Not your preferred language? Here to Choose your language.
My Youth Began With Him (Tagalog)

My Youth Began With Him (Tagalog) MYBWH

Author: Baby Piggie

4.6 (863 ratings)

343 Hindi ka Mamamatay kung Hindi mo Susuyuin ang Kamatayan (5) 4yr

Translator: - -Editor: - -

Lumingon si Huo Mian at nakita niya sila Gao Ran at Zhu lingling.
Sa maling lugar ba sumikat ang araw ngayon??
"Bakit kayo nandito ng magkasama? Nagkabalikan na ba kayo?" Biro ni Huo Mian.
"Nagkabalikan daw, tsk, hindi naging kami, okay? Idagdag pa rito, hindi ba dapat matamlay at malungkot ka ngayong araw? Bakit wala akong makita na kahit anong pagka-nerbyos mula sayo?" Tanong ni Gao Ran.
"Ang mangyayari ay mangyayari, ngumiti man ako o tumawa, walang magbabago sa resulta. At kahit ano pang mangyari, nangyayari na ito, kaya hindi na mahalaga kung hindi ako natutuwa rito. Hindi ba ito ang kaso?"
"Tingnan mo nga ang sarili mo, laging rational at reasonable, kaya hindi na nakakapagtaka kung ang trato sayo ni Qin Chu ay isang bihirang kayamanan. Dapat kang maging philosopher."
"Tigilan mo na nga yan, pag-usapan na natin ang mahalaga rito." Tinulak ni Zhu Lingling si Gao Ran.
Nung una, ayaw talaga ni Zhu Lingling na pakiusapan si Gao Ran na samahan siya, pero napagtanto niya na kung

Latest Updates