Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

167 Puso sa Puso 4yr

Translator: - -Editor: - -

Akala ni Huo Mian na ang mga malulungkot na alaalang yun ay magpapa-iba ng trato ng nanay niya sa kanya ulit.
.
Pero, nagulat siya, si Yang Meirong ay napatikom at sinabi, "Matagal na siyang patay, Bakit pa kailangan natin itong pag-usapan? Masaya na ako ngayon, tara at i-enjoy na lang natin ang pagkain."
Natural, ang ibang mga babae ay nagpalit ng mapag-uusapan nang marinig nila ito kay Yang Meirong.
Habang sila'y naghahapunan, si Huo Mian ay pumunta sa kusina para kumuha ng kanin, at tahimik siyang sinundan ni Jing Zhixin.
"Sis, kalimutan mo na yung mga matatandang babae, machismis lang talaga sila."
"Alam ko naman, kinalimutan ko na yun."
"Maganda kung ganun. Mukhang di ka na abala nitong mga nakaraaang araw, tama?" Tanong ni Jing Zhixin sa kanyang kapatid.
"Oo, binigyan ako ng ospital ng tatlong araw na pahinga kaya wala ako masyadong gagawin."
"Mabuti kung ganun! Kung wala kang trabaho ngayon, dito ka na matulog. Hindi ka na nakakapag-overnight dito." Naka-puppy eyes na t

Latest Updates