Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

149 Sinimulan 5yr

Translator: - -Editor: - -

"Mian, sa tingin ko hinahanap ka nila," tumayo si Huang Yue at bumulong, ang kanyang leeg ay humahaba palabas ng bintana.
Naisip din ito ni Huo Mian. Ang pangalan niya kasi ay bihira lang, kaya kapag may tumatawag ng 'Huo Mian', madalas siya yun.
Pagkatapos, nakita niya ang dalawang malaking lalaki na naglalakad papunta sa kanya, puno ng galit ang mga mukha nito.
Hindi nila pinansin ang security guard at tumigil sila sa harap ng laboratory.
"Sino si Huo Mian, lumabas kang g*go ka." Ang lider ng grupo ay may malaking ulo at may suot na malaking gold na kwintas sa leeg. Mukha siyang halimaw.
"Ako yun, ano ang maitutulong ko?"
"Ikaw si Huo Mian?" Pagkukumpirma ulit ng lalaki. Tumango si Huo Mian. Tiningnan niya ang apat na lalaki sa harap niya at alam niyang hindi niya ito mga kilala.
"Kung gayon, mas napadali nito ang mga bagay-bagay. Kami ang myembro ng pamilya ng pasyente na si Yuan Fenfen. Ako ang nakakatanda niyang kapatid. Narinig ko na dinala sa ospital ang kapatid ko mga da

Latest Updates