Not your preferred language? Here to Choose your language.
The King's Avatar (Tagalog)

The King's Avatar (Tagalog) TKA

Author: Butterfly Blue

4.46 (341 ratings)

692 Tinakot ko ba kayo? 4yr

Translator: NomyummiEditor: Nomyummi

Mukhang pinaplanong tumakbo ng grupo ni Lord Grim na nagpagaan ng loob ng Blue brook Guild. Hindi naman nakapokus ang Blue Brook Guild sa pagpatay sa kanila kaya ang pagpwersa sa kanilang tumakas ay sapat na.
Pero sinong magaakala na ang kanilang saglit na magandang pakiramdam ay hindi magtatagal ng limang Segundo. Matapos tumakbo saglit, biglang umikot si Soft Mist at Steamed Bun Invasion at sumugod sa kanila. Para naman kay Lord Grim, tinignan lang niya sila ng ilang Segundo. Sunod ay tumalikod na siya at tumakbo, para bang malamig at iba sa sitwasyon.
'Lagot na ba tayo?' Nagsimula na namang mataranta ang Blue brook Guild…
Sa huli, namatay si Soft Mist at steamed Bun invasion. Ang pagtalo ng dalawang players sa dalawang daan ay hindi isang posibilidad. Lalo na dahil pumunta para maghanap ng away ang dalawa habang ang isa ay nandoon para 'protektahan si senior'. Sumugod sila sa napakadirektang pamamaraan ng walang kung anong taktika. Sa huli, nilamon ang dalawa ng dagat ng mga play

Latest Updates