC+8. Don't forget to claim your rewards in time. 5. Weekly Reading Missions refer to the time you spend reading novels and comics on Webnovel every week. 6. The weekly reading time is calculated while your device is connected to the Internet. This might result in a delay of several minutes.

Read longer, Earn bigger

Read on the app and claim your rewards!

Get the App

Read anywhere, anytime