Not your preferred language? Here to Choose your language.
Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog)

Perfect Secret Love: The Bad New Wife is a Little Sweet (Tagalog) PSL

Author: Jiong Jiong You Yao

4.66 (867 ratings)

587 Kaya niyang akong buhayin 4yr

Translator: - -Editor: - -

Matapos ang ilang oras, sa restaurant:
Bumalik si Si Ye Han, na bigong makakuha ng kahit anong tulong.
Naghihinnalang tumingin si Ye Wan Wan sa kanya. Bakita ang tagal mo?
Matapos ulit makumpirma ni Liang Wan Jun at Ye Shao Ting kay Ye Wan Wan na si Si Ye Han ang kanyang boyfriend na inilarawan niya noon, bahagya silang kumalma.
Gayon pa man, isinaalang-alang muna ni Ye Shao Ting ang kanyang sasabihin bago humarap kay Si Ye Han at nagtanong, "Mr. Si, maaari ba akong magtanong ng ilang katanungan sa iyo?"
Si Ye Han: "Opo."
Sumabat si Ye Wan Wan, "Daddy, mommy, ako nalang tanungin ninyo kung may gusto kayong malaman."
"Huwag ka magsalita, Wan Wan," mahigpit na binalaan siya ni Ye Shao Ting.
"Oh…" sumunod na lang si Ye Wan Wan, ngunit ang kanyang puso ay walang tigil sa pagtibok.
Ayon sa nakagawian ng lahat, ang kanyang magulang ay siguradong magtatanong sa tungkol sa mga magulang ni Si Ye Han at tanong na nauugnay sa kanyang trabaho. Kung siya ay magbibigay ng teknikal na sagot sa mga tanong na ito, ang lahat ay magiging maayos… tama?
Katulad ng inaasahan, nagsimula na si Ye Shao Ting sa kanyang pagsisiyasat: "anong trabaho ng magulang mo Mr. Si?"
Si Ye Han: "Patay na

Latest Updates