87.17% Bipolar Series #1: The Beastly Couple (Tagalog Novel) / Chapter 34: Chapter 32-Foolish Self

Chapter 34: Chapter 32-Foolish Self

[Edited-02/24/19] Find authorized novels in Webnovel,faster updates, better experience,Please click www.webnovel.com <a href="https://www.webnovel.com">www.webnovel.com</a> for visiting.

---

Makalipas ang isang linggo ay hindi gaanong nagpapansinan o nag-uusap man lang sina John at Khrystal. Kahit kasi iisa lang ang tinitirhan nila ay gumagawa ang asawang si Khrystal ng paraan para lang hindi sila magkasalubong sa daan.

Habang si John ay hindi maiwasang mainis sa sarili tuwing nakikita ang asawa dahil sinunod niya si Marianne sa mga sinasabi nito. Kung hindi sana nito alam ang sekreto niya ay wala sanang lakas ito ng loob para guluhin sila ng asawa.

Dagdag pa sa iniisip ni Jhon ang ginawa ni Marianne na pumunta sa bahay nila para lang manggulo. Malayong-malayo na siya sa dating babaeng minahal niya na isang mabait, maunawain, palangiti, mahiyain at mapagmahal. Simula kasi noong naghiwalay sila dahil sa…

"Totoo ba 'tong mga nakasulat dito sa papel na 'to? Sabihin mo, may inililihim ka ba sa akin?" nag-aakusang tanong ni Marianne habang nakaladlad sa harap ni John ang papel.

"Anong papel, honey? Saka ba't parang galit ka?" naguguluhang tanong ni John pagkatapos ay kinuha ang papel na hawak nito.

Ilang minuto ring naiwang nakatulala si John habang nakatitig sa papel na may lamang impormasyon tungkol sa sakit niya. Dahil doon ay sari-saring emosyon ang rumagasa sa kanya: takot, galit, at lungkot na hindi niya pa naramdaman simula noong bata pa siya na palaging nasa loob lang ng kuwarto niya.

Hindi niya inasahan na darating ang araw na malalaman ni Marianne ang tungkol sa lihim niya. Matagal niyang ipinagdasal sa Maykapal na huwag itong malaman ni Marianne ngunit wala talagang lihim na di nabubunyag.

"Marianne, 'yong tungkol dito…"

"Huwag! Huwag ka ng magpaliwanag pa. Ayaw ko ng makarinig ng kasinungalingan mula sa 'yo. Kung di ko pa pala 'to nahanap ay hindi mo sasabihin ang tungkol dito," namumulang sabi ni Marianne habang nakatingin nang masama kay John.

Pilit na niyayakap ni John si Marianne ngunit iwinawaksi lamang nito ang kanyang mga braso. Hindi naman ginagamitan ni John ng buong puwersa ang pagyakap sa kasintahan dahil baka masaktan ito kaya nanatili na lamang siyang nakatayo habang nanghihingi ng pag-unawa sa kasintahan.

"Alam ko nagsinungaling ako sa 'yo. Pero nagawa ko lang 'yon dahil ayaw kong iwan mo ako kapag nalaman mong may sakit din ako na kagaya ng kuya mo. Mahal na mahal kita Marianne at hindi ko kayang isipin na mawawala ka sa 'kin. Hindi mo naman ako iiwan di ba?" nagsusumamong tanong ni John kay Marianne.

Lumapit si John sa kasintahan at pinulupot niya ang kanyang kamay sa baywang ng kasintahan at kinabig ito palapit sa kanya. Their bodies touched in an intimate manner.

"Ano ba John ang init. Alam mo namang tanghaling tapat na tapos dumidikit-dikit ka pa sa akin," inis na sabi ni Marianne kay John habang pinupunasan ang pawis na napadikit sa braso niya.

"Pasensya na pero, ayaw na ayaw ko na magkaroon ng anak o asawa na may mental issue. Tss… alam mo naman kung gaano ko kinamuhian ang kuya ko dahil noong mga bata pa kami ay hindi sinasadyang natapunan ko ng ink ang project na ginawa niya kaya sinakal niya ako.  Kung di siya naabutan ni mama na sinasakal ako ay baka patay na ako. Kaya sa nangyaring 'yon ay nalaman na maysakit si Kuya Luren na Borderline Personality Disorder na gaya ng sakit mo…" natigil sa pagsasalita si Marianne nang mapansin niya na magkasalubong na ang kilay ni John at namumula ang kanyang pisngi dahil sa pinipigilan na galit.

"So ano? Itatapon mo na lang ang limang taong pinagsamahan natin dahil sa nalaman mo na bipolar ako. Oo, nagsinungaling ako di ko sinabi sa 'yo ang tungkol sa sakit ko pero 'yon ba ang basehan para iwan mo ako? Ganyan ka na ba kababaw para lang mawala ang pagmamahal mo?"

"Patawad pero nagdesisyon na akong umalis dito sa bahay mo. Ayaw kong dumating ang araw na magsisisi ako sa bandang huli. Mahal kita pero mas mahal ko ang sarili ko kaya mas magandang hiwalayan na kita bago pa magbunga ang pagsasama natin. Kanina habang nasa kuwarto ka ay kinausap ko si mama na kuhanan agad ako ng flight papunta sa Canada…kukunin ko lang ang mga gamit ko sa taas para…"

Hindi na nagawang ituloy ni Marianne ang sasabihin dahil sa marahas na paghila ni John sa kanang braso nito.

Mabilis na iwinaksi ni John ang isip tungkol sa nakaraan nila ni Marianne. Para sa kanya ang mahalaga na lang ngayon ay ang maging maayos na sila ni Khrystal.

---

Ngayong Biyernes ng tanghali ay nagpa-schedule si John sa kanyang doktor. Naisip niyang ito na siguro ang tamang panahon para malaman ni Khrystal ang tungkol sa tinatago niyang lihim. Ramdam niya na kahit papaano ay parang may hinala na ito dahil sa paiba-ibang ugali na ipinapakita niya rito ngunit hindi lang nagsasalita.

Ipinagdarasal na lang niya na sana ay hindi ito katulad ni Marianne na iniwan siya agad noong nalaman nito ang sakit niya. Inihinto na ni John ang kanyang kotse sa tapat ng ospital. Nakita ni John ang pagtataka sa mukha ng asawa nang mapatingin siya sa gawi nito. Aalalayan sana niya sa pagbaba si Khrystal na bumaba sa kotse ngunit agad na itong sumunod sa kanya.

"Alam kong nagtataka ka kung bakit tayo nandito. Ayaw ko na kasing patagalin pa ang pagsisinungaling ko sa 'yo. Hindi ko alam kung matatanggap mo pa ako bilang asawa mo pero tandaan mo na mahal na mahal ko kayo ng anak natin," seryosong sabi ni John habang nakatingin sa kanyang asawa.

Napaawang ang bibig ni Khrystal habang nakatingin sa kanya. Mababakas ang pagkalito sa kanyang mukha dahil sa sinabi ni John.

"Ano ba 'yang sinasabi mo? Saka ba't parang nagpapapaalam 'yang sinasabi mo?"

"Malalaman mo mamaya kapag nasa loob na tayo ng ospital," malungkot na wika ni John.

Habang naglalakad sila ng sabay ng asawa sa hallway ng ospital papunta sa kanyang doktor ay 'di mapigilan ni John ang matakot at kabahan. Minsan na inisip niya kung bakit sa dinamarami ng tao sa mundo ay isa siya sa binigyan ng ganitong sakit.

"Tatanggapin mo pa kaya ako kapag nalaman mong totoo ang hinala mong bipolar talaga ako?" piping sabi ni John habang blangko ang isip na naglalakad. Kahit may bumubunggo na sa kanya habang naglalakad ay wala siyang pakialam dahil ang tanging nasa isip lang niya ay ang mangyayari mamaya kapag nakarating na sila sa kanyang doktor.

Itutuloy...

Comment (0)

Load failed, please RETRY

Privileged

More Privileged Chapters

Download the app and become a privileged reader today! Come take a sneak peek at our author's stockpiled chapters!

Download

Table of Contents

Display Options

Report inappropriate content
error Tip

Report abuse
Write a review Reading Status: C34
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews
Send Gifts
Gifted
Thank you for your generous gift.

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse
Get More
Payment Method paypal

Please switch to the pop-up to complete the payment.

Earn Rewards Earn Rewards

Earn rewards

by completing the missions

Complete the daily and EXP missions, as well as every week’s reading missions to obtain EXP and coin as rewards.

Learn more about the rules
  • 1. Reward frequency has been adjusted! Receive a reward once you complete two minutes of reading!
  • 2. Rewards adjusted! Earn points reading to exchange for Amazon Gift Cards! Coins that never expire! More rewards to come!(The above rewards are only available on the app.)

Get the App

Read anywhere, anytime

Suggested searches

Press enter to see all results

This's an experimental test for reading assistance in case.

We highly recommend you to enjoy the beauty of the original words.