Not your preferred language? Here to Choose your language.
Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog)

Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) GDBBM

Author: North Night

4.52 (1,016 ratings)

1538 Lason sa Academy (1) 3yr

Translator: - -Editor: - -

Sa mga sumunod na araw, isa pang grupo ang matagumpay na natapos ang assesment. Ang itsura ng mga kabataang iyon ay mas malala kaysa sa nauna.
Ayon kila Qiao Chu at iba pa, habang sila ay nasa pagsubok, kaunting tubig at ilang elixir lang ang binigay sa kanila ng Cloudy Brook Academy. Ang mga elixir na iyon ay para hindi sila mamatay sa gutom habang sila ay nasa pagsubok. Kahit na hindi sila nagugutom, hinahanap pa rin ng kanilang mga katawan ang totoong pagkain.
Pinanood ni Jun Wu Xie mula sa kaniyang bintana ang mga kabataang katatapos lang sa assesment. Halata sa mga ito ang hirap sa paglalakad at ang iba nga ay halos gumagapang na sa lupa.
Ang bawat isa sa kanila ay madudungis ang mga suot na damit. Bakas ang pagal sa kanilang mga mukha at mapuputla rin ang mga iyon. Kung titignan mo sila ay tila mga pulubing nanlilimos ang mga ito. 
Pagdating sa pagiging strikto at pagpapahirap sa mga disipulo, wala nang papantay pa sa Cloudy Brook Academy.
Inabot pa ng apatnapung araw bago nakabalik ang lahat ng kabataang natanggap sa Cloudy Brook Academy. Marami sa kanila ang nagkasakit nang sila ay makabalik sa dorm at tila mamamatay nang nahiga sa kanilang mga kama. Ngunit hindi nama

Latest Updates