Forum Download app Gifts
65% The Broker Series #1.2: ARME / Chapter 13: CHAPTER 13

CHAPTER 13 - The Broker Series #1.2: ARME - Chapter 13 by Hxnnxhssi full book limited free

Chapter 13: CHAPTER 13

Younis's Point of view

Napabangon ako sa kama ko na masakit ang ulo. Nilibot ko ang pangin ko. Nasakwarto ko ako. Bumangon na ako ng makita ko ang oras. Kahit na may hangover pa ako ay pumunta agad ako sa bathroom.

Wala akong matandaan kagabi kung anong nangyari. Pagkatapos kong naligo ay lumabas na ako ng kwarto.

Pagpunta ko sa kusina ay nanduon si Kent na kumakain na mayroong kakaibang tingin sa akin. Problema n'ya ba.

"Kailan ka pa natutong uminom?" tanong n'ya sa akin.

Kumuha ako ng isang pancake na nakalagay sa plate n'ya.

"Hindi ko rin alam," walang gana kong sagot.

"Papasok na ako," paalam ko sa kan'ya.

"Akala ko ba aalis ka na sa Arme?" tanong sa akin ni Kent. Tinignan ko s'ya. Gusto ko na talagang umalis. Kung pwede lang na wag ng magpakita basta-basta duon ay ginawa ko na.

"Akala ko rin," sagot ko sa kan'ya. Naglakad na ako palabas.

Habang nasa bus ako ay iniisip ko kung ano ang nangyari kagabi. Ang naaalala ko lang ay nakita ko si Emer bukod duon ay wala na akong natatandaan.

Si Emer kaya ang naghatid sa akin sa bahay. Lutang akong dumating sa Arme building. Pagpasok ko sa loob ay nakasalubong ko si President Snipe.

Seryoso s'yang nakatingin sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko papunta sa elevator.

Nagulat ako ng pumasok din s'ya, pero hindi ko pinahalata iyun.

Nagbow ako sa kan'ya at balak na lumabas dahil nasaloob si President Snipe. Maglalakad na sana ako ng mapatingin ako sa damit ko na gawak ni President Snipe.

Biglang pinindot ni President ang sixth floor na button. Sumara na ang pinto ng elevator kaya hindi na ako nakalabas pa.

"Puntahan mo ako mamaya sa rooftop," seryosong sabi ni Snipe. Napatingin ako sa kan'ya. Kaming dalawa lang ang nasaloob ng elevator.

"Bakit po?" taka kong tanong. Hindi s'ya nakatingin sa akin.

"Sumunod ka na lang," walang emosyon n'yang sagot. Umiwas ako ng tingin sa kan'ya. Hindi pa rin ako kumportable na kasama s'ya.

Nagbow ako kay Snipe bago lumabas sa elevator papunta sa floor namin. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin n'ya sa akin sa rooftop, pero hindi ako pupunta duon.

Pagpasok ko sa office ay mukha agad ni Carol ang bumungad sa akin. Ang aga naman n'yang mang-inis. Pumunta na ako sa table ko.

"Bakit nandito ka?" tanong ni Kevin sa akin.

Taka ko s'yang tinignan n'ya.

"Magtratrabaho ako," sagot ko sa kan'ya.

"Team leader Younis duon na po ang table n'yo," sabi ni Janice sabay turo ng table ni Team leader Wendell. Wala na si Team leader at baka nasa office na s'ya dahil manager na nga pala s'ya.

"Bakit nawala ka kahapon?" tanong ni Kevin sa akin. Tinignan ko s'ya.

Oo nga pala hindi ako nakapagpaalam sa kanila dahil tumakas lang naman ako.

"Sumakit kasi tyan ko bigla," palusot ko.

Tumayo na ako para pumunta sa bago kong table. Table lang naman ang nagbago sa akin.

Wala pa rin akong gana na gumawa ngayon. Kinuha ko ang mga papel na naiwan ni Team leader dito at binasa ko lang iyun.

Hindi ko pa naman alam kung ano ang mga trabaho ni Team leader kaya kailangan ko pang pag-aralan.

Dapat ay matuwa ako dahil sa pagkakapromote ko sa position na ito, pero parang lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko. Masakit pa ang ulo ko dahil sa pag-inom ko kagabi.

Ilang oras kong pagbabasa.

"Team leader, hindi ka maglalunch?" tanong sa akin ni Kevin. Umiling na lang ako. Wala akong nararamdaman na gutom ngayon.

"Wala akong gana," sagot ko sa kanila. Tumango naman si Kevin at umalis na sila ni Janice.

Hindi gutom ang nararamdaman ko kung hindi pagod. Dinukdok ko ang ulo ko sa desk at pinikit ko ang mata ko.

Kahit pa maging manager ako dito, feeling ko hindi ako sasaya.

Napaangat ang ulo ko ng biglang tumunog ang phone ko. Number lang iyun kaya pinatay ko. Wala akong gana makipag-usap ngayon.

Babalik sana ako sa pagkakadukdok ng ulo ko sa desk ng tumunog na naman ang phone ko, pero message lang naman.

Napakunot ang noo ko ng mabasa ko iyun.

"Pupunta ka o ako pupunta dyan?" Napaisip agad ako kung kaninong number iyun. Binura ko kasi ang number ni Snipe sa phone ko dahil wala naman ng dahilan para magkaroon kami ng communication pa.

"Ano po ba kailangan n'yo?" tanong ko sa kan'ya sa text.

"I give you five minutes, if you're not here I'll go down," banta n'ya sa akin sa text. Wala naman na akong nagawa kung hindi tumayo.

Hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin n'ya sa akin. Kung tungkol lang naman iyun kay Glenn ay wala naman akong paki-alam sa lalaking iyun.

Gusto ko ng lumayo kay Snipe, pero bakit lagi na lang kaming pinagkikita.

Sumakay ako ng elevator papunta sa rooftop. Pagdating ko duon ay huminga muna ako ng malalim bago ko buksan ang pinto ng rooftop.

Buti na lang talaga ay walang masyadong nagpupunta dito. Bumilis ang tibok ng puso ko ng makita ko si Snipe na nakatalikod sa akin na mukhang tinitignan ang paligid.

Nakalagay ang kamay n'ya sa likoran n'ya. Dahan-dahan akong naglakad papunta palapit sa kan'ya. Mukhang hindi n'ya napansin ang paglapit ko dahil sa wala akong ingay na nagawa.

Pinagmasdan ko ang likuran ni Snipe. Dati ay pwede kong yakapin s'ya basta basta, pero ngayon ay kakausapin lang ay patago pa.

"President," tawag ko sa kan'ya. Seryosong humarap sa akin si Snipe. Seryoso din itong nakatingin sa akin kaya nailang ako.

"Stop calling me President," malamig n'yang sabi sa akin.

"May kailangan tayong pag-usapan," seryoso n'yang sabi sa akin.

Umangat ang tingin ko sa kan'ya.

"Ano naman iyun?" tanong ko sa kan'ya.

"Ayokong pag-usapan iyun dito," sagot n'ya sa akin. Na nanatili na seryoso s'ya.

"Bakit mo pa ako pinapunta dito?" taka kong tanong sa kan'ya. Kung ayaw rin naman n'yang pag-usapan dito bakit pa n'ya ako pinapunta dito.

"Puntahan mo ako sa apartment ko bukas," seryosong sabi ni Snipe.

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi n'ya.

"Bakit naman kita pupuntahan duon?" tanong ko sa kan'ya.

"Pumunta ka na lang," saad n'ya.

"Hindi ko alam apartment mo," sagot ko sa kan'ya. Hindi naman ako manghuhula para hulaan ang apartment n'ya. Find authorized novels in Webnovel, faster updates, better experience, Please click <a href="https://www.webnovel.com/book/the-broker-series-1.2-arme_17006353505111705/chapter-13_55510067872595394">www.webnovel.com/book/the-broker-series-1.2-arme_17006353505111705/chapter-13_55510067872595394</a> for visiting.

"Sa dati kong apartment," sabi n'ya sa akin.

"Sa apartment kung saan nagsimula ang lahat," paliwanag n'ya. Napatingin ako kay Snipe. Nagtataka ako kung bakit kailangan pa namin pumunta duon.

"Babalik na ako sa office," dagdag pa n'ya.

Naglakad si Snipe at nilagpasan ako. Humarap ako sa kan'ya habang naglalakad na ito palayo sa akin.

"Hindi ako pupunta," seryoso ko ring sabi sa kan'ya. Huminto ito sa paglalakad, pero hindi s'ya humarap sa akin.

"Hihintayin kita," malamig n'yang sabi.

"Ayoko, hindi mo ako makikita sa lugar na iyun," sabi ko sa kan'ya.

"Hindi ko na kailangan na pumunta kung saan tayo nagsimula dahil tapos na rin naman tayo," paliwanag ko sa kan'ya.

Biglang humarap sa akin si Snipe at seryoso akong tinignan.

"Wala ka bang natatandaan kagabi?" seryoso nitong tanong sa akin.

Napaisip ako sa tanong n'ya at pilit na inaalala ang nangyari kagabi.

"I guess you forgot," sabi n'ya.

"Ano ba ang kailangan kong matandaan?" tanong ko sa kan'ya. Wala talaga akong idea sa nangyari kagabi. Nagkita ba kami kagabi o saan kami nagkita.

"May itatanong ako sayo sa lugar na 'yun," sabi n'ya sa akin. Malayo sa tanong ko ang sagot n'ya.

"Hindi ako pupunta," sabi ko sa kan'ya.

"Hihintayin kita," tugan n'ya sa akin.

"Wag ka ng umasa na pupunta ako," seryoso kong sabi sa kan'ya.

Tumalikod si Snipe sa akin.

"Pumunta ka man o hindi, maghihintay ako," sagot n'ya sa akin. Bigla ng naglakad si Snipe papasok sa loob at naiwan ako mag-isa dito sa mahangin na rooftop.

Napabuntong hininga ako. Naglakad ako papunta sa couch at iniisip kung ano ba talaga ang nangyari kagabi.

Kahit ano wala akong matanda na nagkita kami ni Snipe. Sumandal ako sa inuupuan ko at tumingin sa langit.

Ano ba kasi ang nangyari.

Tumayo na ako at naglakad papasok sa loob ng building. Wala naman akong magagawa. Hindi ko rin maalala ang mga nangyari, pero nagkita kami ni Emer iyun lang ang natatandaan ko.

Pati pinag-usapan namin ni Emer wala na akong matandaan.

Hindi naman kasi ako umiinom kaya madali lang akong malasing.

Bumalik ako sa office namin at nakita ko si Carol na nakacross Arme na nakatayo. Nakataas pa ang kilay n'ya habang nakatingin sa akin.

Hindi ko s'ya pinansin at umupo na sa table ko. Ipagpapatuloy ko na lang ang pagbabasa ko.

"Suspended si Harold ngayon dahil sa kagagawanan mo!" inis nitong sabi sa akin. Ramdam kong naglakad s'ya sa tapat ng table ko dahil sa tunog ng sapatos n'yang suot.

Hindi ko s'ya tinignan at patuloy lang ako sa binabasa ko.

"Wala akong paki kung Team leader ka na dito. Nakuha mo lang naman ang position na 'yan dahil sipsip ka," galit na sabi ni Carol.

"Tapos ka na ba? May gagawin pa ako," walang gana kong sabi sa kan'ya na hindi ko man lang binibigyan ng tingin.

Bigla n'yang kinuha ang papel sa harapan ko para kuhanin ang attention ko, pero kumuha ako ng bagong paper na babasahin.

"Nang-iinis ka ba?" pikon n'yang tanong sa akin.

"Kung na-iinis ka, Oo ang sagot ko," sagot ko sa kan'ya. Kumuha ako ng ballpen para maglagay ng notes sa binabasa ko.

"Ikaw ang gumawa ng design na ito?" tanong ko kay Carol at pinakita ko sa kan'ya ang masakit sa mata na design para sa packaging.

Nilamukot ko iyun at timapon sa basurahan. Binalik ko ang tingin ko sa papel.

"Bwisit ka!" sigaw n'ya sa akin. Pinatong n'ya ang kamay n'ya sa sa table kaya napaangat ang tingin ko sa kan'ya.

"Pag hindi mo inayos ang gulo na ginawa mo kay Harold. Humanda ka sa akin," banta n'ya sa akin.

"Kailangan ko bang matakot?" walang gana kong tanong sa kan'ya para inisin pa ito.

"Matakot ka talaga," sagot n'ya sa akin. Tumango na lang ako sa kan'ya para tumahik na s'ya.

"Sabi mo eh," pag sang-ayon ko sa kan'ya.

"Alamin mo kung sino kinakalaban mo Killpack," seryoso nitong sabi pa sa akin.

Walang gana ko naman s'yang tinignan.

"Awts gege," pang-iinis ko sa kan'ya. Biglang namula ang mukha ni Carol dahil sa pikon.

Wala akong sa mood makipag asaran sa kan'ya, pero masaya pala makita pag pikon na pikon na s'ya.

"Bakit pa napakadepensive mo pagdating kay Mr. Shin?" tanong ko sa kan'ya. Sumandal ako sa inuupuan ko at tinignan si Carol habang hinihintay ko ang sagot ni Carol.

"Bukod sa kabit ka lang naman n'ya. Ano pa ang dahilan mo?" tanong ko sa kan'ya.

Pinatong ko ang dalawa kong siko sa table at pinatong ko ang baba ko sa dalawa kong kamay sabay tingin kay Carol na nakatitig sa akin.

"Posible kayang ang isang member ng marketing department ay kasabwat sa katiwalian na nagaganap sa accounting department?" tanong ko sa kan'ya. Ngumisi ako ng umiwas s'ya ng tingin sa akin.

"Pinagbibintangan mo ba ako?" tanong n'ya sa akin.

"Ang dami natin sa marketing department," sagot ko sa kan'ya.

"Pero kung icle-claim mo baka nga ikaw," pang-iinis ko sa kan'ya.

"May pruweba ka ba?" matapang n'yang tanong sa akin.

"Wala," sagot ko sa kan'ya.

Ngumisi s'ya sa akin at masamang tingin ang binigay n'ya.

"Kung wala naman pala edi manahimik ka," seryoso n'yang sabi.

Ako naman ang napasmirk sa sinabi n'ya. "Kusa naman lalabas iyun," seryoso ko rin sabi sa kan'ya.

"Hindi mo kilala kung sino ako."

Tinaasan ko ng kilay si Carol at tinignan ng mabuti ang mukha n'ya. "Wala akong balak kilalanin kung sino ka pa," seryoso kong sabi.

"Tandaan mo ito, bilangin mo na ang araw mo dito sa Arme," banta n'ya sa akin.

"Kailangan ko na bang matakot? Ikaw ba ang secretong anak ng may-ari ng Arme building?" sarcastic kong tanong sa kan'ya.

"Umalis ka na sa harapan ko baka pakainin pa kita ng papel," banta ko rin sa kan'ya. Binalik ko na ang tingin ko sa papel. Umalis na sa harapan ko si Carol.

Buti naman, baka nga ipakain ko talaga sa kan'ya ang papel. Nagpakaabala na lang ako sa ginagawa ko.

Snipe's Point of view

Pagkalabas ko sa rooftop ay pumunta agad ako sa ground floor. Uuwi ako sa bahay ngayon.

Pagkalabas ko ng building ay pumunta ako sa parking lot. Sumakay sa kotse ko at pinaharurot iyun papunta. Uuwi ako sa bahay ni lola Esmeralda.

Wala muna akong sasabihin sa kan'ya tungkol sa nalaman ko. Gusto kong malaman kay Younis ang lahat bago ako kumilos.

Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni Younis o dalawa lang iyun ng kalasingan n'ya kaya n'ya iyun na sabi.

Mabilis ang pagpapatakbo ko sa kotse at wala na akong paki sa traffic rules sa dinadaanan ko.

Tumunog ang phone ko kaya agad kong sinagot iyun. Hindi ko alam kung sino basta ay tinapat ko na lang sa tenga ko.

"Saan ka?"

Boses palang ay kilala ko na kung sino l, si Julie.

"Uuwi ako sa bahay," seryoso kong sagot sa kan'ya.

"Talaga, pupunta din ako," masaya n'yang sabi sa kabilang linya. Pinatay ko na ang phone ko at lalong binilisan ang takbo.

Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako ng mga tauhan namin. Kasama na duon si David.

Naglakad ako papasok sa loob at pinagbuksan ako ni David ng pinto. Ilang linggo akong hindi umuuwi dito sa bahay.

"Sniper!" masayang tawag sa akin ni Mama ng makita ako. Bigla s'yang lumapit sa akin at niyakap.

"Buti naman at naisipan mong umuwi," sabi ni mama sa akin.

Napatingin ako sa hagdan ng pababa duon si Lola Esmeralda. Nakatingin s'ya sa akin na may ngiti sa labi.

"Apo ko," bati nito sa akin. May isang maid sa tabi n'ya, para alalayan s'ya.

"Ma, I go up," paalam ko kay Mama sabay halik sa noo n'ya. Nagsimula na akong maglakad.

Lalagpasan ko na sana si Lola Esmeralda ng bigla itong magsalita. "Snipe," tawag n'ya sa akin.

Huminto lang ako sa paglalakad, pero hindi ko s'ya tinignan.

"Tanggalin mo na si Younis," saad ni Lola Esmeralda.

Humarap ako sa kan'ya at kunot noo ko s'yang tinignan. "What the reason?" tanong ko sa kan'ya.

Humarap din sa akin si Lola Esmeralda na seryoso ang mukha.

Naramdaman ko ang paglapit ni mama sa tabi ko at hinawakan ang kanan kong braso. Kaya ayaw kong umuuwi dito dahil hindi ako kumportable na makita ang lola ko.

"Julie isn't enough reason?" seryoso n'yang tanong sa akin.

"Definitely yes, she's not enough," walang gana kong sagot sa kan'ya.

Ang walang emosyon na mukha ni Lola Esmeralda ay halatang nagpipigil na lang ito ng galit, pero wala akong paki kung magalit man s'ya o hindi.

"Tatanggalin mo ang babaeng iyun o ako ang magtatanggal sa kan'ya," banta nito sa akin.

Umayos ako ng tayo at napayukom ang kamay ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni mama sa braso ko.

"Hindi ako ang nagpasok sa kan'ya," sagot ko sa kan'ya.

"Pero may kamangyarihan kang tanggalin ang babaeng iyun," sabi ni Lola Esmeralda.

"Wala akong dahilan para tanggalin s'ya," pagpupumilit ko.

"Sniper, sumunod ka na lang sa lola mo," pagsang-ayon ni Mama kaya lola Esmeralda.

Tinignan ko si Mama. Pati ba naman s'ya.

"Hindi mo ba nahahalata na kaya s'ya bumalik para landiin ka dahil President ka na ng isang company," paliwanag ni lalo Esmeralda.

"Noong panahon na wala sayo ang lahat nasaan s'ya? Hindi ba iniwan ka n'ya," dagdag pa ni Lola Esmeralda.

Tinanggal ko ang pagkakahawak ni Mama sa braso ko at walang gana ko silang tinignan. Kahit ano pa ang sabihin nila ay hindi ko gagawin ang gusto nila.

"Ikakasal ka na kay Julie, kaya dapat s'ya ang iniintindi mo," sabi pa ni Lola Esmeralda.

"Snipe!"

Lahat kami ay napalingon ng mayroong tumawag sa akin.

"Julie apo," bati ni Lola Esmeralda kay Julie na mukhang kadadating lang.

Tumalikod ako sa kanila at nagsimula ng maglakad papunta sa kwarto ko.

"Snipe!" rinig kong tawag sa akin ni Julie.

Hindi ko s'ya pinansin at patuloy na naglakad.

"Snipe!"

Naramdaman ko ang paghawak ni Julie sa braso kaya bigla akong humarap sa kan'ya at hinila ko ang braso ko.

Na out of balance si Julie dahilan ng mapaupo ito sa sahig.

"Julie!" concern na tawag ni Lola Esmeralda at bigla silang umakyat kung nasaan kami.

Hindi ko sila pinansin. Tumalikod na ako para maglakad ulit, pero sa pangalawang pagkakataon ay may humawak na naman sa braso ko na lalo kong ikinainis.

Hinila ko iyun at sinamaan ng tingin si Julie.

"Pwede ba, Julie gusto kong mapag-isa!" sigaw ko sa kan'ya. Napaatras si Julie dahil sa ginawa ko.

Napapikit na lang ako ng may maramdaman ko ang sampal ni Lola Esmeralda sa akin.

"Ma!" sigaw ni Mama. Seryoso kong tinignan si Lalo Esmeralda.

"Ano bang problema mo?!" sigaw sa akin ni Lalo Esmeralda.

"Lola tama na po," awat ni Julie.

"Snipe, ok ka lang ba?" tanong sa akin ni Julie.

Tumalikod na ako sa kanila at pumasok sa kwarto ko. Malakas kong sinarado ang pinto.

Umupo ako sa sahig at ang bigat ng nararamdaman ko.

Bakit sarili ko pang pamilya ang gumagawa sa akin ng ganito. Bakit ang pamilya ko pa ang nagpapahirap sa akin. Pamilya ko pa ang pumipigil sa akin. Sarili ko pang pamilya ang humadlang sa taong mahal ko.

Napatingin ako sa taas. Ayoko ng pigilan pa ang sarili ko. Gusto ko na lang kumawala sa lahat at lumayo sa kanila.

Kinabukasan ay maaga akong umalis sa bahay para pumunta kung saan nagsimula ang lahat sa amin ni Younis.

Halos tanghali na ako nagkarating duon. Pansin ko ang dating tinatayuan ng EmerArt shop ay ngayon ay may ibang shop na ang nakatayo.

Pumunta ako sa apartment na ako ang may nagmamay-ari.

Umakyat ako sa third floor kung nasaan nanduon ang room ko. Nasapinakadulo iyun.

Pagpasok ko sa room ko. Kung ano ko ito iniwan ay ganun pa rin ito ngayon. Nagkalat ang mga gamit.

Pumasok ako sa kwarto at nanduon ang nagkalat na mga libro. Pumunta ako terrace ng kwarto ko para tignan ang labas.

Ang dating damo at puno lang dati ay ngayon ay mayroon ng mga nakatayong bahay.

Hindi ko tatawagan si Younis para papuntahin s'ya dito. Hindi ako aalis sa lugar na ito hanggang hindi ako naliliwanagan sa lahat.

Gusto kong malaman ang lahat bago pa ako masiraan ng bait kakaisip kung bakit pa ako iniwanan ni Younis.

Kung dahil ba kay Emer or dahil sa Lola ko. Pinagmasdan ko ang paligid sa terrace. Bigla akong mayroon maalala.

Pumasok ako sa kwarto ko at sa study table ko ay mayroong drawer iyun.

Kinuha ko ang maliit na box na nakalagay duon. Binuksan ko at nakita ko ang isang singsing.

Tinapon ko na ito, pero akala ko kaya kong iwala, pero hindi kaya nagpatulong ako kay Rifle at Uzi na ganapin ito.

Itong singsing na ito ang ibibigay ko kay Younis na magpropropose ako sa kan'ya, pero hindi ko pa nalalabas ang singsing ay iniwanan na n'ya ako.

Sinarado ko ang maliit na box at binalik iyun sa drawer. Humiga ako sa kama at pinikit ko ang mata ko.


next chapter
Load failed, please RETRY

Weekly Power Status

Rank -- Power Ranking
Stone -- Power Stone

Batch unlock chapters

Table of Contents

Display Options

Background

Font

Size

Chapter comments

Write a review Reading Status: C13
Fail to post. Please try again
  • Writing Quality
  • Stability of Updates
  • Story Development
  • Character Design
  • World Background

The total score 0.0

Review posted successfully! Read more reviews

Cost Coin to skip ad

You can get it from the following sources

  1. 1. Daily check-in
  2. 2. Invite friends invite now >
  3. 3. Vote for new stories Vote >
learn more >
Vote with Power Stone
Rank NO.-- Power Ranking
Stone -- Power Stone
Report inappropriate content
error Tip

Report abuse

Paragraph comments

login