Not your preferred language? Here to Choose your language.
Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog)

Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) PSL

Author: Jiong Jiong You Yao

4.66 (867 ratings)

580 Hindi importante sa amin kung pangit siya 4yr

Translator: - -Editor: - -

Leche...
Sinabi niya noon na abala ang boyfriend niya sa pag-aaral at trabaho. Ano naman ang idadahilan niya ngayon?!
Ilang beses na nag-ring ang phone bago nag-atubili si Ye Wan Wan na sagutin ito, "Hello, mama…"
"Wan Wan, abala ka ba ngayon?"
Hindi agad sumagot si Ye Wan Wan. Napa-isip muna siya at seryoso siyang sumagot, "May problema ba mama?"
Sumagot si Liang Wan Jun, "Nag-tahi ako ng sweater para sayo. May bakanteng araw ka ba? Uwi ka muna at kunin mo ito."
"Ay, siguro sa bukas makalawa. Sa wikend na lang mama, pwede?" Tanong ni Ye Wan Wan.
"Sige! Bakit hindi yayain yung boyfriend mo dito sa atin?" Sinubukang mamilit ni Liang Wan Jun.
Ye Wanwan: "..."
Nahulog na naman ako sa patibong...
Napa-ubo si Ye Wan Wan. "Sa wikend? Lagi siyang nag-oovertime itong mga nakaraang araw, baka wala na siyang oras…"
"Ah, ganun ba…" parang nadismaya si Liang Wan Jun.
Ilang beses na siyang tinanggihan ni Ye Wan Wan kaya nakaramdam siya na parang may mali, bigla siyang napatahimik at dahan-dahan siyang nagtanong, "Wan Wan, wala ka namang tinatago sa akin, anak?"
Parating sinasabi ng anak niya na maayos ang samahan nila ng boyfriend niya. Gayunpaman, sinabi niya rin na gusto ni

Latest Updates