Not your preferred language? Here to Choose your language.
The King's Avatar (Tagalog)

The King's Avatar (Tagalog) TKA

Author: Butterfly Blue

4.46 (341 ratings)

1655 Ang Panghahambalang ng Isang Pain 3yr

Translator: NomyummiEditor: Nomyummi

"Si Fang Rui ang susunod na manlalaro." Noong nakita ni Pan Lin ang susunod na manlalaro ng Happy, hindi niya mapigilang manghinayang.
Ramdam naman kasi niya na dapat ay kanina pa naglaro si Fang Rui. Pero imbis na si Fang Rui, si Mo Fan ang ipinadala ng Happy. Kaagad na gumawa ng diskusyon si Li Yibo tungkol sa kalamangang makukuha ng Happy dahil doon.
Sa totoo lang, sa kalmadong mga galawan ni Mo Fan na nakita nila ay nahinuha naman nila na walang naging problema sa desisyon ng Happy.
Pero isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Kung titingnan mo ang kinalabasan ng labanan, isang malaking pagkakamali ang ginawang pagpapadala ng Happy kay Mo Fan. Hindi lang siya natalo, dinurog pa siyan ng kaniyang kalaban.
Nadurog rin ang pag-asa ng mga tagahanga ng Happy na sila'y mananalo pa sa labanang ito. Tungkol naman sa Samsara? Makikita mo ang tunay nilang nararamdaman dahil sa pagkakalmadong ipinapakita ng kanilang mga manlalaro sa kanilang upuan.
Kalmado sila na para bang hawak-

Latest Updates