Nakaraan Novels & Books - WebNovel

Not your preferred language? Here to Choose your language.

About 153 results

  • AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

    AFTER ALL (Tagalog Novel)(Book 1)

    Urban ROMANCE TAGALOG

    4.81

    Ang pagkawala ng lahat ng kanyang alaala ang naging dahilan ng pagbabago sa kanyang buhay. Hindi man ito sadya at lalong kailanman hindi n'ya ito inasahan. Subalit kailangang yakapin ni Angela ang kasalukuyan. Dahil dito na umiikot ngayon ang kanyang mundo. Simula ng magising siya bilang si Angeline Alquiza. Pero sino nga ba siya talaga? Hanggang kailan ba s'ya mananatili sa katauhan nito? Kung pwede nga lang sana gagawin n'ya ang lahat, h'wag lang mawala ang lahat ng ito sa kanya. Lalo na ang mga taong napamahal na nang husto sa kanya. Subalit alam n'yang ang lahat ay may hangganan. Pero paano kung patuloy siyang habulin ng kanyang nakaraan? May mga panaginip na patuloy na gumugulo sa kanyang isip, alam niya at ramdam niyang maaaring may kaugnayan sa nakaraan n'yang buhay. Hanggang sa makilala niya ang isang babaing sa una pa lamang misteryosa na ang naging dating nito sa kanya. Pero sino nga ba ang babaing ito? Na tila gusto pa yatang agawin ang lahat sa kanya, maging ang kanyang kaligayahan. Ang nakapagtataka pa tila ba may lihim itong galit sa kanya. Gayu'ng hindi naman n'ya ito kilala. Pero hindi nga ba niya ito kilala? Bakit unang narinig pa lang n'ya ang pangalan nito iba na ang pakiramdam n'ya. May nagawa ba s'yang pagkakamali sa babaing ito o sa kanyang nakaraan? Kaya ba walang naghahanap sa kanya. Dahil ba, isa s'yang masamang tao? Until one day she just found out that someone was suffering greatly because of her. After all that happened to her and after forgetting the past. Including the promise not being fulfilled. But how can she fulfill it? If she doesn't remember it, after all. * * * Author's Note: Ano man sa istoryang ito ang may pagkakahawig o pagkakatulad sa iba. Kagaya ng pangalan, karakter, lugar, mga salita man o mga pangyayari at iba pa ay hindi po sinasadya. Ang lahat ng nilalaman ng istoryang ito ay pawang kathang isip lamang. Bunga ng malikot na imahinasyon ng may akda. Hindi rin po ito maaaring gayahin ng sinuman ng walang pahintulot. Ito po ay orihinal na akda ng inyong lingkod. MARAMING SALAMAT!? _____ BY: MG GEMINI @LadyGem25

    detail
  • REINCARNATED LOVE (TAGALOG)

    REINCARNATED LOVE (TAGALOG)

    4.46

    WATTPAD TITLE: ADELA’S REINCARNATED LOVE MY USERNAME: CEDRYC143 #ROMANTIC #DRAMA #COMEDY #FANTASY #FICTION Paano kung ang taong minahal mo sa nakaraan ay ang taong mamahalin mo parin sa kasalukuyan? Pagmamahal na tanging ikaw lang ang nakakaalala? Paano kung ang mahinhin pero pilya, suplada pero mabait na sekretaryang si Adela ay mainlove sa suplado pero gwapong boss nya na si Luke? Paano kung nakatadhana pala silang magmahalan muli dahil sa kanilang nakaraan? Kaya ba nila itong ipagpatuloy at panindigan sa kasalukuyan? Paano kung ang taong dahilan ng naudlot nilang nakaraan ay magiging balakid muli ng kanilang kasalukuyan? Samahan nating umiyak, lumaban at magmahal muli si Adela at ang kanyang REINCARNATED LOVE for LUKE.

    detail
  • Looking Over You (Tagalog)

    Looking Over You (Tagalog)

    General ROMANCE R18 CEO POSSESSIVE TAGALOG

    4.35

    Dahil sa kagipitan sa perang pinansyal na pagdesisyunan ni Ehna na huminto muna ng pagaaral upang makatulong sa kanyang pamilya. Dahil sa pagkakautang sa mga Mondrian ay nagpasya siyang magtrabaho sa Hacienda kapalit ng pagkakautang ng pamilya nila rito. Lingid sa kanyang pagkakaalam ay naging isa siyang personal maid ng kaisa-isang anak ng pinakamayamang Negosyante sa barrio nila na si Zion Heteros Mondrian isang gwapong binata na walang pakielam sa mga taong nakapaligid dito, dahil sa kanyang kalagayan at masaklap na nakaraan. Dahil kasi sa aksidente ay nabulag ang binata. Sa pananatili ng dalaga sa hacienda ay matutunan kaya niyang paamuhin ang binata gayong ito na mismo ang nagbibigay ng pagitan sa paglalapit nila? Tuluyan na kaya nitong buksan muli ang puso at harapin ang kanyang bagong mundo? Paano kung malaman nila ang isang kagimbal gimbal na rebelasyon na maaaring babago sa pagtitinginan nilang dalawa?

    detail
  • Hahanapin Ko Ang Nakaraan Natin

    Hahanapin Ko Ang Nakaraan Natin

    Urban ACTION ROMANCE TAGALOG

    Romance that full of Action and Problems

    detail
  • SHE'S A VAMPIRE[TAGALOG NOVEL]

    SHE'S A VAMPIRE[TAGALOG NOVEL]

    Isang bampira na nabubuhay sa mundo ng mga tao. Isang bampira na walang ginawa kundi mamuhay ng normal kagaya ng isang normal. Ngunit, paano kaya niya haharapin ang mga taong nasa paligid niya kung nalaman nila na isa siyang kakaiba? Meet Ranya Kim-ang bampirang naninirahan sa mundo ng mga normal at ang nais lang ay maging kagaya ng mga ito ang kaniyang buhay. Matutupad kaya ang kaniyang hangarin na tanggapin sila at makaramdam ng pagmamahal mula sa mga ito? Abcde Xyz Jerusalem-Isang normal na tao na malaki ang galit sa mga bampira dahil sa nakaraan. Paano kung pagtagpuin ang dalawang nilalang na ito? Magagawa kaya nilang tanggapin ang isa't isa? Mananaig kaya ang pagpapatawad sa ngalan ng pagmamahal?

    detail
  • Supreme Asura

    Supreme Asura

    Fantasy ACTION ROMANCE ADVENTURE REINCARNATION SYSTEM COMEDY MAGIC WEAKTOSTRONG CULTIVATION IMMORTAL

    4.62

    Matagal na panahon na ang nakalipas, ang Apat na Kaharian ay patuloy na lumalaban upang maghanap ng mas mataas na kapangyarihan at mangibabaw sa kapwa nila kaharian. Pumapatay pa nga sila ng walang awa para masolusyunan ang namumuong kaguluhang ginaganap sa kapwa nila kaharia . Sky Flame Kingdom, Sky Ice Kingdom, Hollow Earth Kingdom at Wind Fury Kingdom, ang mga kahariang ito ay hindi kailanman uurong sa kanilang mga pansariling layunin at hinding-hindi kailanman makikita ang kanilang sarili na nasa ilalim. Sinasabing ang paglitaw ng Lungsod ng Dou na nagdudulot ng kapayapaan sa mga lupaing ito hanggang sa mga araw na ito dahil sa Kasunduan ng apat na kaharian na ito. Ngunit hanggang kailan magiging mabisa ang isang kasunduan o paano mas masusuportahan ng kapirasong kontrata na ito ang paparating na mga digmaan na gagawin ng bawat kaharian sa kapwa nila kaharian kung ganid ang nananaig sa kanilang mga puso? Sa edad na anim, napagtanto ng batang si Li Xiaolong ang hirap ng kanilang buhay dulot ng masama at malupit na pagtrato ng Sky Flame Kingdom na sumasakop sa kanilang angkan na Li Clan. Ito ay usap-usapan na ang kanilang Li Clan sa nakaraan ay nagpapagalit sa kanila ng Sky Flame Kingdom at hanggang ngayon ay nananatiling hindi nalutas na nagresulta sa ilang mapangwasak at kasawian ng Li Clan sa mga kamay ng kahariang ito. Ang Li Clan ay itinuturing na isang progresibong angkan sa nakaraan. Ang pagkakaroon ng ilang mahusay na tagumpay at pundasyon sa mga lupaing iyon na naninirahan sa mga progresibong angkan ngunit ngayon ay itinatapon sila sa mababang uri ng lupain sa Green Valley kung saan kailangan nilang magsimulang mabuhay muli at magpatuloy sa kanilang sariling pamumuhay. Ang sinasabi noon na nasa masaganang buhay ay nakabaon na sa nakaraan. Makakaligtas kaya sila sa kamay ng matataas na opisyal ng Sky Flame Kingdom kung sila ay mismo ay nananatiling mahina?

    detail
  • Maghihilom kaya ang sugat ng nakaraan sa pamamagitan ng PAG-IBIG?

    Maghihilom kaya ang sugat ng nakaraan sa pamamagitan ng PAG-IBIG?

    detail
  • I am a Rebound

    I am a Rebound

    Urban ROMANCE

    4.44

    Lahat ng desisyon na gagawin mo sa buhay mo, ikaw ang magbe-benipisyo. Tama man o mali ang gawin mo, ikaw pa rin magdadala nito. Sa mundo ay maraming choices. Iba-iba...Malaya kang pumili kung alin, saan, ano, at sino.Pero bago mo ariing iyo, kikilatisin mo. At pag nakita mong maganda nga, kukuhanin mo. Iingatan mo, at mamahalin mo.Subalit mapanlinlang ang mundo.Hindi lahat ng magandang nakikita mo ay tunay, matibay, at magtatagal. Nasisira din ito sa kalaunan. Pero dahil may importansiya ang lahat ng bagay, ay gagawin mo lahat ng paraan para yung nasira ay maayos at muling mapakinabangan. Hanggat naman naayos hindi ka maghahanap ng kapalit diba? Pag alam mo nang wala na, saka ka lang hahanap ng iba. Tama ba?Pero iba ang sitwasyon ni Yen.Isang lalaking bigo din sa pag ibig ang napili niyang mahalin.Papano niya ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kung ang taong napili niya, ay alipin pa rin pala ng nakaraan? Papano niya aangkinin ang taong inakala niyang kanya ngunit ang puso nito ay pag aari pa rin pala ng iba?Papano niya haharapin ang katotohanan na siya ay hindi naman minahal kundi panakip butas lamang? Rebound. Maipapanalo mo ba ang laban kung rebound ka lang?

    detail
  • Play for you (Gawong Story) (COMPLETED)

    Play for you (Gawong Story) (COMPLETED)

    LGBT+ ROMANCE R18 COMEDY CAMPUS

    May mga bagay at pangyayari sa buhay natin na pilit nating iniiwasan. Pilit na nating tinatalikuran pero paulit-ulit parin tayong hinahabol ng nakaraan. Bakit ba sadyang mapaglaro ang mundo? Binibigay sa atin ang mga taong hindi natin inaasahan na muling magbibigay ng ngiti sa ating mga labi. Darating ang taong magbibigay kulay sa madilim nating mundo. Magbibigay ng sigla sa mapait na damdamin. Pero ang tanong, ito ba ay pang habambuhay na o katulad lamang din ng iba na dadaan lang sa mga buhay natin upang tayo ay muling wasakin?

    detail
  • Rape Slay Case

    Rape Slay Case

    Urban R18 REVENGE RIGHTEOUS

    Bata pa si Alexa Salvador nang mamatay ang kaniyang ina sa sinapit ng mga rapist. Labis Ang kaniyang paghihinagpis, kalungkutan at pagdurusa.Ngunit nagbago ang lahat nang inampon siya ni Manang Loleng, ang matandang nakakita sa kaniya sa kalye at tumulong sa kaniya.Lumaki na siya at nag-aaral, naulit muli ang nakaraan ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon. Ang rapist ay siyang nang rape din sa kaniyang ina, mamatay ba din ba siya sa kamay ng mga lalaking lumapastangan sa kaniyang pagkababae? Makakamit pa ba niya ang hustisya sa kaniya at sa kaniyang inang pinatay ng mga walanghiyang rapist

    detail
  • My Best Friend's Best Friend Book 3 (COMPLETED)

    My Best Friend's Best Friend Book 3 (COMPLETED)

    LGBT+ ROMANCE COMEDY FAMILY YURI TAGALOG

    Meet Lila Ignacio, certified bisexual. Ang babaeng katatapos lang mag move on sa kanyang Ex-Girlfriend na ngayon nga ay may asawa na at masayang masaya na sa kanyang binubuong pamilya. Nangako ito na magpapaka straight na at hinding hindi na muling makikipag relasyon sa kapwa nito babae. At pinili na lamang na panindigan ang kanyang naging nobyo ngayon na si Micheal. But suddenly, she will meet this girl again for the second time around. Ang best friend din ng kanyang best friend na si Alice. Ang babae na galing din sa kanyang nakaraan at konektado sa pagkawasak ng kanyang puso. Ang dati nito na kinaiinisan. At kahit kailan ay hindi nito naisip na pagtatagpuin silang muli ng tadhana. When their worlds collide again, bubuksan kaya nitong muli ang kanyang puso para sa bagong pag-ibig? Pero, paano naman ang nobyo nito? Hahayaan niya bang mahulog muli ang kanyang sarili sa taong wala namang kasiguraduhan kung sasaluhin ba siya nito o hindi? Tama ba na hayaan na lamang ni Lila ang kung ano mang naka tadhana para sa kanya?

    detail
  • Kakaibabe

    Kakaibabe

    History ROMANCE HISTORICAL

    Anong gagawin mo kung sa panahong kinabibilangan mo ay wala naring nagmamahal sayo ngunit sa panahon namang napuntahan mo ay wala namang internet? Babalik ka ba?Makita kaya ni Kimmy ang true love niya sa nakaraan?O nasa kasalukuyan?

    detail
  • THE HEART OF AMNESIA

    THE HEART OF AMNESIA

    Realistic ROMANCE COMEDY

    Isa akong hamak na lalaki, na ang hanap ko ay isang babaeng mamahalin ako ng buo at tatanggapin ako. Ngunit sa hindi ko malamang dahilan, may isa pala akong katauhan sa nakaraan na nalimot ng isang trahedya/aksidente.BAKLA AKO!!! JOKE HAHA!

    detail
  • Fulfilled Duties (Tagalog)

    Fulfilled Duties (Tagalog)

    Realistic ROMANCE R18 COMEDY MYSTERY SLICEOFLIFE CAMPUS LOVETRIANGLE

    Kahit panay ‘No results found’ ang napapala ni Byeongyun gamit ang kaniyang mga robot sa paghahanap niya sa nobya niyang misteryosong inilayo sa kaniya apat na taon na ang nakalilipas ay hindi pa rin siya nawawalan ng pag-asa. Kahit kasi iniwan na niya ang South Korea para manirahan sa Pilipinas upang magsimula muli ay hindi siya iniiwanan ng bangungot ng kaniyang nakaraan. Ngunit sa tulong ni Deborah ay marami ang mahahalungkat na sikreto at mga tanong na unti-unti ng mabibigyan ng sagot. Bukod sa may babalik upang manira ay maraming magbabalat-kayo para lamang makapaghiganti.

    detail
  • Unforgotten past

    Unforgotten past

    Papaano kung ang nakaraan na pilit mong binabaon sa limot ay magbabalik makalipas ang limang taon.?Kahit isinumpa na ni arriane ang taong sumira ng pagkatao niya at nag iwan ng lamat upang kahit anong bagay pa man ang naabot niya at kahit isa na siyang successful woman at her age.Papaano niya makukuha ang respeto at pagmamahal ng taong tanging hinangad lamang niyang makasama habambuhay kung Mas kilala siya nito bilang isang mistress at madaling babae. papaani kung tanging pangmamaliit ang matatanggap niya mula rito?.Ang naging pagkakamali ba niya ang siyang sisira sa pagkatao niya dahil lamang sa kapusukan niya sa kanyang nakaraan.?Tunghayan ang kwento ng pag ibig nina Arriane at Nathaniel.. kung papaano nila matatanggap na ang pagkakamali na nagagawa nila sa isa't isa ay dulot lamang pala ng pagmamahal

    detail
  • The Famous And The Bad Girl Book 4 (COMPLETED)

    The Famous And The Bad Girl Book 4 (COMPLETED)

    LGBT+ ROMANCE COMEDY FAMILY YURI

    Rae Lewis, nagmula ito sa isang mayaman na pamilya, isang sikat at kilalang celebrity sa buong bansa. Hinahangaan ng nakararami, mapababae man o lalaki. There is no one who does not fall in love with her charm and her beauty. Halos lahat, pangarap ang mapa-ibig ang isang katulad niya at makuha ang matamis nitong, Oo. Ngunit ang kanyang puso ay para lamang sa nag-iisang tao, isang tao na unang beses pa lamang nitong nakita ay napa-ibig na siya ng angkin nitong kagandahan at iyon ay walang iba kung hindi si Adriana Mendoza.Adriana Mendoza, the multi-millionaire, daughter of a well-known and one of the most feared mafia in the country. Ang babae na wala na sanang balak na pasukin pang muli ang mundo ng pag-ibig, pagkatapos mawala ang kanyang pinakamamahal na babae. But what would happen if a famous celebrity will fall inlove with her?Handa kaya siyang sumugal muli sa ngalan ng pag-ibig? Kahit na ang kapalit noon ay ang katotohanan na magbabalik sa kanya sa mapait nitong nakaraan.

    detail
  • Here's Your Perfect COMPLETED

    Here's Your Perfect COMPLETED

    Realistic ROMANCE COMEDY FAMILY TWISTED TAGALOG

    Christian Ocampo decides to go to an island in Palawan to move on and completely forget his painful memories from his Ex-lover. Ngunit paano kung may matagpuan itong isang Jazmine Flores, babaeng ubod ng kulit at pagpapapansin. Magagawa nga ba nitong makalimot sa kanyang mapait na nakaraan? Makakatulong nga ba si Jazmine sa kanyang planong paghilom? But what if for Chris, Jazmine is not really a stranger he met on the island? Paano kung si Jazmine at ang babae na gusto na nitong kalimutan ay iisa lamang?

    detail
  • Dito, Dito Sa Puso Ko

    Dito, Dito Sa Puso Ko

    "You remind me of someone so dear to my heart...."-Syke Rafael FontanillaSi Syke Rafael Fontanilla na yata ang pinaka-masungit ngunit gwapong lalaking nakilala ni Wevz. Nakahanda siyang tulungan itong baguhin ang pananaw sa buhay. Ngunit paano niya magagawa iyon sa isang taong ayaw bumitiw sa ala-ala ng nakaraan?At paano kung siya ang nagbi-bigay buhay sa nakaraan na iyon?

    detail
  • BREAK MY LIES

    BREAK MY LIES

    Urban ROMANCE

    Kalilimutan mo ba ang masalimuot mo'ng nakaraan kahit ang kapalit nito'y ang takasan din ang masasayang alaala?

    detail
  • My Last (MAS book 2)

    My Last (MAS book 2)

    Urban TAGALOG

    4.76

    Misan sadyang mailap ang panahon at pagkakataon. Minsan hindi kayang hilumin ng kapatawaran ang nakaraan pero kayang baguhin ng pagmamahal ang nararamdaman. Maaring ikaw pa rin, o sa dulo ay hindi pero kung sino man ang huli- maaring magmahal uli. Book 2 of Marrying A Stranger -You cannot understand this book without reading Marrying A Stranger (book 1)

    detail